Saturday, November 12, 2011

ISANG BUWANG PAG IBIG!!

ISANG BUWANG PAG IBIG
Ni rhea hernandez
Pinoy poems

Kay tagal mo akong niligawan bakit ganito ang kinahantungan?
Isang buwang pag ibig lang ang iyong alay sa ating kinasadlakan.
Bakit mo pa ako sinuyo kung ganito lang ang magiging katapusan.
Sadya bang ganyan ka mag mahal kay daling mawala kalimutan?

Akin pang natatandaan para kang maamong tupa noong nanliligaw.
Sa mahabang panahon ang aking damdamin para sa iyo ay napukaw.
Ang ating pag mamahalan ang siyang nag hari at nangingibabaw.
Kaya anong ligaya  puedeng ipagsigawan dito sa mundong ibabaw.

Bakit ganito ang kinasadlakan isang buwang pag ibig ang iyong alay.
Sadya bang ganyan ang iyong puso isang salawahan alang tibay na taglay.
Bakit mo dinurog itong maramdamin kong puso hinayaan mong managhoy.
Kay sakit ang dulot ng alay mong pag suyo di kayang dalhin sa paglalakbay.

Ngayon kay rami kong katanungan di ko makita ang sagot sa aking kaisipan.
Sadya bang ganito ang umibig mag mahal kung kailan mo nararamdaman.
Saka mo matutuklasan di lang pala ikaw ang kanyang kasuyo napag alaman.
Sayang lang ang mga panahong inukol at damdaming inyong pinagsaluhan.

Dapat nga bang paghinayangan ang ganitong pag mamahal walang maaasahan.
Wala kang makita maramdaman sa kanyang katapatan sa inyong pag mamahalan.
Sadya ba ang pag suyo mo sasayangin  ng ganoon na lang alang kakapuntahan.
Sayang na pag ibig di pinahalagahan isa pa naman itong wagas at handang ilaban.

Kailan kaya makikita ang tunay na pag ibig sa mundong ibabaw yong wagas.
Kung iyong damhin na kay tamis kay sarap mangarap kapiling na alang hinagpis.
Siguro kay sarap mabuhay at kay ligaya kung alang hinagpis sa alang kawangis.
Ang pag ibig kay ganda kung ito may katugunan sa iyong minamahal nakakamis.

Sa loob ng isang buwan aking naramdaman ang wagas mong pag ibig  sa akin.
Pinaramdam mo ako’y mahalaga kay ligaya kay sarap mangarap na ako ibigin.
Halos ialay mo sa akin ang mga bituin sa kalangitan pero bakit ito sasapitin.
Mayroon akong kahati dyan sa puso mong mapag hanap sanay iyong aminin.

Iisa lang naman ang aking munting kahilingan sana ako lang dyan sa puso mo.
Bakit ngayon parang lahat ay nagbago di ko maintindihan talaga ganito ba ito?
Isang buwan nga lang ba ang katapat ng wagas na pag suyo itong puso tuliro.
Di maintindihan bakit biglang gumuho ang mga sandaling pinagsaluhan bigo.

Isang buwang suyuan kay hirap balik balikan sa alala isang masakit karanasan.
Pero ano ang aking magagawa talagang ganito ang buhay minsan masasaktan.
Kahit sandali nakatikim ng pansamantalang kaligahan sa piling na pinagkatiwalaan.
Sa piling mo naramdaman ang sandaling kapayapan ng damdamin at katiwasayan.

Pinaramdan mo sa akin mahal mo rin ako at pinahalagahan yon nga lang di ako sapat.
Nag hanap ka pa ng iba na siyang di ko kaya na mayroon akong kahati yon mabigat.
Sa lahat ito ang di ko kayang tangapin masyado akong selosa at alang sa puso katapat.
Siguro talagang ganyan ang buhay di tayo sa isa’t isa naging salawahan pusong malupit.
Ni rhea Hernandez November 12,2011

No comments:

Post a Comment