Sunday, November 13, 2011

RUBY ANN SA IYONG KAARAWAN!!

RUBY ANN ZUNIGA HERNANDEZ
Para sa iyong kaarawan mahal kong anak
Pinoy poems


Handog ng isang ina sa kanyang anak sa kanyang kaarawan!!
Maligayang kaarawan mahal kong anak sa puno ka ng kagalakan,
Itong araw na iyong kapanganakan puno ng kaligayahan at kasiyahan,
Sana’y maligaya ka at alang anumang dinaramdam  puro ng kagalakan.

Akin pang natatandaan ng ikaw aking inuluwal dito sanlibutan,
Kabilis ang pangyayari noon naman gusto mo makita angking kariktan.
Ura urada ikaw lumabas ng bahagyan paramdan ng sakit ng aking tiyan.
Di ka nag papigil sa kagustuhan mong makita ang magandang kapaligiran.

Kay ganda mong bata noon para kang anghel noon aking nasilayan ,
Kay raming nag sasabi na kay laki mong sanggol di pangkaraniwan.
Noon palang nasabi ko sa aking sarili lalaking may angking kariktan,
Pag umaga papalahaw ka na ng iyak hihingin ng iyong kinasasabikan.

Noong bata ka pa ayaw  mo ang gatas sa bote laging sa akin,
Isipin mo nag aaral kanang mag salita di pa kita maawat sa akin,
Kaya naman masyado kang naging malapit ay malambing sa akin,
Nag iisa kitang anak na babae kaya naman naging close ka sa akin.

Lumaki ka kay bilis ng panahon noong iiwan kita kay inang ayaw niya,
Di kapa marunong magsalita matatas marunong ng pumitas ng buko kaya,
Kay taas ng puno iyong inakyat di niya malaman kung paano ka ibaba,
Sabi ni inang noon anu bayang anak mo kay taas inaakyat alang kalula lula.

Lumaki kang bantay sarado sa aking pangangalaga kaya para kang mutya,
Kakaiba sa mga bata sa kapaligiran laging maayos kay sarap halikan tuwina,
Pero lumaki kang masungit sa mga taong humahalik syo sabi mo mabaho sila,
Sa ganoon lalu ka nilang pinang gigilan tuwing ikaw ay kanilang nakikita.

Dumating ang panahong naging abala ako sa aking negosyo iniwan sa yaya,
Doon mo sinabi sa akin di mapaniwalaan sa mura mong isipan ako napatulala,
Sabi mo mommy sino ang mas mahal mo iayang mag alaga mo o kami ni kuya!
Doon ko naisip na nababawasan na pala ang naiiukol kong oras sa inyo pag aalaga.

Doon kita kinausap kailangan kong gumising ng maaga para sa ating ikakabuhay,
Sa mura mong isipan ako’y iyong naintindihan sabi mo nga kayo’y mag iintay,
Kailan ako matatapos sa aking mga gawain sa maliit nating farm laging nakabantay,
Kung minsan maaga akong makakatapos ikaw napapalundag maigsi ang pinag intay.

Pumasok sa eskuwela doon pinakita mo ang iyong angking kakayahan,
Lagi akong nag sasabit sa iyo ng medalya tanda ng iyong karunungan,
Di lang iyon lagi ka parin nasasali sa mga contest sa isip o kagandahan,
Lumaki ikaw na isang kaakit akit na babae pero isang kiming kagandahan.

Doon ko napansin nagdadalaga na pala ang nag iisa kong anak na babae,
Lagi na kukuhang mag reyna Elena sa sagalahan at kung may liga muse,
Pero lumaki kang mahiyain ayaw mo, ako kasi isang ina nag mamalake,
Pag may lumapit naka oo lagi dito tayo nag tatalo kung minsan sa ugale.

Dumating ang sandali na kailangan na nating lumisan sa bayang sinilangan,
Nag lumipat dito sa Amerika noon una ayaw mo pero lumaon nagustuhan,
Ngayon dito ka na nag tapos ng pag aaral at nakakita ng pag kakakitaan,
Di birong hirap ang ating pinagdaan bago ka makapagtapos sa paaralan,


Pero ito naman sulit nakapasa at isang try mo lang pasado sa nclex naman                                                        
Kay aga mong nag mahal kaya  doon naputol ang aking nadama kaligayahan,
Kahit may asawa kana nag aral kang muli di parin kita natiis ikaw tinulungan,
Muli nanguna sa kurso at pumasa sa board nag tapos isang cum laude naman.

Ngayon isa kanang matagumpay aking masasabi sa iyong  larangang pinasukan.
Bilang isang DON “director of nurse” sa  convalescent hospital isang karanaglan,
Wala na akong mahihiling pa sa Poong maykapal ikaw isa matagumpay naman,
Iisa na lang ang kulang ang biyayaan kayo ng sang anak na aking paglilibangan.

Ruby ako natutuwa ikaw ang aking naging anak nag mula sa aking sinapupunan,
Itong araw na iyong kapanganakan aking pinag mamalaki at puno ng kagalakan,
MALIGAYANG KAARAWAN MAHAL KONG ANAK sumaiyo ang kaligayahan,
Sa iyong kaarawan ngayon at sa mga darating mo pang karawan at sa kasiyahan!!
Ang iyong mommy: rhea Hernandez November 14, 2011

No comments:

Post a Comment