LOVE STORY “CHIT” chapter 7
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Galing si Chit sa bakasyon sa kanilang probinsya. Pag balik niya masaya silang nag kuwentuhan ni Rieno. Gusto sana nito na sabay uli silang umalis sa pag pasok kinabukasan. Subalit tumangi si Chit gusto na kasi niyang iwasan na madalas silang mag kasama ng kuya Rieno niya. Kasi nga nararamdaman na niyang nahuhulog na ang kanyang kalooban dito. Hindi niya alam kung nakakahalata na si Rieno na umiiwas siya sa mag kasama sila ng madalas.
Lingid sa kaalaman ni Chit nag babalak ng pakasal sila Rieno at nag GF nito. Matagal na nilang balak ito. Ilang taon na nga ba silang mag kasintahan 5 taon na. noon pa nila planong pakasal. Para nga nakalimutan na ni Rieno kung kailan. Pinaalala lang sa kanya ng GF niya na bago matapos ang taon sila mag papakasal. Limang buwan na lang buhat ngayon ikakasal na sya sa loob loob ni Rieno. Bakit di siya excited sa darating na kasal nila. Inumpisahan na nila ang mga dapat gawin ang pag aayos ng mga invitation, mga dapat isuot nilang pareho , mag damit na isusuot ng mga abay.
Ang dami palang dapat asikasuhin kung ikaw ay ikakasal ang sabi ni Rieno sa kanyang kasintahan. Di lang yan ang mas mahirap iayos yong maliliit na bagay. Gumagawa na sila ng mga listahan ng kanilang gagawing abay. Bilang nangiti si Rieno ng di niya sinasadya. Naalala niya ang sabi ni Chit na gusto niyang maging flower girl sa kanyang kasal kasi isip bata sya. Ibig niyan mapahalakhak noong kanyang naalala pinigil lang niya dahil katabi niya ang kanyang kasintahan. Napailing na lang siya para alisin sa kanyang isip si Chit.
Lumipas ang mga araw, weeks at buwan na di namamalayan. Kay bilis ng mga araw na lumipas.Ilang linggo na lang ikakasal na si Rieno. Nag papamigay na nga sila ng invitation. Yong para kay Chit gusto ni Rieno siya mismo ang mag abot nito. Kaya naman isang hapon habang nag gigitara at kumakanta si Rieno sa kanyang tambayan. Inaabangan niya ang pag dating ni Chit para ibigay ang invitation ng kasal niya. Di nag tagal dumating na ang kanyang iniintay. Kinawayan ni Rieno si Chit para ito lumapit. Siya namang lapit ni Chit. Nag kamustahan muna at nag kuwentuhan sandali saka niya inabot ang invitation. Binati siya ni Chit inabot ang kanyang mga palad. Inabot naman niya ito noong mag daupang palad na sila akalamo mayroon kung anong nanulay na kuryente sa kanyang katauhan.
Bakit ganito ang nararamdaman ni Rieno simpleng pag kakamay lang akala mo siya hinihigop ng kuryente di niya mawari. Lingid sa kanyang kaalaman ganoon din ang naramdaman ni Chit. Parang ayaw na niyang bitawan ang kamay nito. Ilang minuto din silang ganoon di nila namalayan na napatulala sila sa isa’t isa. Kung di pa dumating ang isang kapatid ni Rieno at gusto ring gumitara at kumanta di sila matatauhan sa kanilang pag kakatulala sa isa’t isa. Bahagyang napahiya si Chit sa pangyayari kaya naman nag paalam na siya aakyat sa room niya. Naiwan nag iisip si Rieno bakit ganito ang kanyang nararamdaman para kay Chit. Simpleng hawak lang ng kamay parang ang ligaya na niya.
Sa katunayan di niya ito nararamdaman sa kanyang mapapangasawa. Mag damag na di pinatulog ng pangyayari si Rieno. Bakit mayroon koneksyon siya kay Chit. Alam niya mayroon siyang nararamdaman dito noon pa di lang niya matiyak kung ano. Kanina noong mag daupang palad sila noong mahawakan niya ang mga kamay nito di niya ma explain ang kanyang naramdaman. Ngayon alam na niya kung ano ang kanyang tunay na feeling kay Chit. Mahal na niya ito pag mamahal na ngayon lang niya naramdaman.
Ibang klase ang pag ibig na kanyang nadaraman para kay Chit. Di lang pag mamahal ng isang kapatid kundi isang wagas na pag ibig. Na matagal na niyang inaalagaan sa kanyang puso. Ayaw lang niyang intindihin at ayaw lang iyang harapin at siya ay natatakot sa kalalabasan ng kanyang nararamdaman. Noon pa ito sa puso niya ayaw lang niyang aminin ang katotohanan kaya itinatago na lang niya sa likod ng kanyang dibdib. Masyadong bata si Chit para sa kanya. Kulang kulang ten years ang tanda niya dito.
Noong pumasok si Chit sa kanyang room di sya mapakali. Ano itong kanyang naramdaman kanina. Parang in love na siya sa kanyang kuya Rieno. Ganito ang kanyang nararamdaman noon kay Alex. Estrangherong pakiramdam mula sa kaibuturan ng puso niya. Oh! Lord huwag po pls. ikakasal na siya may araw na ng kanyang kasal. Nakahanda na ang lahat. Huwag po ninyo akong bigyan ng isang mabigat na dalahin sa aking konsensya. Sana pag gising ko kinabukasan wala na ito sa aking damdamin. Hindi tama itong aking nararamdaman.
Halos mag damag na di nakatulog si Chit sa kaiisip kung paano siya makakaiwas sa tukso. Ayaw niya siya ang maging dahilan sa pag kawasak ng dalawang nag mamahalan. Panay dasal ni Chit na sana malampasan niya ang pag subok na ito sa kanya. Sana mali ang kanyang pakiramdam. Mali ang kanyang nararamdaman. Pero kahit ano ang gawin niya isip pumapasok pa rin sa kanyang isipan ang mga pang yayari. Kailangan maging doble na ang aking pag iwas sa kanya para di ako matukso na aminin sa kanya kung ano ang nararamdaman. Kinabukasan maagang bumangon si Chit para pumasok kailangan mauna siya kay Rieno. Ayaw niyang makasabay ito at baka makita sa kanyang mga mata ang katotohanan. Di pa naman siya marunong mag sinungaling.
Hanggang kaya niya iiwasan niya si Rieno. Ayaw niyang dahil sa kanya masira ang matagal ng relasyon ng dalawa. Nakahanda na ang lahat para sa kanilang kasal. Napamahal lang sa kanya si Rieno kasi mabait ito isa lang itong nakakatandang kapatid. Ito ang laging isinisiksik ni Chit sa kanyang utak. Isang araw kumatok sa kuarto niya at gusto siyang makausap. Hindi niya ito pinagbuksan ng pintuaan. Sabi lang niya inaantok na siya at gusto nang matulog. Alang nagawa si Rieno kung di umalis na sa labas ng pintuan. Pag uwi ni Rieno sa kanila gumawa siya ng isang sulat inilagay niya nag lahat doon kung ano ang kanyang nararamdaman. At hinihiling nito na mag kita sila sa isang lugar na puede silang mag kausap ng sarilinan.
Inipit ni Rieno ang sulat sa pintuan ng room ni Chit alam niyang gising pa ito at makikita kung ano ang inilagay niyang sulat. Tama ang hinala ni Rieno gising na gising pa si Chit. Di pa siya dalawin ng antok. Ilang araw na lang kasal na ng lalaking kanyang natutunan ng mahalin ng di niya namamalayan. Binasa ni Chit ang sulat. Habang binabasa niya ito panay tulo ng kanyang mga luha. Di niya akalain na ganito ang laman ng kanyang sulat.ipinag tapat dito na mahal na mahal siya nito. Mas mahal pa kita sa aking GF. Kaya puede ba tayong mag kita kahit sandali lang..Alang nagawa si Chit kundi pag bigyan ang kuya niya.
Noong magkaharap na sila saka inamin ng bawat isa kung ano ang kanilang mga nararadaman. Sinabi ni Rieno na mahal na mahal siya nito. Kung titingbangin mas mahal pa niya si Chit kesa sa kanyang GF.handa niyang iwanan ito kung sasama siyang mag tanan ngayon. Panay iling ni Chit no hindi ko kayang makasakit ng damdamin ng kapwa ko babae. Naguguluhan ka lang ngayon sa iyong nararamdaman. Kay tagal mo ng minahal siya. Ako ngayon mo lang naramdaman iyan. Nasa stage ka lang ng pag kalito dahil sa darating mong kasal.
Halos nag mamakaawa na si Rieno na mag tanan na lang sila at tatalikuran niya ang kanyang kasal. Panay iling ni Chit hindi ko kaya ang gusto mong mang yari. Isa akong matuwid na tao alam ko ang tama sa mali . Darating din ang araw na makakalimutan mo rin ako. Ilang araw na lang kasal mo na. nakahanda na ang lahat kaya huwag mo itong sirain. Naging matatag ang desisyon ni Chit. Hinding hindi siya ang magiging dahilan ng kung hindi matutuloy ang kasal nito. Nakikiusap ako sa iyo kuya Rieno. Huwag na huwag mong isipin na iwanan sa kahihiyan ang iyong GF. Babae din ako alam ko ang sakit na maidudulot nito sa kanya.
Nag hiwalay sila ng mga araw na iyon na malinaw ang desisyon ni Chit. Na hindi siya ang magiging sanhi ng pag kasira ng kasal ng dalawa. Pero pag uwi ni Chit sa bahay saka niya ibinuhos ang sakit na kanyang nararamdaman.sa gabi nababasa ang kanyang unan sa mga luhang umaagos sa kanyang mag mata. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso nandoon na ang pag mamahal niya sa lalaking tumulong sa kanya para kalimutan ang unang kasawian pero ano ito. Panibagong sakit at pag durusa ang kanyang hinaharap.
Dumating ang araw ng kasal ng kanyang lihim na minamahal. Bago lumakad si Rieno papunta sa simbahan kinatok nito ang pintuan ni Chit. Nag paalam at minsan pa binangit uli niya kung gugustuhin niya di siya tutuloy sa simbahan kung sasama siyang mag tanan dito. Isang iling lang ang sinagot ni Chit kay Rieno. Tinanong siya nito dadalo ka ba sa araw ng kasal ko. Huwag kang mag aalala darating ako sa araw ng iyong kasal. Iyon lang tumalikod na si Rieno. Para pumunta na sa simbahan kung saan siya ikakasal.
Habang ikinakasal nasa isang tabi lang si Chit pinapanood niya ang lalaking nag turo sa kanya na muling mag mahal pero alang kalayaan. Namalayan lang ni Chit na nag uunahang umagos ang kanyang mag luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilang di mapaluha sa sakit na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyo. Naitanong tuloy ni Chit sa kanyang sarili bakit ang malas niya sa mga lalaking kanyang mga minamahal. Naitanong niya sa kanyang sarili na kailang ko kaya makikita ang tamang lalaki sa akin . ang lalaking di ako sasaktan at papaiyakin ng tulad nito.
Matagpuan pa kaya ni Chit ang tamang lalaki sa buhay niya? Sadya kayang laging bigo na lang siya sa kanyang pag ibig? Talaga kayang ala siyang suerte sa pag ibig? Abangan po natin sa susund na kabanata… ABANGAN!!
Copyright by Rhea Hernandez 12/22/11
No comments:
Post a Comment