Monday, December 5, 2011

LOVE STORY "EMILY" chapter 11

LOVE STORY “EMILY” chapter 11
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems

        Halos ayaw ng umuwi ni Bob. Ayaw na niyang iwan si Emily. Sana mag kasama na sila araw araw. Kaya naman nag iisip na si Bob na ayain ng pakasal si Emily. Kumukuha na siya ng tiempo kung kailan niya ito aayaing pakasal. Iniisip niya isang di makakalimutang proposal ang ibibigay niya dito. Anu kaya ang magandang pag hahayag sa isang babae iyong minamahal. Halos di makatulog si Bob sa kaiisip.
       Lumipas ang ilang araw. Ang mga inaayos ni Emily para kay Chit ay naging matagumpay. Kaya alang magawa si Chit kung di makipag double date kila Emily. “ “Paano na yan bosing Yogin ikaw ang taya sa ating double date”. Ang kantiyaw ni Emily kay Yogin. Alang nagawa kundi mapakamot sa batok si Yogin. Dumating ang date nila di naman pumayag si Bob na si Yogin lang ang taya. Kaya lahat ay masaya . panay kantiyaw ni Emily sa dalawa. Halata naman na may gusto ang dalawa sa isa’t isa.
       Naging napakasaya nila noong gabing yaon. Kahit na ngayon lang sila nag kakila kilala. 1st time na meet ni Bob si Yogin at Chit. Ganoon din si Yogin ngayon lang  niya nakita ang boyfriend ng kanyang partner na si Emily. At si Chit kahit matagal na silang mag kakilala ni Emily ngayon din lang nagpakilala ng boyfriend sa kanya. Di alam ni Chit ito ang kauna unahan boyfriend ni Emily. Dahil may pag ka kalog si Yogin kaya alang ginawa si Emily at Chit kundi tumawa ng tumawa. Natapos ang double date nila na alang dull moment.
         Habang nag dadaan ang mga araw lalung sumisidhi ang pag nanais ni Bob. Na makasama na habang buhay si Emily. Kaya  nag pasya na siyang ayaing mag pakasal si Emily.kaya naman nag umpisa na siyang tumingin ng singsing para sa pagtatapat niya. Sa may gustuhan siya na napakagandang singsing na siya niyang gagamiting nilang engagement ring. Balak niyang sa isang romantic place sya mag proposed ng pag aaya ng kasal kay Emily. Di mo matatawaran ang halaga ng ring na kanyang binili na paka laki ng diamond sa syang nakakabit sa dito.
          Sa isang five star hotel niya binabalak mag tapat. Napaka romantic ng ambience napapaligiran ng mga bulaklak. At may tunutugtog na pakaromantic ang buong kapaligiran. Kahit sinong babae  siguradong maiinlove sa ganitong kapaligiran. Halos mapaiyak si Emily ng pumapasok na sila sa bulwagan. Di niya akalain nandoon lahat ang  mga mahal niya sa buhay. Di niya akalain na magawa mag isa  ito ni Bob. Yon pala kasabwat niya  ang ina ni Emily at ang boss niyang si Yogin. Kaya walang siyang kaalam alam siya na ito ang araw ng kanyang na di niya malilimutan. Na isa  sa mga pinakamaligayang araw sa buhay niya.
         Ang buong akala niya simpleng hapunan lang ang  kanilang date. Matapos ang pag kasopresa niya sa okasyon. Handa na rin pala ang kanyang damit sapatos at ang mag aayos sa kanya para sa nasabing okasyon. Ito ang nagawang mag isa  ni Bob na lingid sa kanyang kaalaman. Dito niya hinahangaan  si Bob. Kahit saan laging nasa lugar at nasa ayos lahat. Naging masaya at magarbo ang pag diriwang.  Nang isayaw  na siya ni Bob sa romantic na tugtugin.ramdam na ramdam ni Emily ang pag ka nerbiyos ni Bob. Ang buong akala niya kalmanteng kalmante si Bob sa mga nagaganap iyon pala itinatago lang niya. Noong nag sasayaw na sila ramdam na ramdam ni Emily ang nerbios nito. Ang buong akala niya siya lang ang parang sasabog ang dibdib sa kaba at kagalakan.
          Ang buong mag damag ay alang pag siglang ng kagalakan ang kanilang mga puso. Sa wakas nakatakda na ang araw ng kanilang pag iisa. Na kay tagal na nilang inasam. Sa wakas makakapiling na nila ang isa’t isa sa araw araw. Kay tagal nilang inasam na dumating na ang mga sandaling ito. Isang buwan na lang sila ay matatawag ng mr and mrs. At sana mag karoon agad sila ng anak. Isang lalaki at babae dalawa lang ang kanilang planong magiging anak. Para daw di masyadong mahirapan si Emily sa pag aalaga ng magiging kanilang mga anak.
           Di naman nila inaalala ang kinabukasan ng mga bata kahit nga isang dozena pa ang kanilang magiging anak kaya nilang bigyan ng magandang kinabukasan. Ang inaalala lang ni Bob ay pag marami silang anak mahihiarapan si Emily sa pag aalaga ng mga ito. Ayaw niyang makitang mahihirapan ang kanyang minamahal. Kahit kailan puro kapakanan ni Emily ang kanyang iniisip. Talagang mahal na mahal niya si Emily. Dahil sa kanyang pag mamahal may roon ginawa si Bob na lingid sa kaalaman ni Emily.
           Ang tanging nakakaalam ay si Larry ang kanyang matalik na kaibigan. Gumawa ng isang kasulatan na kung sakali si Bob ay mamatay ng wala sa oras ang kanyang buong kayamanan at. Ang kanyang mga ari arian ay si Emily ang tanging taga pag mana. Noong gawin ito ni Bob ayaw pumayag ni Larry. Kay bata bata pa niya ang mayroon na siyang  taga pag mana. Natawa lang si Bob di taga pag mana kundi mahal na mahal ko siya . ang lahat ng sa akin nag kanya na rin. Sabagay di siya  nag tataka na gawin niya uli ito. Oo gawing uli sapagkat ginawa na rin niya ito noong si Anna ang handa niyang pakasalan.
           Sadya lang ganito talaga siyang mag mahal . handa niyang I share kung ano mayroon siya.kaya di na bago ito kay larry. Nakatago ito sa isang ligtas na lugar na si Larry lang ang nakakaalam at nag abogabong gumawa. Sabi ni Larry paano kung tulad ni Anna na biglang umayaw si Emily kasi napatunayan niyang di ka pala niya mahal. Napaka lutong ng halakhak ni Bob. Sa mga tinuran ni Larry. Alam na alam kasi niya di kayang gawin ni Emily ito sa kanya kasi mahal na mahal siya nito. At ganoon di siya dito.
          Naging punong abala sila sa pag aayos ng kanilang kasal ni Emily. Kay daming dapat gawin at ayusin. Kahit mayroon silang wedding planer ay di rin sila mag kaugaga sa mga dapat ayusin. Binigyan siya ni 3 weeks bago ang kasal at 4 weeks pag ka kasal natatawa pang hirit ni Emily na di mo pa ginawang dalawang buwan ang bakasyon mo binutal mo pa. Ang pabirong sambit ni Emily. Anu ang gusto mo bawasan natin ang araw ng inyong honeymoon. Ang ganting biro naman ni Yogin. Ang daming trabaho alam mo naman kung ala ka para akong napipilayan ng paa. Kaya sabay silang nag katawanan ng malakas. Siyang pag dating ni Bob. At takang  kung ano ang dapat pag tawanan. Kasi late na siyang nag dumating.
             Samantala nabalitaan na ni Anna ang pag iisang dibdib nila Emily at Bob. Di makapaniwala si Anna na talagang mahal ni Bob si Emily at handa niya itong pakasalan. Akala niya isang laruan lang niya ito. Di siya makakapayag na siya iwanan ng ganong ganoong lamang. Di siya patatalo sa isang hampas lupang babae katulad niya. Sa maikling salita  di sya mag papatalo sa babae katulad lang ni Emily. Si Bob  ay isang hangal. Masyadong  mag kalayo nag kanilang kalagayan sa buhay. Di alam ni Anna na isang matagumpay na negosyo  na si Emily ngayon . Di tulad niya na kaya lang siya naging mayaman dahil sa mga magulang niya. Si Emily naging matagumpay dahil sa kanyang pag sisikap.
         Papalapit ng papalapit ang araw ng kasl nila. Isang araw inimbita ni Bob na sa kanyang unit kumain ng hapunan at siya ay mag luluto. Handa sanang tulungn ni Emily si Bob pero tumangi ito. Kaya ang ginawa niya sumandal sa sofa para ma relax kasi ba naman panay hataw siya kasi ng kakasal siya at mahabang bakasyon niya kaya lagi siyang pagod . di namalayan ni Emily na nakatulog siya sa sofa. Kaya naman dahan dahang binuhat ni Bob si Emily at inilagay sa kama.
          Di mapigilan ni Bob na di pag masdan ang babaeng kanyang tinatangi. At siyang pag dilat ni Emily. Anu ang ginagawa mo? Ang tanong nito. Anu pa di pinag mamasdan ko ang akoing magiging asawa. Nag katitigan  at dito naman natutunaw ang lakas ni Emily pag siya tinititigan ni Bob. Unti unting inilalapit ni Bob ang kanyang mukha sa mukha ni Emily. At kanyang ginawaran ng halik ang mga labi nito. Ipinikit lang ni Emily ang kanyang mga mata para tangapin ang napipintong pag halik ni Bob.
          Mga halik na banayad lang sa umpisa hangang  maging mapangahas. Na mga halik na parang tumutupok sa buong pag katao ni Emily at Bob. Mga halik na di niya maintindihan kung bakit tinatakasan siya ng lakas. Mga halik na ang kanyang buong katauhan  ay nag papaubaya. Na wala siyang lakas para ito pigilan. Mga halik na kung ilang voltahe ng kuryente ang tumutuloy sa buo niyang katauhan. Na nagbibigay sa kanya ng kiliti sa kabuuan ng  kanyang katawan. Mga halik na ubod ng tamis na kay sarap namnamin sa bawat dampi sa buo niyang katawan.
           Ilang araw na lang ang kanilang kasal di na sila nakapag intay. Pinag saluhan nila ang walang kahulilip na kaligayahan. Ang mga halik unti unting nagiging mapangahas.  Na  nag umpisa sa itaas baba at muling pataas di malaman ni Emily kung anong kakaibang kaligayahan ang kanyang naramdaman. Ang mag kamay ni Bob naging malikot kung saan saan na dumadako. Na siyang nag bibigay ng ibat ibang klaseng kaligayahan sa kanyang puso at katauhan. Isa isang nalalaglag sa sahig ang kanyang mga saplot sa katawan. Di nag tagal ang kanilang katawan ay nag isa.
           Di niya mailarawan ang kanyang naramdaman masakit na may sarap siyang nararamdaman. Naging maingat si Bob sa kanyang mga kilos. Kaya di gaanong naramdaman niya ang una na mag kahalong sarap at kirot. Na di mo maipaliwanag kung anong klaseng damdamin ang kanyang naranasan ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya ubot niya ng ligaya ng mga bawat sandali. Nakatulog silang parang sila eva at adan na walang kahit anong saplot sa katawan. Nakatulog silang mag kayakap sa buong mag damag. Kay sarap ng  kanilang tulog komportable sila dalawa sa bawat isa.
          Unang nagising si Bob. Inihanda niya ang kanilang breakfast. Breakfast nga ba para mas magandang tawagin  na lunch. Mga sandaling ito parang lalung naging sexy kaya ganoon. Anu kaya ang mag yayari.  Matutuloy kaya ang kasal ng dalawa?o tuluyan ng sumuko si Anna sa kanyang pag katalo? Nag uumpis ana ba ang buhay ni Emily ng punong puno ng kaligayahan? Ating ABANGAN ANG HULING KABANATA!!
 Copyright  by : rhea hernandez

No comments:

Post a Comment