Thursday, December 8, 2011

LOVE STORY "EMILY" last chapter 12 finale

LOVE STORY “EMILY”  last chapter 12
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems

Sa kauna unahang pag kakataon naging marupok si Emily. Di niya napigilan ang sarili na di bumigay sa pagkakataon ito. Dahil mahal na mahal niya si Bob kaya na ipagkaloob niya ng buong buo ang kanyang sarili kay Bob. Pero kahit kaunting pag sisi ala siyang naramdaman. Bagkus parang kuntetong kuntento siya. Hindi Niya maipaliwanag kung gaano siyang kaligaya ng mga sandaling ito. Ganito pala ang umiibig kahit nawala ang kanyang pinag kaingat ingatang pag kababae niya ni katiting ala siyang pinag sisihan sa kanyang ginawa.
           Nagising siya na wala si Bob sa kanyang tabi. Naaamoy niya ang niluluto nito sa kusina. Kaya alam niyang nag luluto na ng kanilang almusal si Bob. Ka sweet talaga ng kanyang mapapangasawa. Isipin mo siya pa ang gumising na una para lang mag luto ng kanilang almusal. Sa kanyang naamoy nakaramdam siya ng pag ka gutom . kaya naman bumangon na siya ang isinuot uli niya ang damit na hinubad niya kagabi. Paano naman ala siyang balak mag overnight kaya ala siyang baong bihisan.
          Pag labas niya sa kusina naka set na ang lahat, uupo na lang siya para kumain. Mababakas mo sa  mukha ni Bob ang kakaibang sigla at tuwa. Ngiti ngiti si Bob kaya naman kunwari napipikon si Emily.Pikon na mas mukhang nag lalambing kesa sa tunay na pikon. Naramdaman naman ito ni Bob kaya naman niyakap niya ito at hinalik halikan sa kanyang buhok. Na unti unti lumalapit sa kanyang mukha at sa kanyang  mga labi.
          Kinurot ng pinong pino ni Emily si Bob siemspre pa mas pag lalambing kesa sa tunay na kurot. Sa ginagawa ni Emily lalu lang niya pinag iinit si Bob. Ang padampi damping halik ay naging maalab. Hangang noong mag hiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa  nila hinahabol ang kanilang mga hininga. At muli silang nag patangay sa kanilang mga damdamin. At pagyayaring naganap noong nagdaang gabi ay muling naulit. Ang kanilang dalawang katawan ay muli nilang pinag isa. Kaya lang mayroong kaunting pag babago. Ngayon ay di na sya mahapdi makirot tulad sa una nilang magsasanib. Pero mayroon parin. Pero di na kasing sidhi noon nagdaang gabi.
             Nalalapit  na ang araw ng kanilang kasal kaya naman naging abala na sila. At  si Emily at huminto na sa kanyang pag pasok sa trabaho . Para maayos lahat ang dapat niyang ayusin  kahit yong mga maliliit na bagay ay kanyang binubusisi. Gusto nila maging isang perfecto ang kanilang kasal. Ilang araw na lang at kanilang kasal na kumpleto ng lahat at planchado  ang mga bagay bagay. Naging abala din si Chit  at si Yogin.
              Lahat ay masaya sa darating na kasalan. Pero lingid sa kanila may isang pusong tumatangis. Si Anna di  niya matangap na ikakasal na si Bob kay Emily. Kaya nag babalak siya na sirain  ang araw ng kasal . Nag hahanda siya ng isang plano kung paano niya babawiin si Bob kay Emily sa huling pag kakataon. Inalam niya ang lahat ng plano ng kasal pati mga detalye. Mayroon na siyang naisip kung paaano niya isasagawa ang pag gugulo sa araw  ng kasal nila Emily at Bob.
             Dumating ang kanilang minimithing araw. Lahat ay masaya lahat punong abala sa araw na kasal nila Bob at Emily. Kay ganda ni Emily noong isuot na niya ang kanyang barong pangkasal akala mo sya isang diyosa  sa kagandahan. Bagay na bagay sa kanya ang kaniyang kasuaotan, lalung lumutang ang kanyang kagandaha. Sabagay kahit anu naman ang isuot ni Emily ay bumabagay sa kanya. Kay ganda ng hubog ng katawan. Ok ang kanyang taas. Subalit ngayon nakasuot siya ng damit pang kasal di niya mapigilang maluha sa kagalakan. Di niya malubos maisip na mga ilang oras na lang ay tatawagin na sya mrs ni Bob. Kay tagal niyang pinangarap na maging kabiyak ni Bob.
             Ngayon abot kamay na niya ang kanyang mga pangarap. Mga ilang sandali na lang nag iintay na si Bob sa simbahan. Kaya naman dapat ng ayusin muli ang kanyang make up na nasira dahil sa kanyang pag iyak. Natatawa siyang naiiyak . naintindihan naman ngalalagay ng kanyang make up. Mix ang kanyang emotion. Nalulungkot siya at mawawalay na siya sa kanyang ina. Subalit lubos ang kanyang kaligayahan sapagkat ito ang araw ng kanyang kasal. Masasabi niyang ito na ang pinakamasaya niyang araw sa buong buhay niya.ang buong kapaligiran ay nakikisama sa kanyang kagalakan.
        Samantala sa panig ni Bob di makapaniwala ito na ang kanyang araw ng kasal. Masayang masaya siya sa wakas magiging kanyang kanya na si Emily. Mag sasama  na sila sa isang tahanan. Bubuo sila ng isang masaya at maligayang pamilya. Mapupuno ng puro pag mamahalan ang kanilang pag sasama. Hindi hindi mag sisi si Emily na siya anag piniling mahalin habang buhay.sapagkat mahal na mahal niya ito. Anu ba ginagawa mo sabi ni Larry baka mamaya niyan si Emily pa ang mag intay sa simbahan. Kailangan ikaw ang mauna bago ang bride. Ang sagot ni Bob alam ko po. Sagot na pabiro ni Bob. Ang mabuti  pa mauna ka na doon baka nga mauna pa sa akin si Emily akalain nag bago pa ang isip ko. Pabirong sambit ni Bob.
          Alang nagawa si Larry kundi sundin nag kaibigan. Kaya naman nauna na siya sa simbahan. Oo nga pala Bob baka ikaw pa ang mag drive ng car mo ang tudyo ni Larry. Wag kang mag  alala kaibigan may roong sariling driver yong sasakyan. Ipapadala dito sa akin. Lingid sa kaalaman ni Bob di siya makakarating sa kayang kasal. Ito ang balak ni Anna. Kinasabwat ni Anna ang driver ng service niya. Di pansin ni Bob na si Anna ang kanyang driver, lumilipad kasi ang  kanyang  isipan sa darating niyang  kasal. Malayo layo na rin ang kanilang nilalakbay kaya nga taka siya di iyon  ang  daan papunta sa simbahan. Kaya nag tanong siya sa driver manong hindi ito ang daan papuntang  simbahan kung saan ako ikakasal.
          Tumawa ng isang pagal na halakhak si Anna at ang sabi alam ko! Di ka makakarating sa iyong kasal. Sa akin ka sasama noon lang napagtanto ni Bob na si Anna ang kanyang driver. Ano ang gonagawa mo? Alam mo ba ngayon ang araw ng kasal ko? Alam ko kaya nga kini kidnap kita gayon! Ihinto ang car at baba ako! Iniintay na ako ni Emily. Ayaw kong mag intay sya sa akin! Ang pasigaw na sabi ni Bob. Hindi ka makakasal kay Emily habang ako’y nabubuhay. Akin ka lang matutunan mo uli akong mahalin tulad ng dati. Makakalimutan mo din si Emily pagdating ng panahon.
           Samantala nasa simbahan na si Emily ala pa si Bob. Nag tataka na ang marami kung bakit nauna pa ang bride kesa sa groom. Ang sabi ni Larry baka na traffic lang kasi noong umalis ako paalis na rin siya ng bahay. Pinauna nga niya ako baka nga raw mas mauna ka pa sa kanya. Hindi maunawaan ni Emily kung bakit late  si Bob. Dati rati  hindi ito nalate. Bakit ngayong sa araw pa nila ng kasal siya malate ng dating. Lumipas ang mga minuto naging oras. Alang Bob na dumating. Umiiyak na si Emily kung bakit ginawa ni Bob ang ganito sa kanya. Iyak na ng iyak si Emily di niya akalaing gawin ito ni Bob sa kanya. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit di sinya dumating.
           Di pa nagtatagal may dumating na mga pulis hinahanap si Emily. Nag tataka ang marami kung bakit may dumating ng pulis.ikinuwento ng mga pulis na aksidente ang car si Bob. Bago mag padala sa hospital pilit na sinasabi ngayon ang kasal niya mag iintay si Emily mas gusto nga niyang mag padala sa simbahan kesa sa hospital. Bago sya nawalan ng malay hiniling niya na puntahan kayo at sabihin  siya ay na aksidente.
           Walang malay si Bob sa mga oras na iyon. At ito at ino operahan kasalukuyan. Masama ang lagay ni Bob. Alam niya  masama ang lagay ng kanyang minamahal. Ala siyang  magagawa kundi ang humingi ng awa sa panginoon Diyos. Sa mga oras na yon ang tanging makakatulong sa kanila ang pananalig sa poong may kapal. Kaya naman panay ang dasal nito na sana lumaban  si Bob sa kamatayan…?  Habang nasa recovery room si Bob pinayagang lumapit si Emily. Sabi ng doctor kausapin niya para maging mabilis ang pa ka recovery at lumaban . Noong hawakan ni Emily ang kamay ni Bob ay bigla itong kumislot. Parang alam niya na ito’y mga kamay ni Emily.
              Habang hawak hawak ni Emily ang kamay ni Bob ito kanyang kinakausap sinasabi niya kung gaano niya kamahal si Bob di siya mabubuhay kung wala ito sa kanynag tabi. Binabalikan ni Emily lahat ng kanilang pinagdaanan. Ang kanilang mga masasayang sandaling pinagsamahan. Ang lahat lahat pati na ang kanyang pag tatampo sa kanya noon. Kung paano nila  pinagsaluhan ang mga araw na nag daan sa kanilang  buhay. Ang kanilang masasayang mga sandali  sa ngalan ng pag ibig….alam niya na kahit alang malay si Bob ay kanyang naririnig ang kanyang mga sinasabi. Kaya kahit alang malay si Bob ay tuloy tuloy lang ag kanyang pag kukuwento.
          Hangang makatulugan ni Emily ang kanyang pag kukuweno. Sa kanyang pag kakatulog napanaginipan niya na nagising na si Bob at hinihimas nito ang kanyang buhok at sinasabihan siya ng I LOVE YOU!! Parang totoo ang kanyang napapanaginipan. Subalit noong ibukas niya ang kanyang mga mata. Di siya makapaniwala gising na nga si Bob. Ibig niyang lundagin  sa ibabaw ng kayang kama pero di puede. Sabi ni Bob salamat sa iyong pag mamahal kaya ako muling nabuhay.ang iyong pag ibig ang aking pinaghahawakan kaya ako lumaban kay kamatayan. Di ko kayang iwanan ka ng ganoon lamang. Naririnig ko ang iyong mga hinaing , iyong mga kuwento. Lahat aking naririnig. Hindi ko malaman kung bakit ang aking mga sagot sa iyo di mo pinapansin.
            Salamat sa panginoon at di tayo pinag hiwalay nag tuluyan. Sadyang mapag mahal ang Diyos di niya hinayaang mawala ka sa akin. Hiniling ni Bob kung maaari ikasal sila kahit nasa hospital pa siya. Gusto niyang matuloy ang kanilang kasal kahit di pa siyang lubusang magaling. Ang kahilinga niyang ituloy ang naantalang kasalan dahil sa pag kidnap sa kanya ni Anna. Pinilit kasing agawin ni Bob ang manibela kay Anna kaya sila naaksidente. Di siya makakapayag na mailayo sya kay Emily. Ni katiting ala na siyang nararamdaman dito.
          Kinausap ni Emily si Larry tungkol sa kahilingan ni Bob. Na makasal sila sa madaling panahon. Sa pag gising ni Bob pati mga doctor ay nag tataka sa laki ng kanyang pinsala di basta basta magigising ito at makakarekober ng ganoong kabilis. Ang nagagawa nga naman ng pag ibig. Hindi maipaliwanag ng seinsya. Talaga kung mag ka minsan may himala nag yayari na di natin kayang ipaliwanag . Tanging ang Diyos lamang ang nakaka alam.
          Nagawan naman ni Larry ng paraan. Nakausap ang pari n asana siyang mag akkasal sa dalawa na di natuloy dahil sa aksidente. Naihanda ng lahat isinuot muli ni Emily ang kanyang gown. Si Bob ni na puede puno na ito ng mga dugo kaya bumili  uli si Larry ng bagong damit para kay Bob. Ginawa na ang pari ang pag kakasal sa dalawa sa loob  ng hospital habang si Bob nakahiga sa hospital bed. Natapos ang pag babasbas ng pari sa dalawa at sabi kiss na bride na. doon nag lapat ang kanilang mga labi. Habang sila nag hahalikan hinigit ni Bob ang kanyang balikat. Binawian ng buhay si Bob pag katapos na pag katapos ng kanilang kasal.
         Di mapigilan ni Emily ang kanyang sarili. Napanaghoy siya ng panangis habang yakap yakap niya si Bob. Tinupad lang ni Bob ang kanyang pangako na pakakasalan niya si Emily kahit ano ang mag yari. Kahit si kamatayan kanyang lalabanan matuloy lang ang kanilang kasalan. Gumising lang sya para tuparin ang kanyang mga pangako kay Emily.
Na mamahalin niya ito hangang kamatayan.
         Hindi makapaniwala si Emily na iiwan siya ni Bob. Sa madaling panahon. Nailibing si Bob,Habang inilibing si Bob nawalan ng malay si Emily. Sa kanyang pag hihinagpis. Doon nalaman si Emily nag dadalandato at si Bob ang ama. Iniwanan siya ng isang napakagandang alaala ang kanilang magiging anak. Mamahalin niya ito tulad ng pag mamahal niya kay Bob.
         Dito natatapos ang dakilang pag mamahalan nila Bob at Emily. Kahit maagang lumisan si Bob sa mundong ibabaw di matatawaran ang kanilang pag mamahalan. At ito ay iingatan ni Emily habang siya ay nabubuhay….THE END
Copyright by: rhea hernandez


No comments:

Post a Comment