LOVE STORY “NANCY”
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
ang kuwento ko sa inyo ngayon ang buhay ng isang umibig ng tapat pero anu ang kanyang napala. Sana kapulutan ninyo ng aral ang kuwento ni Nancy. At sana huwag pamarisan ninoman. Ang aking ikukuwento isang tunay na pangyayari sa isang kaibigan sa facebook na nag papatago sa pangalang Nancy. Ayaw niyang mag pakilala at ayaw niya na pag kuwentuhan pa ng mga kaibigan ang nag yari sa kanyang buhay.
Si Nancy 3rd year palang sa high school natuto na siyang umibig at nag mahal sa lalaking kauna unahang pag kakataon nag patibok sa kanyang puso. Labis labis ang nadarama niyang pag ibig para kay Louell at ganoon din ito sa kanya. Hanggang mag aral sila sa kolehiyo sa iisang school sila napasok. Sa UP Diliman sila nag aral na pareho. Laking tuwa nila na pareho silang nakapasa at doong nag tapos ng kanilang kurso. Iisang kurso ang kinuha nila para lagi pa rin silang mag kasama. Halos ayaw na nga nilang mag hihiwalay pa. kung puede nga lang sa iisang bahay na sila tumira. Pero ok na rin sa kanila ang mag hapong mag kasama sa school. Isang mapag mahal na boyfriend si Louell. Maalalahanin halos wala ng mahihiling pa si Nancy. Kasi ba naman binigyan siya ng isang guapo na at napakabait pang boyfriend.
Si Nancy nabibilang siya sa isang pamilya na nabigyan ng suerte sa pamumuhay. Ipinanganak siyang halos nasusunod niya ang lahat ng kanyang maibigan. Kasi ba naman mayroon ikakaya ang kanyang mga magulang. At si Louell ganoon din nabibilang sila sa above average na pamilya. Kaya naman hindi sila nakaranas na mag hirap sa pamumuhay. Iisang course ang kinuha nila ang accountancy. Sabay din silang nag tapos sa pag aaral. Masayang masaya sila at nakapag tapos sila ng walang naging problema. Dahil nag iisang babae sa tatlo na mag kakapatid kaya naman sunod lahat ang kanyang kapritso sa mga ito . Dilang nag iisang babae hindi lang yon kundi si Nancy siya pa ang bunso sa lahat. sabi nga ng marami napaka suerte daw ni Nancy at nag karoon siyang pamilya na mapagmahal sa mga anak nila kaya naman si Nancy napaka ligaya niya.
Pag ka graduate nila sa kanilang kurso naging masaya silang pareho. Parehas silang natangap agad sa trabaho. Pareho silang naging teller sa banko. Si Nancy BDO branch sa Makati at si Louell naman sa BPI sa Pasay siya napasok. Naging masaya ang kanilang pag sasama. Ni minsan di naramdaman ni Nancy na tumingin sa ibang babae si Louell. Ramdam na ramdam niya na mahal na mahal siya nito. Kaya naman noong 2005 nag desisyon na silang lumagay sa magulo pero tahimik na buhay. Ikinasal sila na at lipos ang kanilang kaligayahan. Anong ligaya ng dalawa sa wakas mag kakasama na sila sa iisang bubungan. Pag sasaluhan na nila ang isang libo isang kaligayahan. Ang kanilang matagal ng pinapangarap ay nag karoon na ng katuparan. Ang makasal sila na kay tagal nilang pinag handaan at inasam.
Buhat noong ikasal sila nangarap silang mag karoon ng mga anak. Sa mga unang taon ng kanilang pag sasama hindi sila binayayaan ng anak. Ok lang din sa kanila pakiramdam nilang parang lagi silang bagong kasal. Masayang nag sasama kahit hindi pa rin sila binibiyayaan ng anak. Ang kanilang pagiging sweetness sa bawat isa hindi nababawasan. Sa kaiintay nila ang kanilang inaasam na anak ay dumating noong taong 2009. kahit anong problema ang dumating sa kanila lahat ay kanilang napag tatagumpayan lutasin. Lalung naging matibay ang kanilang pag sasama ng dumating ang anghel ng kanilang buhay. Ito ang nag bigay ng kompletong kaligayahan sa kanilang pag sasama. Lalung naging matatag ang kanilang relasyon ng dumating ang kanilang munting anghel. Lalu sila naging masaya dahil sa pag dating ng una nilang supling.
Sa kanilang pag sasama walang masasabi si Nancy. Talagang pinapadama niya na masaya siya sa piling ni Louell. Sinikap niyang maging isang butihing may bahay kay Louell. Siya lang ang lalaking kanyang minahal ng lubusan. Si Louell lang ang nag iisang naging BF niya buhat noon siya nag dalaga. At ang kanilang mga pamilya ay tunay na mag kakaibigan kahit noong sila mga bata pa. kahit ubod ng ganda ni Nancy at maraming kabinataang nag tangkang ligawan siya naging matapat siya kay Louell. Hindi karaniwan ang kagandahang taglay ni Nancy bakit kanyo lumalaban siya sa mga beauty pagent minsan natatalo at minsan di nakakamit niya ang korona. Kahit ba maliitan beauty contest ito. Sabagay si Louell guapo din siya halos sabi nga ng marami makalaglag panty daw ang angking kaguapuhan nito.
Sa mahabang panahon si Louell lang ang kanyang minahal sa kanya lang umiikot ang kanyang mundo. Nag pakasawa din sila bilang isang single. Ayaw nila na matali agad at gusto nilang maranasan ang nararanasan ng iba ang buhay dalaga at binata. Kaya naman noong mag pakasal sila nasa hustong gulang na sila. Kaya naman noong ikasal si Nancy ay 27 yrs old na siya. Kaya noong mag pakasal sila nasunod nilang lahat ang kanilang pinapangarap na kasalan. Isang engrandeng kasalan. Mayroong kaya ang kanilang mga magulang at sila mismo marami na rin silang ipon kaya stable na ang kanilang buhay noong mag pakasal sila. Sa Hongkong pa sila nga honeymoon regalo ng kuya ni Nancy. Hindi mailarawan ang sayang nararamdaman nila noong sila’y ikasal.
Kahit kaya nilang mag bayad ng isang kasambahay hindi kumuha si Nancy. Gusto niya personal niyang pag silbihan si Louell. Kaligayahan na niya ang asikasuhin ang personal na pangangailangan ng kanyang asawa. Kahit pagod sa mag hapong trabaho masaya pa rin siyang pinag sisilbihan ang kanyang asawa. Pinilit niyang maging isang butihing may bahay. Sinusigurado niya na hindi napapabayaan ang pangangailangan ni Louell bilang isang lalaki. At pag weekend mag katulong pa silang mag asikaso sa loob ng kabahayan . katukatulong si Louell sa pag lalaba at pag lilinis ng bahay. Akala mo sila nga lalaro lang ng bahay bahayan. Kahit may asawa na si Nancy gusto ni Louell ay laging nakaayos ito. Kaya naman naging pala ayos si Nancy. Gusto lagi ni Louell na lagi siyang maganda sa paningin niya at sa ibang tao. Kaya naman sinisikap niyang huwag mag mukhang losyang. After ng anim na taong pag sasama noon lang sila nabiyayaan ng malusog na isang sanggol. Saka sila kumuha ng isang yaya para sa kanilang baby. Pero ito ay stay out pag dating nila galing trabaho mag papaalam na ito at mag take over na si Nancy. Sinikap ni Nancy na walang mabago sa kanya at sa pag aasikaso sa kanyang asawa at anak. Pinipilit pa rin niyang maging sexy sa paningin ng kanyang asawa.
Pero sa buhay ng mag asawa mayroon dumarating na matinding pag subok. Ito ang hindi nakayanan ni Nancy. Noong nakaraang October 2011 dito nag umpisa ang mga kalbario sa buhay ni Nancy. Ang lahat at ngiti sa kanyang mga labi ay napawi. Hindi na niya alam kung paano na ang ngumiti at tumawa. Nakalimutan na ng kanyang puso kung paano ito. Nalambungan na ng makapal na ulap ang kanilang pag sasama. Hindi akalain ni Nancy na kayang gawin ni Louell ang mga ito sa kanya ang akala niya isang perpektong asawa ang kanyang si Louell. October noong mag paalam si Louell na mag babakasyo sa Boracay na ang kasama ng mga kaibigan. Sa loob ng 10 days sila mag stay sa Boracay. Walang kahina hinala si Nancy ng mga sandaling iyon. Kaya naman pinayagan niya ang kanyang asawa sa pag babakasyon. Iniisip ni Nancy baka gusto lang makahinga at makalanghap ng sariwang hangin ang kanyang asawa. Baka naninibago lang ito sa pag babago ng kanilang sistema . dahil after 6 yrs na silang dalawa lang ang laging mag kasama at lahat ng atensyon niya sa kanyang asawa. Subali ngayon nahahati na ito sa dalawa sa asawa niya at sa anak. Iniisip niya na naiintindihan siya ni Louell kaya mas mahabang oras ang ibinibigay niya sa kanilang anak.
Alam niya na mahilig sa tubig at beaches ang kanyang asawa kaya naman ok lang siya na maiwan sila ng kanyang anak . tutal naman wala pang kamalay malay ang kanilang baby. Kung isasama pa nila sa kanilang kapritso. Hindi akalain ni Nancy na mayroong ginagawang milagro ang kanyang magaling na asawa . pero sa hindi niya inaasahan. Ang kanyang isang pinsan na nag bakasyon din sa Boracay kasabay ng kanyang asawa at ito ay sobrang malapit sa kanya. Ito ay si Rea nag kataon lang na nahuli niya ang pinag gagawa ng asawa ng kanyang pinsan. Ayaw niyang maniwala na kayang gawin ng kanyang bayaw ang mga ito. Alam niya kasi sukdulan hanggang langit ang pag mamahalan ng dalawa. Nag kataon lang kaya o pinag tiyap ng isang pag kakataon ang dumating. Kaya natuklasan ang pag luluko ni Louell.
Si Rea na pinsan ni Nancy nag punta din sa Boracay kasama ang kanyang mga kaibigan. Parang pinag tiyap na iisang resort ang kanilang tinutuluyan at mag kalapit pang cottage. Hindi alam ni Rea nasa bakasyon ang asawa ng kanyang pinsan. At dito rin sa Boracay. Pero unang dumating sila Louell doon ng apat na araw. Parang sinadya ng pag kakataon na mag kalapit sila ng cottage . laking gulat pa ni Rea noong matanawan niyang nag lalakad si louell sa pasilyo ng cottage Noong una ang buong akala niya kahawig lang ng asawa ng kanyang pinsan. Pero naging interesado siya kung ito nga si Louell. Noong kanya na itong lalapitan at babatiin nakita niyang maykasama itong babae. Kaya naman siya dumistansya ng makita niyang nakayapos sa baywang ng kanyang bayaw ang babae. Pero hindi siya sure na 100% nga ito ang asawa ng kanyang pinsan. Kaya naman tinawagan niya si Nancy kungwari nangangamusta lang siya at kanyang itinanong kung nasaan ang kanyang bayaw na si Louell. Noong sabihin nasa Borakay ito ang nag babakasyon kasama ang mga kabarkada doon nakasiguro si Rea na ito nga ang asawa ng kanyang pinsan. Hindi muna niya sinabi nakita niya ang asawa nito na may kasamang babae sa Boracay. At hindi din niya sinabi nasa Boracay din siya. Gusto niya kumuha muna ng ebidensya na nakita niyang hindi kaibigan ang kasama ng asawa niya kundi ang kanyang kulasisi.
Noong nakasiguro siyang si Louell ang nakita niya halos inubos niya ang kanyang mga oras sa pag subaybay dito. Nag kalap siya ng mga katibayan para mayroon siyang maipakita sa kanyang pinsan. Kitang kita niya na akala mo mag asawa ang nasa kabilang cottage. Tanaw na tanaw niya nag tatawanan ang mga ito ang nag yayakapan. Kahit na nga nag aagaw dilim na noon kitang kita parin ng malinaw kung ano ang mga ginagawa ng dalawa. Nag puputok man ang kanyang kalooban ala siyang magawa. Kailangan mag ipon muna siya ng ebidensya sa mga nakikita niya. Nag haharutan nag hahalikan nag lalambingan. Doon na niya nakasiguro na hindi lang kaibigan ang kasama nito kundi mayroon itong relasyon sa isa’t isa. Sa kanyang nakikita muli niya naalala ang kanyang pinsan . walang kaalam alam na niloloko na siya ng kanyang asawa. Ang buong akala ni Rea na isang ideal na asawa si Louell.
Kinabukasan nakita niyang muli si Louell na kumakain sila ng kasama niya sa cottage. Habang kumakain nag susubuan pa ang mga ito akala mo mga bagong kasal nga hohoneymoon. Kaya naman dali dali niyang kinuha ang kanyang camera at kumuha siya ng picture para mayroon siyang ebidensya at di siya sabihan ng kanyang pinsa na sinisiraan lang niya ang asawa nito. Mahirap na mapag bintangan na gumagawa lang siya ng kuwento. Muli siyang tumawag sa kanyan pinsan kung nakauwi na si Louell. Wala pa kasi 10days ang paalam nito sa pag babakasyon. Tinanong niya kung kailan ito uuwi kasi mayron lang siyang sasabihing mahalagang bagay. O kaya mayroon lang siyang itatanong dito. Sinabi ni Nancy kung kailan ang huling araw nito sa Boracay. Kaya naman noong huling araw na ni Louell sa resort na iyon ang ginawa ni Rea tinawagan niya si Louell. Tinanong niya kung nasaan ito ang sabi nasa Boracay siya kasama ng kanyang mga kaibigan. Nag gigil si Rea sa pag sisinungalin ni to sa kanya. Mga kaibigan daw ang kasama niya ang totoo ang kanyang kabit ang kasama niya sa pag lalakwatsa.
Doon na hindi makapag pigil si Rea. Kung nagawa mong magsinungaling kay Nancy sa akin mga mata di ka makapag kakaila. Anu ang sinasabi mo Rea? Sabi ni Rea humarap ka sa iyong gawing kaliwa cottage doon mo masasagot ang lahat ng iyong katanungan. Kay lapit nito sa iyong cottage. Na siya mong kinauupuan ngayon at kasama mo ang babaeng ipinag palit mo kay Nancy. Anu ngayon nasagot na bang lahat ang iyong katanungan. Bumaba si Rea sa kanyang cottage at kinausap niya ang lalaki. Saka siya bumaba sa kanilang cottage at lumapit sya sa kinauupuan ng mga ito, at nag pakilala siyang kamag anak ni Louell na mag pinsan sila. Kaya naman noong humingi siya ng favor dito hindi tumangi na kuhanan sila ng picture walang magawa si Louell kundi mag post. Kumapit pa ng husto ang babae nito sa kanya. Noong matapos na siya kumuha ng picture saka siya nag paalam. At doon niya ni reveal ang tunay niyang katauhan sinabi niya hindi niya pinsan si Louell kundi ang asawa nito ang kanyang pinsan. nindi kami ang mag pinsan buo,kami ng asawa niya ang mag pinsang buo. Nakuha pa ninyong ngumiti sa camera . Sa binitiwan nitong salita hindi naka imik si Louell.
Kinabukasan nakita na lang ni Rea na wala na ang dalawa. Hinabol ni Rea pero naka out na kaya siya na lang ang gumawa ng paraan sa logging area lumapit siya para makita ang name ng babae at ni Louell saka niya kinuhanan ng picture pati na ang logging book na siyang mag sisilbing ebidensya niya na nakita niyang totoo ang dalawa sa Boracay. Pag kagaling sa Boracay hindi muna pumunta si Rea kay Nancy. Nag iisip siya kung kailangan nga bang sa kanya mang galing ang pag kasira ng isang pamilya. Pero hindi kaya ng kanyang konsensya na hindi sabihin sa kanyang pinsan ang kanyang nalalaman. Hindi niya kayang mag sinungaling sa kanyang pinsan na para na niyang kapatid. Kaya dumalaw siya sa kanyang pinsan. Ang nag kuwento siya na galing din siya sa Boracay at sinabi niya na nag kita sila ng asawa nito sa Boracay. Nabakas ni Rea sa mukha ni Louell ang takot alam niya na hindi siya nag sisinungaling. Kitang kita niya na pabuntong hininga si Louell. Buhat noong dumating si Rea parang sinisilihan ang puwet niya. Hindi niya alan kung ano ang kanyang gagawin sa mga picture.
Kaya naman pati si Louell halos parang hindi mapakali sa kaalaman na ano mang sandali mabibisto siyang na hindi mga kaibigan niya ang kasama niya kungdi ang babaeng kanyang kulasisi. Hindi nakatiis si Louell sa kanyang nararamdaman. Ang pakiramdan na kahit anong sandali mabibisto na ang kanyang kataksilan. Ilang sandali na lang mag sasalita na rin si Rea. Parang hindi niya kayang harapin ang kanyang asawa. Noong mag paalam si Louell na pupunta muna siya sa kanyang mga magulang hindi na siya nag patumpik tumpik pa. Ipinag tapat na ni Rea kay Nancy ang kanyang natuklasa tungkol sa asawa nito.
Noong umalis na si Louell silang dalawa na lang ni Nancy ang naiwan sa bahay. Kaya humugot siya ng isang buntong hininga at nang makakuha siya ng lakas ng loob na ipag tapat sa kanyang pinsan ang kanyang nalalaman. Sa umpisa sinabi niya sa kanyang pinsan na mayroon siyang mahalagang bagay na sasabihin. Pero huwag siyang mabibigla at kalamayin niya ang kanyang kalooban pagkanyang narinig ang mga sasabihin niya. Sa mga binitiwang salita ni Rea hindi maintindihan ni Nancy kung ano ang kanyang tinutukoy. Ni minsan kasi hindi natutunugan nang kanilang mga kapamilya kung mayroon silang tampuhan mag asawa. Kung maaari sila na lang mag asawa ang lumulutas nito. Sa mga sandaling iyon bago makapag salita si Rea naiyak na siya. Naaawa siya sa kanyang pinsan. Sa pag iyak ni Rea lalung naguluhan si Nancy sa inaasal nito.
Anu ba ang iyong problema masyado bang mabigat at di mo masabi sa akin at umiyak ka na dyan agad. Anu nga ba ang iyong problema mayroon ba akong maitutulong sa iyo? Saka palang nag salita na si Rea at sinabi niya lahat lahat ang natuklasan niya sa Boracay at inilabas niya ang lahat ng litrato at na kanyang nakalap noong nasa Boracay pa sila. Hindi makapaniwala si Nancy sa mga kanyang nakikita. Hind niya malubos maisip kung bakit magagawa ni Louell ang mga bagay na iyon. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang asawa. At hindi siya makapaniwala na kaya siyang lokohin ng kanyang asawa. Ang alam niya mahal na mahal siya nito at ganoon din siya. Ni hindi siya nag kukulang sa kanyang asawa kahit sa kama. Pinipilit niyang maging active kahit anong oras na ibigin ng kanyang asawa. Kaya di niya malubos maisip na mag hahanap pa ito sa iba.
Sa pag kakataong ito dalawa na silang nag iiyakan. Hindi talaga matangap ni Nancy na niloloko siya ng kanyang pinakamamahal na asawa. Kailangan ko ang ebidensya bago ako maniwala sa iyo. Hindi pa ba sapat ang mga inilabas kong mga litrato sa iyo ang tugon ni Rea. Ang mga litratong iyan ang mga nakalap ko noong nasa Boracay sila. Gusto ko ako mismo ang makahuli sa kanilang kalokohan. Ikaw ang bahala ang sabi ni Rea kay Nancy. Pinahiran ni Nancy ang kanyang mga luha at nag buntong hininga. Salamat sa mga impormasyon binigay mo sa akin. Ako na ang bahala dito sa aming problema. Kaya naman parang ok na si Nancy kaya nag paalam na si Rea. Kalmado na si Nancy noong kanyang iwanan. Humanga si Rea kay Nancy sa tatag ng kalooban nito sa pag tanggap sa katotohanan. Pag alis ni Rea naiwang nakaupo sa sofa si Nancy. Walang katinag tinag siya doon at nakatanaw sa kawalan. Doon na inabutan ng dilim si Nancy. Gabi na di parin umuuwi si Louell kaya tinawagan ito ni Nancy para umuwi na. noong umuwi si Louell nasa sofa pa rin si Nancy. Hindi pa rin siya tumatayo buhat noong umalis si Rea. Sa pag pasok na pag pasok ni Louell napansin niya na galing sa pag iyak ang kanyang asawa. Pero di siya makapag tanong kung bakit galing sa pag iyak ang kanyang asawa at baka sa kanya lahat bumalik.
Ilang minuto ng nakakauwi si Louell wala pa ring gustong bumasag sa katahimikan. Tahimik lang silang dalawa. Di nag tagal di nakayanan ni Nancy ang nararamdaman nakita na lang ni Louell na kusang tumutulo ang mga luha ng kanyang asawa. Panay patak ng kanyang mga luha pero walang imik pa rin ito. Hindi niya makuhang sumbatan ang kanyang asawa kung bakit niya nagawa ito sa kanya. Noong napag masdan ni Louell na panay patak ng kanyang luha nilapitan niya ito at niyakap ng ubod ng higpit. Hindi pa rin makuha ni Nancy ibuka ang kanyang mga labi at sumbatan ang kanyang asawa. Nanatiling tikom ang kanyang mga bibig sa kanyang natuklasan pag tataksil ng asawa. Walang namutawing pag susumbat sa kanyang bibig tahimik lang siyang tumatangis sa kanyang mga natuklasan.
Lumilipas ang mga araw hindi parin sinisita ni Nancy ang kanyang asawa. Pero ganoon pa rin si Nancy na bigla na lang tumutulo ang luha niya tuwing maaalala ang ginagawang pang loloko ng asawa niya. Alam at pakiramdam ni Louell na alam na ng kanyang asawa ang kanyang kalokohan. Ang ipinag tataka lang niya bakit hindi siya sinisita nito at inaaway. Ramdam niya na ipinag tapat na ni Rea ang kanyang natuklasan sa Boracay. Kaya naman pinag silbihan niyang mabuti si Nancy para makabawi sa kanyang kasalanan. Kahit nasasaktan patuloy pa rin ang buhay. Parang walang nag yari ganoon pa rin ang takbo ng kanilang buhay. Kahit alam nila na mayroon malaking silang problema. Sinikap pa rin ni Nancy na maging isang butihing may bahay. Lalu pa niyang pinag buti ang pag lilingkod kay Louell. Na kahit appaano dapat na makunsensya siya sa kanyang ginagawa. At ituwid nito ang kanyang pag kakamali.
Lumipas ang mga araw at inabot na ng buwan. Hindi pa rin sinasabi ni Nancy ang kanyang natuklasan tungkol sa kanyang asawa. Binibigyan niya ito ng pag kakataon na ituwid ang kanyang pag kakamali. Kahit mahabang panahon na ang lumipas hindi pa ring sinasabi ni Nancy kung ano ang kanyang natuklasan sa kanyang asawa. Pinaparamdan niya dito na kahit niloko siya nito. Ganoon pa rin ang kanyang pag sisilbi dito. Para makonsensya siya sa kanyang ginagawang pang loloko at kusa na niya itong iwanan. Ang buong akala ni Nancy kung ganoon ang gawin niya kusang mag babago na ang kanyang asawa. Subalit maling mali siya sa kanyang akala. Ang hudas niyang asawa hindi pa rin iniiwan ang kanyang kulasisi.
Dec. 12 2011 naiwan ni Louell ang kanyang secret mobile phone. Ni hindi alam ni Nancy na mayroon palang ibang cell phone ang kanyang asawa. Nag tataka man siya bakit mayroon extrang cell phone si Louell na di niya alam ang number nito. Saka niya natuklasan ito pala ang ginagamit ni Louell sa pag tawag tawag sa kanyang kulasisi. Sa ang cell phone na iyon doon niya natuklasan na patuloy pa rin siyang niloloko ng kanyang magaling na asawa. Dito niya lahat nabasa ang mga palitan nila ng text. Nabasa niyang lahat lahat ang mga palitang nila ng text. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa kanyang natuklasan at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Noong makuha na niya kontrolin ang kanyang damdamin nag send siya ng msg sa babae na mag kita sila sa isang lugar. Agad agad namang nag reply ang babae. Tinanong pa kung anong oras sila mag kikita nag pretend siya si Louell. Binigay niya ang location at oras ng kanilang pag kikita. Ang haliparot tinanong pa kung anong oras sila mag kikita kaya naman sinabi niya 5pm.
Dumating ang takdang oras ng pag kikita. Dahil sa mga litratong bigay ni Rea kaya madali niyang nakilala ang kabit ng kanyang asawa.dahil kilala din siya ng kabit ng kanyang asawa. Kaya laking gulat nito na siyang papalapit sa kanya. Tatayo na sana ito pero pinigilan siya ni Nancy. Huwag kang matakot mag uusap lang tayo? Sa pag uusap nilang dalawa doon na nalaman ni Nancy na 2010 palang niloloko na siya ng kanyang asawa. Buhat noon daw nauso ang facebook nag karoon na sila ng relasyon. Tinanong din niya bakit niya ito pinatulan kahit alam niyang may asawa ito? Hindi umimik ang babae ni Louell. Ang lahat ng kanilang pinag usapan lihim na inerecord ni Nancy. Kaya walang ligtas si Louell at ang babae nito. Kahit gustong gusto na ni Nancy manangis ng mga sandaling iyo di niya ginawa. Ayaw niyang makita ng kabit ng kanyang asawa na tumutulo ang kanyang mga luha. Kahit galit na galit siya sa mga oras na iyon nakapag timpi pa rin siya. Ayaw niya ibaba ang kanyang level sa ganitong klaseng babae. Ayaw niyang maiskandalo kasama ng babaeng mababa ang lipad.
Ayaw niyang bumaba sa level ng babaeng kabit ng kanyang asawa. Sabagay mayroon itchura ang kabit ng kanyang asawa pero kumpara sa kanya wala ang ganda niya. Mukha din namang sosyal at may pinag aralan. Ipinag tataka lang ni Nancy bakit pumatol sa may asawa ito. Pag katapos ng kanilang pag uusap pinakita ni Nancy ang kanyang record. At sinabi niyang mag dedemanda siya. Tutal mayroon siyang kapatid na abogado. Alam ng babae na may kaya sila Nancy. Wala siyang panama sa kayamanan ng pamilya nito. Kaya naman takot na takot ang kabit ng kanyang asawa. At nakiusap na huwag siyang ipakulong siya na mismo ang gagawa ng paraan para layuan ang kanyang asawa. Sana daw huwag ng paabutin sa demandahan ang kanilang problema. Kusa na siyang lalayo kay Louell. Nag kaintindihan sila na lalayuan na niya ang kanyang asawa.
Pag katapos ng kanilang usapan umuwi na si Nancy. At doon niya inabutan ang kanyang asawa na nag aalaga ng kanilang anak. Pag pasok nito lumapit sa kanyang asawa at kinuha ang kanilang anak. Pag katapos pumasok na siya sa kanilang room. At kaagad niyang ini lock ito. At saka niya inilabas lahat ang kanyang sama ng loob. Ngayon lang niya pinalaya ang kanyang nararamdaman. Ang kanina pa niyang gustong gustong makalimot. Habang yakap yakap ang anak panay ang kanyang pag iyak. Hindi niya matangap kung bakit nagawa ng kanyang asawa ang mga ito. Panay katok ni Louell sa kanya pero di niya ito pinag bubuksan. Noong makalipas ng ilang oras medyo humupa na ang pag palahaw ng pag iyak ni Nancy. Kung noon nakapag tiis si Nancy ngayon di na niya kayang makisama pa sa lalaking katulad nito.
Noong humupa na ang pag iyak ni Nancy tinawagan nito ang kanyang ina na sunduin siya sa bahay nila. Laking gulat ng kanyang ina noong makatangap ito ng tawag galing sa kanya at kahit nagugulimihanan sila kung bakit tumawag ang kanilang bunso. Noong marinig ng kanyang mommy ang kanyang pag iyak hindi ito nag dalawang isip na baka nga ang kanyang anak ang mayroon deperensya. 10:30 pm noong dumating ang kanyang ina. Noong dumating ito inabutan nila si Louell na kaupo sa sofa. At tinanong nila kung nasaan si Nancy at bakit bigla bigla nag papasundo nito sa kanila. Noong lumabas si Nancy sa room bitbit niya ang bata at iba pang kailangan ng baby. Isang malaking maleta ang dala dala niya. Na punong puno ng kanilang gamit na mag iina na gulat si Louell at ang kanyang ina at ng isa niyang kapatid na kasama ng kanyang ina. Sinalubong siya ng kanyang ina at niyakap siya sabay tanong kung ano ang problema. Pati si Louell hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang nag yayari sa kanilang mag asawa.
Doon na sumabog si Nancy sinabi niyang lahat lahat ang kanyang natuklasan tungkol sa pag babae ni Louell. Ipinamukha ni Nancy ang lahat ng kanyang natuklasan. Galit na galit ang kapatid na pulis ni Nancy. Agad niya itong nasuntok na siyang ikinagulat ni Nancy at ng mommy niya. Hindi naman lumalaban si Louell. Umalis na si Nancy sa kanilang bahay. At sumama na siya sa kanyang mommy. Pag dating sa bahay ng kanyang ina inilabas lahat ni Nancy ang mga nakalap niyang ebidensya.talagang ikinagulat ng kanyang mga kapatid at nag taka bakit nagawa ito ni Louell. Kinabukasan pinatawag ang lahat ng kapatid ni Nancy at nag pulong pulong sila kung ano ang mabuti sa ikakaayos ng mag asawa. Pero si Nancy na rin ang umayaw hindi na niya kayang makisama pa sa isang lalaki na mayroon ng ibang minamahal. Ang buong pamilya sa pawat panig ay nag usap usap kung paano pa nila maiisasalba ang pag sasama nila.
Nag sick leave si Nancy hindi niya ayang mag trabaho sa bigat ng kanyang dinadala. Dec 24 pinuntahan siya sa bahay ng kanyang mag magulang at nakikiusap si Louell na ayusin na lang nila ang kanilang problema. Pero naging matigas si Nancy . kaya naman ang kinausap nito ang ina ni Nancy kung maaari tulungan siyang mag kaayos silang mag asawa. Hanggang namalayan nilang mag biyanan na parehong umiiyak. Hindi rin alam ng kanyang biyanan ang dapat nitong isagot. Hindi na nila saklaw ang suliranin nilang mag asawa. Lumabas ng kuarto si Nancy at pinag tabuyan niya si Louell. Halos himatayin na sa pag wawala ni Nancy sa kanyang nararamdamang sakit ng kanyang puso. Dec 25 sa halip na mag sasaya sila akala mo sila namatayan sa lungkot. At halos ang buong nilang kamag anakan nalaman ang kanyang kasawian. Kaya naging lalu lang nag pahirap sa kanyang nararamdaman. Jan 1 lahat ay nagulat sa ginawi ni Nancy. Lahat ng mga nag bibigay sa kanya ng alaala ng kanyang asawa kanyang sinunog ang kanilang wedding gown at kanilang wedding photo at marami pa. lahat ng ito sa nag lalagablab na apoy humantong.
Sa pag lipas ng mga araw di pa rin makalimutan ni Nancy ang sakit na kanyang nararamdaman. Para maging norma na ang takbo buhay niya. bumalik na siya sa kanyang work. Pero sa pag sapit ng gabi pag di na siya busy sa trabaho muling bumabalik ang sakit at hapding kanyang nararamdaman. Kaya naman kinausap ni Nancy ang kanyang ina at ama at mga kapatid na gusto na niyang I pa annull ang kanilang kasal na dalawa. Noong mabalitaan ito ni Louell hindi siya makapaniwala na ganoon ang kanyang pag nanais na mawala na siyang tuluyan sa kanyang sistema. Feb. nag file na ng annullment para madali ang pag proprocess ang kapatid ni Nancy ang tumayong abogado niya. ayaw pumayag ni Louell na ipa annull ng kanilang kasal.Ang isang pinaka expensive na kasalang itong nakalimutan na niya sarado na ang isip niya. hindi na niya kayang patawarin pa si Louell. Kahit pa umiyak at lumuhod sa kanyang harapan itinuloy pa rin ni Nancy ang pag papa annul ng kanilang kasal. Hiniling ni Louell na mag usap sila ng maayos na dalawa. Pinag iyan naman siya ni Nancy pero buo na ang kanyang pasya na ayaw na niyang makisama sa isang asawa na pinag taksilan siya. Kahit lumuhod sa kanyang harapan si Louell at umiiyak sa pag hingi ng tawad hindi ito pinag bigyan ni Nancy. Hindi kayang gamutin ng kanyang mga luha ang mga pasakit at sama ng loob na kanyang nararamdaman.
Dahil sa nararanasang depresyon ni Nancy napilitan ang kanyang mga magulang na ipagamot siya. Akala ng mga ito nasisiraan na ng bait. Kahit sabihin ni Nancy na siya ay ok lang. matino ang kanyang pag iisip walang maniwala sa kanya. Kasi nga daw bakit ayaw niyang tumigil sa kakaiyak at napapabayaan na niya ang kanyang trabaho. Nangangalumata siya sa halos gabi gabing pag iyak. At sa kanyang mga ikinikilos na kakaiba. Dahil lang ba sa ayaw na niyang makita ang lahat ng bagay na nag papaalala sa kanya tungkol sa kanyang asawa. Pinag kamalan na siyang nababaliw. Baliw bang matatawag kung sunugin mo at itapon ang lahat ng bagay na may koneksyon sa dati niyang asawa. Hindi rin nag tagal pinalabas siya sa pagamutan ng mga baliw kasi nga di naman siya talaga nababaliw. Kaya lang siya nga kakaganoon dahil sa sobra sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi lang niya matangap na sa ibinigay niyang pag mamahal sa kanyang asawa ay ito pa ang iginanti niya sa kanya. Sabagay gawa nga ba ng isang normal na tao ang iyak ng iyak at hindi kumakain sa oras. At higit sa lahat yong itapon mo kahit mahalagang bagay na nag papaalala sa iyo sa kawalanghiyaan ng asawa mo. Kabaliwan bang masasabi ang mga ito. Gusto lang niyang makapag move on kaya niya nagawa ang mga ito.
Medyo nag hihinanakit si Nancy sa kanyang mga magulang na dapat na damayan siya sa kanyang pag hihinagpis ay pinag kamalan pa siyang nababaliw. Sa pag lipas ng mga araw at buwan unti unti ng natatangap ni Nancy ang kanyang kapalaran sa pag ibig. Pero kahit anong pakiusap na ni Louell na makipag balikan hindi na niya kaya. Gusto na niyang mag move on na hindi na siya ang kasama . iniintay na lang niya ang resulta ng kanilang annulment. Kahit patuloy ang panunuyo ni Louell sa kanya di na niya ito matangap. Sobra sobra ang sakit na kanyang nararamdaman. Kaya nag babalak na siyang mag migrate sa Canada. Para tuluyan ng iwasan ang lalaking nag bigay sa kanya ng sobrang pighati. Hindi pa tuluyang nakakalimot si Nancy pero alam niya darating ang oras na wala na siyang mararamdamang sakit sa kahit maalala niya at magkita silang muli ng dati niyang asawa.
Hanggang dito na lang muna ang kuwento ng buhay ni Nancy. Sa kasalukuyan hindi pa siya nakakarekober ng husto. Kung dumating ang panahon tuluyan na niyang makalimutan si Louell at nakatagpo siya ng bagong pag ibig. Pangako ni Nancy na ikukuwento niya sa aking ang magiging bago niyang buhay. Sana kinapulutan ninyo ng aral ang kanyang story. Minsan kahit pinag sumikapan natin na maging maganda ang buhay may asawa kung ang partner natin ay hindi naging tapat sa sinumpaan noong kayo ikinasal wala tayong magagawa. Minsan ang takbo ng buhay hindi natin kayang kontrolin. Hindi natin hawak ang bukas. Kaya minsan maging handa tayo sa pag harap sa malalaking pag subok. Sana huwag tayo agad susuko at sana ipag laban natin ang sa atin. At sana matuto din tayong mag patawad sa ating asawa kung ito minsan ay naliligaw ng landas. Sana nakahanda din tayo na tanggapin ang kahinaan ng ating asawa. Sayang nga lang hindi handa sa ganito si Nancy. Sana napatawad ni Nancy ang kanyang asawa at mag simula sila ng bagong buhay. Base sa kayang kuwento mahal na mahal pa rin siya ng kanyang asawa si Louell. Naligaw lang ito at tinahak ang maling landas. Pero handa naman siyang mag bago sa pangalawang pag kakataon. Si Nancy hindi niya kayang patawarin ang kanyang asawang nag kasala. Sabagay may kanya kanya tayong katwiran. Ang pasya ni Nancy iginagalang ko. Pero kung hihingin ang sa akin …. Kung ako si Nancy kaya ko pang bigyan ng isa pang pag kakataon si Louell. At sa pangalawang pag kakataon at ginawa uli palagay ko saka na lang ako makikipag hiwalay ng tuluyan sa kanya. THE END…..
Copyright by Rhea Hernandez….4/11/12