LOVE STORY “ANNIE” chapter 4 finale
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
sa wakas
after two yrs muli akong naka apak sa lupang aking sinilangan. Tuwang tuwa ang
mama at papa ko sa muli kong pag babalik. Pati na ang mga kapatid ko.excited
ako sobra sa pag uwi kong ito . makikita ko na muli si BY. Dalawang taon ko rin
kinasabikan mag kasama ulit kami ni Alex. Pag dating naming sa bahay kulang na
lang na subuan ako ng mga kapatid ko sa pag aasikaso sa akin. Talaga lang daw
sobra nila ako na mis kaya ganoon na
lang ang pag aasikaso nila. Sana
nga daw huwag na muli akong umalis para hindi na nila ako ma mis ng grabe.
Kahit hindi kumikibo si papa at mama alam ko at nararamdaman ko na sabik na
sabik sila sa akin. Oo sanay silang malayo ako sa kanila pero nakakauwi ako
paminsan minsan at alam nila at nakikita nila kung nasaan ako. Di tulad nasa
ibang bansa hindi makauwi kung may okasyon. Tulad ng pasko at bagong taon. Araw
ng birthday nila. Kahit walang maraming handa sabay sabay naman kaming kumakain
sa hapag kainan, ito ang pinaka mis ko sa lahat. Ang bonding ng mag
kakapamilya.
Tinawagan ko si Alex para mag kita naman kami at ma meet niya lahat ang
mga kapatid ko. Alam ko na medyo matagal tagal na rin hindi kami nag kikita ni
Alex saktong 2yrs and 15days. Naks!
Bilang na bilang ko ang mga araw. Kasi ba naman noong nasa Kuwait ako wala akong inisip kundi
siya at masasayang mga araw namin. Medyo hapon na noong dumating siya. Noon
naman kasalukuyan kami ng mga kapatid nasa beach nag kayayaan maligo sa dagat. Kaya doon ko na siya
pinatuloy. Paano wala na siyang daratnang tao sa bahay naming nasa beach na
kaming lahat. Im very satisfied and contented kasi ba naman kumpleto na ang mga
mahal ko sa buhay. Kapiling ko silang lahat ngayon. Anu pa ba ang mahihiling
ko. Kumpleto na sila walang kulang .
Ang
nadarama kong kaligayahan ay hindi nag tagal. Sapagkat muli akong nag apply
para makaalis ulit. Ang nadarama kong ligaya noong bagong dating ako napalitan
ito ng ibayong kalungkutan. Muli pumirma ako sa panibagong kontrata. Ayaw na ni
Alex na muli akong lumisan. Pero wala na siyang magawa kasi nakapag desisyon na
ako na muling lisanin ang bayang sinilangan. Hindi pa naman kami puedeng
pakasal kasi nag aaral pa siya at saka wala pang ipon at higit sa lahat mga
bata pa kami.Ang pag aasawa makakapag hintay. Saka kung talaga kami ang para sa
isa’t isa baligtarin man ang mundo hindi siya mag babago kami pa rin ang mag kakatuluyan.
Saka sigurado na ako sa aking sarili na si Alex ang tanging lalaki gusto kong
maging asawa sa pag dating ng panahon.
Bago ako
umalis inimbita ako ng mama ni Alex na mag bakasyon sa kanila kahit ilang araw
lang. Pinag bigyan ko ang kahilingan ni Alex. Saka nahihiya ako sa mama niya
kaya pina unlakan ko ang mahigpit niyang paanyaya sa akin..sa unang pag
kakataon matutungtong ako sa bahay nila Alex. Pag pasok ko sa bahay ang mama
niya ang nabungaran ko kaya naman nag mano ako sa mama niya. Mga sandali yaon
para akong hihimatayin sa hiya. Parang gusto kong matunaw ng mga sandali yon.
Gusto kong mag laho na parang bula sa kanilang paningin. Ganito pala ang
feeling sa unang pakikipag harap sa magulang ng iyong minamahal. Hindi ako
makakilos sa pag kakaupo .parang may pandikit ako sa aking puwet. Hindi ko
maipaliwanag anong klaseng emosyon ang nag lalaro sa aking katawan. Ganito ba
talaga ang nagiging feeling ng isang babae pag pinakikilala ka na sa pamilya ng
lalaki?
Sa harap
ng hapag kainan naubos ko yata ang isang pitcher na tubig sa kakainom pero ang
pag kain sa loob ng aking bibig hindi ko malunok. Mababait naman sila sa akin.
Pinipilit nga nila na maging patag ako sa kanilang harapan. Halos lahat yata ng
aking mga galaw binabantayan nila. Kahit pag punta ko sa restroom inaalala nila
ako. Mag dahan dahan daw ako at baka madulas at madapa ako. Sobra sobra ang pag
aasikaso nila sa akin. Anong saya ko ng mga oras na yon. Hindi ko akalain na
magustuhan ako ng mga magulang ni Alex pati na ang kanyang mga kapatid. Walang
akong problema pag dating sa mga in laws. Lahat makakasundo ko sila. Alam ko ma
mimis ko ang mga pag aasikaso nila sa akin. Sobrang maalaga ang mama ni Alex.
Sabi ko nga kay By ang suerte niya sa ina at maalaga at mapag mahal. Isang
matamis na ngiti lang ang isinagot sa akin ni By. Pati sa pag tulog ko inaalam
niya kung maayos daw . parang gusto ko ng doon tumira. Hindi na tumuloy sa pag
aabroad. Sana
puede nga.
Itong si
Alex bantay sarado din ako. Kay higpit parang ayaw na niya akong makita ng mga
tao. Lagi na lang nakakulong sa loob ng bahay o lumabas man gusto laging kasama
siya. Ayaw niya akong mahihiwalay sa kanya. Sinasamantala lang daw niya ang mga
natitira kong araw sa Pina . kasi ba naman aalis nanaman daw ako. Nag aaya
akong lumabas para I meet ang mga kaibigan ko. Ayaw niya sa susunod na araw o
sa gabi na lang kami makipag kita sa mga kaibigan namin. Kaya naman pala gusto
niyang ipag malaki sa akin ang kanyang mga pananim. Kay dami niyang tanim na
gulay. Iba’t ibang klase ng gulay. Isang maluwang na tumana ang ipinakita sa
akin ni Alex. Kay luwang ng bukirin.
Kay
sarap mag lakad na naka paa. Kay tagal kong na mis ang ganito. Laki din naman
ako sa hirap kaya sanay ako sa lahat ng klase ng Gawain sa bukid. Pero matagal
tagal na rin hindi ako nakapag bubukid. Kaya naman nakaka panibago ang mag
lakad sa putikan. Parang kinikiliti ang aking talampakan. Kay sarap balikan ang
matagal mo ng nakasanayan. Dala ng pag kakataon nahinto akong tumapak sa
bukirin noong mamasukan ako.at noong mag abroad . Mahaba habang panahon din
hindi ako naranasan ang ganito. Laking pasasalamat ko kay Alex dinala niya ako
sa kanilang bukirin. Laking pag mamalaki ni Alex sa mga pananim kasi daw katulong siyang nag aalaga at nag
tanim ng mga gulay.
Kay saya
ko sa piling ng lalaking pinaka mamahal ko. Sayang at hindi gaano katagal ang
pag stay ko sa kanila. I treasure ko ito habang ako’y nabubuhay. Para
kaming mga bata nag lalaro sa bukirin. Kinakarga pa niya parang baby niya. Sayang
at one week lang ang bakasyon ko. Kung puede lang haba habaan ko ang pag stay
sa kanila kaso marami pa akong dapat asikasuhin. At kailangan ko rin bumalik
ulit sa Gensan para doon ako mag pasko kasama ang aking mga magulang at
kapatid. At plano
kong isama din si Alex sa Gensan para doon mag pasko mag kasama kami. Gusto din
ni Alex na mag kasama kami sa darating na kapaskuhan. Ito na kaya ang pinaka
masaya kong pasko at bagong taon na dumating sa buhay ko. Mag kakasama ang mga
mahal ko sa buhay. Wala na akong mahihiling pa.
Dumaan
ang mga araw February 2009 lumipad ulit ako papunta Kuwait . Kung ano saya ang nalasap
ko noong bakasyon siya namang ibayong
kalungkutan at kamalasan ang inabot ko dito sa Kuwait . Yong una kong naging amo
parang hindi tao ang turing sa akin. kaya napilitan akong lumipat sa iba. Sa
kamalas malasan nga naman salbahe ang
pangalawa kong amo kaya napilitan ulit akong lumipat. Sa pangatlong amo puede
ko ng pag tiyagaan kahit medyo mahigpit hindi naman parang hayop ang tingin sa
akin. Kahit papaano itinuring akong tao ng amo ko. Kahit ang daming bawal. Kaya
naman dumalang ang aming komunikasyon ni Alex.
Dala ng
aking trabaho nawalan ako ng panahon sa lalaking aking pinakamamahal. Lumipas ang mga araw at buwan.Ang buong akala
ko naiintindihan niya ang situation ko. Ang buo kong pag kakaalam kaya niyang
mag tiis ng panibagong 2yrs. Tulad ng mga nauna kong pag alis ng bansa. Pero si Alex naging marupok sa aming pag mamahalan.
Isang araw noong tumawag ako sa kanya sabi niya mayroon siyang aaminin sa akin.
Ito pa lang ang sinasabi niya parang alam ko na ang karugtong. Nahuhulaan ko na ang sasabihin niya.
Parang nag cruz ang dila ko sa aking nalaman. Sumabay pa ang kapatid ko. Sa mga
panahong ito iisa lang ang puede kong kapitan. Ito ang panginoon .
Mismo si
Alex ang umamin sa akin na mayroon siyang nagalaw na babae.
Kahit ito ang inaasahan ko. Bakit ganoon doble ang
naramdaman kong sakit ngayon sa mismong bibig ni Alex nag mula ang balita. Ang sabi niya nagawa
lang niya iyon noong isang araw nag malasing siya. Ang buo kung akala hindi na
siya umiinom. At tutok siya sa kanyang pag aaral. Talagang ang barkada walang
maidudulot na maganda sa isang tao. Parang gumuho ang mundo ko noong mapag
tanto ko kung ano ang sinabi ni Alex. Parang kay tagal pumasok sa isipan ko.
Hindi ako nakakilos ng ilang Segundo sa kinatatayuan ko. Ganoon pala yon. Hindi
mo mapaliwanag ang sakit na aking nararamdaman ng mga sandaling yaon.
Matatapos
na ang 2yrs kong kontrata sa Kuwait .
Na masasabi ko na wala akong dinadasal na sana
makalimutan ko na siya. Sabi ng mga kaibigan huwag ko daw pagka isipin.
Magagamot daw ng panahon ang lahat ng sakit na kanyang ibinigay sa akin. Sabi
niya natukso lang siya kaya niya nagawa iyon. Nagte text pa rin siya sa akin at laging sinasabi Ang pag mamahal
niya sa akin ay hindi daw nag babago. Bakit ganoon kahit anong paliwanag niya
hindi nawawala ang sakit na aking nararamdaman. Sadya bang ganito pag ikaw
umasa at nag tiwala? Pag natuklasan hindi
pinahalagahan ang inuukol pag mamahal. Mahabang panahon aking iningatan. Kaya
siguro ubod ng sakit ang nadarama ko.
Malapit
na ang aking pag uwi sa Pilipinas. Bakit hindi pa rin nawawala sa aking isipan
ang kasalanan kanyang ginawa. Pero bakit ganito ang aking nararamdaman? Umaasa
ako na kami pa rin sa aking pag babalik. Na sana siya ang sumalubong sa akin sa pag
babalik . Sadya bang ganito ang pag ibig? Alam ko Malaya
pa rin siya at iniwan na niya ang babaeng kanyang nagalaw. Dapat pa ba akong
umasa na maaayos pa rin ang aming relasyon sa muli kong pag babalik sa
Pilipinas? Tanging ang Poong Maykapal lang ang nakakabatid. Kung kami pa rin ni
Alex ang mag kakatuluyan. Sana
sapagkat ito pa rin ang dinadasal ko ang maayos muli ang nag kalamat naming
relasyon dahil sa aking pag layo pansamantala para hanapin ang magandang
kinabukasan sa ibayong dagat.
Sana sa pag uwi ko maayos naming ang
nasira at nag kalamat naming pag mamahalan. Dito ko muna tatapusin ang pag
kukuwento ng pag mamahalan naming ni Alex. Kahit ako hindi ko pa alam kung saan
mag tatapos ang nasira naming pag mamahalan. Sana nga may pag asa pa? Sana nga nagamot na ng panahon ang sakit na
aking naramdaman. Sana
matutong mag patawad ang aking puso. Sana hindi
natukso si Alex di sin sana
walang problema. Anu pa ba magagawa ko nangyari na ang dapat hindi nangyari……..
WAKAS…. November 28, 2012