Wednesday, November 28, 2012

LOVE STORY "ANNIE" chapter 4 finale


LOVE STORY “ANNIE” chapter 4 finale

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


              sa wakas after two yrs muli akong naka apak sa lupang aking sinilangan. Tuwang tuwa ang mama at papa ko sa muli kong pag babalik. Pati na ang mga kapatid ko.excited ako sobra sa pag uwi kong ito . makikita ko na muli si BY. Dalawang taon ko rin kinasabikan mag kasama ulit kami ni Alex. Pag dating naming sa bahay kulang na lang na subuan ako ng mga kapatid ko sa pag aasikaso sa akin. Talaga lang daw sobra  nila ako na mis kaya ganoon na lang ang pag aasikaso nila. Sana nga daw huwag na muli akong umalis para hindi na nila ako ma mis ng grabe. Kahit hindi kumikibo si papa at mama alam ko at nararamdaman ko na sabik na sabik sila sa akin. Oo sanay silang malayo ako sa kanila pero nakakauwi ako paminsan minsan at alam nila at nakikita nila kung nasaan ako. Di tulad nasa ibang bansa hindi makauwi kung may okasyon. Tulad ng pasko at bagong taon. Araw ng birthday nila. Kahit walang maraming handa sabay sabay naman kaming kumakain sa hapag kainan, ito ang pinaka mis ko sa lahat. Ang bonding ng mag kakapamilya.

              Tinawagan ko si Alex para mag kita naman kami at ma meet niya lahat ang mga kapatid ko. Alam ko na medyo matagal tagal na rin hindi kami nag kikita ni Alex saktong 2yrs and 15days.  Naks! Bilang na bilang ko ang mga araw. Kasi ba naman noong nasa Kuwait ako wala akong inisip kundi siya at masasayang mga araw namin. Medyo hapon na noong dumating siya. Noon naman kasalukuyan kami ng mga kapatid nasa beach nag kayayaan  maligo sa dagat. Kaya doon ko na siya pinatuloy. Paano wala na siyang daratnang tao sa bahay naming nasa beach na kaming lahat. Im very satisfied and contented kasi ba naman kumpleto na ang mga mahal ko sa buhay. Kapiling ko silang lahat ngayon. Anu pa ba ang mahihiling ko. Kumpleto na sila walang kulang .

              Ang nadarama kong kaligayahan ay hindi nag tagal. Sapagkat muli akong nag apply para makaalis ulit. Ang nadarama kong ligaya noong bagong dating ako napalitan ito ng ibayong kalungkutan. Muli pumirma ako sa panibagong kontrata. Ayaw na ni Alex na muli akong lumisan. Pero wala na siyang magawa kasi nakapag desisyon na ako na muling lisanin ang bayang sinilangan. Hindi pa naman kami puedeng pakasal kasi nag aaral pa siya at saka wala pang ipon at higit sa lahat mga bata pa kami.Ang pag aasawa makakapag hintay. Saka kung talaga kami ang para sa isa’t isa baligtarin man ang mundo hindi siya mag babago kami pa rin ang mag kakatuluyan. Saka sigurado na ako sa aking sarili na si Alex ang tanging lalaki gusto kong maging asawa sa pag dating ng panahon.

              Bago ako umalis inimbita ako ng mama ni Alex na mag bakasyon sa kanila kahit ilang araw lang. Pinag bigyan ko ang kahilingan ni Alex. Saka nahihiya ako sa mama niya kaya pina unlakan ko ang mahigpit niyang paanyaya sa akin..sa unang pag kakataon matutungtong ako sa bahay nila Alex. Pag pasok ko sa bahay ang mama niya ang nabungaran ko kaya naman nag mano ako sa mama niya. Mga sandali yaon para akong hihimatayin sa hiya. Parang gusto kong matunaw ng mga sandali yon. Gusto kong mag laho na parang bula sa kanilang paningin. Ganito pala ang feeling sa unang pakikipag harap sa magulang ng iyong minamahal. Hindi ako makakilos sa pag kakaupo .parang may pandikit ako sa aking puwet. Hindi ko maipaliwanag anong klaseng emosyon ang nag lalaro sa aking katawan. Ganito ba talaga ang nagiging feeling ng isang babae pag pinakikilala ka na sa pamilya ng lalaki?

              Sa harap ng hapag kainan naubos ko yata ang isang pitcher na tubig sa kakainom pero ang pag kain sa loob ng aking bibig hindi ko malunok. Mababait naman sila sa akin. Pinipilit nga nila na maging patag ako sa kanilang harapan. Halos lahat yata ng aking mga galaw binabantayan nila. Kahit pag punta ko sa restroom inaalala nila ako. Mag dahan dahan daw ako at baka madulas at madapa ako. Sobra sobra ang pag aasikaso nila sa akin. Anong saya ko ng mga oras na yon. Hindi ko akalain na magustuhan ako ng mga magulang ni Alex pati na ang kanyang mga kapatid. Walang akong problema pag dating sa mga in laws. Lahat makakasundo ko sila. Alam ko ma mimis ko ang mga pag aasikaso nila sa akin. Sobrang maalaga ang mama ni Alex. Sabi ko nga kay By ang suerte niya sa ina at maalaga at mapag mahal. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot sa akin ni By. Pati sa pag tulog ko inaalam niya kung maayos daw . parang gusto ko ng doon tumira. Hindi na tumuloy sa pag aabroad. Sana puede nga.

              Itong si Alex bantay sarado din ako. Kay higpit parang ayaw na niya akong makita ng mga tao. Lagi na lang nakakulong sa loob ng bahay o lumabas man gusto laging kasama siya. Ayaw niya akong mahihiwalay sa kanya. Sinasamantala lang daw niya ang mga natitira kong araw sa Pina . kasi ba naman aalis nanaman daw ako. Nag aaya akong lumabas para I meet ang mga kaibigan ko. Ayaw niya sa susunod na araw o sa gabi na lang kami makipag kita sa mga kaibigan namin. Kaya naman pala gusto niyang ipag malaki sa akin ang kanyang mga pananim. Kay dami niyang tanim na gulay. Iba’t ibang klase ng gulay. Isang maluwang na tumana ang ipinakita sa akin ni Alex. Kay luwang ng bukirin.

              Kay sarap mag lakad na naka paa. Kay tagal kong na mis ang ganito. Laki din naman ako sa hirap kaya sanay ako sa lahat ng klase ng Gawain sa bukid. Pero matagal tagal na rin hindi ako nakapag bubukid. Kaya naman nakaka panibago ang mag lakad sa putikan. Parang kinikiliti ang aking talampakan. Kay sarap balikan ang matagal mo ng nakasanayan. Dala ng pag kakataon nahinto akong tumapak sa bukirin noong mamasukan ako.at noong mag abroad . Mahaba habang panahon din hindi ako naranasan ang ganito. Laking pasasalamat ko kay Alex dinala niya ako sa kanilang bukirin. Laking pag mamalaki ni Alex sa mga pananim  kasi daw katulong siyang nag aalaga at nag tanim ng mga gulay.

              Kay saya ko sa piling ng lalaking pinaka mamahal ko. Sayang at hindi gaano katagal ang pag stay ko sa kanila. I treasure ko ito habang ako’y  nabubuhay. Para kaming mga bata nag lalaro sa bukirin. Kinakarga pa niya parang baby niya. Sayang at one week lang ang bakasyon ko. Kung puede lang haba habaan ko ang pag stay sa kanila kaso marami pa akong dapat asikasuhin. At kailangan ko rin bumalik ulit sa Gensan para doon ako mag pasko kasama ang aking mga magulang at kapatid. At plano kong isama din si Alex sa Gensan para doon mag pasko mag kasama kami. Gusto din ni Alex na mag kasama kami sa darating na kapaskuhan. Ito na kaya ang pinaka masaya kong pasko at bagong taon na dumating sa buhay ko. Mag kakasama ang mga mahal ko sa buhay. Wala na akong mahihiling pa.

              Dumaan ang mga araw February 2009 lumipad ulit ako papunta Kuwait. Kung ano saya ang nalasap ko noong bakasyon  siya namang ibayong kalungkutan at kamalasan ang inabot ko dito sa Kuwait. Yong una kong naging amo parang hindi tao ang turing sa akin. kaya napilitan akong lumipat sa iba. Sa kamalas malasan  nga naman salbahe ang pangalawa kong amo kaya napilitan ulit akong lumipat. Sa pangatlong amo puede ko ng pag tiyagaan kahit medyo mahigpit hindi naman parang hayop ang tingin sa akin. Kahit papaano itinuring akong tao ng amo ko. Kahit ang daming bawal. Kaya naman dumalang ang aming komunikasyon ni Alex.

              Dala ng aking trabaho nawalan ako ng panahon sa lalaking aking pinakamamahal.  Lumipas ang mga araw at buwan.Ang buong akala ko naiintindihan niya ang situation ko. Ang buo kong pag kakaalam kaya niyang mag tiis ng panibagong 2yrs. Tulad ng mga nauna kong pag alis ng bansa. Pero si  Alex naging marupok sa aming pag mamahalan. Isang araw noong tumawag ako sa kanya sabi niya mayroon siyang aaminin sa akin. Ito pa lang ang sinasabi niya parang alam ko na ang  karugtong. Nahuhulaan ko na ang sasabihin niya. Parang nag cruz ang dila ko sa aking nalaman. Sumabay pa ang kapatid ko. Sa mga panahong ito iisa lang ang puede kong kapitan. Ito ang panginoon .

              Mismo si Alex ang umamin sa akin na mayroon siyang nagalaw na babae.

Kahit ito ang inaasahan ko. Bakit ganoon doble ang naramdaman kong sakit ngayon sa mismong bibig ni Alex  nag mula ang balita. Ang sabi niya nagawa lang niya iyon noong isang araw nag malasing siya. Ang buo kung akala hindi na siya umiinom. At tutok siya sa kanyang pag aaral. Talagang ang barkada walang maidudulot na maganda sa isang tao. Parang gumuho ang mundo ko noong mapag tanto ko kung ano ang sinabi ni Alex. Parang kay tagal pumasok sa isipan ko. Hindi ako nakakilos ng ilang Segundo sa kinatatayuan ko. Ganoon pala yon. Hindi mo mapaliwanag ang sakit na aking nararamdaman ng mga sandaling yaon.

              Para akong patay na buhay. Nakaharap sa pag kain tumutulo ang luha ko. Sa pag sapit ng gabi titingala sa kalangitan hindi ko namamalayan panay agos ng luha ko. Madalas kong itanong sa aking sarili anu ba ang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito. Nag iisa lang ako dito sa banyagang bansa ng Kuwait. Walang karamay. Walang madaingan. Kay hirap naman ng aking naging kalagayan. Madalas kong itanong sa aking sarili mayroon pa bang sasakit ditto sa nararamdaman ko. Minsan tanong ko sa aking sarili kung kaya ko pa bang mabuhay. Ang pader na aking sandalan at sa kinukunan ko ng lakas ay gumuho na. ang taong pinag huhugutan ko ng lakas para makaya ko ang pag iisa sa banyagang lupain ng Kuwait. Ang bukod tanging tao na nag bibigay ng lakas sa akin ng mga panahon yaon ngayon eto iniwanan ako sa ere. Makakaya ko pa bang mabuhay ngayong?

              Matatapos na ang 2yrs kong kontrata sa Kuwait. Na masasabi ko na wala akong dinadasal na sana makalimutan ko na siya. Sabi ng mga kaibigan huwag ko daw pagka isipin. Magagamot daw ng panahon ang lahat ng sakit na kanyang ibinigay sa akin. Sabi niya natukso lang siya kaya niya nagawa iyon. Nagte text pa rin siya  sa akin at laging sinasabi Ang pag mamahal niya sa akin ay hindi daw nag babago. Bakit ganoon kahit anong paliwanag niya hindi nawawala ang sakit na aking nararamdaman. Sadya bang ganito pag ikaw umasa at nag tiwala? Pag natuklasan  hindi pinahalagahan ang inuukol pag mamahal. Mahabang panahon aking iningatan. Kaya siguro ubod ng sakit ang nadarama ko.

              Malapit na ang aking pag uwi sa Pilipinas. Bakit hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang kasalanan kanyang ginawa. Pero bakit ganito ang aking nararamdaman? Umaasa ako na kami pa rin sa aking pag babalik. Na sana siya ang sumalubong sa akin sa pag babalik . Sadya bang ganito ang pag ibig? Alam ko Malaya pa rin siya at iniwan na niya ang babaeng kanyang nagalaw. Dapat pa ba akong umasa na maaayos pa rin ang aming relasyon sa muli kong pag babalik sa Pilipinas? Tanging ang Poong Maykapal lang ang nakakabatid. Kung kami pa rin ni Alex ang mag kakatuluyan. Sana sapagkat ito pa rin ang dinadasal ko ang maayos muli ang nag kalamat naming relasyon dahil sa aking pag layo pansamantala para hanapin ang magandang kinabukasan sa ibayong dagat.

              Sana sa pag uwi ko maayos naming ang nasira at nag kalamat naming pag mamahalan. Dito ko muna tatapusin ang pag kukuwento ng pag mamahalan naming ni Alex. Kahit ako hindi ko pa alam kung saan mag tatapos ang nasira naming pag mamahalan. Sana nga may pag asa pa? Sana nga nagamot na ng panahon ang sakit na aking naramdaman. Sana matutong mag patawad ang aking puso. Sana hindi natukso si Alex di sin sana walang problema. Anu pa ba magagawa ko nangyari na ang dapat hindi nangyari…….. WAKAS…. November 28, 2012

Friday, November 23, 2012

LOVE STORY "ANNIE" chapter 3


LOVE STORY “ANNIE” chapter 3

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


              Sa unang pag kakataon pinakilala ko sa aking mga magulang si Alex. Pag katapos makapag pahinga ng ilang oras nag aya ako sa tabing dagat. Kay ganda ng tanawin sa baybay dagat. Doon kami sa pinakamagandang beach sa aming lugar. Doon kami nag palipas ng buong mag damag. Naging napaka  gentleman si Alex ng gabing iyon. Alam niya na mga bata pa kami. At nag aaral pa at marami pang pangarap na gustong maabot. Kulang ang mag damag sa tagal na hindi naming pag kikita. Kay dami napag usapan. Sa ilalim ng liwanag ng buwan. Nag kataon kasi kabilugan ng buwan. Kahit malamig ang simoy ng hangin galing sa karagatan nakakadagdag sa pagiging romantic ng atmosphere. Ang init ng kanyang mga yakap ang nagsilbing blanket sa malamig na simoy ng hangin.

              Pinag usapan naming ang hinaharap naming future. Binalangkas ang mga pangarap sa darating na panahon. Mga pangako kay sarap pakingan lalu na galing sa pinakamamahal mo. Halos pigilin ko na ang pag usad ng mga orasan para hindi na matapos ang mga sandali. Sana lagi na lang ako sa kanyang mga bisig. Nakasandal sa kanyang dibdib. Kay sarap ng pakiramdam na kapiling ang mahal mo. At bumubuo ng magandang mga pangarap. Hindi siya natulog binantayan lang niya ako habang natutulog. Sabi niya hindi siya mag sasawa pag masdan ako. Kaya hindi siya natulog. Kay tagal daw niyang pinangarap na makasama ako ng ganito. Sa totoo lang hindi ko mailarawan kung anong klaseng damdamin ang aking naramdaman ng mga sandaling mag kasama kami.

              Bago kami umuwi sabay kaming naligo sa dagat. Nag langoy kami hanggang mag sawa sa tubig. Kay saya saya ko kasi ba naman ito ang una naming paliligo sa beach na dalawa. Unang date palagay ko  pina ka perfect na date. Napakasaya ko sa bawat sandali sa piling ni Alex. Sana hindi na natapos ang mga oras na iyon.ang bilis lumipas ang mga oras. Tapos na ang masasayang oras kailangan na naming umuwi.pag dating sa bahay namin . lingid sa aking kaalaman kinausap pala ng papa ko siya. Sinabi ng papa ko kung gaano ako ka desperado na makatapos ng aking pag aaral. Talaga lang malas kasi hindi naming kayang pag aralin ang sarili naming anak.  Noong mabatid ito ni Alex napansin ko ang kanyang pananamlay.

              Ang buo kong paniniwala hindi siya naging Masaya sa aming muling pag kikita. Pero ramdam ko ang kanyang saya noong mag kasama kami mag damag. Bakit bigla nalang siya nawalan ng sigla. Parang bigla siyang nanlamig sa akin. Kaya noong mag text si Pearl ang bestfriend ko sinabi ko mukha yatang hindi naging Masaya si Alex sa aming pag kikita sa kanyang pag punta dito at makilala ang aking mga magulang. Parang gusto kong mag sisi kung bakit ko pa siya pinapunta dito. Kung ganito lang ang kalalabasan. Noong mabasa ni Alex ang text ko kay Pearl nagalit siya sa akin.Ano ba daw ang alam ko sa nararamdaman niya. Hindi ko  pa naman alam ang dahilan ng pag lalamig niya. Nakokonsensya lang daw siya sa kanyang nalaman.

              Nahihiya daw siya sa mga magulang ko. Hindi niya akalain na ganoon ako kamahal nila. Wala lang talaga silang magawa dala ng kahirapan. Kay bigat naman ang karibal ko sa iyo ang iyong pamilya. “Ang hirap ka nga mahiram sa pamilya mo, paano pag kukunin na kita . kay bigat sa dibdib, alam mo ba yon. Paano ko ba sasabihin sa kanila kung kukunin na kita sa kanila.” Walang ka gatol gatol ang sagot ko sa kanya.”Kaya kong talikuran ang mga magulang ko iwanan sila at sumama sa iyo.” Ganyan kita kamahal. Hindi naman sila mawawala sa buhay ko kung dumating ang araw na mag papakasal tayo. Pero hindi sa ngayon sa susunod pang mga taon. Gusto ko pang matupad ang aking mga pangarap. Makakapag intay ka ba? Ang tanong ko sa kanya. Marami pa akong gustong abutin. Alam ko sabi nga ng papa mo matayog ang pangarap mo. Yon nga lang wala silang magawa dala ng kakapusan sa buhay. Pag dating sa panahon gusto ko ng mag asawa ako ang mag dedesisyon para sa aking sarili.

              Araw na ng pasko bandang tanghali na siya nag balak umuwi. Siya uuwi sa kanila ako babalik sa aking boarding house na malapit sa aking trabaho. Noong nasa loob na kami ng bus. Kusang nalalaglag ang aking mga luha. Bakit ganoon matapos ang masasayang sandali eto at mag hihiwalay na muli. Bakit kasi mag kabilang dulo ng daigdig ang aming kinalalagyan. Kung mayroon lang mapapasukan trabaho sa malapit sa kanya sana doon na lang ako. Para mag kalapit kami.

              Noong sumapit ang buwan ng January may nag alok,  na mag trabaho ako sa abroad. Kaya naman kumuha ako ng pasaporte. Sabi ko isa ng suerte ang dumating sa akin. Kasi makakaalis ako ng walang gastos. Sagot lahat ng agency ang gastusin ko sa pag alis. Sa totoo lang wala akong idea kung anong trabaho ang nag hihintay sa akin sa pupuntahan ko. Basta ang alam ko mag aabroad ako. Buwan ng April pinuntahan ko siya para personal na mag paalam. Nakapag usap kami ng maayos. Ok lang daw sa kanya kung ito ang magiging sagot sa aking  mga pangarap. Mag hihintay siya sa aking pag babalik. Basta lang daw huwag kong kakalimutan na nag hihintay siya sa aking pag babalik. Maayos ang aming pag uusap. Nag balik na ako sa Maynila. Two weeks before my birthday panay text niya bakit di daw ako nag re reply.

              Paano naman ako makakapag reply ang hina ng signal ko. Kasalukuyan nasa biyahe ako.Tanong niya bakit laging patay ang mobile phone ko. Iniiwasan ko daw ba siya. Nakaka ilang tawag na daw siya hindi ko sinasagot.  Minsan nakakasignal ako nakakapag reply sa text. Dito ko ipinapaliwanag na pag nasa biyahe ang barko pinagtratrabahuhan ko wala kaming signal. Pag dumadaong lang ito sa pantalan saka kami nag kakasignal. Sobra kulit niya hindi makuha sa paliwanag. Baka daw nasa probinsya lang ako at iniiwasan ko siya. “Hindi ba nag paalam pa ako ng personal sa iyo  na mag aabroad ako”. Ang madiin kong paliwanag sa kanya minsan nag karoon ako ng pag kakataong makatawag.

              Ayaw pa rin niyang maniwala. Halos araw araw tumatawag kinukulit ako. Lalung lumalala ang pag ka insecure niya. Baka daw kaya hindi ko sinasagot ang mag tawag niya dahil mayroon na akong iba. Sadya lang daw na iniiwasan ko siya. Pati ako nahihirapan na sa aming situation kaya sabi ko sa kanya mas mabuti pa yata na bitawan ko na ang mga pangako ko sa iyo. Kung ganyang wala ka ng tiwala sa akin. Mas mabuti siguro ay mag limutan na tayo. Kesa naman mabaliw ako sa kakaisip at kakaintindi sa kanya. Kaya ang sabi ko sa kanya mag hiwalay na tayo pag samantala mag kanya kanya na tayo ng landas na tatahakin. Sa totoo lang minsan naiisip ko nakakasawa na ang masyado niya pag hihinala.

              Ayaw niyang pumayag. Tuwing tatawag sa akin lagi siyang nakainom.  Unti unti na rin niyang sinisira ang buhay niya. Buhat noong sabihan ko siya na mag hiwalay na kami. Huwag na siyang mag text o tumawag sa akin. Tinatapos ko na ang lahat sa amin. Kahit masakit sa aking kalooban. Alam ko sa puso ko mahal na mahal ko pa rin siya. Pero ano ang magagawa ko nasasakal na ako sa kaseselos niya. Pati ako nadadamay sa kanyang mga problema. Buhat noong makipag hiwalay ako sa kanya ilang araw din naging tahimik ang buhay ko. Walang storbong text na puro sumbat ang nakasulat. At tumigil na rin ang pag ring ng cell phone ko.

              Isang araw nag ring ito nakita ko si Alex ang tumatawag . Aaminin ko rin na nasasabik na rin akong marinig ang kanyang boses. Pati ang kanyang madalas na pag te text. Akala ko nakakaloka ang sobrang pag mamahal at selos . mas  nakakasira pala ng ulo pag wala kang balita sa iyong minamahal. Kaya sabik na sabik ako marinig muli ang boses niya.Pero pag sagot ko sa telephone boses bata ang nakausap ko. Ito pala ang bunsong kapatid ni Alex. Sinabi sa akin nasa presinto daw ang kuya nila. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napa nganga ako halos di makapag salita. Pero kailangan kong lakasan ang loob para malaman ko kung ano talaga ang nang yari bakit siya hinuli ng mga pulis.

              Buhat daw noong makipag hiwalay ako sa kanya unti unting sinisira ni Alex ang kanyang buhay. Hindi na pumapasok sa kanyang klase at wala pang tigil sa pag inom. Kaya naman noong isang gabi sa sobrang kalasingan pinapara ang lahat ng sasakyang dumaraan at sinasabi sa mga nakasakay na mahal na mahal niya si Annie. At kukulitin ang mga sakay at driver nito na sabihin ang “ ANNIE ! MAHAL NA MAHAL KA NI ALEX”  dahil sa ginagawang iskandalo ni Alex sa highway hinuli siya ng mga pulis at ikinulong. Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit nag kakaganoon si Alex. Naitatanong ko sa aking sarili ano ang ginawa ko sa lalaking aking minamahal. Ako ba ang sumisira sa kanyang buhay. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Ang simpleng pag luha nauwi sa isang pag hagulgol.

              Nagulat ang aking mga kasamahan sa trabaho bakit bigla akong umiyak. Naging tahimik ako sarado ang aking mga labi. Hindi ko masabi ang laman ng aking dibdib sa mga kasamahan ko sa trabaho. Sa totoo lang hindi ko pa sila gaanong close pa. bago pa lang ako hindi ko pa alam sino sa kanila ang mapag kakatiwalaan ko ng mga secreto ng buhay ko. Kinalamay ko ang aking sarili nilakasan ko ang aking loob at muling tumawag sa cell phone ni Alex. Isang babae ang sumagot. Nag pakilala ako at nalaman ko nanay pala ni Alex ang aking kausap. Kinabahan ako kasi balitang strikto daw ito. Pero noong kausap ko siya mukha namang mabait ito sa akin.

              Humingi ng despensa sa inaasal ng kanilang anak. Sana  daw mapag tiyagaan ko ang pag uugali ng anak nila. At sana daw pag sabihan ko ito na ayusin ang kanyang buhay. Hindi na raw nakikinig sa kanilang mga pangaral. Napapansin daw niya sa akin na lang nakikinig ito. Kaya nakikiusap ang nanay niya na huwag kong bibitawan ang kanilang anak. Annie ! makikiusap sana ako sa iyo huwag kang bibitaw sa anak ko. Ikaw lang ang alam kong makakapag control sa kanya sa ngayon. Sa binitawan salita ng ina ni Alex na touch ako. Buhat noon parang nakapa close ko na sa nanay ni Alex.hindi ko inaasahan na makikiusap ito para kay Alex . talagang mahal na mahal nila ang kanilang anak. Kaya naman nag bago ang aking isipan  tungkol sa aming relasyon ni Alex.

              Napa isip ako hindi ko akalain ang ito ang kakahantungan ni Alex sa pag tatangka kong makipag hiwalay sa kanya. Hindi pala dapat padala ako sa init at inis ko kay Alex. Dapat hindi ko dito ibinase ang aking biglaang pag dedesisyon sa aming relasyon. Laki ang iniluwag ng dibdib ko noong mag kausap kami ulit ni Alex. Nangako siya na hindi na mag lalasing. At lagi na siyang uuwi sa oras at hindi na siya babarkada muli. Basta lang hindi ako mawawala sa buhay niya. Ang sagot ko naman sa kanya hinding hindi ako mawawala sa buhay niya. Kaya mag sumikap siya na makatapos ng kanyang pag aaral. Para sa pag babalik ko sa Pilipinas handa na siya sa aming magandang bukas.

              Matuling lumipas ang mga araw buwan na walang problema sa aming relasyon ni Alex. Natapos ang kontrata ko at umuwi ako sa Pilipinas. At muli kaming nag kita ni Alex. Ang nararamdaman naming sa isa’t isa walang nag babago bagkus lalu pa itong pinatatag ng panahon. Pero hindi pa rin siya tapos sa pag aaral kaya hindi pa kami puedeng pakasal. Kaya nag apply nanaman ako pa abroad. Madali naman akong nakaalis. Pero malas naman  ang hirap ng naging kalagayan ko. Mahigpit ang aking naging amo. Bawal ang tumawag at limitado lang matawagan ako. Ibinigay nila ang kanilang telephone number para siya kong magamit sa pag tawag at tawagan ako. Doon lang daw puedeng kumontak ang family ko. Ang hirap paano na si Alex. Tuwing gabi lagi akong tumitingala sa langit. Tinitignan ko kung maraming star sa langit. Pag nakikita kong puno ng star napapaluha ako aking naaalala si Alex.

             Sadyang kay layo ng Pilipinas sa Kuwait. Ang mga masasayang alala naming ni Alex ang nag sisilbi lakas ko. Ang kanyang larawan hindi naaalis sa aking bulsa. Ito ang aking kinakausap araw araw. Siya ang nagiging lakas ko sa mag hapon. Noong naka isang taon na ako sa Kuwait naging regular na ang text at tawagan naming minsan isang liggo naririnig ko ang kanyang boses. Pag tulog na ang amo ko pumupuslit ako papunta sa tindahan para doon makitawag para mas mura at maging mahaba haba ang aming pag uusap. Lagi nauuwi sa iyakan ang aming pag uusap. Lagi niyang sinasabi kailan ka ba uuwi mis na mis na kita.

              Sabi ko nga sa kanya noon 730 days lang ang bibilangin natin at darating na ako. Ngayon ka pa ba maiinip 365 days na lang uuwi na ako matatapos na ang aking kontrata. Nagyon ka pa ba iiyak at ma iinip sa pag uwi ko. Lingid sa kanyang kaalaman nag uunahan na rin ang aking luha sa pag patak. Ito lagi kong sinasabi pang palakas ng loob niya. Kung hindi ko gagawin ang ganito baka pareho kaming mawalan ng pag asa at sabay mag give up. Kahit halos gabi gabi umi iyak ako basta alam kong ok na siya tama na sa akin iyon nagiging Masaya na ako basta maging Masaya din siya.

              Mabilis lumipas ang mga araw at buwan natapos ko ang 2yrs ko sa Kuwait. Eto papauwi na ako sa Pilipinas. Iniintay ko na lang ang Pinay na papalit sa aking puwesto. Pag dating niya puede na akong umuwi ng Pilipinas. Hindi ko na sinabi kay Alex ang esaktong araw ng uwi ko. Ayaw kong sunduin niya ako sa airport. Tulad ng karaniwang nag aabroad hindi ako naiba sa kanila. Umuwi ako ng kakaunti lang ang uwing pera. Pero ang mahalaga eto na ako ligtas at makakauwi na.  noong tumuntong ako sa manila airport saka lang ako tumawag sa aking pamilya na nakauwi na ako. Balak ko kasi mag barko na lang papauwi sa amin. Isa sa kaibigan ko ang nag magandang loob na sa kanila muna ako mag stay ng 2days para makakuha ako ng ticket sa barko papauwi sa amin.

              Si Liezel mayroon daw siyang kapatid sa tondo. Puede daw doon ako tumuloy habang nasa manila ako. Kay bait ng naging kaibigan ko sa Kuwait. Inoffer  niya na doon muna ako sa kapatid niya. Kahit hindi ako kilala ng kapatid niya pinatuloy ako sa kanilang bahay ng dalawang araw.at noong aalis na ako inihatid pa nila ako hanggang pier. Matapos ang 3 night madaling araw na noong sapitin ko ang pier ng Gensan. Tuwang tuwa ako sa wakas nasa lupang sinilangan na ako. Sobra sobra ang tuwang aking nararamdaman ng mga oras na yon. Dito na ako sinalubong ng aking ka pamilya.

              Anu na ang mang yayari ngayon nakauwi na si Annie sa kanila? Sa muli nilang pag kikita ni Alex ano ang mang yayari? Ito na ba ang simula ng ng lubos na kaligayahan ni Annie? ABANGAN!  Copyright  by Rhea Hernandez  November 23, 2012

 

Wednesday, November 21, 2012

LOVE STORY "ANNIE" chapter 2


LOVE STORY “ANNIE” chapter 2

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

              Pagkalipas ng isang Linggo si Alex naman ang humingi sa akin ng favor. Gusto niya akong ipakilala sa kanyang mga kabarkada. Ano aking magagawa nauna akong ipakilala siya sa mga friends ko. Dala dala ko ang kailangan kong I memorize ang aking role na aking gagampanan sa school program. Kaya naman tinutulungan ako ni Alex sa pag check sa mga line na aking nakakalimutan. Sa boarding house ng friend niya kami nag tuloy. Laking pasasalamat ko at iisa lang ang inabutan naming doon. Sa swing ako umupo para makapag aral ako ng aking mga linya. Tumabi sa akin si Alex kaso sabi ko lumayo ka ng kaunti at nag aaral ako. Mabait naman sumunod sa aking hiling si Alex.

              Hindi pa kami nag tatagal sa ganoong posisyon isa isang nagdatingan ang mga kaibigan ni Alex. Nag kakagulo na. kaya naman umalis na ako sa swing at tumabi na ako kay Alex. Dahil sa ingay ng mga kabarkada niya hindi na ako nakapag aral. Nawawala na ako sa concentration ko. Sa may isang batalyong dumating ipinakilala akong bilang girlfriend niya. Mayroon isang hindi nakatiis at sabi totoo bang girlfriend ka ni Alex. Isang mahinang tango lang ang naisagot ko sa kanya. Huwag kang maniwala dyan sa lalaking yan. Baka niloloko ka lang. may mahal na iyan at patay na patay kay Annie. Siempre patay malisya ako. Baka naman mali ang hinala kong ako ang tinutukoy ng kabarkada ni Alex. Kaya naman itinanong ko ito ng taga saan ba yong Annie sinasabi mo? Aba taga kabilang bahay lang nakatira. Saka sabay turo sa location ng boarding house ko

              May isang lumapit sa kausap ko at binulungan niya ito. Saka muling humarap sa akin ang kausap ko kanina.” AY! Ikaw pala si Annie hindi ka kumikibo. Sorry talaga hindi ko akalain ikaw pala iyon .at walang ka abog abog kumuha ito ng isang baso at ballpen at saka nag ingay ito. Ipinag sigawan ang ganito “ Ito pala ang girlfriend ni Alex na pinag mamalaki sa atin” saka sabay sabay nag sigawan ang mga ito ng KISS. Para akong natutunaw na yelo sa hiya ko. Ito na yata ang pina ka embarrassing moment ko. Napa inakupo ako sa aking sarili. Palihim kong kinurot si Alex sa kanyang tagiliran at sabay sabi na ihatid mo na ako sa aking boarding house. Hindi na ako makakatagal dito sa nararamdaman kong pag kapahiya.

              Kaya naman tuwing aayain ako ni Alex na lumabas. Hindi na ako sumasama kung alam kong kasama ang kanyang mga barkada. Ayaw ko ng maulit muli ang nadama kong pag kapahiya sa harap ng mga ito. Ang madalas nalang  naming  gawin yong kumain sa labas na kaming dalawa lang at doon niya ako sinusundo sa aking school. Ina abangan niya ako sa gate ng aming school. Ewan ko ba tuwing makakasama ko siya para akong nauupos na kandila sa hiya sa kanya. Ito pa ang nakakatawa nag katuwaan kaming mag kakabarkada na bumili ng singkamas sa tiange. Dahil summer masarap kumain ng singkamas. Habang binabalatan ko ang mga ito at nag kakainan kami ng mga kaibigan ko walang ka abog abog dumating si Alex. Itong mga kaibigan ko parang mga kinausap ni Alex. Kasi ba naman isa isang nanga wala sa harapan. Iniwan sa akin ang isang katerbang singkamas. Sa nierbyos ko hindi ko namalayan halos naubos kong lahat ang tinatalupan kong singkamas sa kakakain.ewan ko ba bakit ako un easy pag nakakasama ko siya. Pakiramdam ko kasi nakatitig siya sa akin lagi. Pero katagalan nagiging palagay na rin ang loob ko sa kanya. Sa mga simpleng hampasan ng braso, kurutan, kindatan ang mga ito pala nakakagaang ng pakiramdam. Kaya noong makaalis si Alex mahapdi sa singkamas ang aking tiyan . panaw tawanan ng mga kaibigan ko. Bakit naman kasi inubos mo ang binili nating singkamas hindi mo man lang kami tinirhan.

              Isang hapon nag katuwan ang buong barkada na mag inuman. Kahit bawal sa boarding house nagagawan naming ng paraan makalusot sa pag inom. Panatag ang aking loob na tumambay sa terrace ng boarding house naming kahit naka short short ako sabi nga ng iba litaw na ang kaluluwa ko sa igsi ng short . Paano ako naging panatag mag suot ng ganoon samantala tanaw na tanaw  kami sa bahay nila. Malakas loob ko sapagkat alam kong loaded siya sa araw nayon. Kaya naman malakas ang loob ko uminom  alam kong wala mag babawal sa akin…busy sya….  Sa wakas makakahiyaw makakatili uli ako na walang pinangingilagan makita ng lalaking aking sinisinta. Nag kasundo kaming beer lang ang inumin naming mag kakabarkada. Panay kasi patawa ng kasamahan kaya naman parang walang problema kung makahalakhak ako. Bigay na bigay ang aking pagtawa.

              Medyo hilo na ako ng biglang nanlaki ang mata ng isa kong kaibigan sa kanyang nakita na papasok sa gate ng aming boarding house.  Sabi ko pa nga Hoy! Bakit napapatanga para kang nakakita ng multo. Sabay turo sa papadating na si Alex. Biglang nawala ang pag kahilo ko. Pagapang akong pumasok  sa loob ng bahay. Ayaw kong mag pakita sa kanya ng ganoon ang suot ko. Ni minsan di pa niya akong nakitang ganoong ka sexy mag damit. Nakakahiya humarap sa kanya na ganoon ang ayos ko. Sa katarantahan ko ang nakuha kong damit ay bodyfit na t shirt at bootleg na pants. Kung itataas ko ang aking mga kamay makikita ang aking pusod. Ok na yon kesa sa napaka sexy short short kong suot. Hindi ko na lang itataas ang aking mga kamay para di niya makita ang pusod ko. Sa loob loob ko behave naman ako pag kaharap siya.

              Sa pag mamadali ko katulong ko pa ang isa kong kaibigan. Lalabas na sana ako ng muli akong hilahin ng kaibigan ko. Anu kaba babae ka lalabas ka ng ganyan na di man lang nag susuklay. Ayusin mo nga muna ang buhok mo. Ang mahinang sabi niya pero madiin ang pag kakabigkas niya. Suklayin mo nga muna yang buhok mo. Nakakaloka pati sila natataranta na rin. Sa pag labas ko naka smile na ako at binati siya. Hi ! akala ko may pasok ka ? bakit nandito ka? Oh gusto mo ng ice tea, snack naming?  Hindi siya kumibo, lumapit siya sa akin at bumulong ng “lasing ka na. Bakit ka umiinom ? mayroon ka bang problema? Sa kanyang mga sinabi at tanong lalung nawala ang aking kalasingan. Hindi ko pala maitatago sa kanya na lasing na ako ng mga sandaling yaon.

              Iyon lang at nag paalam na siya. Nag kakamot ako ng aking ulo sa isipin waaaa!! Alam na niya na umi inom ako. Anu nalang ang iisipin niya sa akin isa na akong lasingera. Bakit kaya hindi siya nag tagal? Nawalan na siya ng gana sa akin noong makita niyang malakas akong uminom ng beer. O kaya nahihiya siya kasi ba naman puro kami babae doon sa boarding house. O natatakot siya na maging tampulan ng tukso ng mga kasamahan ko?  Hindi pa siya nag tatagal na mawala sa aking paningin ay biglang tumunog ang mobile phone ko.” Huwag kang masyadong mag wala. Nakikita ko kung ano  ang ginagawa mo, dahan dahan lang sa tagay, kung hindi mo na kaya tama na. ipahinga mo na o itulog mo.” Ang sabi niya sa kanyang text.

              Kahit pala sa malayo tinatanaw ako ni Alex. Naisahan ako doon hindi ko nalalaman.wala pala akong ligtas. Sa kanyang mga paningin . kinabukasan kinausap niya ako ng masinsinan. Mayroon ka bang problema ang malumanay niyang tanong. Isang tango at sabi ko medyo. Okey lang ako huwag kang mag alala kayang kaya ko ito ang sabi ko sa kanya. Hindi ko namamalayan nag uunahan napala ang mga luha ko sa pag patak. Nasabi ko na lang puede ba akong umiyak? Sabi niya sige lang ilabas mo lahat ng sama ng loob. Nandito lang ang aking mga balikat na puede mong gawing sandalan kahit anong oras mo gusto.

              Bakit kasi ipinanganak akong mahirap. Kung hindi mag tratrabaho at mag susumikap hindi makakapasok sa school. Mag tatapos na kasi ang school year. Hindi ko alam kung sa susunod na pasukan ay makakapag enroll pa ulit ako. Hindi ko pa alam kung makakapag patuloy pa ako sa pag aaral. Wala pang naiipon para sa susunod na pasukan. Wala naman makakatulong sa kin kundi ang sarili ko. Tuwing maiisip ko ito naninikip ang dibdib ko. Habang nag lalabas ako ng sama ng loob. Hindi pa nag tatagal siya nag sasabi na rin ng kanyang problema. Akala ko ako lang ang may dalahin yon pala pareho kaming may dinaramdam.

              Naiinis din daw siya sa kanyang mga magulang , kasi daw din naibibigay ng mga ito ang mga hinihingi niya. Ang mga pangangailangan niya hindi agad naibibigay. Kaya naman ang sabi ko bakit naman kasi hindi ka makapag intay. O kaya makuntento ka kung ano ang mayroon pag tiisan mo muna. Kasi gusto mo agad agad makukuha mo kung ano ang ginusto mo. Hindi puede ang ganoon. Kasabi sabi ba naman niya para kang si mama kung mag salita. Hindi ba tama naman ang mama mo at ako . hindi lahat ng bagay o lahat ng magustuhan mo makukuha mo agad. Mayroon dito na unti unti mo makakamit , o kailangan pag hirapan mo muna bago mo makamtam ang isang bagay.  Ito ang buhay mahirap. Kailangan pag hirapan mo muna bago matikman ang sarap.

              Natapos ang school year eto na ang long vacation. Kailangan kumayod ako ng husto para sa susunod na pasukan. Naisipan kong pumunta sa isa kong kapatid doon nag aply ng trabaho. Medyo malayo lang sa school ko pero ok na basta may trabaho. Kaya naging busy na ako. Nag kakasya na lang kami ni Alex sa text. At paminsan minsan tawagan. Bihira na kaming mapang abot. Kasi ba naman kailangan kong gamitin mabuti ang summer day para kumita ng pera. Natangap akong sales clerk 2nd batch ng summer job good for 45days lang kasi sa kalagitnaan ng June mag uumpisa na naman ng pasukan. Nag umpisa pumasok sa work ng April at natapos ng katapusan ng May. Pero kulang pa rin ang naiipon ko para sa susunod na pasukan. Talaga yata minamalas ako. Kahit anong sikap gawin ko hindi makumpleto ang perang kailangan ko sa pag eenrol.

              Kaya noong mag meeting sa department store na pinapasukan ko. Tinanong nila kung sino daw ang gustong mag casual for 5 months working contract ang may gusto ay  mag apply na . naki apply na rin ako total hindi rin sapat ang naipon kong pera para makapag enroll . Ok na ito may trabaho agad ako hindi mababakante. Sa susunod na semester na lang ako mag enroll. Siguro sakto na ang pera ko noon sa pag papaenrol. Masama man ang loob ko na mahihinto ako ng isang semester. Wala naman akong magagawa at wala naman akong maaasahan tutulong sa akin para sa ganitong pangangailangan ko.

              Ang mga text at tawag ni Alex ang nag sisilbi kong inspirasyon sa pag susumikap. Ang mga pag aalala niya ang nag bibigay sa akin ng lakas para kayanin ang mga hirap na dinadaanan ko. Iniisip ko darating ang panahon na aani din ng maganda ang sakripisyong ginagawa namin. Basta alam naming na mahal ko siya at mahal niya ako. Ito lang ang pinag hahawakan ko sa mga sandaling napapagod na ako sa pakikibaka sa buhay. Kaya naman naming mag intay. Gusto ko din  na gumanda ang bukas na haharapin. Para din naman sa kinabukasan naming ang ginagawa ko.

              Last week na ng September nag text ang isa kong kapatid.asan daw ba ang atm card ko? Sabi ko nasa akin sa totoo lang naiwan ko ito sa isang kaibigan ko sa boarding house ko na malapit sa pinapasukan kong school. Mag papadala daw nang pera ang tita ko para sa tatay ko. Kaya kailangan kuhanin ko ang atm card ko. Kaya naman nag paalam ako sa aking trabaho na hindi papasok sa susunod na araw para lang doon sa naiwan kong atm card. Malayo layo din ang biyahe kaya maaga akong umalis sa bahay. Saka pag kakataon ko na rin ito para mag kita ulit kami ni Alex mis ko na kasi siya. Kaso noong dumating ako sa boarding house. Nagulat ang mga kaibigan ko. Ang tagal ko na kasing nawala . hindi ako tumawag kay Alex o nag text man lang sa kanya para sabihin darating ako . may exam siya kaya ayaw kong abalahin ang pag aaral niya. I surprise ko na lang siya. Nag punta kami sa dating school ko nag kataon naman may laro ng basketball. Kaya nanood muna ako at saka doon ako tumuloy kay pearl sa bestfriend ko.

              Noong kumakain na kami ng dinner ni Pearl tinanong niya ako kung alam ni Alex na nandoon ako sa kanila. Pag kakain natin ng dinner text ko siya sabihin ko nandito ako. Nag text nga ako sabi ko” nandito ako sa bahay nila Pearl. Kamusta ang exam mo, nakauwi ka na ba?” hindi pa nag tatagal nag ring ang mobile phone ko. “ kailan ka pa dumating? Antay ka sandali pupuntahan kita dyan!” yon lang ibinaba na niya ang kanyang cell phone. Pero hindi ako nainip eto na si Alex.kumatok siya sa pintuan . pinatuloy siya ng nanay ni Pearl kasi kilala naman sila nito na boyfriend ko siya. Nang bumaba ako galing sa room ni Pearl hindi ko malaman kung ano ang aking nararamdaman. Hindi ko maiwasang mangatog ang aking mga tuhod. Dahil kaya sa kaba, sa awa, sa saya o kasabikan makita siya.halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Kay tagal naming hindi nag kita. Ang laki ng kanyang ipinayat. Wala akong nasambit kundi ano nangyari sa iyo at pumayat ka ng ganyan.

              Ang buo kong akala hindi mo na ako muling babalikan. Akala ko tuluyan kanang mawawala sa akin. Hindi ba patuloy naman ang kommunikasyon natin sa text sa tawag. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Ang mahina kong sambit sa kanya. Kaya ako ganitong kapayat sabi ni Alex kasi bumalik ako sa dati kong bisyo. Salamat at nag balik ka. For good naba ang pag stay mo dito. Isang mahinang iling lang ang isinagot ko sa kanya. Mayroon lang akong kinuha kaya ako nagawi dito. Babalk din ako bukas ng umaga. Mayroon akong trabahong nag iintay sa aking pag babalik. Nag paalam lang ako ng isang araw na absent. Baksak ang kanyang balikat noong marinig niya na aalis muli ako kinabukasan.

              Parang hinihiwa ang puso ko sa aking nababatid. Ang sakit sakit marinig lalu na’t sa taong mahal mo. Na siya kong inspirasyon para abutin ang aking mga pinapangarap. Pinipilit kong abutin matupad lahat ang mga pangarap ko para sa aming magandang bukas. Pilit kong nilalampasan ang hirap at pasakit dahil alam ko nandiyan lang siya at hinihintay ako. Pero ano itong aking nakikita. Kabaligtaran ang nangyayari sa lalaking mahal ko. Ang pag layo ko para sa pag susumikap sa magandang kinabukasan siya naman pag kasira ng kanyang buhay dahil sa aking pag layo. Piling ko parang ang sama sama ko. Dahil sa akin isang buhay ang nasisira.

              Madaling araw na kami nag hiwalay ni Alex. Dala ang pangako ko na hinding hindi ko siya papalitan dito sa puso ko. At sana siya mag bago iayos ang buhay niya. Iwasan na ang mga bisyong nakakasira sa kanyang katawan at buhay. Parang ayaw ko ng matapos ang gabing iyon. Ayaw ko ng iwan pang muli ang aking mahal. Para magabayan ko siya sa kanyang magandang bukas. Madaling araw na noong umuwi si Alex. Ako hindi na nakatulog kasi hahabulin ko ang unang biyahe ng bus . para makahabol ako sa trabaho ko .nang biglang tumunog ang cell phone ko at ang text siya na intayin mo ako ng 6am ihahatid kita sa terminal ng bus

              Noong mag alas sais na ng umaga lumabas na ako ng bahay. Kaso mukhang masama pa ang panahon . bahagyang pumapatak ang ulan. Panaka naka lumalakas ito. Kaya naman pati ang nanay ni Pearl nakiabang narin ng jeep. Ayaw nila na mag isa lang akong nakatayo sa gilid ng kalsada sa pag iintay ng jeep. Pero may dumaan na hindi pa rin ako sumakay. Nag taka tuloy ang nanay ng kaibigan ko. Sabi ko na lang mayroon akong iniintay. Sabi ng nanay ni Pearl huwag mo ng intayin yon hindi na darating .pag lalaruan ka lang noon, ipapasok ka sa bulsa pag katapos makuha ang gusto iiwan ka at mag goodbye  na sa iyo. Nang may isang jeep na huminto. Ang bumaba ay si Alex basang basa ng tumakbo sa ulanan papunta sa kinatatayuan ko. Mukhang totoo. Nag papaulan at nag babasa sa ulan para lang maihatid ka sa bus terminal.

              Inihatid niya ako sakayan ng bus. Kaso tuwing mayroon darating na bus ayaw kong sumakay. Kasi pag sumakay na ako hindi ko na alam kung kailan ulit kami mag kikita. Nag kukuwentuhan kami ng kung anu ano lang . nag papatawa siya pero walang sigla ang aking pag tawa.malayo ang tinatanaw. Kay lungkot ko ng mga sandaling yaon kasi pag sumakay na ako sa bus mag kakalayo nanaman kami ng lalaking mahal ko.

Hanggang inabot na ako ng tanghali kaya napilitan na rin akong sumakay ng bus. Noong umakyat ako ng bus umakyat din siya umupo sa tabi ko. Habang iniintay mapuno ang bus nag uusap pa rin kami. Noong baba na siya pinag dugtong niya ang dalawang salita. Ang I LOVE YOU , GOODBYE sabay talikod niya. Gusto ko pa sanang I hug siya at I kiss pero ang bilis niyang tumalikod at bumaba. Ni hindi lumingon pero alam ko tumutulo ang luha niya. Ramdam ko umiiyak siya ayaw niya lang ipakita sa akin na umiiyak siya.

              Parang dinudurog ang puso ko sa pag hihiwalay namin. Bakit ganoon ang sakit sakit ng aking nararamdaman. Hindi ko namamalayan umaagos napala ang luha sa aking mga mata. Naninikip ang aking dibdib kay bigat dalhin. Akin nalang namalayan umiiyak napala ako. Hanggang umusad ang bus at hanggang sa pag baba ko walang tigil ang agos ng mga luha ko. Bakit ganoon kasakit ang muli naming pag hihiwalay. Nag tataka ako bakit hindi maubos ubos ang luhang dumadaloy sa aking mag mata. Ganito ba talaga ang feeling pag mag kakalayo kayo ng minamahal mo. Halos mala kamatis na nga ang ilong ko sa kakaiyak. Kung gaano kahaba ang biyahe ng bus ganoon din kahaba ang aking iyak. Dumating ako sa boarding house ng kapatid ko at ibinigay ang atm card.

              Dahil sa ATM card di pala biro ang umibig. Dahil sa muli naming pag kikita napatunayan ko di birong pag mamahal ang inu ukol ko sa kanya. Siya ang aking pina pangarap. Dahil dito lalu akong nag sumikap para makamit ang minimithing tagumpay. Pag susumikapan kong matapos ang aking inumpisahang kurso. Ramdam ko rin na kailanga  ako ni Alex para maging matuwid ang landas na kanyang tatahakin. Marami ang nag sasabi hindi maganda tungkol sa kanya. Wala akong alam kundi ang mahalin siya ng buong puso at bilang siya ng walang pang aalinglangan.

              Patuloy lumipas ang mga araw na kahit mag kalayo kami ay lalung tumitibay ang aming pag mamamhalan. Sumapit ang December 23 nag pasya kami na ipapakilala ko siya sa aking mga magulang. Muli kaming mag kikita para bawiin naming ang mga panahon na mag kalayo kami sa isa’t isa. Pag baba palang niya sa bus kahit di ko pa nakikita ang kanyang mukha alam kong siya na iyon. Ibinubulong ng puso ko na siya na yon. Ang saya saya ko. Nag lulundag sa tuwa ang puso ko. Hindi ko na naisip nakakahiya ang ginagawa ko. Sinigawan ko siya ng I LOVE YOU  BY!  Todo ang ngiti niya, pag lapit sa akin sabay bulong “ hahalikan sana kita , kaso ang daming tao “ namula tuloy ako  nakakahiya naman ang inasal ko kanina.

              Anu ang mang yayari sa pag papakilala ni Annie sa kanyang mga magulang? Paano tatangapin ng mga magulang ni Annie si Alex? Matangap kaya siya ng mga kamag anak ni Annie? ABANGAN!! Ni Rhea Hernandez  November 21,2012

 

Friday, November 16, 2012

LOVE STORY "ANNIE" chapter 1


LOVE STORY “ANNIE” chapter 1

Ni Rhea Hernandez

Pinoy Poems


  

              Nasa first year college ako noon ma meet ko ang lalaking mag papatibok ng aking puso. Ni sa guniguni ko hindi siya ay aking pinangarap mahalin at iingatan sa aking puso. 21 years old na ako noong makaranas umibig. Sa isang lalaking ni sa panaginip hindi ko pinangarap. Pareho kaming nahinto sa pag aaral kaya 21yrs old na ako nasa 1st yr college pa lang. dahil sa kahirapan pag ka graduate ko ng high school nahinto at namasukan sa isang fastfood chain. Busy sa trabaho at pag aaral kaya wala akong time para sa lovelife. Minsan nag lalakad kami ng kaibigan ko. At napadaan kami sa tapat ng school nila Alex. Ang kanyang barkada nakatambay sa aming dadaanan. Sinabi ko sa aking friend na huwag na kami dumaan doon kasi  napaka sexy ng suot kong damit. Pero ang kaibigan ko ang sabi para mga lalaki lang matatakot ka. Kaya naman nag patuloy kami sa pag lalakad sa tapat ng mga tambay na lalaki.

              Nag patuloy kami sa pag lalakad at isa sa mga nakatambay humabol sa amin at nag pakilala. Dahil may pag ka pilya ako nilawayan ko muna ang aking kamay bago iabot Sabay sabi sa wakas mayroon din akong makakadaupang palad na isang guapo . Sa kauna unahang pag kakataon tinalikuran at tinangihan ang inaabot kong kamay. At ang sabi next time na lang pag dina basa ng laway ang iyong mga kamay. Dahil doon grabe ang inabot kong kantiyaw sa mga kaibigan ko. Isipin mo mga kaibigan ko at classmate panay kamay sa akin left and right at nag  hi hellow sexy . Pag katapos siya tatalikuran ako ng walang ka abog abog. Buong mag hapon  mainit ang ulo ko. At nag iwan ng isang salita na “humanda ka hinding hindi kita makakalimutan sa tanang buhay ko hanggang hindi ako nakakaganti sa iyo.

              Pag katapos ng aksidente na iyon makalipas ang isang linggo. Sabi ng bestfriend ko. Mayroon daw gustong humingin ng phone number ko. Ok lang sa akin kaya ibinigay ko agad ang phone number ko. Kahit hindi ko pa kilala kung sino ang humihingi ibinigay ko na. kasi ba naman malapit na ang February 14 wala pa akong makaka date. Tawag nga ng mga kaibigan ko halatang halata na nag hahabol ako para mag karoon ng ka valentino sa valentine day. Sabagay wala naman akong time para sa pag ibig. Masyadong busy sa pinaapasukang fast food chain. At sa pag aaral ko. At paminsan minsan nag tutor pa ako sa isang studyante. Kailangan para masustentuhan ko ang aking pag aaral sa kolehiyo. Kung hindi ako mag sasariling sikap hindi ako makakapag aral. Wala namang tutulong sa akin kundi sarili ko.

              Aking nalaman si Alex pala ang humingin ng aking phone number. Noong mag umpisa mag text. Noong una hindi ko pansin ang kanyang mga text. Pero naging makulit siya at naging matiyaga. Sabagay unlimited text siya noon kaya kahit ilang beses sya mag text ok lang sa kanya. Dahil sa masyado akong busy sa aking trabaho sa food chain alas diyes na ako na ka reply sa kanya. Halos tumagal kami sa palitan ng text. Hanggang umabot na ang disperas na ng valentine day. Feb 13 sabi niya sa text punta sya sa aking boarding house. Sabi ko sige pero nangingiti ako kasi hindi naman niya hiningi ang aking address at alam ko hindi ko pa ibinibigay sa kanya. Kaya sigurado ako sa aking sarili na hindi  siya makakapunta sa aking tinitirhan kung di niya alam kung saan ako nakatira. Hindi niya sinubukan tanungin sa akin kung saan ako nakatira. Kaya hindi ko inaasahang makakapunta siya sa araw ng mga puso.

              February 14 kinailangan pumasok ng maaga mayroon akong competition sa school . After that may pasok pa ako sa work sa food chain. Pag katapos ng work ko dali dali akong umuwi para makapag laba. Noong malapit na ako sa aking tinitirhan. Mayroon akong natanawang isang grupo ng mga kalalakihan na kung hindi ko bibilisan ang pag lalakad baka makasalubong sila bago makapasok sa gate ng boarding house na tinutuluyan ko. Laking papasalamat  at hindi  sila nakasalubong . Para pa naman silang mga sanggano sa kanto. Dali dali nag bihis at inihanda ang mga labahin.

              Hindi pa nag tatagal tinatawag siya ng isa sa mga kasamahan niya sa boarding house mayroon daw nag hahanap. Nasa gate nag hihintay sa kanya. Kaya naman iniwan niya ang kanyang labahin at nilabas sino ang nag hahanap sa kanya sa labas ng gate. Napa OMG ako kasi yong kaninang iniiwasan kong mga goons na makasalubong ay siyang nag hahanap sa akin. Kaya sabi ko sa kanila sino ba ang kailangan nila. Isang matangkad na lalaki at makalaglag panty sa kaguapuhan ang nag tatanong. Nataranta tuloy ako kaya sabi ko na lang bawal pumasok ang mga lalaki kaya kug sino lang ang may kailangan kay Annie siya lang ang papatuluyin ko.

              Sabay tanong sino ba ang nag hahanap kay Annie. Ano nga ba ang name mo ako si Alex. Sabay lingon ko at sumigaw “ oh Annie daw , may nag hahanap sa iyo”. Sa buong akala ko makakalusot na ako. “ diba ikaw si Annie?” sabay sabi ni Alex.  Ahh ! ako pala yong hinahanap mo? Ako nga pala si Annie. Walang lusot kaya pinatuloy ko na siya at pinaupo. Habang nag uusap kami tinanong ko siya kung marunong siyang mag laba. Kasi naabala niya ako ang dami ko pa namang labahin. Baka gusto mo akong tulungan mag laba. Nakahalata siguro nakakaabala na siya kaya nag paalam na. sa totoo lang nilalakasan ko lang ang loob at dinaan sa pag bibiro kasi baka himatayin ako sa nerbiyos. Hindi ko malaman bakit ang pag ka pilya ko nawawala pag dating sa lalaking ito. Natapos ang araw ng valentine na ganoon.

              Buhat noon halos araw araw na dumadalaw si Alex. Hanggang mag aya ng date ito. Sa kauna unahang pag kakataon mag date sila. Unang date naming ay lunch. Usapan iintayin niya ako sa harap ng gate ng school. Halos isang oras ko siyang pinag intay sa labas ng school. At sa pag dating sa restaurant hindi ako makakain , hindi ko mai angat ang kuttsara dahil sa nanginginig ang aking mga kamay. Tumatahip ang aking dibdib sa kaba. Ewan ko ba bakit sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib. Natapos ang aming date na hindi ko namalayan. Dahil sa kaba aking nararamdaman. Nakikianod lang ako sa kanyang mga galaw. Hindi ko maintindihan ang aking sarili bakit ako nag kakaganito pag nakakasama ko si Alex.

              Buhat noon araw araw na ang pag sundo niya sa akin sa school. Lagi siyang nag aabang sa labas ng gate. Isang gabi pag katapos niya akong ihatid mayroon siyang inuungot. Baka daw puedeng makahingin ng kahit isang kiss. Sa unang hiling niya nagawa ko pang tumangi. Kaya naman pag sinasabi niya na susunduin uli niya ako sa school nag dadahilan ng kung anu ano para lang hindi niya masundo. Anu ako bale susunduin nga niya ako sa school tapos hihingi siya ng kapalit at iisahan pa ako para maka kiss lang siya. Hindi bale na lang umuwi akong mag isa kesa pahalik sa kanya.

              Hanggang dumating ang araw na nauubusan na ako ng maidadahilan. Siempre pa nakakahalata na si mokong na sadya ko siyang iniiwasan sa takot na mahalikan. Sa di inaasahan naganap ang 1st kiss na hindi inaasahan pag kakataon. Masasabing nakaw na halik ang naganap. Kung wari nagalit ako dahil sa ginawa niyang pag nanakaw na halik. Pero deep inside kinikilig ako ang unang halik galing sa lalaking mahal na mahal ko.

              Isang gabi sa kanyang pag sundo hindi ko inaasahan naka inom siya. Masasabing lasing na lasing na siya. Halos sumusuray na sa kalasingan. Dapat na ako ang ihatid niya papa uwi siya ang inihatid ko. Dapat kasi isasakay ko lang siya sa jeep na papunta sa kanila . kaso ayaw niyang bitawan ang aking braso. Pilit niya akong pinasasakay sa jeep. Buti na lang nandoon ang isa kong kaibigan. Sinamahan niya ako . Halos ma iyak iyak ako sa kahihiyan at sa pag kakahawak niya sa braso ko na ayaw niyang bitawan buti na lang kasama ko ang kaibigan ko siya ang nagagalit kay Alex at pinag sasabihan ito. Sa wakas binitawan din niya ako.

              Sabi ng kaibigan ko sa kanila muna ako bumaba para daw mag palipas ako ng oras. Kasi ba naman nakita niya na parang nawala ako sa aking sarili. Wala akong maisip na dahilan bakit niya ako ginaganito. Pilit kong tinatanong ang sarili ko bakit ganito ang trato niya sa akin. Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin. Mukhang kaladkaring babae. Hanggang matapat na kami sa bahay ng kaibigan ko baba na kami pero ayaw pumayag si Alex na bumaba ako. Nagalit na ang kaibigan ko kaya nakababa na kami sa jeep. Naiwan doon si Alex. Pero lingid sa aming kaalaman bumaba din ito sa jeep at sinundan kami sa bahay ng classmate ko.

              Hindi pa kami nag tatagal sa loob ng bahay may kumakatok sa pintuan. Bumaba din pala si Alex at sinundan niya ako.sa pag kakataong ito medyo nahimas masan na siya sa kanyang kalasingan. At doon na siya kinausap ng nanay ng class mate ko. Ang sabi niya nag seselos lang daw siya kaya nagawa ang mga ito. Hindi ko namalayan tumutulo napala ang luha ko. Hindi mapigilan sa pag agos ng mga ito. Nag sisi tuloy ako kung bakit pinatulan niya si Alex. Di sin sana tahimik pa ang buhay ko ngayon walang lalaking gumugulo sa utak at puso ko. Anu na lang sasabihin ng mga magulang ko puro pag lalandi ang inaatupag ko at hindi ang aking pag aaral.

              Nag pasya akong kausapin siya na hanggang doon na lang ang aming ugnayan. Hindi ko na kaya lumampas pa doon ang aming relasyon. Hindi na nakakabuti sa akin ang magulong relasyon at nagugulo ang takbo ng buhay ko. Kung sa palagay ni Alex laro lang ang naging aming relasyon siguro parehas lang kaming talunan. Nag kasundo na kami na iyon na ang huli naming pag kikita. Pero ewan ba niya bakit parang bumabaha ang luha ko hindi ko mapigilan hindi umagos sa aking mga mata. Doon lumapit si Alex at niyakap niya ako at bigla na lang niya akong hinalikan sa aking mga labi. Ito ang aking unang halik sa mga labi. Bigla akong natulala ! ganuon pala ang feeling ng unang halik. Kay sarap ng pakiramdam. Parang kung ano nanalaytay sa iyong buong katauhan . kay ganda ng pakiramdam. Parang nag kulay rosas ang buong paligid.

              Pero hindi nag tagal ang masarap na pakiramdam at bumalik ako sa aking katauhan. At bigla ko siyang naitulak at sabay tanong ano tapos ka naba? Isang matamis na ngiti ang isinagot niya at ang sabi hindi pa. at muli tinangka niyang halikan uli ako kamalas malasan niya nakailag ang mga labi ko. Ang nakakatawa sa ilong ko tumama ang kanyang mga labi. Kaya natikman niya ang nag halong luha at sipon ko. Yuck sipon ko ang kanyang nalasap. Kadiri  pero nakakakilig ang naganap ng gabing iyon. Umuwi siya na ayos na ulit kami. Pero hindi ako pinatulog  ng gabing iyon. Napaka boba ko talaga noon isipin mo iniisip kong hindi na ako virgin  kasi nahalikan na ako sa aking mga mala sutla kong mga labi.

              Papaano na kung sino ang aking magiging asawa hindi na siya ang 1st kiss ko. Hindi na siya ang makaka unang makatikim ng mga labi ko. Sa kaiisip ko sa mga nagaganap halos wala akong naitulog ng gabing yaon. Kinaumagahan nag bago nanaman ang takbo ng utak ko.hihiwalayan ko na ng tuluyan si Alex. Bahala na kahit nawala na ang 1st kiss ko. Buhat noon hindi na ako nag rereply sa mga text at tawag niya. Hanggang sumapit ang Lunes papalabas na ako sa gate para pumasok sa school. Nang marinig ko na may tumatawag sa akin. “BY” un kasi ang tawagan naming . halos hindi ako makalingon alam ko si Alex ang nasa likuran ko.patakbo siyang lumapit sa akin. Iyon lang sumimangot na ako. Anu pa ba ang gusto ng mokong na ito nakuha na niya ang gusto niya naka halik na siya sa mga labi ko. Anu pa ba ang gugustuhin niya sa akin .

              Ihahatid na kita sa school mo. Sa totoo lang ayaw ko pang makita ang pag mumukha niya. Naiinis pa rin kasi ako tuwing maiisip ko na mababa na ang pag katao ko. Dahil sa naganap na halik sa mga labi. Sa mag hapong nag daan nalaman ko sa mga kasamahan ko sa boarding house na hindi lang 3x na dumaan ito doon at tinatanong siya kung nakauwi na ako.kahit ang mga ka classe ko tinatanong kung nasaan ako. Sino nga ba ang nakakaalam kung nasaan ako. Mag hapon nag babad sa library para tapusin ang mga files na kailangan sa bookbind ko sa isang subject.  Kaso ano magagawa ko nandito na siya. Kaya wala akong nagawa kundi isama sa school ko. Ngayon ayaw niya na hanggang gate lang niya ako ihatid. Kaya naman isinama ko na siya sa loob ng campus.

              Dito ko naramdaman ang sinasabi niyang selos akala ko siya lang ang nakakaramdam nito . ako din pala makakaramdam ng selos. Ibig sabihin mahal ko talaga siya. Pag pasok na pag pasok naming sa campus akala ko ako na yong sikat kasi ang daming nag sasabi hi kamusta na  miss beautiful. Sino yang kasama mo? Saan mo iyan napulot?Annie ang guapo  naman niya. Puede mo ba kaming ipakilala sa kasama mo. Parang puputok ang puso ko sa panibugho. Bakit ang mga class mate ko nakikita nila ang ka guapuhan ng boyfriend ko. Samantala ako frankly speaking hindi siya ang tipo kong lalaki. Madaling salita hindi siya ang ideal man ko. Wala siya sa kalingkingan ng my dream guy ko. Gusto ko yong mabait simpatico, at hindi barumbado. Sa totoo lang ang aking first impression sa kanya isa siyang bastos at walang modo.

        Annie! Akala ko kung anu na noong lingunin ko ang mga classmate ko na kumikindat sabay nguso sa kasama niya. Sino pa kundi si Alex.marami pa siyang naka salubong na kaharutan ng mga babae sa loob ng campus. Lahat ng iyon tiniis ko Hanggang makauwi kami sa boarding house. Pasalampak akong umupo sa sofa at saka  Alex ang dami mo agad na taga hanga sa school naming ahh. Kay sarap pag hahambalusin ng dala kong shoulder bag. Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Alex. Bakit ka tumatawa nag puputok na nga ang butse ko nakukuha mo pang pag tawanan ako. I’m feel good lang isipin mo mahal mo rin pala ako. Kasi nag seselos ka na ehh. Sabay lapit ni Alex sa kanya at sinabi wala kang dapat ipag selos kasi ikaw lang laman ng puso’t isipan ko.

              Hanggang saan aabot ang pag iibigan nila Annie at ni Alex. Habang tumatagal nagiging malalim ang nadarama nilang pag ibig sa isa’t isa.  ABANGAN 11/16/12

Tuesday, November 6, 2012

LOVE STORY "BRYAN" last chapter


LOVE STORY “BRYAN” chapter 3

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

              Hindi maipaliwanag ni Erica ang sakit na kanyang nararamdaman sa ngayon. Ang mga naganap sa kanilang dalawa ni Bryan ay isang pag lalaro lang ba? Sadya bang mapag laro sa ngalan ng pag ibig ang lalaking kanyang minahal? Sayang lang ba ang inalay niyang pag mamahal dito? Bakit kailangan pang ipalasap sa kanya ang sarap tapos ibayong sakit naman pala ang kapalit. Sadya bang ito ang kanyang kapalaran pag dating sa pag ibig? Hindi niya malilimutan ang sakit na dulot ng ama ni Jenny. Pero bakit ganoon mas ibayong sakit ang nadarama niya compare sa ama ni Jenny.

              Panay tawag ni Bryan sa telephone pero hindi niya sinasagot. Sinubukan din puntahan siya nito pero hindi rin niya pinag bubuksan ng pintuan. Panay padala ng mga bulaklak chocolate at love letters. Pero ang lahat ng ito hindi nakakabawas sa sakit na kanyang nararamdaman. Nakita na lang ni Erica nasa harap siya ng computer at panay tipa niya. Hindi niya akalain na matapos niya agad ang storyang kanyang sinusulat. Dito niya ibinuhos lahat ng kanyang hinanakit at sama ng loob sa kanyang story. Gustong gusto ng kanilang producer ang kanyang isinulat. Isang love story na may halong comedy. Kumpleto rekado ika nga. Ilang buwan na nga ba ang lumipas?

              Walang nakaka alam ang kanilang love story ni Bryan ang kanyang isinulat. Ginawa lang niyang may pag ka comedy. Gusto niya  maging katawa tawa ang papel ni Bryan sa kanyang sinulat. Para kahit papaano makaganti si Erica sa ginawa ni Bryan sa kanya. Lumipas ang mga araw handa na ang lahat ng artistang gaganap sa theatro. Maganda ang kinalabasan ng kanilang palabas. Nakasubaybay si Erica sa pag pra practice  ng mga gaganap. Nangingiti si Erica tuwing makikita niyang kung paano nag hihirap ang kalooban ni Bryan dahil sa pag kakalayo nila ni Erica. Kahit man lang sa kanyang obra maging guilty sa kanyang sarili si Bryan. Kahit nga ba ibang pangalan ang kanyang ginamit pero sa kanyang sarili alam niya si Bryan ang nasa katauhan ng bidang lalaki.

              Lingid sa kaalaman ni Erica sa totoong buhay nag sisi si Bryan kung bakit siya natakot sa kanyang sarili. Natatakot siyang harapin ang katotohanang mahal na mahal niya si Erica. Natatakot din siya na masaktan ng dahil sa sobra niyang pag mamahal dito kaya naman sa takot niya ang puso naman ni Erica ang kanyang nasaktan ng todo. Takot siya dahil hindi niya alam kung paano mag mahal ng lubos. Mas natatakot siya sa kanyang sarili sapagkat hindi niya alam paano mag pakita ng tunay nararamdaman. Paano niya ipaparamdam kay Erica na mahal na mahal niya ito.

              Nabalitaan ni Bryan ang obra ni Erica ay ipapalabas na. Hindi siya nag aksaya ng oras. Kailangan nandoon siya para mapanood ang balitang balita na napaka ganda ng bagong storyang sinulat ni Erica. Ibig manikip ang kanyang dibdib noong kanyang pinapanood ang palabas. Tanging siya at si Erica lang ang nakaka alam na silang dalawa ang bida sa palabas na iyon. Ramdam na ramdam ni Bryan ang sakit na naramdaman ni Erica sa kanilang pag kakalayo. Hindi napigilan ni Bryan ang sobrang emosyon at nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Hindi nakayanan ng puso ni Bryan ang sobra sakit nararamdaman. Kaya sa pangalawang pag kakataon inatake siya sa puso.

              Naramdaman niyang naninikip na ang kanyang dibdib kaya tumawag na siya ng emergency. Wala pa yong tinawagan niya ay tuluyan ng bumigay ang kanyang puso. Kaya naman nag kagulo ang ilang audience na malapit sa kanya. Dali dali siyang dinala sa hospital para malapatan ng lunas. Bryan kung hindi ibayong pag iingat ang gagawin mo baka sa susunod mong atake hindi ka na makaligtas pa. Buti nasa maraming tao ka inatake . Paano kung nag iisa ka at walang tutulong sa iyo. Di doon ka na malalagutan ng hininga. Nag iingat naman ako kaya lang hindi ko napigilan ang nadarama ng puso ko.

              Nabalitaan ng mga staff ang nag yari sa isang audience. Kaya nag kaayayaan sila na dalawin nila ng sabay sabay ang taong muntik ng atakihin sa panonood ng kanilang show. Walang kamalay malay si Erica na ang dadalawin nila ay si Bryan. Ang lalaking bida sa kanyang isinulat na storya. Pero bakit ganoon na lang ang kaba ng kanyang dibdib. Hindi naman niya kilala kung sino ang inatake dahil sa kanyang sinulat. Bakit kaya nasobrahan ba ito sa katatawa o tinamaan siya sa karakter ng bida. Kahit ano gawin ni Erica kinakabahan siya hindi niya mawari kung ano. Mayroon kayang nangyayari sa kanyang anak o sa kanyang minamahal na lalaki. Kahit ilang buwan na rin na hindi sila nag kikita nito hindi naman nababawasan ang pag mamahal niya sa lalaki.

              Hindi niya malaman kung ano mayroon si Bryan at minahal niya ito ng todo. Kahit sinaktan siya nito hindi niya makuhang kalimutan. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bakit biglang sumagi sa kanyang isipan ang lalaking ito. Tapos bigla siyang kinabahan. Kamusta na kaya siya? Wala na siyang balita buhat noong huminto itong kulitin siya. Siguro nag sawa na at nakalimutan na siya. Sa ganitong isipin may kirot siyang nararamdaman. Sana naman hindi pa siya nakakalimutan. Sana naman tunay ang kanyang pag mamahal na inalay sa kanya. Ang bulong ni Erica sa kanyang sarili. Alam niya at naramdaman niya na totoong minahal siya ng lalaking babaero na yon. Nangiti si Erica kahit ganoon yon wala siyang maipipintas noong sila pa. maalaga mapag mahal at maasikaso. Sabagay mamahalin ba niya ng lubos ito kung hindi ipinaramdam sa kanya ang mga ito.

              Naputol ang pag daloy ng mga alaala noong tawagin siya ng isa nilang kasamahan. Nakuha na daw nila ang room number at puede naman daw dalawin . sabi ng nag tanong kawawa naman pala yong inatake. Kung hindi daw naagapan malamang na dedo na sya. Kailangan daw  operahan ibabaypass daw. May ugat na barado. Na ngingiti si Erica sa kasamahan niya na nag tanong sa information. Halos nasagap na niyang lahat ang tungkol sa pasyente. Alam ninyo ba guys broken hearted pala yon. Kaya pala epektado masyado  sa palabas natin. Babaero daw kasi kaya ayon iniwan ng syota niya. Ehh ! kung sino pa daw yong tunay na mahal yon pa ang nang iwan sa loko kaya ayon miserable ang buhay ngayon. Ikaw talaga bakla ka napaka chismosa mo. Pati ba yon nasagap mo na. inutusan ka lang naming na itanong kung anong room ehh ! kung anu ano na ang nakuha mong balita. Paano po sya yong pinag chi chikahan  doon. Paano daw guapo at mayaman good catch daw sabi ng mga nurse.

              Bakit biglang kumabog ang kanyang dibdib. Sa kanyang mga narinig. Ok guys huwag ng maingay ahh. Nandito na tayo dadalaw tayo hindi mang gugulo sa pasyente. Ready ninyo yong camera para sa news na ilalabas natin tungkol sa inatake audience ng ating show. Noong pumasok sila nakita agad ni Erica naka oxygen ito hindi niya kita ang mukha kasi nakatalikod ito sa pintuan. Naramdaman sigurong may pumasok sa kanyang roon kaya kumilos paharap sa pintuan. Muntik ng himatayin si Erica sa kanyang nakita. Si Bryan pala ang kanilang bibisitahin. Natutop ni Erica ang kanyang bibig parang gusto niyang mahiyaw ng panangis. Awang awa siya sa kalagayan ng kanyang mahal. Inilibot ni Bryan ang kanyang paningin sa mga dumalaw sa kanyang  pag lilibot ng mata nahagilap niya si Erica sa karamihan  at nagtama ang kanilang mga mata ni Erica.

              Sa pag tatama ng kanilang mga mata hindi mapigilan ni Erica ang hindi umagos ang mga luha niya. At ganoon din si Bryan. Laking pag tataka ng mga kasamahan niya. Ano ang nangyayari sa kanilang writer at impit na umiiyak ito. Nag papalit palit ang kanilang mga paningin sa dalawa at nahulaan nila na may ugnayan ang dalawa. Kahit hindi mag salita si Erica alam na nila kung sino ang nobya ng pasyente. Nag kalabitan ang mga kasamahan ni Erica at isa isa itong lumabas ng kuarto. Para bigyan nila ng pag kakataong maka pag solo ang dalawa.

              Noong sila na lang dalawa ang nasa room saka palang lumapit si Erica sa kama. Inilahad ni Bryan ang kanyang mga kamay para mayakap niya ang kanyang minamahal. Unti unting lumapit si Erica kay Bryan at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya. Iyon lang kumawala na ang ipit na iyak ni Erica. Saka palang nakita niya ang kay laking nabago sa kanyang irog. Mahaba na ang balbas nito at bigote  parang ang dumi na ng kanyang mukha. Dati rati kay kinis hindi niya hinahayaan mag mukhang madumi siya. At makikita mo ang hapis sa kanyang mukha at lungkot sa mga mata niya. Ano ba ang pinag gagawa mo sa sarili mo at ganyan ang itsura mo. Hindi ka naba nag aahit man lang.

              Dahil katabi niya si Erica mababakas mo na sa kanyang mga mata ang sigla. Masayang Masaya si Bryan sa pag dalaw ni Erica sa kanya. Hindi mabitaw bitawan ni Bryan ang mga kamay ni Erica. Huwag mo na akong iiwan ha! Ang samo ni Bryan kay Erica. Ikaw naman ang naging salawahan kaya ako lumayo. Sinaktan mo ang maramdamin kong puso ang balik na tugon ni Erica. Hindi naman wala namang babae pumalit sa iyo dito sa puso ko. Buhat noong naging tayo wala naman akong naging karelasyon. Ikaw ang hinahanap ng puso ko. Hindi kita makalimutan pero ano ang aking magagawa kung ayaw mo na akong harapin. Pinag tataguan mo ako. Tuwing dadalaw ako sa iyo hindi mo man lang ako pinag bubuksan ng pintuan. Ni hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa iyo. Ni minsan hindi ka nag reply sa mga msg ko sa iyo. Kahit sa ating chat room hindi ka na pumapasyal man lang. ni hindi mo sinasagot ang mga msg ko.

              Inilagay ni Erica ang kanya hintuturo sa mga labi ni Bryan para patigilin ito sa pag sasalita ng mga hinaing. Baka makasama lalu sa kanya ang pag sisintir. Baka lalung makasama sa puso niya ang sobrang pag alala sa mga masasakit na pang yayari sa pag iibigan nilang dalawa. Isang halik ang ibinigay ni Erica kay Bryan. Para matigil ito sa pag lilitanya ng kanyang nararamdaman. Anu ibig sabihin nito pinapatawad mo na ako sa aking kasalanan. Isang tango lang ang pinakawalan ni Erica. Ibig lumundag ni Bryan sa tuwa  niya. Pero pinigilan siya ni Erica. Baka makasama sa iyong kalagayan ang sobrang katuwaan. Alalahanin mo ayan at naka oxygen ka pa. hindi ko na kailangan ang mga iyan ikaw ang aking buhay.

              Natawa si Erica sa binitiwang salita ni Bryan. Di yata bigla kang gumaling noong mahalikan kita ang tudyo ni Erica kay Bryan. Yakapsul at kispirin pala ang gamut mo sa iyong atake sa puso. Sabay silang nag tawanan parang nabura at inagos ng malakas na alon ang mga bagay at dahilan ng kanilang pag kakalayo. Ang matagal niyang pag tatampo kay Bryan ay  nawalang bigla mas nanaig ang pag mamahal niya dito. Sa wakas matatahimik na ang puso ko sa pag hahanap ng iyong pag mamahal at pag suyo. Alam mo ba ikaw ang nag bibigay buhay at sigla sa akin. Ikaw lang ang hinahanap ng puso ko. Kahit sabihin ko wala ka na ayaw mo ng itong pansinin ayaw niyang tumigil sa pag hahanap sa iyo. At muli isang mahigpit na yakap ang itinugon ni Erica sa kanya. Ok sabihin mo dyan sa puso mo tumigil na sa pag aalala dahil nandito na ako.

              Buhat ngayon hindi ko na hahayaang maligaw pang muli at mailto  yang puso mo. Kasi sa ayaw at sa gusto mo ikakadena ko na siya at sususian para hindi na muling mag hanap at bumaling pa sa iba. Oo at hindi ko na rin hahayaan na pag taguan mo pa ako at hinding hindi na kita bibigyan ng pag kakataong iwasan ako. Ngayon palang kahit dito sa hospital igagapos na kita. Isang malakas na halakhak ang pumailanglang sa loob ng kuwarto ni Bryan. Hoy lalaki tama na ang sobrang tuwa bawal din dyan sa puso mo. Baka nakakalimutan mo. Sa gitna ng kanilang tawanan mga katok ang bumasag sa kanilang katuwaan. Nakalimutan ni Erica mayroon pala siyang kasamahan nasa labas ng room. Lumabas lang para bigyan sila ng pag kakataong mag usap.

              Noong pumasok ang mga kasamahan ni Erica katakot takot na kantiyaw ang inabot niya. Ikaw pala ang dahilan ng pag ka atake nito ahh! Ang sabi ng kanilang producer. Siya ba yong bidang lalaki sa ating palabas. Isang ngiti lang ang isinagot ni Erica kaya pala may buhay yong storya mo ay tunay na kasaysayan. Kaya pala nabigyan mo ng magandang buhay at kaya pala isa yong kahilingan na subaybayan ang pag iinsayo ng mga gaganap para makita mong kung ano ang nasa isip mo yon ang lumabas sa eksena. Kaya hindi nakakapag taka kung isa itong kakaiba sa mga sinulat mo na.

              Nag paiwan na si Erica sa hospital. Gusto niyang alagaan ang kanyang minamahal. Gusto niya bawat sandali kapiling niya si Bryan. Natatakot siyang mawala ito sa kanya. Kaya naman lahat ginagawa niya sa maagang pag galing nito. Hindi maipaliwanag ng mga doctor kung bakit kay bilis ng kanyang pag ka recover sa nakaraang atake. Nakahanda na nga ang lahat para sa kanyang operasyon. Pero hindi ito natuloy sa malaking himalang naganap. Kahit ang mga dalubhasa hindi nila maipaliwanag bakit nag kaganoon. Himala na parang nag dahilan lang ang kanyang puso sa nakaraang atake nito. Kahit anong gawin nilang pag susuri lahat ay bumalik sa normal. Pati ang pag tibok nito.

              Hindi na niya kailangan ma bypass para sa kanyang nag hihingalong puso. Isang malaking himala ang naganap. Malaki talaga ang nagagawa ng tunay na pag ibig. Kahit si kamatayan kaya niyang hadlangan. Ang pag mamahal ni Erica ang naging daan ng pag galing ng puso niya. At ang mga dalangin nito at pag aalaga. Sa muling pag galing ni Bryan sa bahay bakasyunan uli siya umuwi kasama si Erica. Gusto nilang dugtungan ang naputol nilang pag mamahalan ng dahil sa selos at sa kanyang pagiging pag kababaero. Hinding hindi naniya gagawin saktan ang babae karugtong ng tibok ng puso niya. Si Erica ang nag bibigay buhay sa puso niya. Ito ang dahilan kaya tumitibok ng normal. Siya at tanging siya lang ang hinahanap nito.

              Kaya naman nag tapat na siyang kay Erica na handa na mag patali habang buhay basta si Erica ang kanyang papakasalan. Tuluyan na siyang mag babago. Ilalaan na lang niya ang kanyang buhay sa piling ni Erica. Hinding hindi na siya titingin pa sa ibang babae. Siya na lang ang pag lalaanan niya ng kanyang panahon. Hinarap ni Bryan ang kanyang takot sa pag harap ng pag aasawa. Si Erica lang ang kanyang buhay. Siya ang dahilan kung bakit tumitibok pa ang kanyang puso ng normal. Si Erica na ang kanyang soulmate na hinahanap sa mahabang panahon. Mag papakasalan niya ito at mag sasama habang buhay… THE END  copyright by Rhea Hernandez  11/6/12