Friday, March 30, 2012

LOVE STORY “PRINCESS”

NI Rhea Hernandez

Pinoy poems

              Si Princess ay nag iisang anak, Kaya naman kung ituring siya ng kanyang mga magulang ay isang princesa. Lumaki siya na busog sa pag mamahal at pag aalaga ng kanyang mga magulang. Subalit noong siya malapit ng mag tapos sa high school biglang na aksidente ang kanyang ama. Kaya naman sa batang edad naulila siya sa kanyang ama. Kaya naman ang kanyang ina hirap na hirap siyang itaguyod sa pag aaral. Kasi noong nabubuhay ang kanyang ama walang alam ito kundi ang asikasuhin ang pangangailangan nila ng kanyang ama. Wala siyang alam kundi ang mga gawaing bahay at asikasuhin at paglingkuran  ang kanyang ama . isa siyang mapag mahal na asawa. Kaya naman noon biglang nawala ang kanyang ama hirap na hirap ang kanyang ina na itaguyod ang kanilang pamumuhay na dalawa. Hirap na hirap siyang mag adjust kung paano siya bubuhayin at bibigyan ng magandang kinabukasan. Gusto ng kanyang ina na makatapos siya ng pag aaral.

              Hindi niya alam kung paano na ang kanilang buhay ngayon bigla silang iniwan ng kanyang ama. Pangarap niyang makatapos  ng pag aaral. Gusto niyang maging isang nurse. Ngayon ito isang pangarap na lang . hindi kaya ng kanyang ina na pag aralin siya sa kolehiyo. Kahit ano ang kanyang gawin hindi kakayanin ng kanyang ina na igapang ang kanyang pag aaral. Kahit ano ang gawin nahihirapan ang kanyang ina kaya naman pinipilit ni Princess sa abot ng kanyang makakaya na tulungan ang kanyang ina sa pag hahanap buhay. Lumipas ang mga araw at buwan unti unting nasasanay na silang mag ina na wala ang kanyang ama. At ang kanyang ina unti unti na ring nakakapag adjust. Kahit  alam niya na hihirapan ang kanyang ina para tustusan ang kanyang pag aaral sa kolehiyo. Kahit anong trabaho pinasok na nito. Mag buy and sell ng kung anu ano. Kahit na nga ang pag gawa ng tocino at longganisa. Ginawa na rin ng kanyang ina para lang masustentuhan ang kanyang pag aaral. Ang dating pangarap na maging isang nurse ay nauwi sa pagiging com sci ang kinuha niya. 2yrs course. Ok na rin kesa sa hindi siya makapag aral. Ang alin na nga lang makatapos na siya sa pag aaral para makatulong na siya sa kanyang ina. Nakikita kasi niya na hihirapan ito na itaguyod siya.

              Pag ka graduate ni princess ng com sci  madali lang siyang napasok sa  trabaho sa isang maliit na company. At dito niya nakilala ang kaunaunahang lalaking nag patibok ng kanyang puso. Ang lalaking nag turo kay Princess na mag mahal. Ito ay si Jayson magandang lalaki at lapitin ng mga babae. Hindi niya inaasahan na lalapitan siya nito at makikipag kaibigan sa kanya. Hindi kagandahan si Princess at hindi rin siya tulad ng ibang kadalagahan na pala ayos. Si Princess simple lang siya basta mayroon siyang baby powder ok na sa kanya at mag pahid ng manipis na lipstick. Everyday laging ganoon ang kanyang ayos.  Pero kung iyong tititigan ito makikita mo ang tinagong ganda ni Princess. Nakatago ang kanyang ganda sa pagiging simple niya. Totoong maganda siya hindi lang niya inilalabas ang tunay niyang kagandahan. Ito ay nakikita ni Jayson sa kanyang katauhan. Kitang kita ni Jason ang tinagong ganda ni Princess pag kanyang tinititigan ito. Naging malapit si Jayson sa kanya. Ramdam ni Princess na may ibang motibo si Jayson. kaya  kung bakit ito  nakipag lapit sa kanya. Pakiramdam ni Princess mahal siya nito. At ibig siyang ligawan kaya nakikipag kaibigan sa kanya.

              Tama ang hinala ni Princess na may pag tatangi sa kanya si Jayson. Kaya hindi nag tagal nag tapat na ng pag ibig si Jayson kay Princess. Dahil wala namanng ibang manliligaw si Princess hindi nag tagal sinagot na  rin niya si Jayson. Naging masaya sila at pinapadama talaga ni Jayson ang kanyang pag mamahal sa kanya. Kaya naman naging kuntento na si Princess sa inihahandog na pag ibig ni Jayson. Malaki ang tiwala niya sa lalaking kanyang minamahal. Naging regular Ang pag hahatid sundo ni Jayson kay Princess. Naging masaya sila, lagi nga silang mag kasabay sa pag pasok at pag uwi at mag ka minsan nanonood sila ng movie o kaya mamasyal  na mag kahawak kamay. Habang hawak ni Jason ang kanyang mag palad paminsan minsan pinipisil niya ito. Na parang sinasabi niya na mahal na mahal kita Princess. Ang ganitong set up ng kanilang relasyon ok na kay Princess simple pero napapahatid ang kanilang mga nararamdaman pag ibig sa isa’t isa. Sa kanilang relasyon walang problema kay Princess. Masaya siya sa piling ni Jason. Ang kanilang  simpleng relasyon hindi alam ni Princess ay kinababagutan na ni Jason. Wala daw  trill boring akala mo de numero ang routine. Nababagot na siya sa de kahong relasyon. Ang pagka sobrang simple relasyon ay nakakabagot para kay Jason. Gusto niya yong ma action. Walang ganito o ganoon bawal ito bawal ang ganoon.

              Minsan hindi na nga siya sinusundo nito at inihahatid ni Jayson . nag tataka man siya wala siyang magawa. Panay dahilan ni Jayson ng kung anu ano. Alam naman ni Princess na palusot lang ito alam niya . pero hinahayaan na lang niya. Kasi ayaw ni Princes na mag aaway lang sila pag ito’y kanyang sinita.  Mahaba ang pasensya ni Princes pag dating sa kanilang relasyo. Masasabi mo nga  na isang martir ito pag dating sa pag ibig. Pati ang pag kain nila ng sabay sa lunch ay kinababagutan na rin niya. Noong mga una nilang buwan ok lang kay Jayson na mag babaon siya ng pag kain nila sa pananghalian para salo sila sa pag kain. At kung minsan pag nag uusap sila na kakain sa labas hindi nag hahanda ng baon si Princess. Pero lately di na sumasabay sa kanya si Jayson keyso ganito o ganoon ang dahilan nito.hinahayaan na  lang ni Princess baka ayaw lang niya ang baong niyang pag kain kaya sa canteen na ito kumakain. Hindi sinasadya nakalimutan ni Princess ang kanyang baon kaya bumababa siya para sa canteen na siya kakain. Pero di na siya nakapasok sa canteen. Nakita niya ang kanyang kasintahan na may kalampungan. May kasalo sa pag kain at nag susubuan pa sila. Ang sweet nilang tignan akala mo mga lovebirds na alang pakialam sa kapaligiran. Hindi na nakuhang kumain ni Princess. Nag mamadali siyang bumalik sa kanyang table at ibig ibig niyang umiyak. Kaya lang pigil na pigil siya. Ayaw niyang pag usapan siya ng kanyang mga kaopisina.

              Kanyang binalikan sa kanyang isipan ang kanyang nakita kanina. Nag susubuan at napa sweet sa isa’t isa na ni minsan di pa ginawa sa kanya ni Jayson. Ang akala niya noong mga sandaling iyon pinag bagsakan siya ng langit at lupa. Nanlambot ang kanyang mga tuhod halos di na niya ito maigalaw ang kanyang mga paa. Hindi na nga niya nakuhang sitahin ang kanyang boyfriend at ang babae kanyang kalampungan. Hindi na nga niya alam kung paano siya nakalayo sa lugar na yon. Totoo pala ang chismiss na mayroon ibang nililigawan at GF sa kanilang departamento. Nag kataon kasi na mag kahiwalay ang kanilang department. Habang papalayo siya sa canteen mayroon siyang narinig na usapan. Di ba mayroon ding GF iyan si Jayson sa ibang department? Ilan ba ang GF niyan kay gandang lalaki kasi kaya habulin ng mga babae. Kay sarap ng magandang lalaki ano kay daling makakuha ng babae. Sa mga naririnig niya nanliliit siya sa kanyang sarili. Di yata ang kanyang pinag ukulang ng pag mamahal ay hindi siya minahal. Pinag lalaruan lang niya. Ibinibilang sa kanyang tropeo.

              Umuwi siya ng araw na iyon na bagsak ang kanyang balikat. Alang ganang kumain ng hapunan. Napansin ng kanyang ina ang kanyang pananamlay at tinanong siya kung mayroon siyang nararamdaman. Ang sagot niya masakit lang ang kanyang ulo at gusto na niyang mag pahinga. Hindi man lang nag duda ang kanyang ina sa kanyang alibi. Kaya hinayaan na lang siya nito na pumasok sa kanyang room.sa pag pasok na pag pasok niya saka niya ibinuhos ang kanina pa niyang tinitimping pag luha. Umiyak siya ng umiyak mag damag. Napakasakit ang kanyang natuklasan. Kinabukasan namamaga ang kanyang mga mata sa kaiiyak. Napansin ng kanyang ina kung bakit namamaga ang kanyang mga mata. Umiyak ka ba kagabi at namumugto ang iyong mga mata. Hindi na niya maitago s akanyang ina ang kanyang nararamdaman. At muli napaiyak siya sa balikat ng kanyang ina. Kailangan niya ngayon ang yakap ng isang ina at pag unawa nito at pag mamahal. Sinabi na niyang lahat ang kanyang natuklasan sa kanyang BF na bukod sa kanya mayroon pang ibang kasintahan. Ang sabi ng kanyang ina ang katulad ni Jayson ay hindi iniiyakan bagkos dapat kang mag saya na habang maaga natuklasan mo na kung anong klase pag katao  mayroon ang Jayson na iyan.

              Pinayuhan siya ng kanyang ina na tapusin na niya ang lahat ng kanyang ugnayan sa lalaking iyon. Kailanga  ngayon na siya makipag break kay Jayson. Pero paano siya makikipag kalas sa lalaking nag turo sa kanya kung paano ang mag mahal. Ang tanong niya sa kanyang sarili kaya ba niyang mawala si Jayson. Yong tuluyang mawawala sa kanyang sistema. Lubusang alang communicasyon . nag kita na lang sila ng Jayson sa opisina. Kasi nag dahilan nanaman ito na mayroon siyang gagawin kaya di na niya kayang sunduin pa siya kasi ma late na siya sa work nila. Napansin ni Jayson na matamlay siya kaya tinanong siya kung may sakit ba siya. Walang kamalay malay si Jayson na buking na siya sa kanyang kataksilan. Gustong gusto ni Princess na ipamukha niya kung gaano siya kataksil sa kanilang relasyon. Pero bakit ganoon di niya kayang gawin. Kaya naman dinaan na lang niya sa walang kibo. Hindi niya sinabi kay Jayson na alam na niya ang pag tataksil nito sa kanya. Lumipas ang mga araw naging isang linggo na alam na niya ang lahat. Pero wala siyang magawa. Wala siyang lakas ng loob para ipagtapat ang kanyang natuklasan. Sa walang kibo ni Princess naging matamlay siya at malamig sa pakikitungo kay Jayson. Ang buhay niya walang sigla. Ang kanyang pakiramdam para na siyang nauupos na kandila. Nakakahalata na si Jayson na matamlay na ang pakikitungo nito sa kanya.

              Noong di na nya talaga kayang dibdibin ang mga pangyayari . kinausap niya si Jayson at sinabi niya na tinatapos na niya ang kanilang relasyon. Nagulat si Jayson kung bakit niya tinatapos ang kanilang relasyon. Sa pag tatanong ni Jayson para bang wala siyang alam na ginawang kasalanan sa kanya. Nag tataka pa  ito kung bakit siya nakikipag kalas sa kanilang relasyon. Doon na sumabog ang kay tagal niyang kinukuyom na galit dito. Ang pag tataksil nito sa kanya. Hindi nakakibo si Jayson noong bangitin niya ang dahilan. Hindi niya akalain na matagal na pala niya alam ang pag tataksil niya sa kanilang relasyon. Nag tataka siya kung bakit ngayon lang sinasabi nito ang mga kanyang natuklasan. Ang sabi ni Princess akala ko kaya ko na may kahati sa iyong pag ibig. Hindi ko pala kaya itong mga nagdaan mga araw kinukumbinsi ko ang aking sarila na ok lang na mayroon kang iba. Ang pahayag ni Princess pero hinde kaya ng akong kalooban ang iyong pag tataksil sa ating relasyon. Doon nabatid ni Jayson na hindi na biro biro ang sinasaad ni  Princess. Ayaw pumayag ni Jayson na tapusin  ang kanilang relasyon. Ang sabi pa nito siya talaga ang mahal nito. At ang sinasabi niyang babae ay libangan lang niya. Pang pasigla ng dugo ng buhay. Kasi masyadong kang boring kung minsan napaka lamig mo. Sa mga binitawang salita ni Jayson lalung naging natatag ang kanyang pag dedesisyong tapusin na niya ang relasyon sa lalaking ito na ang tingin ay laruan lang ang mga babae.

              Sabi ni Jayson kung talagang mahal mo ako hindi ka makikipag hiwalay sa akin. Mahal na mahal naman kita. Natukso lang ako sa kanya kasi siya na mismo ang lumalapit sa akin. At isa pa game siya sa lahat ng bagay. Di tulad mo ang daming di dapat at bawal. Di puede ang ganito ang ganoon. Saka na pag kasal na tayo. Lalaki ako may pangangailangan din. At siya nag nag bibigay noon ang di mo maibigay binibigay niya. Pero sa aking puso ikaw ang mas mahalaga. Sa mga salitang binitawan ni Jayson lalung napag tibay ni Princess na makipag hiwalay ng tuluyan. Hindi si Jayson ang tipo ng lalaking magiging katulad ng kanyang ama. Na mapag mahal sa pamilya. Ngayong nadinig niya ang paliwanag ni Jayson lalung naging solid ang kanyang pasya na tapusin na ang kanilang relasyon. Walang kakapuntaha lang ito. Mag tatagal lang ang kanyang pag hihirap ehh wala namang kakapuntahan. Hinding hindi matatangap ni Princess na may kahati siya habang panahon sa lalaking kanyang papakasalan. Mainam hanggang maaga natuklasan nito ang pag uugali ni Jayson. Laglag ang balikat ni Jayson noong lisanin nito ang kanilang bahay.

              Ituturing na lang ni Princess na isang masamang bangungot si Jayson ng kanyang buhay. Kahit naging matatag si Princess sa harap ni Jayson sa pag talikod nito saka siya ipinalaya ang kanyang pag tangis. Ang sakit sakit sa dibdib ang pakikipag kalas niya kay Jayson pero ala siyang magawa kasi ito ang nararapat niyang gawin. Nag sisi si Jayson kung bakit niya sinira ang pag titiwala ni Princess. Siya ang tipong babae na dapat seryosohin . isang magiging mabuting asawa at ina ng magiging anak. Samantala hindi akalain ni Jayson mayroon pa siyang isang problemang haharapin. Ang babaeng ipinalit niya kay Princess ay kanyang nabuntis. Pinipilit siyang panagutan ang kanyang ipinag bubuntis. Pero hindi siguradong siya ang ama ng batang dinadala nito. Sapagkat hindi siya ang nakauna  sa babae ito. Paano siya makakasigurong kanya ang ipinag bubuntis nito. Pero di niya kayang takbuhan ito. Anak ng isang militar ang kanyang nabuntis. Baka kanyang tatakbuhan baka isang araw makita na lang ang kanyang katawan na lumulutang sa isang estero. Ngayon niya naalala si Princess ang babaeng kanyang tunay na minamahal. Kung nakuntento lang siya sa pag mamahal na ibinibigay ni Princess di sin sana wala siyang problema ngayon. Kahit kailan laging nasa huli ang pag sisi. Ngayon pakakasalan niya ang isang babae na di niya minamahal. At di pa siya nakakasigurong kanya pa ang batang dinadala sa kanyang sinapupunan. Napilitan pakasalan ni Jayson ang babae na sabi nabuntis niya.

              Lumipas ang mga araw linggo at buwan. Sa pag susumikap ni Princess na kalimutan niya si Jayson hindi siya nabigo. Unti unti niyang nakalimutan ang pag mamahal niya sa lalaking niloko siya at pinag taksilan. Pero di alam ni Princess kung kailan uli siya iibig. Basta ngayon masaya siya na kasama na lang ang kanyang ina. Ang lahat ng kanyang panahon ibinubuhos niya sa kanyang trabaho at sa kanyang ina. Kung tatanungin ninyo paano na ang kanyang love life hindi niya alam kung kailan uli siya iibig pang muli. Kahit marami ang mga lumiligaw sa kanyan. Wala pa siyang napupusuan. Hindi siya nag mamadali sa pag dedesissyon tungkol sa pag aasawa. Kanyang nabalitaan ikinasal na si Jayson sa babaeng kanyang nabuntis. Wala siyang nagawa kundi panagutan ang kanyang pag kakamali. Bago siya nag pakasal kinausap pa niyang muli si Princess kung mayroon pa sila pag asa na mag kabalikan. Pero naging matatag na si Princess sa kanyang desisyon. Hindi niya maaaring ipag katiwala ang kanyang kinabukasan sa isang taong salawahan at walang paninindigan sa kanyang mga pangako. Mag sisi man siya ngayon huli na ang lahat. kahit kailan ang pag sisi laging nasa hulihan. Hindi sya marunong mag pahalaga sa tunay na pag mamahalan. Kaya ngayon nag sisi siya sa kanyang mag ginawa kay Princess. Pero wala na siyang magawa kundi pag tiisan ang mga nagaganap sa buhay niya. Kahit anong pag hihinayang at pag sisi ang gawin niya wala na siyang magawa kundi mag pag sisihan ang pag kakamali niya.

Hanggang dito na lang ang kuwento ng pag ibig ni Princess at sana nagustuhan ninyo ang kanyang kasysayan ng pag ibig. Unang pag ibig unang kabiguan. Ang kanyang pangalawang pag ibig ay aking muling ikukuwento sa inyo sa susunod na pag dadaupang palad namin ni Princess. Pero pang samantala dito muna tatpusin ang pag kukuwento ko sa inyo. THE END… copyright  by Rhea Hernandez 3/29/12                                                     

LOVE STORY "PRINCESS"

Tuesday, March 27, 2012

LOVE STORY" ANALYN" ( pag subok)

LOVE STORY “ANALYN” (pag subok

NI:  RHEA HERNANDEZ

Pinoy poems

www.tulawento.blogspot.com

              Ang lahat ng tao nakakaranas ng matinding pag subok. Mayroon nalalampasan at ang iba naman di nakakayanan. Ang mga pag subok sa kanilang buhay at sila ay bumibigay. Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa mag asawang sinubok ng isang pag kakataon.

              Ang mag asawang Analyn masayang nagsasama kasama ang kanilang tatlong anak. Simple lang ang kanilang buhay kasama ang kanilang mga anak. Dahil si Analyn isang ambisyoso kaya nag sumikap siyang umangat ang kanilang buhay. Ayaw ni Analyn na makatulad ang kanyang mga anak sa kanilang mag kakapatid. Lumaki kasi  si Analyn sa hirap. kaya itinanim niya sa kanyang isipan kahit ano ang mangyari hinding hindi mararanasan ng kanyang mga anak ang kanyang pinag daanan.

              Kahit mahirap pinilit ni Analyn na sa private school mag aral ang tatlo nilang anak. Sa pag susumikap niya at sa kasipagan  sa  awa ng Poong Maykapal nakakayanan niya. Unti unting napapalago ni Analyn ang kanyang inumpisahang negosyo. Hindi lang yon nakakapag pundar na  rin siya ng  kanilang kagamitan sa bahay.  Nakakabili na sila ng mga lupa na kahit hindi kalakihan. Kahit papaano nakakapagpundar siya ng mga  gamit at pala isdaan  at nakabili na rin ng isang brand new pick up. Malaking ang naging asenso ni Analyn sa kanyang pinasok na Negosyo.

              Dahil dito napag kasunduan nilang mag asawa na mag bitiw na sa trabaho ang kanyang asawa. Para mayroon tumingin sa kanilang mga anak habang abala siya sa pag papalago ng kanilang negosyo.Kaya naman lalung naging matagumpay si Analyn sa negosyo. Hindi na siya nag aalala kung gabihin man siya ng uwi. O kung mayroon siyang deliver sa malayong lugar. Hindi na niya inaalala ang kanilang mga anak kung sino ang kasama. Ang kanyang asawa ang nag sibling taga asikaso sa kanilang mga anak at taga turo sa mga assignment sa school.

              Hindi akalain ni Analyn dumating sa kanilang buhay ang isang malaking pag subok. Sa hindi inaasaham dinapuan ng  malubhang sakit ang kanyang asawa. Ang buong akala ni Analyn simpleng lagnat lang ang sakit nito. Panay inom ng gamut para sa lagnat. Pero nag tataka sila kung bakit pabalik balik ang kanyang lagnat. At sa paminsan minsan may kasamang ginaw. Kaya naman na alarma na sila kung bakit di humuhupa ang sakit ng kanyang asawa. Kaya naman dinala na niya ito sa kanilang family doctor. Wala namang sinabing anupaman ang doctor baka daw nag karoon lang ng binat. Kaya binigyan lang siya ng gamut para sa lagnat at antibiotic.

              Malaking tulong ang binigay na gamut ng doctor. Habang umiinom siya ng gamut at antibiotic nawala ang kanyang lagnat at ginaw na nararamdaman niya. Pero pag kalipas ng ilang araw balik na uli siya sa dati pero mas malala kesa dati. Laking pag tataka ng kanilang doctor kung ano ang tunay na sakit ng asawa niya. Kaya naman napilitan silang lumuwas ng Manila para doon mag pagamot.  Kasi di lang lagnat ang ginaw may kasama na nahihirapan siyang huminga. Sa pag luwas nila ng Maynila doon nila natuklasan na mayroon napala siyang tubig sa kanyang baga. Ang kanyang kaliwang baga halos dina gumagana at ito nababalutan na ng fluid.

              Kaya kailangan na niyang ipasok sa hospital ang kanyang asawa. Kinakailangan na lagyan ng butas sa kanyang tagiliran para makatulo ang fluid sa kanyang baga. Ang sabi ng kanyang doctor halos nakalutang na ang lungs sa fluid  ng kanyang asawa. Nag tagal sila sa hospital. Ang buong akala nila ok na ang lahat pero di nag tagal ganoon pa rin ang asawa niya. Hindi ito bumubuti kundi lalu pang naging malala pa kaysa dati. Nag pabalik balik sila sa hospital at sa doctor. Kung anu anong klaseng gamut ang kanyang iniinom. At higit sa lahat ang malalakas na  antibiotic na  napakamahal  ang sabi ng doctor ipag patuloy lang ang pag inom ng mga gamut at unti unting mawawala ang tubig sa kanyag baga.

              Samantala si Analyn siya na ang lahat ang umiintindi sa mga bagay bagay. Sa kanilang negosyo sa kanilang mga anak at pag aalaga pa rin sa asawang may sakit. Halos dina niya makuhang mag pahinga. Kailangan niyang dobleheng ang pag  kita ng pera. Sapagkat napakamahal ng gamut ng kanyang asawa. Kahit nahihirapan siya hindi siya makadaing at di siya puedeng tumigil sa pag kayod. Alam niya nahihirapan din ang kanyang asawa sa nararamdamang karamdaman kaya naman ayaw niyang dagdagan pa ang nararamdaman nito. Kahit ganoon pa man kahit sandamukal ang mga iniinom nitong gamut walang pag babago sa kalagayan nito.

              Ang karamdaman ng kanyang asawa ay lalung lumalala kaysa dati. Habang tumatagal nahihirapan na itong huminga. Ang matataas na lagnat at pag giginaw ay pabalik balik pa rin. Ang ipinag tataka nila regular ang pag inom ng gamut at pag kunsulta sa doctor bakit walang makitang pag babago sa kanyang kalagaan. Hindi na malaman pa ni Analyn kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang asawa. Halos naikot na nilang lahat ang mga doctor at hospital hindi magawan ng paraan ang pag dami ng fluid sa kanyang lungs. Halos ang lahat ng kanilang ipon naubos na ni Analyn sa pag papagamot ng kanyang asawa. Kahit gaano mang kadami ng kanyang ipon ay nasaid na rin sa tagal ng pag kakasakit ng asawa niya . at sa pag labas masok nito sa hospital.

              Dahil sa pag kakasakit ng kanyang asawa nahihirapan na siyang pag sabay sabayin ang mga tungkulin niya at pag aasikaso sa kanyang negosyo. Kahit di niya gusto at di niya napapansin nawawalan na siya ng oras sa pag aasikaso dito. Nauubos ng kanyan asawa ang mga oras niya sa pag parit parito sa hospital na laging siya ang kasama. Panay dasal ni Analyn na sana ay gumaling na ang kanyang asawa para makapag pokus na muli siya sa kanilang negosyo. Parang natutulog ang Diyos hindi naririnig ang kanyang mga panalangin at hinaing sa buhay. Lalung lumalala ang kalagayan ng kanyang asawa. Minsan naitatanong niya sa kanyang sarili kung ano ang kanyang nagawang kasalanan at dumadanas siya ng ganitong kalaking pag subok.

              Lagi niyang hinihiling sa Panginoon na bigyan siya ng lakas para kayain ang mga pasanin kanyang pinag daraanan. Pag nakatalikkod ang kanyang asawa hindi niya maiwasan at di niya mapigilang tumulo ang kanyang mga luha. Ang pag agos ng mga luha mauuwi sa impit na pag iyak. Panay dalangin niya na bigyan pa siya ng lakas ng loob para harapin ang mga pag subok niya sa buhay. Sana makayanan niya ang lahat at kanyang matustusan ang mga malalaking gastusin ng kanyang asawa. Pinipilit niyang kumita ng malaki ng di sila mabaon sa utang. Pero hindi niya malaman paano niya hahatiin ang kanyang mga oras sa pag hahanap buhay at sa pag aalaga sa kanyang asawang may sakit. At mayroon pa rin siyang tatlong anak na kanyang inaasikaso. Kulang na kulang ang 24 hours para sa kanya. Halos isubsob na niya ang kanyang ulo sa pag hahanapbuhay. Pinipilit niyang maging malakas sa harap ng kanyang asawa at mga anak. Pero sa tutuo lang tao din siya na pinag hihinaan ng loob . pero di niya puedeng ipakita sa kanyang mga mahal sa buhay na naghihina siya . kailangang makita nila na malakas siya na kayang kaya niya ang lahat.

              Isang araw mayroon isang kaibigan ng kaibigan nila na may kilalang isang magaling na doctor sa ganoong sakit. Ang doctor na asst. derector ng lungs center hospital. Ang doctor na ito siyang specialista sa ganitong karamdaman. Hanggang ma meet nila ang doctor na ito. Hindi biro ang singil ng doctor na ito. Halos di humihinga si Analyn noong makipag usap siya sa doctor. Noong sabihin ang doctors fee ibig niyang himatayin sa laki ng halaga. Kailangan daw operahin ito at buksan ang kanyang baga para makita kung bakit ayaw tumigil sa pag produce ng fluid ang kanyang lungs. Kung hindi daw ooperahin hindi titigil ang pag dami ng fluid sa kanyang baga. Subalit hindi birong halaga ang kakailanganin. Sa phil. heart center hospital siya napasok.

              Noong umpisa ayaw pa opera ang asawa ni Analyn. Saan nga naman kamay kukunin ang ilang daang libong piso para lang sa operasyon niya. Wala silang ganoong kalaking halaga. Alam niya na halos said na ang kanilang saving. Tapos ngayon inaalala niya ang daan daang libong piso gagastusin sa operasyon. Kinausap ng masinsinan ni Analyn ang kanyang asawa na siya ang bahala sa perang gagastusin niya sa operasyon . huwag siyang mag alala kasi mayroon naman siyang perang naiipon. Iyon na lang ang gagamitin niya sa pambayad sa hospital at operasyon niya. Pero lingid  sa kaalaman nito wala na siyang pera sa kanilang saving at ubos na ang natitira na lang ang kanyang capital sa negosyo. Makakabayad sila sa lahat ng gastusin pero babalik sila sa dati nilang buhay ang walang wala.

              Pero mahirap maging pera pa ngayon ang kanyang capital nakapasok nga ito sa negosyo niya take time para malikom niya ang malaking halaga kakailanganin ng kanyang asawa sa pag papaopera. Alam naman ngayon sa mga hospital di ka iintintihin kung di ka mag deposit ng kahit kalahati man lang sa total ng cost ng operation at doctor fee. Laking papasalamat niya sa kanyang mga kapatid at tinulungan siyang likumin ang malaking halagang kakailanganin sa pag papaopera nito. Noong makompleto na ang perang gagamitin sa pag papaopera binigyan na sila ng schedule kung kailan ooperahin ito. Halos lahat ng mga kalapit kuarto nila halos pareho ng sakit ng kanyang asawa.  At lahat ay inopera yon nga lang iba ang kanilang doctor.

              Doon nakita ni Analyn na napakarami palang tao na ganoon ang sakit. Ang isa nilang kalapit kuarto bagong opera ng tulad ng sa kanyang asawa pero hindi ito naka ligtas pag katapos ng operasyon ilang araw binawian ito ng buhay. Sa ganitong tanawin lalong kinakabahan si Analyn sa magiging resulta ng operasyon ng kanyang asawa. Lalu siya kinakabahan sa mga sandaling iyon. Wala siyang sandigan kundi ang panginoong Diyos. Sa kanya lang siya kumakapit ng mga oras na iyon. Panay usal ng panalangin  na sana makayanan ng kanyang asawa ang mahabang oras ng operasyon. Ang sabi ng doctor 6hrs lang daw ang operasyon bakit 10hrs na ay di pa ito lumalabas sa operating room. Habang nag tik tak ang orasan sumasabay ang pag kabog ng kanyang dibdib sa pag alala kung bakit humaba ang oras.

              Natapos ang operasyon sa wakas ang sabi ng doctor matagumpay at alang aberya maliban nahirapan lang sila kasi masyado ng marami ang nakabalot sa lungs ng kanyang asawa. Kailangan maalis lahat para  hindi na umulit pang muli ang pag produce ng fluid sa kanyang baga. Laking papasalamat ni Analyn sa panginoon at nakaraos ang kanyang asawa sa maselang operasyong ginawa sa kanya. Unti unting lumakas ang kanyang asawa at pinayagan na silang makauwi sa bahay. Kailangan lang ang bumalik sila sa hospital para sa regular check up. Tuluyan ng gumaling ang asawa ni Analyn. Nabawasan na ng isang problema si Analyn pero nahaharap pa rin siya sa mabibigat na problema.

              Kailangan nanaman niyang mag hanap ng pera para mabayaran ang mga perang ginamit nila sa hospital. Paano na ang buhay nila ngayon naubos lahat ang kanyang  saving pati capital niya sa pag nenegosyo. Paano na ang pag aaral ng kanyang mga anak. Saan niya kukunin ang kanilang pang araw araw na gastusin at mga gastusin ng kanyang tatlong mga anak. Na puro nasa private school. Saan siya kukuha sa pag tustos dito. Panay ang dasal ni Analyn na bigyan siya ng tamang kaisipan para makaahon sila sa kinalalagyan nila ngayon.ang pinag papasalamat pa rin siya kahit nawala ang lahat sa kanya nandiyan naman ang kanyang asawa buhay at kapiling nila.

              Hinihiling niya sa Diyos na bigyan pa siya ng kaunting lakas ng loob para makayanan niyang muling ibangon ang kanilang kabuhayan.  Kaunting lakas pa para makayanan na niyang lahat ang mga pag subok na kanyang pinagdadaanan niya sa kasalukuyan. Unti unti na nahahalata ng kanyang asawa ang kanyang malalim na pag iisip. Na kung minsan napapatulala siya sa kanyang mga hinaharap na problema.saka pa lang niya sinabi sa asawa niya na wala na. ubos na ubos na sila. Sinabi niya na di lang daang libo ang naubos nila sa pag papagamot nito kundi inabot ng million. Kaya wala na silang negosyo pa. at katunayan lubog pa sila sa utang kasi ang ibang puhunan niya utang lang ito sa banko. 

              Hindi na siya makaikot sa negosyo at ang katunayan baon pa sila sa utang ang masaklap pa nito panay dating pa ang mga bills na dapat bayaran. At kailangan pa ring continue ang pag inom niya ng gamut na ubod ng mahal. Pakiramdam pa rin ni Analyn na pasan pa rin niya ang daigdig. Habang tumatagal lalung bumibigat ang pasan niya sa kanyang balikat. Hindi niya malaman kung paano niya ito malulusutan . ilang buwan na lang mahahalata ng buong bayan na isa n siyang bangkarote. Kahit papaano ayaw ipahalata ni Analyn sa kanilang mga kamag anakan na walang wala na sila.  Gusto pa rin niyang ingatan ang kanyang image .

              Nag pasya si Analyn na mag migrate na lang sila sa USA. Total matagal na panahon na ang offer sa kanya na mag punta silang mag anak dito. Ayaw lang ni Analyn kasi maganda naman ang buhay nila sa Pilipinas. At malakas siyang kumita at siya pa ang amo. Alam niya pag lumipat siya sa America mamasukan siya at mangangamuhan. Kahit hindi pa tuluyang magaling ang asawa niya inayos ni Analyn ang papeles nilang mag anak at nag migrate sila sa America.  After 6mos natapos lahat ang kanilang papeles at nilisan nila ang pilipinas.

              Noong una ayaw pang umalis ng asawa ni Analyn. Paano na daw ang kanilang negosyo at ang pag aaral ng mga bata. Saka palang ipinag tapat ang lahat lahat ni Analyn sa kanyang asawa na ang buong katotohanan . wala na ang kanilang negosyo at baka sa sususnod na taon dina nila kayanin na pag aralin pa ang mga anak nila sa private school. Kailangan na nating umalis ng bansa at don na lang uli tayo mag umpisa malayo sa mga mata ng mapang husga. Walang manglalait sa atin kung sa ibang bansa tayo mag hihirap. Hindi ko kayang harapin ang mga taong manlalait sa akin na bigla tayong nag hirap. Doon nalaman ng asawa ni Analyn na mataas ang pag papahalaga nito sa kanyang stado ng buhay. Sadyang ambisyosa si Analyn. Marami siyang pangarap na gustong matupad.

Paano na ito matutupad ngayon walang wala na sila.

              Ang akala ni Analyn madali ang mag umpisa ng bagong buhay sa America. Pero ibayong hirap ang kanyang dinanas. Maraming gabi tumutulo ang kanyang mga luha sa hirap na kanyang pinag dadaanan. Tulad ng inaasahan di pa tuluyang magaling ang kanyang asawa. Kaya naman si Analyn ang kumayod ng husto para sa kanyang pamilya. Dito niya naranasan ang mag paalila sa ibang tao. Kung sa Pilipinas siya ang amo siya ang nag bibigay ng utos. Pag dating niya sa America ay puro kabalig taran. Laking pasasalamat na lang ang high school libre ang pag aaral ng kanilang mga anak hanggang makatapos ang high school. Walang tinatangihang trabaho si Analyn . madalas double job siya. Tulad pa rin sa Pilipinas sa bahay lang ang kanyang asawa. At siya ang nag kukumahog sa pag kita ng ikabubuhay nilang mag anak.sabi nga habang maigsi ang kumot mag tiis mamaluktot. Ito ang unang mga araw buwan at taon niya sa America.

              Dito ko muna tatapusin ang kuwento ang buhay ni Analyn . di pa kumpleto ang kanyang pag sasalaysay sa akin .THE END  copyright  by Rhea Hernandez 3/27/12

Sunday, March 25, 2012

LOVE STORY "RHEA" (MUNTING ALA ALA NG BUHAY SA BUKID)

LOVE STORY”RHEA”( munting ala ala ng buhay sa bukid)

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems   

              Kanina habang ako’y nag lalakad sa aking nakasanayang tuwing umaga. Ang  pag lalakad  naging habit ko na kasi ito. Habang akoy nag lalakad  napahinto ako sa tapat ng isang park. Maingay pero para isa siyang musica sa aking pandinig. Kasalukuyang nag cut ng damo sa paligid. Ang amoy ng simoy ng hangin ngayon ay kakaiba. Humalalo sa halimuyak ng mga damong bagong putol. Na siyang nag dudulot ng munting kaligayahan sa aking puso. Sa mga gumita kay sarap balikan. Ang buhay sa bukid sa Bulacan. Noong bata pa ako.

              Biglang bumalik sa aking gunita ang kahapon. Noong ako’y bata pa mga alala na nag sibalikan sa aking isipan.  Mga kahapon na kay sarap balikan. Habang ang halimuyak ng mga pinutol na damo na siyang nag sibling taga pag paalala ng kahapon. Kung ano ang buhay ko noong ako’y bata pa. noong nasa kabukiran pa ang aking mundo. Kay sayang balikan ang buhay sa kabukiran.  Mga alaala noong kasama ko pa si ama.  Ang mga alala  na kasama ang kalabaw ni ama. Aking pang natatandaan na gustong gusto ko na sasakay sa likod ni dumalaga. Kasama si ama na pinapastulan  ito sa damuhan. Hahayaan manginain ng mga sariwang damo sa kabukiran. Pag busog na ito saka palang kami uuwi na nakasakay parin sa likod ni dumalaga. Ewan ko ba noong bata pa ako enjoy na enjoy ako sa pag sakay sa likod ng kalabaw. Akala tuloy ng marami ako’y isang tomboy.

              Sa tuwing umaga naman pasan na ni ama ang kanyang punta para ipanakati ng damo ang kanyang alagang kalabaw. Nanakati si ama ng mga damo para sa mag hapong pag kain ni dumalaga. Pag katapos nito ang pag gatas sa naman ang haharapin niya. Dahil malusog si dumalaga  kay dami niyang gatas na ibinibigay sa amin. Nakakatuwa habang ginagatasan ito ako pa nga ang taga hawak ng sisiglan ng gatas. Kay sarap ng gatas ng kalabaw lalu na sariwang sariwa pa ito. Kaya lumaki akong malusog dahil sa tuwing umaga sagana ako sa sariwang gatas ni dumalaga. Kadalasan hindi nauubos ang gatas na ibinbigay nito kaya mayroon kaming kesong puti. Ito ang ginagawa ni ina tuwing maraming gatas na hindi naubos sa almusal. Kay sarap ipalaman sa hot pandesal ang kesong puti na galing sa sariwang gatas ni dumalaga.

              Kung panahon ng tag ulan aking naaalala ang madalas naming paliligo sa ulan. Kay sarap mag tampisaw sa ulanan. Naghahabulan kami sa ilalim ng malakas na ulan. Kay sarap maligo sa ulanan. Kahit madalas hinahabol kami ng pamalo ng aming ina. Hindi daw maganda ang mag pa ulan at baka mag kasakit kami. Dahil noong mga kabataan kami  matigas ang ulo namin . Madalas tumatakas  kami para lang makapaligo sa ilalim ng ulanan. Pag ganitong tag ulan ito ang panahon ng sakahan sa kabukiran. Pag tag ulan nasasabak si dumalaga sa mag hapon trabaho sa bukid. Kasama niya si ama sa pag aararo ng kabukiran. Dito nag kakaroon ng ilog ilogan sa gitna ng pinitak. Sa mumunting ilog ilogan naiipon ang mga tubig. Ang tubig sa pinitak kay sarap mag tampisaw. Na kay linaw ng tubig na puede kang manalamin. Pero pag kami nag laro dito nag kukulay kape ang tubig. Napapaglabo naming ang kulay ng tubig.

              Ang isa pang maganda tuwing tag ulan  ay ang pag lalaro naming ng pag huli ng mga butete ng palaka. Ang mga maliliit na kiti kiti na nakakatuwang pag laruan  at nag paparamihan kaming hinuhuli. Ang aming aalagaan sa isang maliit na balon na ginawa naming para doon ipunin ang mga nahuling kitikiti ng palaka. Nag papaligsahan kami kung kanino ang unang makakalabas at makakaahon sa kanilang balon. At kung minsan naman mamumulot kami ng mga suso na kung siya  aming pinag kakarera. Nag papaligsahan kami kung sino ang unang makakagapag ng malayo. Sa ganitong nag kakatuwaan kaming mag kakapatid at ng mga kaibigan. Ang masaklap lang kung mahuhuli kami ni ina. Makakagalitan nanaman kami sa pag babasa sa ulanan at sa pag lalaro sa  tubig sa pinitak.

              Pag ganitong tag ulan ang palukso ni ama kay daming nahuhuling isda. Aking pang natatandaan kay ganda ng palukso ni ama. Mayroon siyang maliit na kubo sa itaas ng palukso. Na kahit anong taas ng tubig di kaaabutin  nito sa maliit na kubo na puede kang mahiga habang nag iintay ka sa mahuhuling isda ng palukso. Kay sarap panoorin at pag masdan ang pag lundag ng mga isda na huli ng palukso ni ama. Kung minsan naman pag sinusuwerte ang araw mo sa pag babantay sa palukso hindi ka mag kandadala sa daming isdang huli. At kung minsan naman kaunti lang ang huli nito sakto lang para sa mag hapon pang ulam naming. Pag maraming huli ang palukso ni ama. Siguradong sagana nanaman kami sa ulam.amng gustong gusto ko noon aking pang naalala ang piniritong bulig na maliliit. Prituhin ng malutong na maluton  at saka ko isasawsaw sa sukang may bawan at kasabay sa bagong inin na kanin pag ganito na ang ulam hindi ko na maigilan ang lantakan ng husto ang pag kain. Pag ganito ang gana gana kong kumain. Hindi ako kayang pigilan ni inang kumain. Dahil bata ba galawgaw ako kaya di kong makuhang tumaba kahit kay sarap kumain.

              Kapag kabilugan naman ng buwan kaming mag kakapatid nag lalaro ng taguan o patintero sa ilalim ng liwanag ng buwan. At mag kaminsan naman ay nag upo sa ilalim ng malaking punong mangga at mag kukuwentuhan ng kung anu ano. Pero ang paborito naming pag kuwentuhan ay ang mga nakakatakot. Tulad ng mga multo o ng mga lamang lupa. Nakakatuwa lang pinag kukuwentuhan naming ang mga ito pero mga takot na takot naman sila dito. Lalu na sa multo. Lamang ako sa kanila kasi di ako naniniwala sa multo at sa mga lamang lupa. Bata pa lang ako di ako naniniwala dito. Ang alam ko kasi puro likha isip lang ng mga taong malalakas ang kanilang imahinasyon.  Pag ganito na ang usapan laging lamang ako sa kanila kasi silang lahat takot sa multo sa mga lamang lupa at anu ano pa.samantala ako hindi takot sa mga kakatakuang kuwento. Kay sarap lang balikan ang mga kalokohan  noong bata pa ako.

              Pag tag araw naman ito ang panahon ng anihan. Matatanaw mo ang kabukiran na akala mo kay daming gintong nakakalat dito. Nag kikislapan ang mga uhay ng palay pag tinatamaan ng sikat ng araw na kay sarap pag masdan  na para kang kinakawayan ng mga uhay ng palay. Ang galaw ng nito sumasayaw sa ihip ng hangin. Kung iyong masasamyo ang amoy ng bulaklak ng palay at ng uhay nito dito parang amoy ng hininga ng isang dalaga sabi nga ng mga matatanda amoy pinipig. Kung panahon na ng anihan. Kaming mag kakapatid namumulot ng mga laglag na uhay ng palay. Nag paparamihan kami ng mga pinupulot. At ito aming ibinebenta para maging pera at mayroon na kaming pambili ng ice candy o ng ice drop. Na may nag lalako. Pag narinig mo ang kanilang bell at sigaw ng ice candy kayo dyan o kaya icedrop kayo dyan. Nag uunahan na kaming bumili.

              Pag katapos ng anihan ng palay si ama ay nag tatanim ng pakwan sa bukirin. At siempre katukatulong kaming mag kakapatid sa pag tatanim. Sa pag aalaga ng pakwan may kanya kanya kaming puno na ginagawa naming pet. Nag papaligsahan kaming mag kakapatid kung alin ang pinakamalago at maraming ibubunga. At higit sa lahat nag papalakihan kami ng mga bunga. Masaya ang pagdating ng anihan. Ang bagong pitas na husto na sa gulang ito ay sobra ang tatamis nito. Sa bandang huli mayroon pang nahuhuling bunga na maliliit pa. at kung minsan ginagawa naming itong bola at nag babalibagan kami ng maliliit na pakwan. Pag nahuli kami ni ina o ni ama mag uunahan na kami sa pag takbo kasi baka kami abutin ng pamalo ni ina.

              Aking pang naalala noong elementary pa ako lumalaki na ang babuyan ni ina. Pinalaki kaming dapat tulong tulong sa pag aalaga ng kanyang babuyan. Hindi kami puedeng pumasok sa school hanggang hindi pa tapos ang pag lilinis ng babuyan. Kailangan malinis na lahat ang mga ito at nakakain na . kaya naman mag kaminsan nakaligo ka na amoy babuy ka pa rin . para madali ang pag aasikaso ng babuyan ni ina tulong tulong kami sa pag lilinis at pag papakain. Noong mga panahong iyon ala pang katulong ni ina . kaya kaming mag kakapatid ang siyang nag tutulong tulog sa munting kabuhayan ni ina. Kaya kasama kami sa pag papalago ng kanyang babuyan. Dito naming kinukuha ang malaking part eng pangastos sa aming pamilya.

              Kung panahon naman ng taniman ng palay. Pag si ama nasa bukid dadalhan ko siya ng mieryenda. Pag katapos mag lalaro ako sa pinitak . Mang huhuli ako ng tipaklong at mga butete.  Tapos mag lalakad sa makikitid na pilapil na kung mag kaminsan nahuhulog ako. O huwag ka minsan sadyang  mag papahulog para may dahilan sa aking ina kung bakit puro putik ang aking damit. Hindi niya alam kaya puro putik ay nang huli lang ng tipaklong at butete sa pinitak. Kay sarap balikan ang kahapon . Pag taniman na ng palay nakikitanim ako ng palay. Ako na nga ang nag eefort na tumulong sa pag tatanin nakakagalitan pa.  kasi daw nakakasira lang daw ako at hindi nakakatulong sa kanila. Ang  mag tanim ng palay huwag kong pangarapin at napakahirap na trabaho. Ang mga tanim  ko daw di lalaki at di mabubuhay . kasi ba naman baluktot daw ang puno kaya di mabubuhay. Sayang lang daw ang pagod ko at ang mga punla.

             Dito ko narinig ang sinabi ng aking ama. Na huwag ko daw pangaraping maging isang mag sasaka. Ang mag trabaho sa bukid ay hindi biro. Kaya daw iginagapang nila ang  aming pag aaral ay para hindi kami maparis sa kanya na maging isang mag sasaka. Ang isang mag bubukid ay hindi biro ang sabi niya. Kaya nag susumikap kami ng iyong ina na pag aralin kayo. Para di kayo maparis sa amin kung hindi mag patulo ng pawis hindi kikita ng kakarampot na pera. Huwag kayong pumaris sa amin ng iyong ina na walang tinapos kaya nag babaraso para kumita ng salapi. Mga paalala ng aking ama noon at tumimo sa aking murang isipan. At hinding hindi ko malilimutan. Hanggang ngayon ang mga paalala niya nakatimo sa aking puso’t isipan. Kaya naman nag sumikap kaming mag akkapatid na makatapos ng pag aaral.

              Ang buhay sa bukid masayang mahirap. Bumabalik sa aking alaala ang mga pinag daanan ko. Ang daming alagang manok si ina. Halos araw araw ako ay namumulot ng itlog sa pugaran. Nag tataka ako kay ina noon kung bakit niya alam niya kung aling manok ang may ari ng itlog. At alam din niya kung aling manok ang hindi nag bigay ng itlog ng araw na iyon. At alam din niya kung aling manok ang hindi humapon sa kulunga . Sa murang kong isipan kung ano ang ibig sabihin noon. Ang manok daw at parang tao. May kanya kanyang klaseng ng itlog, shape, and color  nag tataka man ako sa mga tinuran ng aking ina. Sa aking murang isipan noon. Sa aking pananaw parepareho ang shape ng itlog. Iisa ang tingin ko sa itlog. Kaya naman kumuha ng itlog sa basket si ina. At ipinakita sa akin ang pag kakaiba ng bawat itlog. Sinabi niya ang kaibahan ng bawat itlog at itinuro niya sa akin saka ko pa lang ito napansin  na di nga sila mag kakamukha. At sabi pa niya sa akin tulad ng tao pag anak ni Pedro di mo siya sasabihin na anak siya  ni Juan. Kasi ang anak ni Juan di kamukha ng anak ni Pedro. Ang mga tao may kanya kanyang katangian at pag kakaiba. Hindi ko siya nakuha noon kung ano ang kanyang ibig sabihin. Dahil bata pa ako noon nahirapan akong intindihin pero ngayon alam ko na kung ano yon….

              Si ama mahilig siyang mag tatanim ng mga gulay iba’t ibang klase. Kaya naman kay laki natitipid nila. Hindi kailangan ang pera para makakain ng masustansya at masarap. Aking pang natatandaan bihirang pumunta ng bayan si ina para mamili ng mga gamit sa bahay. Kahit mahirap lang kami pero sagana sa pag kain. Sa gulay , isda at manok.  Halos araw araw sa gulayan namimitas si ina n gaming pang ulam. At mag ka minsan may sunong pa kami ng bilao at itinitinda naming ang sobrang tanim na gulay ni  ama. Pag nag sasama na kami sa gulay ang mga alagang manok ni ina ang aming hinuhuli. Pero huwag ka ayaw ni ina na babaeng manok ang huhulihin naming para lutuin. Kasi daw mag bibigay daw ito ng itlog sa araw araw. Basket basket na itlog ana ibinebenta niya. Minsan di alam ni ina kumukuha kami ng itlog sa pugad at ipinamamalit naming ng candy sa tindahan. Kaya mag kaminsan napupuna ni ina sa hapon pag oras na pulutan ng itlog nasasabi niya na di nangitlog ang ilan niyang manok hindi niya alam ipinag palit naming ng candy sa tindahan.

              Pag panahon ng mangga kay dami naming kalokohan mag kakapatid. Lagi kaming nawawala nag tatago sa itaas ng puno na may baon kaming asin sa bulsa. Pag baba naming bundat na kami sa mangga. May bitbit pa sa pag uwi. Ang paborito naming akyating puno yong sa aming tiyuhin na naknakan ng damot. Kasi ba naman sa lahat ng puno ang mangga niya ang pinakamatamis ang bunga. Para ka lang kumakain ng sinigwelas. Kaya manginginain na kami mag bibitbit pa kami pauwi . Ang masaklap pag nahuli kami ng tiyuhin naming na saksakan ng damot at sungit tinutugis kami ng kayang pamalong tungkod. Habang nag uunahan kami sa pag takbo habang tumatakbo nag tatawanan kami  sa aming mga kalokohan.

              Ang paliligo sa sapa o patubig na madalas na kami mahuli ng aking ina. Lagi kaming nakakagalitan kasi natatakot siyang malunod kami sa lakas ng agos ng tubig. Dahil bata matitigas ang ulo. Palaging tumatakas para lang makapag tampisaw sa malinaw na tubig ng ilog. Ang gusto ko sa pag uwi naming ang dami kong uwing clam o tulya. May pag ulam na kami. At marami din kaming nakuhang suso at kuhol. Mag kaminsan kasi nakakasawa  na ang puro gulay. Kaya  mahilig kaming manhuli ng mga puedeng pang ulam sa kabukiran. Ang isa pang nakakalibang ang pamimingwit ng palakang bukid. Noong bata pa ako ang galing kong mamingwit ng palaka.

              Kay dami ko pang mga alaala kalokohan noong bata pa ako. Mga pinag gagawa namin noong kami ay mga bata pa. kay sarap balik balikan ang kahapon. Pag ito ang sumasagi sa aking isipan akong napapangiti. Marami pa akong kalokohan at mga alaala kaya lang baka masyado na kayong mabagot basahin ang aking mga kuwentong bata. Sabi ninyo siguro kakaiba ito sa mga naisulat ko na. makikita ninyo kung sino ako noong kabataan ko. Hindi naiiba sa karaniwang kabataan. Isang pilya bata na gustong subukan ang lahat.  Di ko muna puputulin ang kuwento ng buhay ko noong bata pa ako baka kasi hindi na ninyo basahin  sa sobrang haba na ala naman storya. THE END…copyright by Rhea Hernandez 3/25/12

Wednesday, March 21, 2012

LOVE STORY "BETTY"

LOVE STORY “ BETTY”
NI RHEA HERNANDEZ
Pinoy poems

              Ang aking kuwento ay tungkol sa isang kaibigan aking nakilala dito na sa America. Pero ang ikukuwento ko ang kanyang kahapon. Noong isa pa lang siyang dalaga. Ang kuwento niya kung paano sila nag mahalan ng kanyang mahal na asawa. Ay ang kanyang buhay noong bago pa sila mag kakilala nito. Sana magustuhan ninyo ang kanyang kasaysayan.

              Siya si Betty ipinanganak sa isang bayan ng Bulacan. Di masasabing mayamang mayaman ang kanyang pamilya. Pero nakakaluwag sila sa buhay. Ang kanyang mga kapatid ay may mga sariling negosyo sa Maynila.  Mayroon silang sariling tindahan ng bigas. Habang siya lumalaki at nag dadalaga lumalabas ang kanyang angking kagandahan. Maraming mga kabinataan sa kanya nahuhumaling. Marami sa kanilang lugar ang nag kakagusto sa kanya. Pero di pansin ni Betty ang mga ito.para sa kanya masyado pa siyang bata para isipin niya ang tungkol sa love.

              Noong makatapos  na siya sa kanyang pag aaral pinili niyang huwag ng mamasukan sa anumang company. Tumulong na lang siya sa kanyang mga kapatid sa mga negosyo nito. Sabi niya kesa mag silbi siya sa ibang tao di sa sarili na lang nilang negosyo ang kanyang palaguin. Kaya naman ipinag katiwala sa kanya ang isa nilang tindahan ng bigas. Kaya naman sinikap niyang palaguin ang kanilang tindahan. Ayaw niyang mapahiya siya sa kanyang mga kapatid . gusto niyang patunayan na hindi sila nag kamali na ipag katiwala ang pamamahala ng tindahan ng bigas. Nasa kamay na niya ang buong responsibilidad nito.

              At dito niya nakilala ang kanyang unang pag ibig. Sinuyo siya nito hanggang mapalambot ang kanyang puso at kanyang sinagot. Sobrang bait ni Bryan kaya naman madaling nahulog ang kanyang damdamin dito. Halos araw araw sinusundo siya at inihahatid sa kanyang tindahan. Hindi siya nakakalimot tumawag kung siya nakakain na . dahil  madalas busy siya  sa mga costumer kaya minsan nakakalimutan niyang kumain. Si Bryan ang nag sisilbing taga pag alala niya na oras na para kumain na siya ng kanyang tanghalian. Sobrang maalalahanin itong si Bryan.

              Mahilig din itong mag bigay ng bulaklak sa kanya. Kahit kung minsan nga piñatas lang niya sa tanim ng kanyang mga magulang ang rose na ibinibigay sa kanya.  Hindi naman mahalaga kay Betty  kung binili niya ang bulaklak o piñatas lang niya sa kanilang halaman. Ang mahalaga sa kanya ay ang pag ka sweet niya. Na lagi siyang naaalala nito kahit sa mumunting bagay. Ang akala  ni Betty na sila na ang mag kakatuluyan habang buhay. Basta ang alam niya mahal na mahal siya nito at ganoon din siya. Kay daling natutunan mahalin ni Betty si Bryan  dahil sa kanyang mga katangian.

              Pati ang mga magulang ni Bryan ay mahal na mahal nila si Betty.Ewan niya bakit ang mga magulang ni Bryan ay gustong gusto siya maging manugang  para sa kanilang anak. Sa totoo lang sa kanilang lugar isa sa pinakamayaman ang pamilya ni Bryan. At ramdam na ramdam ni Betty na mahal na mahal siya nito. Laging ipinaparamdan sa kanya ang kanyang kahalagahan. Pag kasama niya si Bryan para bang lagi siyang nag lalakad sa ulap ng kaligayahan. Wala silang dull moment ni Bryan. Lalu na pag namamasyal sila hawak ni Bryan ang kanyang mga kamay. Ang pakiramdam nila  parang wala ng katapusan at ayaw na nilang matapos ang mga sandaling na mag kasama sila. Kung maari nga lang  na huwag na silang mag kahiwalay ng habang buhay. Ganoon nila kamahal ang isa’t isa. Ito ang kanilang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

              Dumating ang sandali na gusto na ni Bryan na mag pakasal na sila. Hndi na niya kayang mag intay pa ng mahabang panahon para lang makapiling na niya si Betty. Gusto na niya itong makasalo sa bawat sandali ng kanyang buhay. Gusto niya na sa pag gising niya sa umaga ito na ang kanyang mabungaran. At sa pag tulog niya kayakap niya mag damag. Sa bawat meal ay mag kasalo. Magsama sa hirap at ginhawa. Sa bawat sandali makasalo niya sa kaligayahan ang babaeng kanyang pinakamamahal.

              Dahil walang namang problema sa kanilang mga magulang. At si Betty ay gustong gusto siya ng kanyang magiging  biyanan. Kaya naman nag pasabi na ito na gusto na nilang mamanhikan. Pero si Betty sa mga sandaling iyon hindi pa siya handa para mag asawa. Ayaw pang mag asawa at masyado pa siyang bata para lumagay sa magulong buhay. Ang mga dahilan ni Betty ay hindi maintindihan ng kanyang kasintahan si Bryan. Dahil sa hindi pag payag ni Betty na mamanhikan na sila Bryan. Dito nag umpisa ang mga kalbayo nila sa pag mamahalan. Hindi ito maintindihan ni Bryan kung bakit ayaw mang pakasal si Betty sa kanya.

              Dahil sa pangyayari nag katampuhan sila at hindi nag kaunawan. Ilang araw  hindi sila nag kikibuan. Kahit silip hindi siya sinisilip ng lalaking kanyang minamahal. Nag aalala na nga si Betty kung bakit siya natitiis ni Bryan. Walang magawa si Betty kundi  intindihin ang lalaking kanyang mahal. Subalit sa kaiintay ni Betty kay Bryan. Siya ay  naiinip. Inisip ni Betty na sobra naman ang pag tatampo sa kanya nito.  Naitatanong niya sa kanyang sarili napakalaki ba ang kanyang nagawa at natitikis siya ni Bryan ng di silipin man lang. Ang buong akala ni Betty na mahal na mahal siya nito. Dahil sa laki ng pag mamahal ang inakala niya maiintindihan siya nito kung mag intay pa sila ng ilang taon pa bago mag pakasal.

              Dumating ang araw na pinakakaiintay ng marami ang masayang kapistahan sa kanilang lugar. Para malibang man lang siya sa pag tatampo ng kanyang boyfriend nag pasya si Betty na umuwi muna para makisaya sa mga kababayan. Pang samantala para makalimutan ang sakit na kanyang nararamdaman sa pag wawalang bahala ng kanyang boyfriend. Ilang linggo na nga ba siya tinitikis nito na hindi kausapin? Tinatapos naba ni Bryan ang kanilang ugnayan? Ito naba ang katapusan ng kanilang pag mamahalan? Ito lang ba ang sisira sa kanilang  pag susuyuan ng mga nag daan mga buwan? Dito ba matatapos ang kanilang pag mamahalan?

              Umuwi nga si Betty sa kanilang bayan para maki fiesta sa kanyang mga kamag anakan at kaibigan. Magiging masaya ang darating na kapistahan. Balita nga mayroon daw na darating na mga artista sa araw ng kapistahan. Maraming mga kadalagahan at kabinataang ang nag sipag uwian . marami ang gustong matunghayan ang pinag mamalaki ng bayan nila. Ang kakaiba nilang fiesta taong taon.  Maraming mga turistang ang dumadayo para makiisa sa kanilang kapistahan. At isa na nga dito si Betty.

              Disperas ng kapistahan kaya naman punong abala ang lahat sa bahay nila Betty. Kaya naman naisipan ni Betty na tulungan mag luto sa likod bahay ang kanilang kusinera. Habang nag luluto ng kanilang ihahanda sa kafistahan . hindi alam ni Betty na may dalawang mata na di maalis alis ang pag kakatitig sa kanyang kagandahan. Parang nabatubalani sa kanyang kariktan. Ang binatang si Pete na unang sulyap pa lang niya sa binibini kanyang nakita ayaw na niyang alisin ang kanyang mga mata dito. Si Pete nakatira sa kabilang bayan. Isa siyang dayuhan sa kanilang lugar. Tulad ng iba makikipiesta din ito at makikigulo sa mga nahahangad na masilayan ang masayang kapistahan. Nag tataka si Pete kung bakit ngayon lang niya nakita ang napakagandang dilag na bumihag sa kanya. Sa kauna unang pag kakataon umusal ng isang mahinang dalangin na kanyang nasambit ng mga oras na yon. Na kahit anong mang yari ang magandang binibini ay magiging kanya.

              Sobra ang naging pag hanga at kakaibang damdamin ang naramdaman ni Pete kay Betty. Unang tama palang ng kanyang paningin umibig na siya dito. Sa unang tingin naramdaman na niya ang napakalakas ng pag tibok ng kanyang puso. Di niya akalain na mag mamahal siya sa unang pag kakataon. Lalung laluna noong mapadako ang kanyang mga paningin sa mapuputing hita ni Betty. Daig pa ang labanos sa kaputiana. Ang mga legs na kay kinis at kay puti. Hindi tumigil sa pag gawa ng paraan kung paano niya makikilala ang magandang babae na umakit sa kanyang damdamin.

              Kaya naman noong mag karoon ng pag kakataon lumapit siya at nakipag kilala. Hindi niya hinayaang lumipas ang araw na yon na di niya nakukuha ang pangalan ng babaeng nag patibok ng puso niya na parang nag reregodong kabayo. Hindi akalain ni Pete na magigising ang kanyang mala batong puso. Kay daming mga kadalagahan ang nag nais na mabihag ang pihikan nitong puso. Iyon  pala sa makinis na legs ni Betty siya mahuhulog. Mahabang panahon din siyang nag hahanap kung sino ang makakagising sa kanyang natutulog na damdamin. Isang magandang dalaga lang pala ang makakabihag sa kanya.

              Ang hindi alam ni Pete ang kanyang napupusuang dalaga ay isa ding pilya. Alam niya na mahabang oras na siyang ginigirian lapitan ng lalaking si Pete. Lingid din sa kanyang kaalaman ipinagtanong na rin siya ni Betty kung sinong binata ang panay titig sa kanyang magaganda mga hita. Sino ba naman ang hindi makakagusto sa dalagang ito . na ang suot ay napaka igsing short. Dahil lagi sa manila kaya may pagka modernong gumayak si Betty. Kakaiba siya sa mga dalaga sa barrio. Si Betty larawan ng isang modernang kadalagahan pero may kilos na makaluma.

              Dahil alam ni Betty na sa kanyang mga hitang mapuputi ito nakatitig lagi kaya naman lalu niyang inakit ng husto si Pete. Kunwari mayroon siyang aabutin sa ibaba kaya tutuwad siya ng kaunti lalong lilitaw ang mga maputi niyang hita sa suot niyang short. At kung minsan naman itataas niya ang kanyang isang paa sa isang upuan na para siyang na ngangawit sa pag tayo. Sa mumunti niyang pag kilos  di alam ni Pete inaakit na siya ni Betty. Hindi niya akalain gumagana napala ang kanyang pag kapilya sa lalaki. Sabi nga ng mga matatanda hayaan mong tumulo ang laway sa kakatingin niya. Kaya naman lalu niyang tinutukso sa kanyang mumunting pag kilos

              Sa mga  kilos ni Pete alam agad ni Betty na masama ang tama nito sa kanya. Dahil matagal na silang walang communication ni Bryan. Ang inisip niya na tapos na ang lahat sa kanila. Ang pag kakaintindi ni Betty ngayon dina nag papakita o nag paparamdam sa kanya  ay tapos na ang kanilang ugnayan. Mahigit ng isang buwan na di siya nag paparamdam kahit na ni ha o ni ho  sa kanya. Sabi nga ni Betty hindi siya isang manghuhula sa isang  relasyon na puro pakiramdaman na lang.

              Kaya naman noong mag karoon ng pag kakataon si Pete na makasingit na makalapit  sa babaeng  mapuputing hita. Walang iba kundi  si Betty hindi na niya nilubayan  ito. Ang bulong ni Pete sa kanyang sarili. Pag kakataon na niyang  makilala ang may ari ng mapuputing hita na pumukaw sa kanyang pag kalalaki . Kaya naman hindi niya itong papalampasin. Nag karoon na ng pag kakataon si Pete na makilala ang kanyang pinapangarap na babae.

              Lumipas ang mga araw naging malapit sila sa isa’t isa. Hindi na nag aksaya ng panahon si Pete. Niligawan niya agad si Betty natatakot siyang mawala pa  ito sa kanya at maunahan siya ng mga kabinataan sa lugar nila. Dahil kay Bryan hindi niya pinapansin si Pete. Pero masigasig sa panliligaw si Pete. Nag kataon nalaman ni Pete na sa mga panahong iyon  kakalabuan sina Betty at Bryan. Ito ang sinamantala ni Pete na araw arawin ang pag liligaw kay Betty. Isang masugid na manliligaw ni Betty si Pete. Halos araw araw nag dadala ng chocolate at bulaklak. At kung anu anu pa.Hindi tumigil si Pete sa panunuyo sa magandang dalaga. Ang matigas na puso ni Betty ay di nag laon napalambot din ng mga matatamis na dila ni Pete. Napasagot din ni Pete si Betty nabaling sa kanya ang pag mamahal nito. Unti unti na niyang nakalimutan ang dating kanyang minahal. Na sa mahabang panahon binale wala siya at dina pinag aksayahang nakipag break sa kanya..

              Ang number one na tumututol sa kanilang relasyon ang mga magulang ni Betty. Ayaw nila kay Pete kasi anak mahirap lang ito at simple lang ang buhay. Mas gusto nila ang dating kasintahan ni Betty. Kaya naman gumawa ng paraan ang mga kapatid at magulang ni Betty para bumalik ang dati niyang kasintahan sa kanya. Paano pa ito makakabalik kung napalitan na ni Pete ang dating sa kanyan nakalaan. Mas mahal na niya si Pete kaysa Byan. Ewan ba niya kung nawala na parang bula ang nadarama niya para kay Bryan. Si Betty din ay nag tataka kung bakit mawala ang dati niyang pag mamahal sa lalaking ito. Ang lahat ng kanyang pag mamahal nabaling lahat kay Pete.

              Dahil sa paraan ng kanyang mga magulang at mga kapatid na kontak nila si Bryan. At muling bumabalik  ito sa kanya. At gustong ituloy nilang muli ang naudlot nilang pag mamahalan. At ang sabi nito di siya mabubuhay kung wala si Betty sa kanya. Isang malutong na halakhak lang ang itinugon ni Betty. Hindi ka mabubuhay na wala ako? Ilang buwan nga ako’y iyong natiis na hindi makita iyan ba ang sasabihin mong  hindi ka mabubuhay na wala ako sa buhay mo. Ang lakas loob na pag sagot ni Betty. Tapos sasabihin mo na ako ang iyong buhay at kaligayahan. Samantala na tiis mo nga akong hindi  nakikita ng mahabang panahon at hindi mo man lang ako pinigyan ng tamang panahon para mag paliwanag kung bakit ayaw ko pang pakasal ng mga panahon yaon.

              Ang sabi ni Bryan alang kuwenta ang buhay ko kung di ikaw ang makakasama ko. Sinabi din ni Bryan walang kuwenta ang buhay niya kung hindi din lang si Betty ang kanyang mapapangasawa.  Subalit sa mga panahong ito iba na ang itinitibok ng kanyang puso. Si Pete na ang isinisigaw nito. At sa pag lipas ng mga araw at buwan nakalimutan na niya si Bryan. Pero ang magagawa ni Betty ayaw ng kanyang mga kamag anak si Pete. Dumating sa sandaling ng pag kalito ng kanyang isipan. Akala niya ang mag mahal at mahalin ka isang paraiso. Pero ano itong kanyang nararamdaman ngayon. Ang kanyang puso at isipan punong puno ng pag kalito. Akala niya pag siya nag mahal puro kaligayahan ang kanyang mararanasan.

              Bakit masyadong masalimuot ang buhay pag ibig. Bakit dapat masaya ka at maligaya dahil umiibig ka at iniibig  ka naman ng taong iyong minamahal. Pero bakit ganito? Hindi masumpungan ni Betty ang tunay na kaligayahan kanyang pinapangarap. Bakit kailangan ito kanyang maramdaman ngayon? Bakit hindi siya maintindihan ng kanyang mga mahal sa buhay. Hanggang kailan kaya mag titiis ng kalungkutan  si Betty. Wala naman siya hinangad kundi isang simple at tahimik na buhay sa piling ng lalaking kanyang minamahal.

              Pag umaakyat ng ligaw si Pete sa bahay nila Betty ipinag kakaila na nandoon ito. Kesyo lumuwas na ng maynila o kaya nasa kapatid niya si Betty. Pero lingid sa kaalaman ng mga kamag anak ni Betty alam ni Pete na nandoon sa loob ng bahay si Betty. Bakit alam ni Pete na nasa loob ng bahay si Betty  kasi ba naman sabay silang umuwi siya ang nag hatid kay Betty sa kanilang bahay di lang nag pakita sa kanilang mga magulang sa kanto lang sila nag hiwalay. Kaya naman ang sama sama ng loob ni Betty sa kanyang ina. Pero ano ang kanyang magagawa kung talagang ayaw ng kanyang mga magulang kay Pete. Wala daw magandang kinabukasang maibibigay sa kanya ito. Gaano lang daw ang kinikita nito bilang isang empleyado sa isang banko.

              Di daw tulad ni Bryan na may magandang siyang kinabukasan at may kaya ang mga magulang nito. Noong malaman ni Pete ang binabalak ng mga magulang ni Betty na ipapakasal kay Bryan para mag karoon ng magandang kinabukasan siya. Bago muling mamanhikan sila Bryan inunahan na ni Pete ito. Inaya niyang mag tanan si Betty. Pero ayaw ni Betty  sumama sa pag tatanan kasi gusto niya  kung ikakasal siya sa simbahan. At gusto niya na ihahatid siya ng kanyang mga magulang sa altar kung saan nakatayo ang kanyang mapapangasawa. Pero pilit silang pinag hihiwalay ng kanyang mga magulang at kapatid. At madalas ipinag kakaila siya ng mga ito. Kaya nag pasya si Pete na itanan na talaga niya si Betty.

              Dahil talagang mahal na ni Betty si Pete sumama na siyang mag tanan dito. Kahit alam niyang isusumpa siya ng kanyang mga magulang wala siyang magawa. Mahal na mahal na niya si Pete at di niya kakayanin kung ito ay mawawala pa sa kanyan. At alam na alam naman niya na mahal na mahal siya ni Pete. Noon kahit  hindi mayaman si Pete ramdam na ramdam ni Betty na mahal na mahal siya nito. Halos ilagay na siya sa pedestral ni Pete. Masyadong mapag mahal at maalaga si Pete. Kahit salat sila sa mga material na bagay pero busog naman siya sa pag mamahal nito. Sobra sobrang pag mamahal ang ibinibigay ni Pete sa kanya. Siya ang klase ng lalaki na mapag mahal at maasikaso sa asawa. Halos ituring siya reyna ni Pete sa loob ng kanilang tahanan. Kahit hindi sila mayaman pero busog naman siya sa pag mamahal at pag aaruga.

              Masipag naman sa buhay si Pete. Mayroon siyang pirmihang trabaho kaya naman ok naman ang kanilang buhay. Kahit ang pangarap niyang makasal sa simbahan na inihahatid ng kanyang mga magulang di nag karoon ng kaganapan ok na sa kanya. Kasi kahit kailan di siya nakaramdam ng kahit kaunting pag sisi kung bakit si Pete ang kanyang pinili. Sapagkat sa pakiramdam niya habang buhay ang pag mamahal na iniuukol ni Pete sa kanya. Alagang alaga siya at halos ayaw siyang padapuan sa langaw. Marunong a buhay si Pete kaya unti unti umaasenso ang kanilang pamumuhay. Masipag at matiyaga si pete. Kaya naman unti unti umasenso ang buhay nila.

              Sa pag sunod ni Betty sa  kung ano ang itinitibok ng kanyang puso wala siyang pinag sisihan . kasi ba naman hanggang ngayon dalawa na ang kanilang anak at mga dalaga at binata na ito, hindi pa rin nag babago si Pete sa kanyang pag mamahal kay Betty. Kung ano si Pete noon  hanggang ngayon ganoon parin ito. Mapag mahal maalaga maalalahanin at hindi siya nag papabaya sa pag kalinga sa kanyang mahal na asawa. Laking papasalamat ni Betty na ang kanyang sinunod ang kanyang puso at hindi ng kanyang mga magulan. Ang lahat na pinangarap ng kanyang magulang na mag karoon siya ng maalwang pamumuhay naibigay itong lahat ni Pete. Sa pag titiyaga at sipag. Sa determinasyong mabigyan ng magandang buhay ang mahal niyang asawa at mga anak.

              Ang buhay mag asawa basta mayroong pag ibig at pag mamahalan na namamagita sa dalawang  puso walang hindi kakayanin. Lahat ay kayang pag tagumpayan kung dalawa kayong mag katuwang sa pag harap sa mga pag subok ng buhay. Hindi ikinakaila ni Betty na ni minsan di sila nga tatalo sa isang bagay. Sa totoo nga madaals silang mag talo pero madali rin nila napag kaaksunduan . sa pamamagitan ng pag uusap. Ni minsan hindi sinalubong ni Pete ang galit ni Betty. At sinisigurado din ni Pete na kahit siya o si Betty ang may kasalanan sa kanilang pag tatalo sinisigurado niyang siya ang unang manunuyo kay Betty. Lagi niya ipinaparamdan dito na napakahalaga niya.

              Ni minsan sa kanilang pag sasama di pa sila natulog na mag kaaway o mag kagalit. Sinisigurado ni Pete na ayos na ang lahat bago sila mahiga at matulog sa araw na di sila nag kasundo. Kaya naman ang kanilang pag sasama bilang mag asawa naging masagana at matiwasay. Wala nang mahihiling pa si Betty sa kanyang buhay pag aasawa. Kuntento na siya sa kanyang buhay.

              Maraming salamat sa inyong matiyagang pag babasa ng kuwento ng buhay pag ibig ni Betty.THE END… copyright by Rhea Hernandez 3/21/12