Wednesday, February 29, 2012

LOVE STORY "SHINE" last chapter 7

LOVE STORY “SHINE”  last chapter 7
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Hindi niya akalain na itinuring niyang kaibigan ay siyang mag bibigay sa kanya ng kasawian. Di alam ni Shine mayroong masamang binabalak sa kanya ang kanyang itinuring na kaibigan. Isinasama siya kung saan saan hangang ipakilala siya sa isang Pakistan guy. Ang sabi kapatid daw  ito ng kanyang boyfriend. Pero iba pala ang kanyang sinabi sa kanyang ka date. Humingi siya dito ng 500 dirham para sa kabayaran sa pag hahanap ng kanyang GF. Tinalikuran niya ang Pakistan at umuwi  sa bahay ng kanyang amo. Pero hanggang doon sinusundan siya nito. At gustong bawiin ang 500 na binigay niya sa kanyang itinuring na kaibigan.
              Hindi pa siya nag tatagal sa trabaho baka malaman ng kanyang amo ang pangyayari baka pauwiin siya ng wala sa panahon. Sa takot niya sa amo niya at baka pati ang pinay na nag bugaw sa kanya ay mapahamak at siya pa ang sisihin kung mapauwi o makulong ito. Kaya nakuha niyang makipag deal sa pakitan guy na manahimik na lang siya ok lang na maging sila.
              Naging kasintahan niya ang Pakistan guy pero sa isang kondisyon walang sex na mamagitan sa kanila. Salamat at pumayag ang Pakistan guy sa deal na binigay niya. Pero hindi nag tagal nalaman ng kanyang amo ang pangyayari. Kaya hindi siya pinalabas ng bahay sa loob ng dalawang buwan. Sa loob lang ng bakuran at bahay lang puede siya lumabas. Ang susi ng bahay at kanyang cellphone kinuha ng kanyang amo.
              Lingid sa kanyang kaalaman pinuntahan ng kanyang amo ang pinay na sinasabi niyang nag bugaw sa kanya. Pero tulad ng kanyang inaasahan ikinaila niya na kakilala siya nito. Hindi niya akalain na sa pag mamalasakit niya dito nakuha pa siyang di kilalanin nito. Masamang masama ang loob niya sa kanyang kaibigan. Kaya napilitan na siyang sabihin ang lahat sa kanyang amo. Ang lalaki niyang amo ay hindi naniniwala sa kanyan na nagsasabi siya ng totoo. kasi ikinaila siya ng pinay na kaibigan niya.
              Laking pasasalamat niya na naniwala ang babae niyang amo sa kanya. Kaya di siya pinauwi sa pilipinas. Kasi  mabait ito sa kanya at nagugustuhan niya ang pag aalaga ni Shine sa kanilang anak. Dahil sa pag yayari halos para siyang mababaliw sa kaiisip. Na baka makulong siya o pauwiin ng kanyang amo. Noong malaman niya na dina siya paauwin. Yon dalawang buwang alang day off ang naging parusa niya. Ni hindi siya puedeng lumabas ng bakuran ng bahay ng amo niya.
              Malaki na rin ang papasalamat niya buhat noon dina niya nakita si Pakistan guy.  Nakawala siya sa relasyon di niya gusto. Di na rin nag pumilit na makita siya natakot sa kanyang amo na ipakulong siya. Ang isa pa niyang ipinag pasalamat mabait naman yong guy na pakistan. Noong nakilala na niya ng lubusan mabait naman ito. Inirespeto siya bilang isang babae. Hindi siya tulad ng iba na may pagka maniac sa mga babae.
              Ang pinay na nag bugaw sa kanya ang huli niyang balita ito nasa kulungan  sa ngayon. Nahuli ng kanyang amo na may kasamang lalaki sa kanyang room. At nalaman pa noong ipa pregnancy test siya kasalukuyang buntis at nalaman din na twice na siyang nag pa abbort. Minsan ang karma kay daling dumating sa buhay ng isang tao. Tulad nagyari kay Josie. Sa kounting halaga nakuha niya ibugaw ang sarili niyang kaibigan. Dahil din sa pagkahayok niya sa laman. Di niya mapigilan ang kanyang sarili. Kaya ayon ngayon nag durusa siya sa bilanguan.
              Ang masaklap pa dito mayroon siyang asawa at mga anak sa Pilipinas. Hindi malaman ni Shine bakit niya nagagawa ang mga ito sa kanyang asawa. Naaawa man siya kay Josie di niya mapigilan masambit na ito na ang karma niya sa ginawa sa kanya. Hindi alam ni Shine kung gaano siya katagal makukulong sa ginawa niyang kasalanan. Dalangin na lang niya na sana makalaya  siya kaagad. Kawawa naman siya at ang kanyang mga kamag anakan  sa Pilipinas.
              Matatapos na ang kontrata ni Shine sa darating na April. Hindi pa niya alam kung pipirma uli siya ng kontrata o uuwi muna sa Pinas. Kahit papaano ok na ang buhay nila. Mayroon ng pinagkakakitaan ang kanyang mga magulang. At ang kuya niya stable na rin ang buhay sa pamamagitan ng sarili niyang palaisadaan. At sa wakas sa darating na graduation mag tatapos na yong dalawa niyang kapatid. Kaya tatlo na lang sa mga kapatid niya ang papag aralin .
              Sa ngayon masasabi ni Shine kay bait ng panginoon. Kahit nagdaan sila sa napakalaking pag subok. Ito kanilang napag tagumpayan at nalusutan. Minsan nag kausap sila ng kanyang ama. Sa kauna unahang pag kakataon inamin ng  kanyang ama na, saludo siya sa kanyang lakas ng loob. At naging tapang niya sa pag pupursigi niyang makapag aral noon. Dahil sa kanya kaya nagising ito sa  kanyang mag kamalian. Nakita ng kanyang ama kung paano niya ipinaglaban at karapatan niyang makapag aral. Sa kanilang walong mag kakapatid walang nakakagaya  ng katulad sa kanyang determinasyon  noon.
              Ang kanyang ate sumuko sa hirap na kanilang dinadanas kaya di tinapos kahit ang kanyang highschool. Samantala siya kahit mag bitbit ng alimango sa school ginawa niya. Kumukuha siya ng order sa mga nurse at doctor ng hospital. Kahit oras ng klase may dala dala siyang paninda. Sa kanyang mga kapatid alang nakagawa ng ganoon. At noong mga panahon naliligaw pa rin ng landas ang kanyang ama.
              Ngayon napag uusapan na nila ng kanyang ama ang mga ginawa nito  kahit man lang sa telephone. Minsan nga sabi ng kanyang ama nahihiya siya sa kanya. Dahil siya ang dahilan kaya siya nakuhang mag bago. Napapahiya siya pag kanyang naalala. Pero noon wala siyang magawa para matulungan siya sa kanyang pag hihirap . Bagkus siya pa ang nag bibigay at nag dadagdag sa mga problema. Laging sagot ni Shine kalimutan na ang kahapon  ang mahalaga  ang ngayon.
              Basta ipangako ninyo na dina ninyo sasaktang muli si nanay. At dina kayo babalik sa masama ninyong bisyo ang pag inom at pag susugal. Ito ang malaking factor sa pag papahirap ng buhay natin noon. Halos maiyak ang kanyang ama sa pangako na hinding hindi na mauulit pa ang mga pag yayari noong araw.  Tapos na ito at ibaon na natin sa limot ang sambit ng kanyang ama. At ito ang pangako ng isang ama sa isang anak. Na alang inisip kundi ang kapakanan ng kanyang mga kapatid at magulang.
              Tuwing maalala ni Shine ang kanyang mga pinag daanan noon at ang buhay niya ngayon. Naibubulong niya sa kanyang sarili na ganoon ba siya katatag noon at ang mga ito nakayanan niya. At kung minsan kung kanya binabalikan napapaiyak  siya at kusang tumutulo ang kanyang mga luha. Kahit na nga nasa ibang bansa siya inuulan pa rin siya ng pag subok. Nag papasalamat na lang siya at ito kanyang nakakayanan. Siguro ipinanganak siya para pag daanan ang lahat ng ito.
              Ngayon mayroon siyang bagong pag ibig.  Sana siya na ang makatuluyan niya sa pag dating ng panahon na handa na siyang lumagay sa tahimik. Sa ngayon kasi ala pa siyang balak mag asawa. Gusto pa niyang makaipon para sa kanyang kinabukasan. Sa tatlong taon niyang pag titiis sa malayo sa kanyang mga mahal sa buhay ay wala siyang naipon. Lahat ng kanyang kinikita ipinapadala niyang lahat sa kanyang pamilya. Pati na nga pag day off niya kung may trabahong siyang makikita sinusungaban niya para sa extra income.
              Gusto ni Shine na ok na ang lahat ng kanyang mga kapatid bago siya mag asawa. Sa susunod na buwan uuwi na siya ng Pilipinas para sa kanyang exit . Mag stay lang siya ng ilang linggo at lilipad uli siya papuntang Abudabi. Lilipat siya ng mas maganda at mas mataas ang sueldo. Sana dasal niya mababait ang kanyang maging mga amo sa bagong niyang papasukan. Pang samantala dito ko muna tatapusin ang makulay na buhay ni Shine. Sanay kinapulutan ninyo ng magandang aral ang kanyang kuwento ng buhay.
              Sa wakas pumayag na ang kanyang amo na umalis siya at bibigyan na siya ng exit visa. Makaka wala na siya sa madalas na paninigaw  ng kanyang amo sa kanya. Nahihirapan na kasi siyang tumangap ng sermon everyday. Sa umaga at hapon niya naririnig ang pag sigaw ng kanyang among lalaki. Dito ko na lang muna tatapusin ang pag kukuwento ng buhay ni Shine. Kung anu man  mang yayari pa sa kanyang buhay sanay masubaybayan pa rin natin.  Sana sa pag dating ng araw maisulat ko pa rin ang natitira pa niyang kasaysayan . at magiging kasaysayan pa.
              Sana ang mga pag sisikap si Shine sa buhay at ang kanyang mga pinag daanan sana maging isang magandang halimbawa sa iba nating kababayan. Na ang kahirapan di hadlang sa pag tupad ng mga pangarap. Tulad ng kanyang ama , kung gugustuhin mag bago at gumanda ang buhay nasa iyong pag susumikap. Habang may buhay may pag asa. Kahit lugmuk na lugmok kana. Kung gugustuhin mo pang bumangon, may pag asa ka pang mag bago. Kailangan mo lang lakas ng loob at determinasyon mag bago. Alang alang sa iyong mga mahal sa buhay. Ito’y napatunayan ng kanyang ama. Di pa huli ang lahat basta handa kang mag bago. At laging mag papasalamat sa mga biyayang natatangap. Ang Diyos di natutulog nakikita niya lahat ang pag susumikap at pag nanais nating gumanda ang kinabukasan.
              Maraming maraming salamat sa mga sumubaybay sa maganda at makulay ng kuwento ng buhay ni Shine.(di tunay na panaglan) sana’y nag enjoy kayo sa kuwento ng buhay niya….THE END…. Copyright  by Rhea Hernandez 2/29/1                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                       
                

TANGING IKAW!!

TANGING IKAW!!
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Mga kaisipan inimulat sa kawalan
Nag bigay ng pag asa kanino man
Mumunting karunungan nasumpungan
Sumibol ang munting pangarap sa isipan

Sa oras ng kagipitan lagi nandiyan
Handang dumamay kahit kanino man
Sambitin lang  ang iyong pangalan
Hindi mo kayang silang hindian

Sino ba ang nakakaalam ng kasagutan
Siya lang  Poongmaykapal sa kaitaasan
Ang makakapagsabi paano,saan at kailan
Wala sa atin makakasagot sa katanungan

Kay daming tanong di alam ang kasagutan
Sa mga oras ng kagipitan laging nandiyan
Kahit kay daming kakulangan pupunuan
Basta sa lahat ng oras di kanya iiwanan

Hanggang saan nga ba ang kasukdulan
Itong ating kaalaman at karunungan
Katawang hanggang saan ang kapaguran
Sino ang nakakaalam ng hangganan

Mga binhi ng butil kailan uusbungan
Kailan ka kikilalanin ng sanglibutan
Kailang pa ba ipakita ang kakayahan
Sa puso’t isipan nakatatak ang pangalan

Isa kang tunay na maaasahan kaibigan
Magagandang halimbawa sankatauhan
Mga itinuro mo’y  kaalaman  natutunan
Dito sa puso’t isipan tatatak sa katauhan
2/29/12 by Rhea Hernandez

Tuesday, February 28, 2012

LOVE STORY "SHINE" chapter 6

LOVE STORY “SHINE” chapter 6
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Noon nangako na sa kanyang sarili si Shine na dina muli siyang iibig pero anu ang kanyang magagawa. Muli mayroon isang lalaki kumatok sa kanyang puso noong nasa huling semester na siya sa kanyang kurso. Ito kapatid ng boyfriend ng kanyang bestfriend na si Pamela. Minsan kasi isinama ni Pamela si Shine sa date niya. Nag kataon naman kasama nito ang bunsong kapatid  ng boyfriend niya na si Efren. Unang pag kikita palang nila nag pakita na nangpagkagusto ito kay Shine.
              Kahit anong iwas ang gawin niya naging makulit ito sa panliligaw. Napatunayan niya na mabait naman ito at ipinapakita niya na mahal na mahal niya si Shine. Isang government staff si Efren sa kanilang barangay. Ipinakilala siya sa mga kapatid nito at sa mga magulang. Nasabi tuloy ni Shine na ito naba ang tamang lalaki sa kanya? Sana si Efren na ang maging huli at makatuluyan niya. Kahit nag karoon ng boyfriend si Shine di pa rin niya pinapabayaan ang kanyang pag aaral at pag hahanap buhay.
              Pag sasahod na si Efren lagi niyang sinasama si Shine. Ang lahat ng kanyang sueldo binibigay na niya kay Shine. Para daw dina siya gaanong mag hirap sa pag hahanap ng extra money. Alam ni Efren kasi na higit siyang nangangailanga kesa sa kanya. Total mas nakakaluwag naman sila kesa sa kanya. Kaya feel ni Shine na para na siyang asawa nito na nag iintrega ng sueldo. Noong umpisa ayaw niyang tangapin ang mga tulong na ibinibigay nito.
              Pero dahil nga sa laki ng kanyang pangangailangan napipilitan si Shine na tangapin na niya ang mga inaalok na tulong ni Efren. Para sa kanya kasi  napakalaking tulong ang ibinibigay nito. Dahil malapit na ang kanyang graduation ang daming kailangan at pag kakagastusan. Laki ang kanyang pasasalamat at tinutulungan siya ng kanyang boyfriend. Sa pinapakitang kabaitan ni Efren lalu itong napapalapit sa kanyang puso. Ngayon parang dina kumpleto ang buhay niya kung mawawala pa ito sa kanya. Kung gaano siya kamahal nito ganoon na rin siya dito.
              Bago siya maka graduate  kailangan niyang tapusin ang kanyang OJT. Sa isang maternity hospital siya napadistino. Hindi niya akalain isa sa kanyang magiging pasyente ang asawa ng dati niyang naging  boyfriend  na lumoko sa kanya. Ito ay si Rod ang lalaking pinaibig siya , iyon pala may asawa na. halos di makatingin ng deretcho sa kanyang mga mata si Rod. Siguro nahihiya siya sa kanyang ginawa  kay Shine noon. Siguro hanggnag ngayon ramdam pa niya ang mag asawang sampal na binigay niya dito.
              Ilang araw na lang sasapit na ang kanyang graduation. Doble ang kanyang nararamdamang kaligayahan. Isipin mo sa araw mismo ng kanyang graduation darating ang kanya ate na nag tiis sa pag mamalupit ng kanyang amo para lang makatapos siya ng kanyang pag aaral. Laki ang kanyang utang na loob dito . kung di siya nag pakasakit baka hindi rin siya nakatapos ng kanya midwifery.
              Pero sa di inaasahang bagay biglang mayroon  nag yari na muntik na niya ikamatay.isang gabi papauwi siya  nakasakay sa isang motor. Nag kataong kay lakas ng ulan at ang kalsada ubod ng dulas. Sa di inaasahan biglang mayroong isang aso na biglang  tumawid iniwasan ng driver ang aso pero sila naman ang umikot. Akala ni Shine iyon na ang kanyang katapusan. Buti mabait pa rin ang Diyos sa kanya. Mga galos lang ang kanyang natamo at mga bukol.  Nag pagaling ng mga galos at bukol si Shine para sa graduation niya di halatang nag pagulong gulong siya sa kalsada kaya nag kagayon ang kanyang katawan.
              Dumating ang araw ng kanyang graduation . lahat ay masaya sa wakas nakatapos na rin siya sa pag aaral. Ganoon din ang kanyang ina proud na proud sa kanya sa wakas kahit pagapang nakaraaos na rin siya sa kanyang pag aaral. Sa laki ng kanilang pinag daanan sa pag papa aral sa kanya. Daig pa nila ang tumama sa lotto ng 1st prize. Ang buong pamilya ay masaya sa kanyang pag tatapos at sa napipintuhong pag dating ng kanyang ate. Bago mag umpisa ang graduation tumawag ang kanyang ate. Na dina siya matutuloy umuwi kasi nga di siya pinayagan ng kanyang amo.
              Delay ng 6mos ang uwi ng kanyang ate. Wala silang nagawa  kundi ienjoy na lang nila ang kanyang pag graduate sa araw na iyon. Ok din ang naging graduation niya kasama ang kanyang ina at ang kanyang uncle sol at siempre pa ang kanyang kasintahan na si Efren at ang kasama nitong kaibigan niya. Si Efren ang naging kangyang opisyal na photographer. Siempre pa dahil mahal na mahal niya si Shine halos bawat galaw nito may kuhang picture. Pag katapos noon panay tawa ni Shine kasi puro stolen shot ang kuha niya.
              Lumipas ang mga araw at dumating narin ang kanyang ate anong ligaya niya. Mabubuo na ang kanilang pamilya. Pero sandali lang  pala ang kanyang kaligayahan. Parang bagyo ang kanyang ate sa buhay niya. Lahat ay pinakikialaman. Nasabi niyang parang bagyo ito kasi habang siya nag bo volunteer sa red cross panay text sa kanya at siya ay pinauuwi na. akala niya ngayon dumating ang ate niya mayroon siyang magiging kakampi. Hindi pala naging kabaligtaran ang naganap.
              Para siyang tinik sa lalamunan ni Shine. Bawal ito bawal ang ganoon. Dahil siya ang kumita ng malaki siya ang nakapag abroad para siya na ang naging boss sa kanilang tahanan. Siya ang pinakamalakas ang boses. Kailangan  siya ang lagi mong susundin sa  kanyang mag kagustuhan. Panay text sa kanya at pinauuwi siya kung nasaan man siya. Mas mahigpit pa siya sa kanilang mga magulang. Nababalitaan kasi niya na may boyfriend na siya. Baka daw mabuntis siya ng di oras. Palagi kasi siyang nakikinig sa mga chismis kaya ayon kung anu ano ang pumapasok sa kanyang isipan.
              Dahil dito napilitan siyang mag apply ng trabaho sa Dubai. Bilang isang babysitter. Agad naman siyang natangap . kaso si Efren di sang ayon sa kanyang pag alis. Ayaw siyang payagan umalis paano na raw ang kanilang relasyon. Ang sabi ni Shine kung talaga  para tayo sa isa’t isa maiintay mo matapos ang kanyang kontrata. Halos dina siya kinakausap pa ni Efren noong umalis siya .Masamang masama ang loob nito sa kanya. Bakit daw kailangan pa niyang umalis puede naman daw na doon na lang siya mag hanap na mapapasukan.
               Pero hindi nag papigil si Shine sa kanyang boyfriend.gusto niyang patunayan sa kanyang ate na mali ang kanyang hinala. Para malaman niya na di sayang ang perang kanyang ginastos sa pag paparal sa kanya. Kahit  di siya pinayagan ng kanyang boyfriend tumuloy pa rin siya sa Dubai. Gusto rin ni Shine na maiahon sa kahirapanang kanyang mga magulang. At mapag tapos din sa pag aaral ang lima pa niyang kapatid . na sumunod sa kanya. Gusto rin niya na matulad sa kanya na may pinag aralan. Ito lang ang kanyang kayamanan sa ngayon.
              Tumuloy siya sa Dubai at isang malusog na baby ang kanyang alaga. Sa isang mag asawa na masyadong busy sa kanilang mga negosyo.  Hindi naman mahirap alagaan ang baby katunayan sanay siyang mag alaga ng bata. Halos siya na ang nag palaki sa kanyang mga kapatid. Ini isip na lang niya na bunsong kapatid ang kanyang inaalagaan. Okey ang amo niyang babae sobra ang bait pero ang lalaki palaging nakasigaw. Laging galit kahit ala kang ginagawang kasalanan. Laging mataas ang tono kung mag salita.
              Laging ang asawa nito ang humihingin ng despensa sa ugali ng kanyang asawa. Ganoon lang daw ito. Kasi masyadong pagod sa trabaho. Kasi isa itong presidente sa isang construction campany. Nasanay daw na laging nakasigaw sa mga tauhang ayaw sumunod sa kanilang trabaho. Dami daw kasing mga nag bubulakbol sa kanilang trabahador. Kaya laging mainit ang ulo. Dala dala kahit sa pag uwi sa bahay ang problema sa company niya.
              Madalas pag gising pa lang sa umaga at narinig na umiiyak ang baby niya . akala mo kung inaano na niya ang kanyang anak. Mag sesermon na ito at sisigawan na siya. Puede bang di umiyak ang anak niya. Mayroon bang baby na di umiiyak? Di na lang kumikibo si Shine . tahimik lang siyang nakikinig sa malasermon na tinatanggap niya sa umaga at sa pag dating nito sa bahay. Ito na yata ang regular niyang routine ang makinig ng sermon galing sa boss niyang lalaki. Laki na lang pasasalamat niya na pag talikod ng lalaki yong babae ay hihingin ng despensa na pag papasensyahan na lang daw ni Shine. Kung anu man ang ugali ng kanyang asawa.
              Dahil bago lang si Shine dito sa Dubai. At 1st time niya nawalay sa kanyang mga mahal sa buhay. Napakahirap para sa kanya. At isa pa batang bata pa siya . sa totoo lang kahit nakatapos na siya sa midwifery di siya nakakuha ng board exam at nag apply na nga siya sa pagiging babysitter. Kahit pakiramdam niya api apihan siya dito sa amo niya ok naman at malaki ang sueldo niya. Tuwing naalala niya noong nasa pinas pa siya api apihan din sila doon . para nga busabos ang turing sa kanila noon.
              Mabuti pa nga ngayon kahit lagi siyang sinisigawan ng kanyang amo binabayaran siya ng malaki. Maiaahon na niya sa kahirapan ang kanilang mga magulang. Saan ba naman niya kikitain sa pinas ang malaking niyang sinasahod ngayon. Pag ito ang kanyang iniisip nawawala ang kanyang pag kahabag sa sarili. Lahat  ng  sueldo niya pinadala niyang buo sa kanyang mga magulang. Kaya unti unti gumiginhawa ang kanilang pamumuhay.  Naibalik ang dating puhunan ng kanyang ama sa pag nenegosyo. Pero dina siya nag bibiyahe kundi kumuha na lang siya ng puesto sa palengke.
              At ang kanyang lima pang kapatid nag papatuloy sa pag aaral. Di na tulad niya noon na halos pumapasok sa school na alang baon.ngayon dina dinadanas ng mga kapatid niya ang kanyang pinag daanan. Kaya lang mag kakabaon kung mag dadala siya ng paninda sa school nila. Di nag tagal umalis uli ang ate niya at sa ibang amo naman namasukan. Sa awa ng Poong maykapal mabait na ang kanyang amo sa kasalukuyan. Kaya naman dalawa na silang kumikita at tumutulong sa kanilang mga magulang. Ngayon dina mararanasan ng kanilang mga magulang na mag makaawa sa mga tao para sila pautangin.
              Akala ni Shine ok na ang lahat. Kasi maganda na ang kalagayan ng kanyang pamilya. Akala niya magiging masaya na siya. Pero di pa siya nag tatagal sa Dubai nabalitaan niyang  nag asawa na ang kanyang kasintahang si Efren. Noong dumating ang balita sa kanya para siyang pinag sakluban ng langit at lupa.  Naitatanong niya bakit ang malas yata niya sa lahat ng kanyang mga minamahal. Bakit lahat ng kanyang minahal ay nawawala sa kanya. Sadya bang malas siya o di palang dumadating ang tamang lalaki sa buhay niya.
              Ngayon pag nakakausap ang kanyang mga magulang marami na daw ang naiingit sa kanila kasi lahat ng kanyang mga anak ay nag aaral. At samantala mas maraming mas mayaman sa kanila alang nakatapos na mga anak. Ngayon yong dalawa niyang kapatid malapit na ring mag graduate sa pag aaral . iyong isa sa police academy nag aral gusto daw niyang mag police. At yong isa sa matatapos na rin. At yong tatlo pa niyang kapatid nasa high school na.
              Marami ang nag tatanong bakit lumabas silang mag kakapatid na puro responsible at masisipag sa pag aaral samantala ang kanilang ama wala namang itinurong maganda sa kanila. Natutuwa si Shine sa sagot ng kanyang ama dito. Ang mga anak ko ang nag turo sa akin ng kagandahan asal. At sila din ang nag turo sa akin na mag sumikap kasi sila mismo nag susumikap sa kanilang sarili. Si Shine ang nag bigay halimbawa sa kanyang mga kapatid na kahit anong hirap. Kailangan igapang ang pag aaral. Kahit ano ang mag yari kailangan makatapos ng pag aaral. Kaya naman yong mga kapatid niyang nakakabata sa kanyang mga yapak sumusunod.
              Nakikita kasi nila na di biro ang ginagawang sakripisyo nila ng kanyang ate. Nag papaalila sa mga dayuhan para lang kumita ng malaki laking halaga para umangat ang kanilang pamumuhay. At makapag aral lahat ng kanilang mga kapatid. Pasalamat lang si Shine walang siyang kapatid na pasaway. Lahat sila tutok sa pag aaral para sa kanilang magandang kinabukasan.
              Ang kuya ni Shine kahit di nakapag aral. Nakapag asawa na rin. Tinulungan ni Shine na mag karoon ng sarili niyang palaisdaan para di danasin ng kanyang magiging anak ang dinanas nilang mag kakapatid. At ang kanilang bahay na tumutulo kung umuulan naipagawa na rin at mas malaki kesa dati. Ngayon sa kanilang pag tutulungan naiaahon na nila ang kanilang pamumuhay sa kahirapang kanilang kinasadlakan noon.
              Ngayon katulong na ang kanilang ama sa pag susumikap na umasenso ang buhay. Iba kasi kung ang ama ng tahanan siyang tumutulong sa pag asenso ng pamumuhay. Akala ni Shine dina mag babago pa ang kanyang ama. Pero laking ang kanyang pasasalamat at namulat din ang kanyang mga mata at kaisipan na di maganda sa isang pamilya kung ang ama ay walang ginagawa para sa kaniyang mga anak.  Mag 3yrs na siya sa amo niya walang uwian. Every year tuwing matatapos ang kanyang kontrata pinipigilan siyang umuwi. Kasi napamahal na sa kanya ang bata. Sanay na sanay na ito sa kanya. Every year din para di siya umuwi itinataas ang kanyang sueldo.
              Noong bago palang siya sa Dubai mayroon siyang nakilala isang pinay. Naging mabait siya kay Shine kinaibigan siya. Dahil nga baguhan siya at bata pa. wala pa siyang kamuwang muwang sa takbo ng buhay sa Dubai. Minsan isinama siya na ipapakilala daw sa kanyang boyfriend. Dahil tiwala siya dito kaya sumama siya. Hindi niya akalain na isa pala itong bugaw. Sa isang Pakistan ang sabi nito kapatid ng boyfriend niya kaya kailangan isama siya para daw di mag mukhang tanga. Dahil tiwala siya sa kaibigan niya sumama siya. Nag tataka siya bakit bigla siyang hinalikan nito.  Nagalit siya at sinampal niya. Nag tatakbo siyang lumabas sa restaurant na kinakainan nila.
              Ano na ang mag yayari kay Shine sa pag kakataong ito? Saan siya pupulutin pag nag kataon? Paano niya matatakasan ang Pakistan na nag bayad para siya maikama? Mapapahamak kaya si Shine? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 2/28/12
             

Monday, February 27, 2012

AKING INANG

AKING INANG

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




Aking pang natatandaan

Mga dulot mong kaligayahan

Sa munti nating tahanan

Matiyaga mong binabantayan



Ikaw ina nagtiyaga nag aruga

Sa walo mong supling pinagpala

Sa mga pag kaing iyong inihahanda

Dito sa puso di mawawala ang alaala



Ikaw ina laging nakasubaybay

Sa busilak mong pusong taglay

Alang hinangad, aming tagumpay

Sa kalungkutan ikaw dumadamay



Sa mga pangarap ikaw naka alalay

Pag mamahal mo alang kasing dalisay

Mga pangaral mo taglay habangbuhay

Dito sa puso’t isipan aking inilagay



Mga haplos mong napaka sarap

Lagi kong itong pinapangarap

Kami  inaruga at nagpakahirap

Aming mga sumpong  iyong tangap



Inang namimiss kitang tunay

Kay tagal akong sa iyo nawalay

Sa malayong lugar ako’y naglakbay

Sa aking pag babalik di nahintay



Kahit kailan dina kita masisilayan

Pero dito sa puso’t isipan iingatan

Mga ala ala mo mananatili kailan man

Ikaw ang pinakamabuti kong kaibigan



Tangap mo lahat ng aking kalokohan

Ikaw noon ang lagi kong sumbungan

Sa mga problema kay dali mong lapitan

Ngayon ikaw wala na ako’y iniwan



Mga magaganda mong pangaral

Alam kong kapiling mo Maykapal

Kasama mo lagi aking pag mamahal

Lagi kitang ipag darasal sa Maykapal

Copyright by Rhea Hernandez 2/27/12

LOVE STORY "SHINE" chapter 5

LOVE  STORY “SHINE”  chapter 5

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Kahit ano ang mag yari pinilit ni Shine na makapag aral siya. Kahit mangutang siya sa mga kamag anak nila. Minsan kasama niya ang kanyang ama sa pangugutang. Napakiusapan niyang samahan siya sa isa nilang kamag anak. Hindi niya akalain na ganoon sila nilalait ng mga ito. Pinautang nga sila pero inihagis ang pera sa mukha ng kanyang ama. Awang awa si Shine sa kanyang ama.  Pinautang nga pinag silbihan naman ng kanyang ama sa mga gawain kanilang inuutos. Pinag trabaho nila ang kanyang ama.

              Kahit galit siya sa kanyang ama noon dahil kinukuha ang kanyang pang enroll para isugal. Noong nakita niya na kung paano ito inaapi ng kanilang mga kamag anak parang dinudurog ang kanyang puso sa awa sa kanyang ama. Buhat noong maranasan  ng kanyang ama na hagisan ng pera sa mukha para itong natauhan ganoon naba sila. Para silang mga busabos na nililimusan ng kanilang mga kamag anak. Buhat noon nakapag isip isip ang kanyang ama. Kay tagal napala niya napapabayaan ang kanyang pamilya.

              Hindi niya batid na ganoon napala ang turing ng mga tao sa kanyang mag iina. Kay tagal niya isinarado ang kanyang isipan sa mga nag yayari sa kanyang kapaligiran. Bakit siya nabuhay sa mga alala noong siya ma ambush. Kay tagal napala noon. Kay tagal bago siya nagising sa mga pangyayari. Hindi niya akalain na ganoon napala sila kahirap . Sa wakas tuwang tuwa si Shine noong makita niyang nag bago ang kanyang ama. Tumigil na ito sa pag susugal at pag inom. Nag hanap na ng mapag kakakitaan.

              Sa pag babago ng kanilang ama nakikita na nito ang mga pan lalait ng kanilang mga kamag anak at mga kakilala. Namulat na ang kanyang mata at isipan ngayon sa kapaligiran ng kanyang mga mahal sa buhay. Kitang kita niya minsan ang nanay ni Shine nangungutang sa kanilang kapit bahay. Tulad niya noong lumapit siya sa kanyang kamag anak ibinato din sa mukha ng kanyang asawa ang pera at sabay ang mga salitang halos di mo makain. Lagi kayong alang pera pero ang lakas  ng loob ninyong mag paaral ng mga anak. Bakit di nalang ninyo patigilin sa pag aaral yang mga anak ninyo para di ganyang lagi kayong alang pera.

              Lahat ng ito tinitiis ng kanyang ina. Basta makapag aral lang silang mag kakapatid. Minsan  kung lalapit din sila na wala na silang isasaing. Kahit isang kilong bigas ang gagawin ni Shine para lang makautang ng bigas papasok siyang mag laba o kaya taga linis ng bahay. Para lang mayroon silang isaing sa araw na yon. Pag tag ulan naman para silang mga daga nag sisiksikan sa isang sulok kasi tumutolo ang kanilang bubungan. Pero kahit ganito ang kanilang buhay patuloy pa rin silang iginagapang sa pag aaral. Wala daw sila maipapamana sa amin kungdi ang karunungan.

              Kahit hirap at walang mga baon sa pag pasok sa school pumapasok siya at kanyang mga kapatid sa eskuwelahan. Lahat ng hirap kanilang titiisin makapag aral lang sila. Ngayon pagbabago ng kanilang ama nadarama na nila. Tulad ng gawain niyang  sa pag inom at pag susugal. Ngayon katulong na nila sa pag hahanap buhay. Nag bebenta siya ng ice sa mga tindera ng isda sa palengke. Kahit mag kargador sa palengke ginawa na niya. Bumalik na ang dating ulirang asawa at ama. Masayang masaya si Shine sa nag yayari sa kanilang pamilya. Ang tatay niya nagising na sa matagal na pag kakahimbing sa kanyang mga bangungut. Tapos na ang mahabang panahon na pag hihinayan niya sa mga pag hihirap niya pero iba naman ang nakinabang.

              Ngayon dilat na dilat na ang kanyang mga mata sa katotohanan. Hindi na niya pababayaan na maging isang busabos ang tingin ng karamihan sa kaniyang mag iina. Mag susumikap na muli siya tulad ng dati. Ibabalik na niya nag dati niyang katauhan. Isang masipag at ulirang ama sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa. Sa palagay niya di pa huli para sa pag babago. Para gumanda uli nag kanilang pamumuhay. Ito ang isang pangako ng isang ama na nag kulang sa kanyang mga anak at asawa.

              Samantala patuloy pa rin ang pakikibaka sa buhay ni Shine. Pag alang pasok sa school nag titinda siya ng mga isda. Mag ka minsan nakakatulog siya sa pagod sa tabi ng mga isda kanyang paninda. Magigising na lang siya na basa ang kanyang likod. Kasi ang tubig ng paninda niyang isda umaagos na sa kanyang hinihigaan. Kaya mag kaminsan o madalas amoy siyang malangsang isda. Kahit dalaga na siya di siya nahihiyang mag tinda. Sapagkat dito siya kumukuha ng kanyang babaunin at ng kanyang mga kapatid.

              Kahit nga sa school nila minsan may bitbit siyang alimango. Para order  sa kanya. Hindi siya nahihiya sa mga ka eskuwela niya na may bitbit siyang paninda kahit sa school nila. Mag  ka minsan sa school inaalok  niya mga guro at mga empleyado sa school . Nag babakasakali siyang mayroon omorder sayang din ang kanyang kikitain. Pang dagdag baon o kaya pambayad sa mga kakailanganin ng kanyang mga kapatid.

              Marami ang naiingit sa kanilang mga magulang. Isipin mo nga halos wala silang makain pero nakakapag paaral ng mga anak. Si Shine isang semester na lang ga graduate na siya.pag katapos nito mag OJT na lang siya at mag exam na siya sa board. Ilang hinga na lang makakaroon na sila ng isang midwife na anak. Marami naiingit sa kanila. Yong mga ibang nag tataas ng kilay sa kanyang pag aaral. Papatunayan ni Shine na mali lahat ang kanilang iniisip na pag isa kang mahirap ala ka nang karapatang mangarap sa buhay.

              Samantala ang ate ni Shine tiniis ang kanyang among malupit. Hanggang makatapos siya sa pag aaral niya. Kahit papaano malaking bagay ang kanyang naipapadala para sa kanyang pag aaral. Pangako nito kay Shine sa graduation niya uuwi na siya. Para tapusin na ang kanyang pag hihirap doon. Kaya naman kahit hirap siya sa pag kita rin ng pera pang dagdag sa pag gastos sa araw araw di niya pinapabayaan nag kanyang pag aaral.kahit kaunting oras na lang ang itinutulog niya. Wala ang kanyang pag sasakripisyo compare sa kanyang ate.

              Ang kanyang ate tinitiis ang kalupitan ng amo niya. Na kung minsan di siya pinapakain kung nagagalit at kung minsan kinukulong pa siya sa banyo nito. Apat na tong singkad ang titiisin niya para lang sa pamilya. Ayos na ayos pag katapos ng apat na taon. Siya naman ang mag tatapos sa kanyang pag aaral. Pangako ng kanyang ate sa kanyang graduation uuwi ito. Para mag kasama sama na muli sila mag anak.

              Kahit bihirang ang kanilang communication ng kanyang ate . pero sa puso at isipan niya di ito nawawala. Patuloy ang takbo ng buhay. Patuloy silang mag kakapatid sa pag aaral. Pero sa ngayon dina tulad ng dati ang kanilang pag hihirap. Kasi katulong na nila ang kanilang ama sa pag baka sa kahirapan. Halos wala na mahihiling pa si Shine. Kahit ganoon pa rin sila kahirap pero masaya siya kasi nag bago ang kanyang ama. Ang dati mapag mahal muli bumalik sa piling nila. Ang ama kanyang na miss ng mahabang panahon nag balik na.

              Tuluyan na kaya ang pag babago ng kanilang ama? Makatagal pa kaya ang ate niya sa kanyang among malupit? Makatapos kaya sa pag aaral si Shine? ABANGAN!!

Copyright by Rhea Hernandez 2/ 27 /12

            

LIGAW NA PAG IBIG



LIGAW NA PAG IBIG

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems

Wwwtulawento.blogspot.com



Ang katawang lupa nagiginaw

Halik sa buwang nakatanglaw

Sa pusong naligaw na may kaulayaw

Saglit na nagdikit din a bumitaw



Ang pusong saglit nag lapit

Langit ang siyang nakamit

Ligaya sa bawat saglit ay sakit

Pinagsaluhan mga mata makapikit



Ligaw na pag ibig huwag asamin

Siguradong puso mo maninimdim

Di mo ito lubusang maaangkin

Huwag pag laruan abang damdamin



Pag ibig na ligaw siyang pumukaw

Siyang didilig sa pusong uhaw

Di kaya lalung madama ang ginaw

Sa darating na mga araw nabulahaw



Sa bawat sandaling nag dikit

Sa dalawang pusong nagkalapit

Mga damdamin nakalimot saglit

Tuluyang bawat isa kumakapit



Dahil sa pag ibig na ligaw

Nadarama ligaya umaapaw

Sa bawat oras sa puso malinaw

Kung puede huwag ng bumitaw



Dahil sa pag ibig na ligaw

Ang luha  di maubos araw araw

Kailangan sa pag ibig bumitaw

Sapagkat isalang itong ligaw



Kahit yaring puso puno ng tuwa

Sa bawat sandali puno ng ligaya

Ang mga ala ala kay hirap mabura

Sa pag ibig na ligaw naging masaya



Pag sapit ng bukang liwayway

Ang pag ibig na ligawkumakaway

Ang buhay patuloy sa pag lalakbay

Alaala dadalhin sa habang buhay



Salamat sa tula ni kuya danilo

Ang pag ibig na ligaw mo

Isang tula ang nabuo ko

Nag bigay sigla sa puso ko

2/27/12

Friday, February 24, 2012

LOVE STORY "SHINE " chapter 4

LOVE STORY “ SHINE” chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

  
              Tumalikod ang kanyang ama pag katapos ng kanilang pag uusap. Akala ni Shine ok  na ang kanilang pag uusap. Matapos niyang umiyak sa pag kakasagutan nilang mag ama. Iyon pala umalis lang  ang kanyang ama at nakipag inuman sa kanyang mag kabarkada. Kaya noong umuwi sa bahay marami na siyang nainom. Ang kanyang pag iisip ay nalukuban na ng spiritu ng alak. Kaya naman noong makita si Shine ng kanyang tatay ay muling nanariwa ang kanilang pag aaway.

              Muli nilang pinag usapan ang nakaraang pag tatalo. Muling ipinag giitan ni Shine sa kanyang ama na walang lalaki ang kanilang ina. Talagang ganoon ang pag titinda. Walang oras ang uwi hangang hindi nauubos ang mga paninda hindi ka makakauwi. Kung kailangan mo talagang kumita ng pera pipilitin mong maubos lahat ang mga paninda. Siguro hindi mag papakahirap si nanay sa pag titinda at di siya gagabihin kung kayo ay tumutulong sa pag hahanap buhay.

              Kung noong hindi pa lasing ang kaniyang ama napigil na sampalin siya. Pero iba ngayong ito ay nakainom. Kaya nakatikim siya ng palo sa kanyang ama. Kahit dalaga na siya nakuha pa rin siyang paluin nito. Hindi lang palo ang kanyang napala sa pag sagot sagot sa kanyang ama. Pinalayas pa siya sa kanilang bahay. Kaya sinubukan niyang makitira sa kanyang tiyahin.hindi siya nakatagal doon nahihirapan siyang makisama sa kanila. Kaya lumipat siya sa kanyang lola.

              Si Rico ang tumulong kay Shine noong umalis siya sa bahay niya. Tinutulungan siyang sa kanyang pangangailangan. Lalu na pag nagigipit siya sa pera . naiintindihan niya ang kalagayan ng babaeng kanyang minamahal. Ganoon pa rin hatid sundo siya ni Rico. Habang tunatagal nahuhulog na ang tuluyan ang loob ni Shine kay Rico. Pero di naiiba si Rico sa ibang lalaki. Katulad din siya ng ibang kabataang lalaki na hindi nasisiyahan sa iisang babae. Maliban kay Shine mayroon din siyang nililigawan sa kabilang barrio. Bakit ganoon kung kailan na niya natutunan mahalin ang lalaki lumiligaw sa kanya ay saka niya nalalaman na mayroon itong ibang minamahal.

              Kaya simula noon malaman niya ang pagiging doble kara  si Rico. Iniwasan na niya ito. Kung kailan napapamahal na sa kanya si Rico saka niya nalaman na mayroon siyang iba. Minsan naitatanong niya bakit ganoon. Hindi parehas ang buhay. Bakit sabay sabay ang pag dating ng pag subok sa buhay niya. Pag nag iisa na si Shine di niya maiwasang itanong bakit ipinanganak siyang mahirap at malas sa pag ibig at sa isang ama. Bakit ganito ang buhay hindi parehas.

              Habang  malayo siya sa kaniyang pamilya ang kanyang lola ang tumutulong sa kanya. Minsan ito ang nag bibigay ng baon sa kanya. O kaya ang kanyang kuya inihahabol sa kanya ang kanyang baon. Galing siya sa farm madaling araw siya umaalis doon para lang ihatid sa kanya ang kanyang baon. Napakalaking utang na loob niya sa kuya niya. Hindi na nga nakapag asawa dahil sa kanila ng ate nila. Sila ang hinayaan nitong mag aral. At siya ang nag hanap buhay para makatulong sa pamilya nila.

              Wala na nga panahon para mag hanap ng kanyang mapapangasawa. Ang lagi niyang sinasabi na mag aral na mabuti si Shine. At kung makatapos na ito sa pag aaral saka na lang niya bibigyan ng panahon  ang kanyang  pag aasawa. Kaya kailangan mag sumikap siya sa pag aaral. Para na rin sa kanyang kinabukasan. Kaya naman ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pag aaral. At sa pag kita ng pera para sa iba niyang pangangailangan niya.

              Natapos ang 1st semester niya sa midwifery. Ang buong akala ni Shine titigil na si Rico sa panliligaw sa kanya. Pero nag kamali siya. Lalu pa itong nag pursige sa panliligaw pero ayaw na ni Shine. Sapat na ang kanyang naramdaman sakit noong malaman niyan di lang siya ang nililigawan nito. Nanganag ko si Rico na dina mauulit natukso lang siya sa babaeng iyon. At hindi talaga siya seryoso sa isa, talagang si Shine ang mahal niya. Kaya napilitan kausapin ni Shine si Rico.

              Kung tayo ay para sa isa’t isa tayo talaga. Pero sa ngayon ang pag aaral ang gustong pag laanan ng panahon. Kung talagang mahal mo ako makakapag intay ka ang sabi ni Shine kay Rico.  Naging buo ang pag papasya ni Shine dito. Kaya kahit anong pakiusap at panunuyo ni Rico dina muling bumigay si Shine. Ayaw niyang masira ang kanyang mga pangarap ng dahil lang sa pag ibig.

              Halos mabaliw daw si Rico noong iwanan niya. Ito ang sabi ng ina ni Rico. Habang umiiyak sa harap ni Shine ang ina ni Rico. Sa nabatid niya nahabag naman siya sa ina ni Rico. Hindi nag laon napabalitang ikakasal na si Rico. Napikot siya ng babaeng kanyang pinag lalaruan. Talaga bang ganito ang pag ibig akala niya makakapag intay si Rico. Nakikita niya na mahal na mahal siya ni Rico. Pero  sino ang makakapag sabi na mapipikot siya

              Sa nararamdaman niyang sakit sa pag ibig kinalimutan niya at ang buo niyang attensyon inilipat niyang lahat sa pag aaral. Sinabi niya sa sarili niya nakakasira lang ng kanyang pag aaral ang pag ibig. kaya ngayon 2nd sem na siya at ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mag papaligaw at dina siya mag mamahal na muli. Tama na ang minsan at  pangalawang kabiguan sa buhay.

              Ang iniisip nalang niya ang kanyang pamilya. Ang pag papakasakit ng kanyang ate. Alam niya nahihirapan ito sa kanyang amo. Tinitiis ang lahat para sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa pag nanais niyang makaahon sila sa kahirapan. At para makatapos siya sa kanyang pag aaral. Kaya naman noong mag padala ang kanyang ate ng pera para mag enroll sa 2nd sem. Niya  gusto ng kanyang tatay na kunin ang pera para ipangsugal. Pero kahit anong pilit di ibinigay ni Shine.

              Kaya naman ang kanyang nanay ang pinag buntunan ng galit. Kaya napilitan silang umalis pang sandalian sa kanilang bahay para di abutin ng galit ng kanyang ama. Pang samantala nakitira sila sa kapatid ng kanyang ina. Bitbit niya ang maliliit niyang kapatid. At ang kuya naman niya ang bahala sa iba pa nilang kapatid. Kaya habang tumatagal lalung lumalaki ang galit ni Shine sa kanyang ama. Nag palipas lang sila ng ilang araw at bumalik na uli sila sa kanila. Kasi naaawa siya sa kanyang ina. Kasi mag isa na lang niya hinaharap ang galit ng kanilang ama.

              Habang nag aaral may dala dala siyang mga paninda  tulad ng kikat at chocoball at kung anu anu pa. Ang mga nagaganap sa  pamilya ni minsan di  sinabi sa kanyang ate pag tumatawag ito o sa kanilang mga text. Ayaw nilang dagdagan pa ang pag hihirap nito. Minsan sa text na padala ni Shine sa ate nita apat na buwan bago ito maka reply. At kung minsan tumatawag siya marinig lang ang kanyang boses masayang masaya na ang nanay ni Shine. Laging sinasabi patago lang sa kanyang amo ang pag tawag nito. Kay hirap daw makatiempo na parehong wala sila sa bahay para makatawag ang ate niya sa kanila. Kaya damang dama ni Shine ang pag hihirap ng kanyang ate sa naging amo nito. Pag sila Shine naman ang tumatawag sa ate niya laging sinasabi ng amo niya kung di siya tulog nasa banyo.

              Lumipas ang mga araw na puro pagtitiis ang ginawa ni Shine. Aral tinda sa school at pag tulong sa kanyang ina sa pag titinda. Hanggang dumating ang huli na lang niyang semester sa pag midwifery. Naka isang taon at kalahati na siya sa kanyang pag aaral. Isang sem na lang makakatapos na siya. Pero ma late na siya sa enrollment ala pa ang kanyang pera.  Ang kaibigan ng kanyang ate na si ate Wheng kung tawagin niya. Na siya niyang tine text pag may kailangan siya sa ate niya ay wala. Nasa Pinas na ito nag babakasyon. Di niya alam kung paano siya makakapag aral. Paano siya makakapag enroll. Graduating na siya mukhang dina siya makakapag aral.

              Kaya naman nilapitan niya ang mga kamag anak na puedeng utangan at malapitan. 2weeks na siyang late sa pag eenrol. Kaya nag lakas siyang tawagan ang ate niya nakiusap siya sa amo nito kung puedeng  makausap kasi may sakit ang nanay nila kahit wala. Dahilan lang niya iyon para ibigay ang tephono sa ate niya. Naawa naman ang amo niya kaya nakausap niya ito . Iyon pala isang buwan na siya nakapag padala ng pera sa tita nila. Wala silang kaalam alam nasa tita na pala nila ang perang pag pa enroll niya. Dali dali niyang kinuha ang pera para makahabol sa pag eenrol. Kahit late na siya buti tinangap parin siya ng school nila.

              Dahil sa akala niya ala pang padala ang ate niya. Napilitan siya noon na lumapit sa mga puedeng utangan halos di masikmura ang mga salitang natangap ni Shine sa mga ito. Karamihan  sa kanila kung wala daw kaming pera huwag na lang daw siya mag aral. Yong nga daw iba dyan mayayaman na bihira ang makapag paaral ng anak siya pa kaya na isang batugan ang ama at gumagapang sila sa hirap. Nag aambisyon pa siyang makapag aral. Alang nagawa si Shine kundi ang maiyak sa awa niya sa kanyang sarili. Sabi nga niya mag sisikap siyang mabuti sa pag aaral at darating ang aral na lahat ng kanilang sinasabi ay kanilang lulunukin.

              Talagang napakabait ng Diyos nakikinig siya sa mga dalangin ng mga taong taos ang pag hingi ng tulong sa kanya. Tinugon niya lahat ang kanyang mga dasal ng mga panahong iyon. Kaya ang saya saya niya noong makahabol siya sa pag eenrol sa kanyang huling sem sa midwifery. Nag habol na lang siya sa mga notes na di niya natake sa loob ng dalawang week na di siya nakapasok. Isinubsob niya ang ulo niya sa pag aaral para makahabol siya sa mga aralin

                Wala na kayang darating na pag subok sa buhay ni Shine? Anu na ang naging kalagayan ng kanyang ate sa kanyang amo? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 2/24/12


Thursday, February 23, 2012

LOVE STORY "SHINE" chapter 3

LOVE STORY “SHINE” chapter 3
Ni Rhea Hernandez
 Pinoy poems


              Kahit mahirap nag sumikap si Shine na makatapos ng kanyang pag aaral. Sa wakas isang taon na lang at matatapos na rin siya ng High School. Sa pag titiyaga niya sa pag titinda ng mga gulay at isda kahit papaano nakakaraos sila at ang pag aaral niya sa high school. At ang mga sumunod pa rin sa kanya nasa elementarya na pumapasok. Hindi basta basta hirap ang kanyang dinadanas  para lang makakita ng pang gastos sa kanyang pag aaral. Malaking tulong na din ang mga pinapadala ng kanyang ate sa kanila.
              Ang pag bibiyahe ng mga producto sa kabilang bayan tuwing alang pasok sa school. Pinatigil na siya ng kanyang ina at lola niya. Di daw maganda sa isang dalaga ang nakasakay sa tutok ng sasakyan. Ang pangit na daw tignan na kadalagang tao niya ay bumibiyahe sa ganoon. Kaya ang kanyang ina ang napilitang pumalit sa kanyang ginagawa. Kahit takot ang kanyang ina sa pag sakay  sa itaas ng sasakyan. Pinipikit na lang niya ang kanyang mga  mata  habang siya dumadaan sa malalaking bundok at malalalim  na bangin na kanilang dinadaanan.
              Samantala graduate na si Rico sa high school. Samantala si Shine nasa 4th year palang. Pero kinalimutan na niya ito pinilit niya ang kanyang sarili na magalit sa lalaking ito. Itinuon na lang niya ang buo niyang atensyon sa pag aaral. Patuloy pa rin siya sa pag titinda sa harap ng kanilang bahay pag tapos na siyang mag aral. Kahit papaano ang kinikita niya ay sumasapat sa mga pangangailangan niya sa school. Lumipas ang mga araw linggo at buwan. Na puro ganoon ang routine ng buhay niya.
              Sa wakas sasapit na ang kanyang graduation sa high school. Anong saya niya kahit papaano nakapag tapos siya ng kanyang pag aaral. Graduation niya halong saya at lungkot ang kanyang nararamdaman. Masaya siya at sa wakas nakatapos na siya ng high school. Malungkot siya sa kaalaman na dina siya makakapag patuloy sa pag aaral sa kolehiyo. Hindi na niya kakayanin na pag araling mag isa ang sarili niya. At isa pa mayroon pa siyang 5 kapatid na kasunod niya na nag aaral pa rin ng elementary at high school. Kahit anong isip niya alang pag asa na makapg aral siya.
              Kaya nag desisyon siyang kumuha na lang ng passport para makapag abroad din siya tulad ng kanyang ate. Dahil bata pa siya kaya halos lahat ng kanyang papeles ay fake lahat. Isang buwan bago ang kanyang lipad lumuwas na siya sa Maynila. Tumira siya sa Cavite das Marinias. Isang linggo palang siya doon mayroon ipinakilala sa kanya ang isa niyang kasamahan pinsan daw niya ito. Si ate Sam ipinakilala niya si Rod. Laging pumupunta siya sa tinutuluyan niya  nakikipag kuwentuhan ito sa kanya. Hanggang naging kapalagayan ng loob niya .
              Kaya naman noong ayain siyang mag date dina ito nahirapan makumbinse si Shine. Lagi kasi itong pumupunta sa kanyang tinutuluyan. Malaki ang agwat ng kanilang edad. Samantala 17 pa lang si Shine at si Rod ay 28 na siya. Kahit malaki ang kanilang naging agwat sa edad di ito naging problema kay Shine. Maalalahanin at malambing si Rod kaya naman nahulog unti unti ang loob ni Shine dito. Pag nag kakausap sila ng kanyang ina ikinukuwento niya ito. Ok lang sa kanyang ina pero di niya sinasabi sa kanyang ama. Kasi nga sa pagiging batugan nito at sa pag papabaya sa kanilang mag kakapatid. Kailan kaya mag babago ang kanilang ama.
              Pero sa di inaasahang pag kakataon mayroon natuklasan si Shine na di niya nagustuhan. Ni sa guniguni di niya inisip na si Rod ay mayroon asawa. Sa di niya sinasadya natuklasan niya ang pag katao ng kanyang minahal. Hindi niya akalain na pati si ate Sam ay niloko siya. Dankasi mag pinsan sila kaya pinag tulungan siyang lokohin nito. Kung kailan natutunan na niyang mahalin saka ito mawawala. Kahit ayaw ni Rod nakipag kalas na siya dito. Hindi niya kayang sikmurain ang relasyon kanyang pinasok. Buhat noong malaman niya na may asawa pala ito.
              Akala ni Shine siya na ang tamang lalaki para sa kanya. Pero mali pala siya. Kaya lang siya mukhang binata kasi ang kanyang asawa nasa abroad pa. isang buwan na lang darating na ito, galit na galit si Shine sa kanyang kaibigan. Di niya akalain na ipahamak siya na itinuturing na niyang kapatid. Nag mamakaawa si Rod na ituloy nila ang kanilang relasyon habang wala pa ang kanyang asawa. Isang mag asawang sampal ang ibinigay niya dito. Ang lakas ng loob mong man ligaw iyon pala mayroon kanang pananagutan. Paano mo naaatim na lokohin ang iyong asawa. Sabay talikod kay Rod.
              Sa pag talikod niya saka nag unahang pumatak ang kanyang mga luha. Hindi niya akalain,  Naging totoo siya sa kanilang relasyon iyon pala isa lang itong kasinungalingan  lang pala. Gustong gusto na niyang umalis ng mga sandaling iyon . ibig na niyang lumayo sa lugar na yon. Alang idinulot sa kanya kundi kasawian at kalungkutan. Akala  niya makakalasap na siya ng kaligayahan sa buhay. Yong pala mas malaking kabiguan ang ibibigay ni Rod sa puso niya.
              Kaso ang medical exam ni Shine bumagsak. Ayon sa resulta mayroon siyang TB. Pero wala naman kaya napilitan siyang lumipat sa iba. Kaya naman sa Dubai siya nag apply. Sabi sabi ng iba hindi daw masyadong mahigpit sa medical doon. Sinuwerte naman siya nakapasa siya sa lahat ng test. Noong aayusin na niya lahat ang papeles niya tumawag ang kanyang ate mula sa kanyang pinapasukan. Sa kauna unahang pag kakataon sa loob ng isang taon ngayon lang ito tumawag sa kanya. Anong ligaya niya noong makausap niya ang kanyang ate. Sabik na sabik siya dito. Halos isang taong wala communication sa kanya.
              Gustong makausap ang kanilang nanay. Hindi niya sinabi sa ate niya na ala siya sa kanila. Kaya ang sabi niya nasa palengke ito kaya tawag nalang uli sa phone number ng uncle nila. Para makausap ang nanay nila. Hindi mapakali ang ate niya nahalata daw siya na nag sisinungaling. Kaya muli itong tumawag at di daw siya mapakali. Kaya naman napilitan siyang mag sabi ng katotohanan. Nasa Maynila siya at nag aaply papuntang Dubai. Isang linggo na lang aalis na siya.
              Panay iyak ng ate niya ayaw siyang paalisin. Mag papadala daw siya ng pera para umuwi na lang siya sa kanila kung hindi daw kalimutan na lang siyang ate. Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ito umuwi siya sa kanilang probinsya. kasabay ang pag kabigo niyang mag abroad at kasabay ang pag kabigo niya sa pag ibig kay Rod.
              Sabi nga ate niya huwag na lang siyang mag abroad at mag aral na lang siya ng 2yrs course. Mag papadala siya ng pera para sa kanyang pag aaral. Ayaw daw niyang maparis si Shine sa kanya. Na kung minsan di pinapakain pag nagagalit ang kanyang amo. At kung minsan kinukulong siya sa banyo. Hiniling ng kanyang ate na ilihim na lang sa kanilang ina ang kanyang dinadanas sa kamay ng kanyang amo. Ang mahalaga makaahon sila sa kahirapan. Kaya mag aral ng mabuti si Shine para sa kinabukasan. Nila kaya nag enroll siya ng midwifery
              Nag kapag enroll na siya sa midwifery ka klase niya ang bestfriend niya . hindi niya akalain na makakapag aral siya kahit 2yrs course lang. ito lang napakalaking biyaya na. lingid sa kanyang kaalaman kinakausap pala ni Rico ang kanyang kaibigan. May gusto pala ito sa kanya at pinapahatid sa kanyang kaibigan. Sa pag kakataon ito bumabalik sa kanyang gunita ang sinabi niya noon na masyado pa siyang bata para sa kanya. At di siya magugustuhan kay pangit niya at kung anu ano pa. kaya noong mag kita siya ibinalik niyang lahat ang mga sinabi nito sa kanya at may dagdag pa.
              Siguro talagang mahal ni Rico si Shine sinuyo niya ito halos araw araw. Hatid sundo sa school niya. Sa pag lapit ni Rico muling bumalik sa kanyang alala ang mga binitiwan niyang salita noon. Na iiyak din siya at iibig kay Shine. Sa mga unang pag sundo at hatid sa kanya tinatarayan niya ito. At di niya kinikibo si Rico. Kaya naman di niya nakuhang hingin ang phone number ni Shine. Kaya sa bestfriend pa nito hiningin ang phone number ni Shine. Sabi nga ni Shine kay Rico diba ang bata ko para ligawan mo. Di ba ikaw ang maysabi noon. Bakit ngayon nililigawan mo ako ang sambit ni Shine kay Rico.
              Naging matiyaga sa panunuyo si Rico kay Shine. Kahit sino namang matimtimang birhen mapapasagot niya sa ginawa niyang panunuyo. Ipinadama ni Rico na mahal na mahal niya si Shine kaya naman lumambot din ang kanyang puso. At bumigay din siya sa pag ibig na inaalay ni Rico. Naging masaya siya sa piling ni Rico. Dahil sa kanyang pag mamahal nakalimutan niya ang kasawian niya kay Rod. Madali niyang nalimot ang binigay na kabiguan ng lalaking nag laro sa mura niyang puso. Si Rico ang nag puno ng mga puwang sa kanyang puso.
              Naging matiyaga siya sa pag hatid at sundo sa school. Kaya naman para siyang isang bata na inihahatid at sinusundo sa eskuwela. Sa pagiging regular na pag hatid sundo ni Rico napansin ito ng kanyang ama. Tinanong siya kung lumiligaw ito sa kanya sabi lang niya suki lang niya na sinasakyan kaya ganoon. Pero sa totoo mag kasntahan na sila. Ipinagtapat niya sa kanyang ina ang relasyon nila ni Rico ok lang sa kanyang ina basta di niya pinababayaan ang kanyang pag aaral.
              Naging closed sila Rico at nanay ni Shine. Dahil sa tulong ng kaniyang ate nakakuha ng isang maliit na puwesto sa palengke ang nanay niya. Kaya naman tumigil na ito sa pag bibiyahe sa malayo. Nahihirapan siyang at natatakot sa pag dararaan sa mga bundok at bangin. Naging ok naman ang naging takbo ng buhay nila kahit hirap sa pag kita ng pera kahit papaano nakakaraos sila. Tumutulong si Shine sa nanay niya sa pag titinda pag katapos niya mag aral. Bago pumasok tumutulong muna siya sa pag tititinda at sa pag labas niya sa school sa palengke na ang tuloy niya. Para tulungan ang kanyang ina. Natapos ang isang semester na ganoon ang routine niya.
              Isang araw galing siya sa pag tittinda sa palengke dinatnan niya ang kanyang ina na umiiyak. Panay tanong ni Shine bakit ito umiiyak hindi kumibo ang nanay niya. Isa sa kapatid niyang nakakabata sa kanya ang kanyang tinanong kung bakit umiiyak ang kanilang ina. Kasi daw sinaktan nanaman ng kanilang ama ang kanilang ina. Kasi daw nag seselos nanaman ang kanilang ama. Ang sabi mayroon daw lalaki si ina kasi daw gabi na kung umuwi sa pag titinda at kay agang umaalis.
              Para lang di mag selos ang ama ni Shine pinatigil na lang niya ang kanyang ina sa pag tittinda. Inako ni Shine ang dapat ang kanyang ina ang gumawa. Kahit sa school nag dadala na rin siya ng mga paninda niya para makasapat sa kanilang mag anak ang kikitain niya pero kahit anong gawin ni Shine di parin kumakasya ang kanyang kinikita sa pag tititinda. Kaya napilitan ang kanyang ina na bumalik uli sa pag titinda niya sa paleng ke. Doon na niya kinausap ang kanyang ama.
              Bakit di niya pag katiwalaan ang kanilang ina. Wala naman itong ginagawaang masama. Buti nga ito nag susumikap para mabigyan sila ng magandang kinabukasan.bakit dina lang niya tulungan ito. Hindi na nga kayo nakakatulong sa kabuhayan natin sinasaktan ninyo pa si nanay.ang sagot ng tatay niya may lalaki ang nanay mo kaya gabi na yang kung umuwi. Sinagot ni Shine ang kanyang ama na bakit di ninyo siya samahan sa palengke para malaman ninyo ang kanyang ginagawa at the same time nakakatulong pa kayo sa kabuhayan natin. Di yang puro inom at sugal ang inaatupag ninyo. Itinaas ng kanyang ama ang mga kamay nito at balak siyang sampalin. Salamat na lang at di niya itinuloy ang pag sampal sa anak.
              Halos nag hahalo na ang luha at sipon ni Shine. Habang kausap niya ang kanyang ama. Hindi niya akalain masagot niya ito ng ganoon. Pero kailangan  na niyang sabihin kung ano ang nasa kalooban niya. Kailangan magising na ang kanyang ama sa kanyang sarili. Di naman siya ganoong ama noon. Tinalikuran lang siya ng kanyang ama sa kanilang pag uusap. Naiwang si Shine na umiiyak sa pag haharap nila ng kanyang ama.                                                                                                  
              Ano na ang mag yayari sa buhay ni Shine? Hindi na ba siya tatantanan ng mga pag subok sa buhay?  Makayanan pa kaya niya ang mga dumadating sa kanya?  Hangang saan ang kaya tiisin niya? Makatapos kaya siya sa kanyang pag aaral? Anu na ang nag yari sa kanyang ate? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 2/23/12

Wednesday, February 22, 2012

LOVE STORY "KEVIN C. SANTOS" last part 2

LOVE STORY “KEVIN C . SANTOS” last part 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Sa muling pag kikita ng dalawang pusong nag mamahalan. Hindi akalain ni Keboy na isang sakitin na Jessica ang aabutan niya. Cancer sa dugo at nasa stage 2 na ito. Labas pasok na siya sa hospital. Tatlong araw  siyang nag stay sa bahay nila Jesca. Nanatili siya doon para lang alagaan siya.kuwentuhan ng mga naging buhay niya sa karagatan. Nanduong minsan nakikinig siya at mag kaminsan nakakatulugan nito ang mga kuwento kanyang sinasambit.madalas habang siya natutulog pinag mamasdan ang kanyang maamong mukha.
              Bagamat kung titignan mo siya maputla at manipis na dahil sa kanyang kapayatan. Para kay Keboy siya pa rin nag pinakamagandang dalaga na kanyang nakilala. Siya pa rin ang babaeng nag patibok ng kanyang puso. Ang babaeng kanyang minahal ng lubusan ngayon parang wala ng buhay at sigla na matatanaw sa kanyang mga mata. Ang dating puno ng sigla ang mga titig ng kanyang mag mata ngayon  wala ka ng mababakas puro pag hihirap na di niya maisatinig man lang
              Bumalik sa kanyang alaala ang mga kanilang pag mamahalan. Noong nililigawan pa niya ito. Ni hindi siya pinahirapan at sinagot siya agad. Mga maliliit na bagay na pinapadala niya kay Jesca . Na kanyang binibili pag dumadaong sa isang lugar ang kanilang barko. Madalas mga t shirt na mag kamukha sila. Couple shirt na madalas na kanilang suot habang sila nga uusap sa skype. Natatandaan pa niya ang huling pag lalambing sa kanya. Gusto daw niya ang bulaklaking na bandana para ilagay niya sa kanyang ulo. Maliliit na bagay na di naman kamahalan. Basta yong mahalaga ang maalala  siya kahit sa maliliit na bagay.
              Mayroon din  binili bag sa kanya ni Keboy. Noong ibigay sa anong ligaya niya. Dahil noon lang daw siya nga karoon ng ganoon kagandang bag. Noong malakas lakas pa siya namasyal  sila sa  Tagaytay   kasi daw di pa siya nakakarating doon. Kaya minsan namasyal sila doon ang  masayang masaya pa siya noon tuwang tuwa siya sa pamimitas ng pina. Kay dami nilang  napitas ng araw na iyon. Kay sarap balikan ang mga masasayang araw na pinag samahan. Kahit hindi sila madalas mag kasama . tuwing mag babakasyon lang siya galing karagatan.
              Nag paalam siya para umuwi sa kanilang bayan. Pero di tulad  ng dati na masaya siya sa kanyang pag babakasyon. Hindi niya nakayanan kaya naikuwento niya sa kanyang mga magulang ang kalagayan ng kanyang minamahal. Bilang kanyang mga magulang nandoon nag kanilang pang unawa at pag damay kay Keboy. Ramdam din nila ang nadaramang kalungkutan ng kanilang anak. Minsan pa lang nag mahal ganito nag nag yari sa minamahal niya. Sa lungkot na kanyang nadarama halos ayaw na niyang muling bumalik sa barko. Parang ayaw na niyang pumalaot sa karagatan.
              Ang nais niyang masubaybayan ang pag galing ng kanyang minamahal. Pero hindi puede ang ganoon . kailangan siyang bumalik sa karagatan tawag ng kanyang tungkulin. Muli siyang lumuwas ng maynila para sa kanyang minamahal. Laking pag lulumo ang kanyang naramdaman noong sapitin niya ang bahay nila Jesca. Pagkat nalaman niyang muling ipinasok sa hospital ito. Halos liparin niya ang kuarto kinalalgyan ni Jessica. Doon niya nakita ang tunay na kalagayan nito. Wala na pala itong buhok. Isang peluka lang pala ang suot suot nito noong huli silang mag kita.
              Muli niya itong niyakap ng mahigpit tulad ng dati. At ibinulong niya na mahal na mahal niya ito. Mag pagaling siya ang sa pag galing niya mag papakasal na sila. Mag intay lang siya ng isang taon na lang at tatapusin niya ang kanyang kontrata. At muli silang mag sasama . tutuparin niya lahat ng kanyang mga pangarap. Ang mag sasama sila at bubuo ng isang masayang pamilya. Isang taon nalang at tayo mag papakasal na. pilit siyang ngumingiti at pabulong niyang sinasabi na “ I will wait for you babe” sa  awa ng diyos sapat na ang kanyang lakas para lumabas uli ng hospital.
              Doon na  tumira si Keboy sa bahay nila Jessica  habang iniintay niya ang araw ng kanyang pag sakay uli sa barko. Ilang araw din siyang nag lagi sa piling ni Jessica. Madalas kantahan ni Keboy si Jescang awiting  “ If tomorrow never comes”  halos di  niya matapos tapos kantahin ang song . di niya namamalayan na umiiyak napala siya habang  kumakanta. Sa totoo lang di siya palasimbang tao , pero dahil sa pag mamahal niya kay Jessica nakita niya ang kanyang sarili na lumalakad ng paluhod sa  Quiapo at hinihiling sa poong  Nazareno na pahabain pa niya ang buhay ng kanyang minamahal.
              Wala siyang paki kung nag hahalo na ang luha at sipon niya sa kahihingi ng awa sa panginoong na pahabain pa niya ang buhay ng kanyang minamahal. Nasasaktan siya tuwing nakikita niya ang kalagayan ng kanyang minamahal. Isang taon  nalang ang hinihiling niya at puede na silang mag pakasal. Matatapos na ang kanyang kontrata at mayroon na siyang kounting ipon  sa mga panahong iyon . isang taon na lang at mag papakasal na silang babae kanyang minamahal. Pag katapos ng kontratang ito dina muli pang babalik sa karagatan. Mag sasama na lang sila ng kanyang babaeng minamahal. Mag sasama sa hirap at ginhawa. Sakit at kalusugan .
              Matatapos na ang kontrata ni keboy sa darating na August kaya plano na nilang pakasal sa buwang ito. Sa muli niyang pag babalik sa barko di siya masaya. Maiiwan niya ang minamahal niya sa ganoong kalagayan. Sa pag uwi niya sa August balak niyang huwag ng bumalik pang muli sa barko. Aalagaan na lang niya si Jesca. Sa muli niyang pag babalik sa barko sa kauna unahang pag kakataon nakaramdam siya ng homesick.
              Sa loob ng barko ngayon nararamdaman na niya kung ano ang homesick na tinatawag. Lalu na kung sumasagi sa kanyang isipan ang kanyang minamahal na si Jessica. Na miss din niya ang kanyang tatay at nanay. Taong 2011 umabot ng 1 hanggang 8 buwan na tanging skype lang ang naging daan para sila mag kita ni Jesca. Sa bawat pag kikita makikita mo ang unti unting pag bagsak ng kanyang pangangatawan. Kay laki ng  kanyang pinangayayat pero mababakas mo pa rin ang pilit niyang pag ngiti kahit nahihirapan siya. Damang dama ni Keboy ang mga pag hihirap na nadarama nito. Kahit di niya sabihin nag mga pag hihirap niya ay kanya pa ring nararamdaman.
              Kahit sa pamamagitan lang ng webcam nag kikita sila at nag uusap. Kung mag kaminsan kinakantahan ni Keboy si Jesca para makatulog ito. Minsan marinig lang  ang boses ni Keboy napapangiti na si Jesca. At siyang nag papakalma sa nadaramang karamdaman ni Jesca. Kay laki talaga nagagawa ng pag ibig. Kahit sa mga huling mga araw nito si Keboy parin nag nasa isipan niya. Siya ang nag bibigay ng lakas para lumaban sa kamatayan. Pero sadyang  traidor ang sakit na leukemia. Kahit anong gawin walang magawa.habang lumilipas ang mga araw lalung lumalala ang karamdaman ni Jesca.
              Dumating ang desperas ng  araw ng pasko  December 24, 2011. walang Jessica na humarap sa skype. Walang isang Jessica na nag pakita sa kanya. Wala isang Jessica na bumati sa kanya. Halos nakatanga na siya araw araw at nag iintay na mag on line siya pero wala ni isang msg na natangap. Maraming bagay ang nag lalaro sa kanyang isipan kung anu na ang nag yayari sa kanyang minamahal. Bakit natitiis siyang di kausapin man lang. nag daan ang pasko at bagong taon wala paring Jesca na nag oonline.
              Jnuary 14 , 2012 ang mama ni Jesca na ang nag msg  kay Keboy. Dito niya nalaman nasa hospital na si Jessica,  dina ito nakakakita malubha na ang kanyang  kalagayan. Walang magawa si Keboy kundi  pumunta sa may bintana ng barko at tanawin ang karagatan. Ibig niyang sumigaw at iatanong bakit di patas  ang buhay. Bakit ang mahal pa niya ang maagang kukunin. Bakit kung sino pa ang mabait siya pa ang unang lilisan dito sa mundong ibabaw. Sino ba ang dapat niyang sisihin.
              Kung puede lang na languyin na lang niya ang karagatan para makauwi at masilayan man lang ang kanyang minamahal gagawin niya. Hindi naman niya hinihiling na pagalingin ng tuluyan nag kanyang mahal. Kundi pahabain lang ng kaunti pa ang kanyang buhay. Sana man lang naintay niya ang nalalapit niyang pag uwi sa August. Pero pagod na ang kanyang katawang lupa. Ang buhay na kanyang hiniram binawi na noong nakaraang  February 12, 2012.
              Hindi na muli niya masisilayan ang kanyang minamahal. Hindi na niya makikita pa ang mga ngiti lagi niyang kinasasabikan.ang mga ngiti niya sa mga picture na lang masisilayan. Hindi siya pinayagan umuwi para masilayan ang kanyang huling sandali dito sa mundong ibabaw. Sa ngayon kasalukuyan siyang nakaburol di niya makikita man lang ang pinakamamahal niyang kasintahan. Sa darating na February 25, 2012 ang kanyang huling araw niya. Ihahatid na siya sa huling hantungan. Pero si Keboy Sa darating pang August puedeng bumaba sa barko.
              Masyadong madaya ang pag ibig kung minsan. Minsan lang siya nag mahal at umibig pero binawi pa agad. Minsan lang nag mahal ng labis nawala na din ito. Pero ang mga alala iniwan ni Jesca sa puso at isipan ni Keboy hindi hindi niya makakalimutan habang siya’y nabubuhay. Bakit ganito nag pag ibig hindi parehas. Hindi alam ni Keboy kung kailan siya makakapag move on….dalangin niya kung nasaan ka man JESSICA  sana maligaya ka at tahimik na at dina mo na mararamdaman ang mga sakit na iyon pinag daanan habang ikaw  noong nabubuhay pa.
              Para sa iyo Kevin  C  Santos ang aking taus pusong pakikiramay sa iyong namayapang kasintahan. Talagang ganoon ang buhay una una lang. nag kataon lang na si JESSICA ang  na una sa atin. Dalangin ko matag puan mo ang katahimikan ng iyong kalooban. Ipag dasal mo lang at ito makakayanan mo rin. Isipin mo na lang nasa mabuti ng kalagayan at din a siya nag hihirap sa mga sandaling ito. Isipin mo nasa langit na siya.
              Dito ko tinatapos ang buhay pag ibig ng isa nating kapatid sa facebook.  Sa mag babasa po nito sana mag laan po tayo ng sandaling dalangin para sa katahimikan ng kaluluwa ni JESSICA… THE END copyright ni Rhea Hernandez 2/21/12