Thursday, January 26, 2012

LOVE STORY "ANGELINE" last chapter 12

LOVE STORY “ANGELINE” last  chapter 12
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Ang pamamasyal nila Angeline nauwi sa kanilang pag kakaintindihan. Naging sila na ang mag kasintahan. Kay bilis ng pag yayari hindi akalain ni Angeline na  sa  pag uwi niya galing sa pamamasyal mayroon na siyang kasintahan . Mayroon na rin siyang suot na singsing bilang tanda ng kanilang pag mamahalan. Sa pag uwi ni Angeline saka siya nag isip wala na kaya magiging hadlang sa kanilang pag mamahalan ni Eric. Hindi kaya mauwi din ito sa pag hihiwalay tulad ng kanilang relasyon ni Teddy.
              Sana sa pag kakataong ito dina maging sagabal sa aking kaligayahan ang aking pagiging isang putok sa buho.Sana matanggap ng lubusan ni Eric ang aking katayuan sa buhay. Sana tuluyang matangap ng kanyang ina na isang katulad ko ang papakasalan ng kanyang  anak. Sabagay noong mag kita kami ok naman siya sa akin.type niya ako para sa kayang anak. Pero iba yong nililigawan palang kesa doon sa talagang papakasalan at makakasama habang buhay.  Sana nga ito na ang katuparan sa aking mga pangarap na mag karoon ng isang buong pamilya. Ito ang mahabang bulong sa kanyang sarili ni Angeline .Ito ang mga alalahanin gumugulo sa isipan ni Angeline. Kaya di niya masagot si Eric.
              Nakatulugan ni Angeline ang mga gumugulo sa kanyang isipan. Samantala nag iisip din si Eric. Bakit naging bantulot si Angeline noong bangitin niya ang kasal. Hindi pa rin kaya niya nakakalimutan ng tuluyan ang dati niyang kasintahan. Ito kaya ang pumipigil sa kanya sa pag sang ayon sa iniluluhog kong pag ibig na walang hanggang. Isang masaya at magandang kinabukasan ang kaya kong ibigay sa kanya. Handa ko siyang paligayahin. Hinding hindi siya mag sisi pag pumayag siyang pakasalan ako. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito sa isang babae. Kaya  gagawin ko ang lahat pumayag lang siyang pakasalan ako. Ito ang pangako ni Eric sa kanyang sarili.
              Kinabukasan pag gising ni Eric tumawag sya kay Angeline. Tinanong niya kung may gagawin at nag babasakali siyang makasama ito sa kanyang pag sisimba. Sa wakas ok lang kay Angeline na mag simba sila total mag sisimba din naman siya. Kaya alang masama kung mag kasabay na lang silang mag simba . sa kauna unahang pag kakataon mag kakasama sila sa pag darasal at pag lapit sa Poong  Maykapal. Balak ni Eric sa harap ng altar doon siya mangako at ihayag ang tunay niyang pag mamahal sa dalaga. Gusto niyang kaharap siya sa pag bibigay ng pangako sa Panginoong Diyos na siya lang ang kanyang mamahalin habang siya nabubuhay.
              Sa ginawa ni Eric nabagbag ang  kalooban ni Angeline . hindi niya namalayan nag uunahang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi nya akalain na ganoon siya kamahal ni Eric. Para sa kahilingan at pangako ni Eric sa Panginoon tinigon ni Angeline ang kanyang mga dalangin. Humarap siya kay Eric at sinabi niya na tinatanggap na niya ang inaalok nitong kasal.  Pero ang gusto niya malaman muna kung ano ang reakyon ng kanyang ina. Ayaw niya na maulit muli ang nakaraan niyang pag kakamali. Baka kung kailan ok na ang lahat saka siya ayawan ng kanyang magiging in laws.
              Sa pag kakataong ito na ngiti si Eric. Ipinapangako ko hindi magiging hadlang si mama sa ating pag mamahalan. Kung sino ang gusto ko siguradong gugustuhin din niya. Pag katapos ng misa nag usap sila kung paano isasagawa nag kanilang kasal. Hiniling ni Angeline na simpleng kasalan lang ang ganapin kahit ito sa simbahan. Piling pili lang ang gusto niyang imbitado sa kasal nila. Mas simple mas solem ang gusto niya. Pero sabi ni Eric kaya ko naman ibigay sa iyo ang engrandeng kasalan.
              Kung gusto mong matuloy ang kasalan simple lang at walang gaanong makakaalam  sa kasal natin. Umiiwas lang ako sa mga sasabihin ng mga tao . ayaw ko na habang ikinakasal tayo nag bubulungan sila na ang napili mong pakasalan ay isang putok sa buho. Isang ngiti lang ang itinugon ni Eric dito. Wala akong paki kung ano ang sabihin nila laban sa iyo basta ang alam ko busilak ang iyong puso mo. Sayang di ito nakikita ng ibang tao. Hinuhusgahan ka nila sa iyong kahapon. Wala akong pakialam  kung ano mayroon ka sa iyong kahapon ang mahalaga sa akin ay ikaw sa ngayon.
              Para mawala ang agam  agam sa kalooban ni Angeline. Muli niyang dadalhin  sa kanilang bahay at para sila na mismo ang mag hayag sa kanyang ina na pumayag na ito na pakasal kay Eric. Isang phone call ang isinagawa ni Eric sa kanyang ina. At sinabing doon sila tutuloy ngayon pag katapos mag simba. Laking gulat ng kanyang ina. Bakit ngayon mo lang sinabi hindi ako nakapag handa. Isang mahinang tawa lang ang itinugon ni Eric sa kanyang ina. Hindi na kailanga yon . kung ano lang ang available dyan tama na. mga anong oras kayo darating ang balik ng kanyang ina. Ok para may time kang mag bihis at maligo isang oras nandiyan na kami.
              Kahit kailan lagi mo akong iniipit sa isang sitwasyon ganito. Isang impit na tawa lang ang tugon ni Eric sa kanyang ina. Pagkababa pag kababa ng phone ni Eric. Muling nag dial sa phone niya . tumawag sa isang sikat na restaurant at omorder ng mga pag kain pero sa isang kondisyon bago mag isang oras kailangan nasa bahay na niya ang mga food na inorder niya. At kailangan nakaayos na sa kanyang table ang mga ito Kahit mag bayad siya ng extra basta nasa tamang oras lang ang delivery nito at pag aayos sa kanyang table. Talagang malaki ang nagagawa ng pera.
              Bago dumating ang dalawa sa bahay naayos ng lahat ang table at nakabihis na rin ito. Alam niya ang sasabihin ng kanyang anak ay ang pag payag ni Angeline sa iniluluhog niyang kasal dito. Kung hindi ito bakit ang saya saya ng kanyang anak. Halata sa boses nito ang kanyang kaligayahan. Kilala niya si Eric kung kailan ito malungkot o masaya kahit sa boses lang sa telephone.hindi siya maaaring mag kamali sa kanyang hinala . kaya naman kailangan pag handaan niya ang mga oras na ito para sa kaisa isa niyang anak. Talaga ang kutob ng isang ina di sumasala basta tungkol sa anak. Ramdam ng isang ina ang kaligayahan ng kanyang anak.
              Dumating sila Eric at Angeline  sa bahay nila.tuwang tuwa ang kanyang ina. Ayos na ayos ang dating ninyo. Nakahanda na ang table tara kain muna tayo at doon na lang tayo mag kuwenruhan habang kumakain. Laking gulat noong dalawa nang makita ang ayos ng table. Paano mo nagawa ito ha. Eric parang di mo kilala ang iyong ina. Basta sa kaligayahan ng unico iho ko walang imposible lahat possible. Dahil doon nag katawanan sila. Habang kumakain naging masigla sila ang dami nilang napag kuwentuhan . kung saan saan nagagawi ang usapan.kaya naman naging at home na at home si Angeline  sa ina ni Eric.
              Sa pagiging at home ni Angeline saka binuksan ni Eric ang usapan sa kanilang balak na pag papakasal. Hindi na nagulat ang kanyang ina . tumayo ito at hinalikan at niyakap niya si Angeline. Sabay pasasalamat at di niya gaanong pinahirapan ang kanyang nag iisang anak. Alam mo ngayon ko lang talaga siya nakitang na in love sa isang babae. Lagi kong pinag tutulakan mag asawa na. Ayaw daw niya mag asawa kung dilang ang papakasalan niya ay mahal na mahal niya. Kaya ngayon narinig ko mag papakasal kayo sigurado akong mahal na mahal ka ng anak ko. Huwag mo na akong ibuild up ok na baka lalu lang mag bago pa ang isip niya.
              Kailan naman ang balak ninyong pakasal? Sa lalung madaling panahon. Kaya lang gusto niya simple lang tayo tayo lang kahit ito sa simbahan gaganapin. Mga piling piling malalapit na kamag anak at kaibigan lang siguro. Mas simple mas solem ang kasalan. Alang gaanong pressure sa bawat isa.  Okey lang sa kin basta ba ok kay Angeline? Siya nga ang may gusto na simple lang ang ganapin . kung ako ang masusunod isang magarbong kasal ang gusto kong ialay sa kanya.  Ako din minsan lang ikakasal ang isang tao bakit dina  lang natin ibuhos lahat. Umiling lang si Angeline ok, sa lahat ng babae ikaw ang umaayaw sa magarbong kasal.
              Nag kasundo na sila na isang simpleng kasalan lang ang magaganap. Inilibot ni Eric si Angeline sa buong kabahayan. Ang huling ipinakita niya ang kanyang room. Doon nag karoon ng pag kakataong mag ka solo sila. Sapag pasok na pag pasok nila sa room . kinawit ni Eric si Angeline sa kanyang bewang at sabay ang pag siil ng halik. Sa pag kakataon hindi makatangi si Angeline. Sapagkat gusto rin niya kung ano ang ginagawa ni Eric. Damang dama niya ang marubdob na pag mamahal na iniukol nito sa kanya. Ang halik na marahan naging isang napaka alab na halik na  nanunuot sa buong katawan ni Angeline. Hindi niya maipaliwanag kung ano ito.
              Tumagal ang nag babagang mga halik ni Eric. Pero alam ni Angeline hirap siyang pigiling ang sariling nararamdamn . pero ang sabi nito igagalang kita hanggang sa araw ng ating kasal. Nag kasya na lang sa yakap at halik si Eric sa mga oras na iyon. Natutuwa si Angeline kahit nandoon na sila at handa na rin siya na ipag kaloob niya ang  lahat namamayani pa rin ang pag respeto sa kanya . dito niya hinahangaan si Eric may isang salita. At may paninindigan. Alam niya na mahalaga sa akin na iharap niya ako sa harap ng Panginoon na isa paring malinis at di pa nababasag ang crystal. Kahit kay Eric hindi mahalaga kung siya ang makakauna o mayroon ng iba. Ang mahalaga sa kanya kung ano siya ngayon. Basta ang alam niya mahal na mahal niya ito.
              Gusto ni Eric na idaos kaagad ang kanilang kasal. Sa loob ng isang buwan pag aayos ng mga dapat ayusin siguro sapat na ang time na iyon? Nangigiti lang si Angeline sa nakikita niya sa pananabik nito na makasal na sila. Kung maaari lang batakin niya ang mga araw para dumating na ang araw ng kanilang kasal. Muling naging abala si Angeline sa pag aayos ng kasal nila ni Eric. Napapa iling si Angeline noong nakaraang dalawang buwan nag aayos din siya ng kanyang kasal. Bakit mag kaiba ang kanyang nararamdaman. Noon sila ni Teddy halos ayaw niyang dumating ang araw ng kanilang kasal. Pero ngayon ani na lang hilahin  niya ang mga araw para bumilis ito.
              Dumating ang araw ng kanilang kasal.walang pag siglan ang kasiyahan nararamdaman ni Eric. Kay sarap sa pakiramdam kung ikakasal na pala. Kailangan mauna siya sa simbahan . hindi dapat mauna pa ang bride kaysa groom. Samantala si Angeline totoo naba ito nakadamit pang kasal na ba ako. Totoo na ito hindi ba ako nanaginip. Ito na ang araw ng aking kasal. Hindi kaya tumutol ang kanyang ina sa araw mismo ng aming kasal. Di kaya tulad ito ng ina ni Teddy. Isang linggo bago ang kasal ay kanyang kinancel. Pero ngayon eto mismo araw ng kasal na niya di pa rin tumututol. Hindi kaya sa simbahan ito sumigaw na tutol siya sa akin. Bakit ba ako masyadong  paranoid.
              Di ba dapat masaya ako ngayon ? ito ang araw ng aking kasal dapat kalimutan ko muna ang mga alalahanin ko… ang bulong ni Angeline sa kanyang sarili. Kailangan maging ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ang pasasanib at pag iisang dibdib naming ni Eric. Sa pag iisip na ganito kasamang lumipad sa kanyang isipan ang lahat ng mga gumugulo sa kanyang isipan. Siyang pag pasok ng kanyang ina .. anu pa ba ang ginagawa mo? Mahuhuli ka na niyan  sa oras ng kasal mo. Hala ka pag late ka baka di ka maintay ni Eric. Sa sinabi ng kanyang ina natawa na lang siya alam naman niya na nag bibiro lang ito.
              Lumabas  na siya ng kuarto niya at nakahanda na siya sa kanyang kasal. Nasa simbahan na si Eric iniintay na niya si Angeline di siya mapalagay bakit wala pa si Angeline. Baka nag bago ang isip niya. Nakakatuwang isipin na pareho ang kanilang iniisip. Baka sa huling sandali mag bago pa ang mga isip nila. Pero ang totoo sabik na sabik na silang pareho na makasal. Hindi nag tagal dumating na si Angeline. Nag lalakad na siya sa papunta sa altar. Halos tumulo ang luha ni Eric noong makita si Angeline . napakaganda talaga ng aking magiging asawa.
              Dito sa harap ng altar ipinangako nilang dalawa na mag sasama habang buhay. Mamahalin nila ang isa’t isa sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya. Pinangako nila sa isa’t isa bubuo sila ng isang tahimik at masayang pamilya. Sa wakas ang matagal na niyang pinapangarap na mag karoon ng isang tunay na pamilya ay natupad na dahil sa pag mamahal na inukol ni Eric sa kanya.
              Sa kanilang honeymoon bumalik sila sa kung saan una silang nag sama bilang mag asawa. The same room  same place.  Nagulat pa si Angeline bakit ito ang kinuha ni Eric. Dahil dito daw niya natuklasan na ang babaeng kanyang mamahalin habang buhay. Ang unang araw na halos nakita ko ang iyong katawan dito. Buhat noon dina ako pinatahimik ng iyong kariktan. Akala mo lang na bale wala sa akin noong makita kita sa suot mong pantulog. Akala ko mababaliw sa pag nanasa na maangkin kita ng lubusan.
              Ngayon ala kanang ligtas sa akin. Sino may sabi sa iyong ala akong ligtas ngayon. May ibinulong si Angeline kay Eric at sabay sapo sa kanyang ulo. Bakit ngayon pa yang dumating bakit di siya nakisama sa ating kasal. Isang malutong na halakhak lang ang tinugon ni Angeline. Dahil kay Eric ang mag pangarap ni Angeline na imposible naging possible.
              Kahit ipinanganak ka sa isang putikan at kung tawagin ka isang putok sa buho. Hindi ito hadlang o dahilan para mawalan ka ng pag asa sa iyong buhay. Tulad ni Angeline lahat ng tao may pag kakataong makaahon kung anuman ang kinasadlakan mo. Basta mag sumikap ka lang at mangarap walang di matutupad. Basta huwag ka lang susuko sa buhay. Laging may bagong umaga. Intayin mo lang na dumating ito sa iyong buhay huwag kang mawawalan ng pag asa tulad  ni Angeline . maging matapang ka lang sa pag harap sa katotohanan at pakikibaka sa buhay. Ngayon si Angeline di niya tunay na pangalan isa na siyang masaya at maligaya kasama ang kanyang asawa at mga anak…
              Sana kinapulutan ninyo ng aral  ang kuwento ng buhay at pag ibig ni Angeline at Eric na di tunay na nilang pangalan. Lahat ng tao may pag asa basta mag sumikap ka lang at huwag sumuko sa mga pag subok na darating sa iyong buhay. Dito ko tinatapos  ang mga pakikibaka at mga masalimot na pinag daanan ni Angeline noong kanyang kabataan hanggang siya mag asawa . THE END  copyright by Rhea Hernandez 1/26/12
             

Wednesday, January 25, 2012

PAG IINTAY SA KAWALAN !!

PAG IINTAY SA KAWALAN!
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Kailan magigising sa aking pagkakahimbing,
Hanggang kailan hanap hanapin pag lalambing
Kailan pa itong puso makakalimot at gagaling
Sana’y at aking dalangin isang araw  magising.

Sa gabing malamig ikaw ang hanap hanap
Kailan kaya ito’y  puso kong matatanggap
Ikaw ay isa na lang bang  pinapangarap
Ang kaligayahang hinahangad di magaganap

Mga yakap mong mahigpit sa panaginip
Dito na lang kita kayang abutin di matangap
Bakit ang kaligayahan sadyang mapakailap
Ako ba’y isang gising na nangangarap

Mga hinaing sa hanging na lang pinatatangay
Kailan ang katotohanan at pangarap mag hihiwalay
Itong aking puso’t isipan bakit laging nag aaway
Tigilan na pag iintay sa kawalan sa habang buhay

Ang mga luhang umaagos di ko mapigil
Ang iyong mga halik at yakap ang makakapigil
Ang mga daloy ng gunita at iyong pag mamahal
Dito sa puso ko hanggang kailan mag tatagal

Ang kalungkutang nadarama walang kaparis
 Puso’t kaluluwa nararamdaman pag hihinagpis
Bakit di mawaglit sa isipan di ka naman  si Adonis
Pero dito sa puso ko’y siya mong kawangis

Pag iintay sa kawalan paano ko gagamutin?
Sana’y itong puso’t isipan ko huwag patagalin
Ang nararamdamang lungkot di alam supilin
Ito ngayon ang siya kong malaking alalahanin

Itong aking damdamin nag hihimutok
Ano magagawa sa malaking pag subok
Dito sa puso’t isipan ikaw ang nakalilok
Loob ng damdamin inipon di kaya  pumutok

Paano kaya maiibsan ang pananabik sa iyo?
Pag iintay sa kawalan paano mag lalaho?
Bakit mo ginugulo ang buong pag katao?
Sa aking nararamdaman gusto ko ng tumakbo.
Ni rhea Hernandez 1/25/12

Tuesday, January 24, 2012

LOVE STORY "ANGELINE" chapter 9

LOVE STORY “ANGELINE” chapter 9
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Bumalik na sila sa Maynila at nag hihinayang si Angeline kung bakit di niya nakuha man lang ang kontak number ni Eric. Nag tataka din siya kung bakit di kinuha ni Eric ang kanyang phone number. Kung talaga interesado siya sa akin sana man lang kinuha niya ang cell number ko. Ang bulong ni Angeline na para bang ang sama ng kanyang loob. Kay bigat ng kanyang pakiramdam. Kasi sa kanyang nakikita parang bale wala  siya kay Eric di man lang nag ka interest itanong kung paano kami mag kikitang muli . Ang pag mamaktol na wika ni Angeline sa kanyang sarili. Bakit nga kaya di nag aksayang kunin ni Eric ang kanyang cell number o kahit address niya. Sabagay baka talagang ala na siyang balak na dugtungan pa ang kanilang pag kikilala sa Boracay.
              Bakit ba niya inaabala ang kanyang isip sa isang bagay na dina puedeng dugtungan pa. kay laki ng Maynila para hanapin ko pa siya. Pero kabaligtaran sa kanyang sinasabi sa kanyang nadarama. Di pa nag tatagal silang nag kakahiwalay na mi mis na niya agad si Eric. Anu ba ang gayuma mayroon ang Eric na iyon at ginugulo niya ang isipan ko. Ang bulong ni Angeline. Bakit kasi naging magulo ang isipan ko ngayon kesa noong ikansela ang aming kasal ni Teddy. Ibig bang sabihin sa maikling panahon nahulog ang aking kalooban sa lalaking iyon. Hindi maaari kailangan kong pigilin kung anu man ang aking nararamdaman. Ang sabi ni Angeline sa kanyang sarili.
              Ang isang buwan niyang bakasyon di na niya tatapusin at papasok na lang uli siya. Para isang linggo lang ang nagamit niya sa bakasyon sa boracay at isang linggo sa Maynila. Ok na yon sa Monday pasok na siya sa kanyang office.Pero namahinga lang siya sandali at siya ay nag paalam na sa kanyang ina na may pupuntahan lang. Sa mall siya nag punta. Namili siya ng mga bagong damit sapatos at mga gamit niya sa make up.at kung anu anu pa na gamit ng isang dalaga. Halos hindi siya mag kandadala sa kanyang mga pinamili.
              Noong dumating siya sa bahay nila nagulat ang kanyang ina kung bakit siya namili ng ubod ng dami. Ang sabi nga ng kanyang ina galit ka ba sa pera at halos inuwi mo na ang buong department store sa mga pinamili mo. Isang ngiti lang ang ibinigay niya sa kanyang ina. Nag patulong na lang siya sa kanyang ina na ayusin lahat ang kanyang mag pinamili. At nag patulong na rin siyang ikahon lahat ang kanyang mga damit na nag tatago sa kanyang angking kagandahan. Puro modernong damit ang kanyang pinamili.
Di lang moderno mga damit kundi mga daring pa at ang sesexy tignan. Pero di naman mukhang bastusin kahit sexy siyang tignan. Ehh! Para paring isang kagalang galang na babae. Dahil sa nature ng kanyang trabaho alam niya ang mga bagay bagay kung paano mag paganda ang isang babae. Yong nga lang dati di niya ma iapply sa kanya noon. Pero ngayon ala ng makakapigil sa kanya ilabas ang kanyang angking kagandahan
              Noong pumasok siya sa office niya ang kanyang secretarya di siya nakilala. Kasi ba naman deretcho siya sa kanyang opisina. Hinarang siya nito na di siya puedeng pumasasok at wala ang kanyang boss. Sabihin na lang daw sa kanya ang kailangan at siya na lang ang mag  sasabi nito sa kanyang boss. Anu ka ba ako ang boss mo sino pa ba ang boss mong iniintay na darating . Napamulagat  ang dalawa mata nito. Di yata ikaw ba yan mam Angeline!  Malaki ba ang ipinag bago  ko sa bago kong pag aayos ay di mo ako nakilala. Nakangiting bangit ni Angeline sa kanyang secretaria.
              Totoo po mam! para kayong mutya ng pilipinas sa ganda ninyo. Akala ko nga kanina kung sino ang pumapasok. Anu po ang nagyari sa dating Angeline mam? Kalimutan mo na siya pinaanod ko na siya sa dagat sa Boracay. Mam, buti po  pala di natuloy ang inyong kasal at lalu kayong naging blooming. Pag ganyan ang nasasawi sa pag ibig gusto ko na ring masawi sa pag ibig para gumanda ko tulad ninyo mam. Isang ngiti lang ang isinagot ni Angeline sa kanya. Alam niya isang tambak ang trabahong kanyang bubunuin sa araw na ito. Kasi ba naman 2weeks na siyang di pumapasok.
              Naging busy siya sa buong mag hapon halos dina nga siya  tumatayo sa kanyang table sa daming niyang hinahabol na trabaho. Kaya di niya namalayan ang oras uwian na pala  mag stay na lang muna siya ng ilang oras pa total ma traffic din lang sa mga oras na ito. Mag papalipas na lang siya ng rush hour saka na lang siya uuwi. Kay dami pa kasing trabaho ang kanyang aasikasuhin. Tumawag na lang siya sa kanyang mahal na ina na ma late siya sa pag uwi. Subsob ang kanyang ulo sa kanyang ginagawa ng may narinig siyang pamilyar na boses. Ipinilig niya ang kanyang ulo kahit ba naman busy siya sumasagi sa kanyang gunita at naririnig niya ang boses ni Eric. Ganoon naba niya ito ka miss? Kahit sa busy niyang time maririnig niya ang boses ng lalaking hinahanap hanap niya.
              Muli niyang narinig ang boses niya ang sabi talaga bang ganyan ka mag trabaho? Subsob at di namamahinga? Muling pinilig ni Angeline ang kanyang ulo. Bakit niya naririnig at kinakausap siya ng boses ni Eric ngayon. Nang biglang lumabas si Eric sa kanyang pinag kukublihan. Muntik na siyang mapatakbo sa pag lapit kay Eric para yakapin ito sa kasabikan niya sa lalaki. Buti napigil niya ang kanyang sarili. Baka isipin ni Eric na masyado niyang namiss ang mokong na ito. Iniabot ni Eric ang isang punpon na bulaklak sa kanya. Kanina pa kita pinag mamasdan tutok na tutok ka sa iyong ginagawa. Halos di mo napansin ang aking pag pasok. Kanina pa ako dito noong labasan pa lang. kaso di ka lumalabas kaya naisipan kong umakyat baka nag kamali lang ako ng akala na papasok ka ngayon.
              Bakit alam mong dito ako nag work? Ang tanong ni Angeline . Diba sinabi mo sa akin na dito ka nag work noong nag kukuwentuhan tayo? Saka palang naalala ni Angeline nabangit pala niya ang name ng companing kanyang pinapasukan. Ibang Eric ang nakaharap sa kanya ngayon. Para siyang isang CEO ng isang company. Ibang iba siya noong mag kasama pa sila na parang isang ordinaring lalaki lang pero ngayon para isang kagalang galang na lalaki. Pasensya kana sa suot ko galing kasi ako sa meeting ng mag investor ng company kaya ganito ang suot ko kinakati na nga ako. Nahalata siguro ni Eric kung ano ang iniisip ni Angeline.
              Natutuwa ako at di mo na binalik ang katauhan ni Miss Tapia! Ang sabi ni Eric sa kanya. Bagay sa iyo ang totoo mong katauhan. Lalung lumalabas ang lakas ng iyong personalidad sa kanyang ka ayusan. Di ka pa ba uuwi aayain sana kitang mag dinner kung ok lang sa iyo. Mayroon akong ipapakilala sa iyo isang napaka importanteng babae  sa buhay ko. Ibig madismaya si Angeline sa sinabi ni Eric di yata mayroon na pala siyang minamahal. At gusto pa siyang ipakilala dito. Tatangi ba siya o sasama? Kung tatangi siya baka isipin niya na nasasaktan ako at nag seselos samantala ano ba naman niya si Eric. Ala naman silang relasyon. Kung sasama siya di kaya lalamutakin lang niya ang sugat at sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Na mayroon ng babae mahal ang lalaking natutunan niyang mahalin.
              Pero doon pa rin siya sa pag sama sa lalaking mahal niya ok na titiisin na lang niya ang sakit. Gusto din niya makita kung ano ang itchura ng babaeng kanyang minamahal. Di tayo sa isang restaurant kakain ng dinner sa bahay ng babaeng ipapakilala ko saiyo. Kilala ka na niya naikuwento ko na sa kanya kung saan tayo nag kakilala. At siya ang may gusto na ipakilala kita sa kanya. Kaya ang sabi ko susubukan kong anyayahan ka . Baka kasi di ka sumama sa akin ngayon. Pero sabi niya natitiyak niya na sasama ka. Siya ag bigay sa akin ng lakas ng loob na anyayahan kita sa dinner na ito. Kasi baka tangihan mo ako. Sa mahabang paliwanag ni Eric. Sa kanya ko kasi sinasabi lahat lahat ehh!  Naguguluhan man si Angeline sa mga sinasabi ni Eric dina  lang siya kumibo.
              Noong dumating sila sa bahay laking gulat ni Angeline mala palasyo ang bahay. Isang katulong ang nag bukas ng pintuan. Nasaan siya ang tanong ni Eric. Nasa kusina po inaayos niya ang hapag kainan. Gusto po niya na siya mismo ang mag ayos nito at siya din po mag isa ang nag luto ngayong dinner. Napaka special daw ang raw na ito kaya special ang ihahanda niya puro paborito ninyo sir ang niluto niya. Isang ngiti lang ang isinagot ni Eric sa kasambahay nila. Pinaupo niya si Angeline at nag paalam ito a pupuntahan lang niya ang babae mahal na mahal niya. Isang tango lang ang isinagot ni Angeline kay Eric.
              Nauulinigan niya ang pag uusap nong dalawa sa kusina. Salamat sa iyong pag aabala sa pag luluto. Tama ka kahit kailan di ka nag kamali sa iyong paalala sa akin. Nandoon na siya sa living room . Tara ipapakilala kita sa kanya. Nagulat pa si Angeline ang kasama ni Eric ay isang matandang babae ito siguro ang kanyang mama. Luisa ipinakikilala ko sa iyo si Angeline ang babae binabangit ko sa iyo na aking nakilala sa Boracay noong huli kong pasyal doon. Iniabot nito ang kanyang kamay kay Angeline. Nakipag kamay naman si Angeline dito. Sige upo ka uli mamaya maya kakain na tayo ng dinner.
              Maiwan ko muna kayong dalawa dito. Mag bibihis lang ako nangangati na ako sa suot ko kanina pa. Ang paalam ni Eric sa kanila. Luisa dahan dahan lang baka ma shock si Angeline ha! Kilala kita masyado kang mag interview hehehe. Isang ngiti lang ang sinagot ni Angeline kay Eric. At sabi ni Luisa puede iwanan mo na kami at mag bihis kana ako na ang bahala sa bisita natin. Pasensyahan mo na ang anak kong iyan ha! Ganyan lang kami mag usap parang mag kaibigan lang. Nakahinga ng maluwag si Angeline sa nalamang mag ina ang dalawa.
              Alam mo ba di maubos ubos ang kuwento ni Eric sa iyo. Ngayon lang na in love ang anak ko sa isang babae. Kasi ngayon lang siya nag kuwento sa akin  ng ganito kaya pinilit ko siyang ipakilala ka niya sa akin. Huwag kang mahiya sa akin alam ko na ang nakaraan mo. Saka huwag mo itong ikahiya at ang iyong ina kasi di ka nag iisa sa ganyang pag kakataon. Alam mo ba isa din akong nabibilang dati sa tinatawag nilang kalapating mababa ang lipad. Nakilala ko ang ama ni Eric inilayo niya ako sa putikan aking kinasadlakan. Hindi lahat ang nandoon gusto nila. Minsan kaya sila nandoroon kasi hinihingi ng pag kakataon. Minsan kahit hindi natin gusto nagagawa natin para tayo mabuhay. Ang mahalaga nag susumikap tayo na makaahon sa ating kinabagsakan.
              Hindi makapaniwala si Angeline ang ina din ni Eric ay tulad ng kanyang ina. Kaya pala di siya hinusgahan nong nag kukuwento siya. Kaya pala naintindihan niya ang aking nararamdaman. Kaya pala ganoon na lang ang pag sasabi nito na huwag kong ikahiya kung ano ang aking katauhan at kung ano ang aking kahapon. Ang pag kakaiba lang naming may ama siyang nakalakihan. Hindi siya iniwan  ng kanyang ama at di siya inabanduna na tulad niya at di siya kinilala nito bagkus pinakasalan pa ang kanyang ina.
              Mahirap din ang akin pinag daan noon. Halos itakwil ng pamilya niya ang asawa ko. Pero ipinaglaban niya ako. Kasi alam niya di ko kagustuhan ang maging isang hostes noon. Alam ng asawa ko di siya nag kamali na ako’y kanyang mahalin. Naging isa akong ulirang asawa at ina sa aking anak. Kaya nga lang maaga kaming iniwan ng kanyang ama. Noong iwanan kami ng asawa ko nakita ni Eric ang aking pag hihirap sa pag tataguyod sa kanya at kasabay nito ang palaguin ang negosyong iniwan nito sa amin. Pero buhat noong makatapos ng pag aaral si Eric siya na ang nag patuloy nito. At pinag pahinga na niya ako dito sa bahay.
              Mabait na anak yang si Eric maipag mamalaki mo kahit kanino. Nangingiti lang si Angeline  halatang inililigaw nito ang anak sa kanya. Alam mo kung sino ang mahal ng anak ko tatangapin ko. Kaya huwag kang mag alala di ako magiging hadlang sa inyong pag mamahalan ni Eric. Ibig humalakhak sa tuwa si Angeline kasi paano di naman nanliligaw sa kanya si Eric. Hindi naman po nanliligaw sa akin ang anak ninyo. Mag kaibigan lang po kami saka kailan lang din kami nag kakilala. Ang maigsing paliwanag ni Angeline sa mama ni Eric. Huwag kang mag alala darating din doon yon na liligawan ka niya. Pag dumating ang oras na iyon huwag mo ng pahirapan ang anak ko ha? Kasi nasa tamang edad na siya para mag asawa noon ko pa siya pinagtutulakan .
              Sana ikaw na yong babae na papakasal ng anak ko. Unang kita ko pa lang  sa iyo alam kong ikaw ang nababagay kay Eric. Alam ko isa kang mabuting babae hindi maiinlove ang anak ko sa iyo kung di niya nakitang isa kang kaibig ibig. Nakikita niya ang kalinisan ng iyong puso at pag katao. At iyon din ang nakikita ko sa iyo. Isang ngiti lang ang itinugon ni Angeline sa mga sinasabi ng ina ni Eric.  Siyang pag baba ni Eric sa hagdanan at sabi Luisa baka kung anu ano na ang pinag sasabi mo kay Angeline at bigla na lang mag paalam yan na uuwi . Wala akong sinasabi na masama sa kanya. Total nakabihis kana. Puede na tayo kumain ng hapunan. Ipapahanda ko na ang table. Maiwan muna kita Angeline dito sa anak ko.
              Naging masaya sila sa pag kain. Habang kumakain panay kuwentuhan nila.  Parang kay tagal na niyang kakilala ang ina ni Eric kung sila mag usap. Kay dali niyang naging at home dito. Ibang iba siya sa  mga magulang ni Teddy. Noon para siyang nakatungtong sa numero. Kailanga ingat na ingat siya sa mga kinikilos niya. Pero sa ina ni Eric ok lang ilabas niya ang kanyang natural na siya. Kaya ramdam niya na dina  niya kailangan mag kunwari kung ano siya. Naging masaya siya sa pag sama niya kay Eric  sa pag hahapunan kasama ang kanyang ina.
              Pag katapos ng hapunan kuwentuha uli sila at tapos inihatid na siya ni Eric sa bahay niya. Bago siya bumaba ng kotse ni Eric ginagap nito ang kamay niya at sinabing  Angeline alam mo I LOVE YOU!! Nabig la si Angeline sa sinabi nito. Di niya akalain na sasabihin niya ito sa kanya. Akala niya di siya mahal ni Eric. Na balewala siya dito. Pero ngayon nag papahayag na siya ng pag mamahal sa kanya. Tuwang tuwa ang puso  ni Angeline sa tinuran ni Eric. Pero di muna niya tinugon ang pag ibig nito. Sabi niya pag iisipan muna niya ang kanyang iniluluhog na pagmamahal.
              Tulad ng nakagawian ni Eric sa nag goodbye kiss ito sa kanya. Hindi naman siya tumangi sa ikinintal na halik sa kanyang pisngi. Bakit ang saya saya ng gabi ko ngayon ang bulong ni ANgeline sa kanyang sarili. Pero di pa panahon para sagutin niya si Eric . mag iintay pa siya ng tamang panahon para dito. Sana nga siya na ang lalaki para sa akin. Sana kami na nga ang mag katuluyan ang piping dalangin ni Angeline.
              Anu ang palagay ninyo sila na nga ba ni Eric ang mag kakatuluyan sa darating na panahon. Di kaya umapila si Teddy ngayon maganda na si Angeline. Di kaya mag sising alipin si Teddy sa pag tangi niyang ituloy ang kasal nila ni Angeline? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 1/19/12
               

LOVE STORY "ANGELINE" chapter 11

LOVE STORY “ANGELINE” chapter 11
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Dahil sa mga sinabi ni Angeline nagising sa katotohanan si Teddy. Sa kanyang kay tagal na pag kakahimbing. Kaya naman inumpisahan  na niyang baguhin ang takbo ng kanyang buhay para sa kanyang kinabukasan. Salamat kay Angeline siya ang nag bukas ng isipan. Kung di pa sila  nag kalayo di pa siya magigising sa mga maling ginagawa ng kanyang ina sa kanyang buhay.
              Samantala sa di pag papakita ni Eric kay Angeline ay lalu lang niya ito na mis. Iba na ang kanyang nararamdaman para kay Eric. Ito na yata ang tinatawag nilang tunay na pag ibig. Hindi pa niya nararamdaman ang ganitong feeling. Kahit na kay Ruffy di niya ito naramdaman. Pero patuloy pa rin ang pag papadala ni Eric ng kung anu ano sa kanya. May kasamang kay tatamis na notes ng pag ibig at mga pag alala sa kanyan. Halos paulit ulit niyang binabasa ang mag love notes na pinapadala sa kanya.
              Laging sinasabi niya mag intay intay lang siya at may mahalaga lang siyang dapat ayusin. Hindi niya  puedeng pabayaan. Kaya pala kahit silip di siya makuhang silipin nito wala ito sa bansa. Ang kanyang secretaria lang ang nag papadala ng mga bulaklak sa kanyang utos. Siempre ang mga notes galing sa kanya dikta niya para ito isulat sa card. Bakit kaya di siya nag paalam bago umalis ng bansa. Oo nga pala anu ba siya nito para pag paalaman. Siguro tama nga lang ang kanyang ginawa. Ano nga naman ang kanyang idadahilan kung mag papaalam ito sa kanya.
              Kung maaari nga lang gusto na ni Eric na batakin ang mga araw para makauwi na siya ng Pinas. Sabik na sabik na siya sa babaeng kanyang minamahal Pero ang  kanyang magagawa kailangan niyang tapusin para ito sa kinabukasan ng kanyang  company. Babawi na lang siya sa kanyang pag uwi. Isang buong linggo siyang mawawala. Bakit kasi di pa nila tinapos ang usapan doon sa Boracay. Gusto pa nila dito sa Hongkong  ganapin ang pirmahan ng kontrata.
              Isang linggo mawawala at di niya makikita si Eric. Kaya naman subsob sa kanyang ulo sa trabaho. Nag babawi pa lang siya sa mga naiwan niyang trabaho noong mag bakasyon  siya. Sa dami ng kanyang tarbaho halos di niya napansin na tapos na ang isang linggong pag alis ni Eric. Halos sa araw araw lagi siyang nag oovertime. Late na siya umuuwi. Sadyang masipag sa kanyang trabaho si Angeline. Baka isang araw bigla na lang siya ma promote hindi ito nakakapag taka. Marami ang humahanga sa kanyang kasipagan at sa kanyang kakayahan.
              Sa pag dating na pag dating ni Eric di pa siya nakakauwi sa bahay niya kay Angeline siya dumeretcho. Mis na mis na niya ito one week din niya di ito nasilayan. Alam niya nasa kanyang opisina pa ito. Hindi siya nag kamali nandito pa siya at subsob ang ulo sa kanyang ginagawa. Kay tagal na niyang pinag mamasdan ang kanyang sinisinta. Hindi pa rin siya napapansin nito. Noong mag taas ng mukha niya saka pa lang siya nakita nito. Pero parang napako sa kanyang kinauupuan nong makita niya si Eric. Hindi niya akalain makikita niya si Eric na katayo na ito sa kanyang harapan.
              Lumapit si Eric sa kanya at yumuko sa may harapan niya halos mag dikit na ang kanilang mukha. Di pa rin kumikilos si Angeline sa kanyang kinauupuan. Kinintalan ng halik ni Eric si Angilene sa kanyang  chicks  saka palang ito kumilos paharap kay Eric. Walang paring siyang kibo. Ang kanyang dibdib ayaw tumigil sa  mabilis na pag tibok. Hindi niya mapigil ang malakas na pag sikdo nito. Ang unang halik sa pisngi niya nasundan ito sa kanyang mga labi. Bahagya niyang ibinuka ang kanyang mga labi para papasukin ang strangherong gustong pumasok dito.
              Nag lapat ang kanilang mga labi sa umpisa mga dampi lang  di nag tagal naging isang maalab na halik ang ikinintal ni Eric sa kanya. Pakiramdam niya lumulutang siya sa alapaap sa mga sandaling iyon. May kakaibang hatid na sensasyon sa kanya ang mag dampi ng halik ni Eric na di niya ito maipaliwanag. Hinayaan niyang halikan siya ni Eric ng ubod ng tamis. Ngayon lang niya naramdaman ito ang kanyang kauna unahang karanasan sa pakikipag halikan. Siguro ramdam ni Eric na di siya marunong humalik. Na ngangatal ang buo niyang katawan . Naging maingat naman si Eric alam niyang di niya dapat biglain si Angeline. Sa kanyang edad sa ngayon di niya akalain na virgin pa ito sa kamunduhan.
              Kung titignan mo si Angeline akala mo alam na niya ang lahat. Isang talento babae na di mo maloloko pero isa palang inosente sa ngalan ng pag ibig. Ramdam na ramdam ni Eric na di sanay humalik si Angeline. Kahit ito nag paubayang halikan niya. Ramdam niya di pa ito nakikipag halikan. Pero ang sarap ng kanyang mga halik may kasamang pag mamahal mararamdaman mo ito sa kanyang pag ganti sa mga halik na ikinintal niya sa mga labi ni Angeline. Ngayon di siya nag kakamali mahal na siya ng babaeng kanyang minamahal. Kahit di sabihin ni Angeline na mahal siya nito ramdam niya na mahal din siya nito. Hindi nag kakamali si Eric sa kanyang inaakala. Sapagkat napasok na ni Eric ang pusong sugatan ni Angeline. Pinag hilom ito ng kanyang pag ibig.
              Nag balitaan sila sa mga nagyari sa buhay nila sa loob ng isang linggo. Nag ayang  ng dinner si Eric alam niya di pa ito kumakain. Hindi naman tumangi si Angeline sa paanyaya ni Eric. Total sabik na rin siyang makasama muli ito. Hindi maubos ubos ang kanilang pinag uusapan. Nakakapag taka di sila na bored sa mga oras na mag kasama. Mag hahating gabi na sila nag hiwalay. Inihatid ni Eric si Angeline sa kanila. Sa pangalawang pag kakataon nag lapat na muli ang kanilang mga labi. Sa pag lalapat muli ng kanilang mga labi akala mo inililipad kung saan ang kanilang diwa.  Halos mapugto ang kanilang hininga ng matapos ang maalab nilang pag hahalikan.
              Total sabado bukas puede ba kitang anyayahang mamasyal ang sabi ni Eric. Saan naman tayo pupunta ang tanong ni Angeline. Bahala na kung saan natin maisipan bukas. Pag nakasakay na tayo sa car saka natin isipin kung saan magandang mamasyal. Siguro habang nag drive ako makakakita tayo ng isang magandang pasyalan. Basta daan kita bukas bahala na ang mahalaga mag kasama tayo. Kahit anong lugar magiging makulay basta kasama kita. Kahit ito pa ang pinaka pangit sigurado ako ito’y gaganda dahil ikaw ang kasama ko. Nagiging romantiko tuloy ako pag ikaw ang kausap ko sinabayan ng halakhakan nilang dalawa.
              Nakahiga na si Angeline di pa rin siya makatulog. Dinadama niya ang kanyang mga labi. Parang kanya pang nararamdaman ang mag labi ni Eric na nakalapat sa kanyang mga labi. Ganoon pala ang feeling ng unang halik. Ito ang kanyang kauna unahang halik na maalab. Tumatagos sa kaibuturan. Ramdam ng kanyang puso ang pag mamahal na ipinapamalas ni Eric. Sa maikli nilang pag kikilala napasok na nito ang kanyang puso’t kaluluwa. Handa niyang buksang muli ang kanyang puso para kay Eric. Alam niya sa pag kakataong ito hindi na siya mag kakamali. Puso’t isipan na ang kanyang gagamitin sa muli niyang pag pasok sa isang relasyon. Alam niya si Eric ang itinitibok  ng kanyang puso.
              Nakatulugan ni Angeline ang pag iisip kay Eric. Nagising lang siya sa pag ring ng kanyang cell phone. Noong kanyang sagutin ay si Eric ang nasa kabilang linya. Bakit alam ni Eric ang kanyang number hindi niya natatandaan na ibinigay niya ito. Muling pinahahanga siya ni Eric kahit sa maliliit na bagay. Talaga yatang ganito ang umiibig. Pinukaw siya ng mga pag hellow ni Eric sa kanilang linya. Angeline nandiyan ka ba? Bakit di ka sumasagot. Saka palang naalala ni Angeline na sa kabilang linya si Eric. Kagigising mo lang ba? Ang tanong nito sa kanya. Oo nagising ako sa ring ng aking cell. Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo. Ok lang tanghali nanaman  ehh.. kailangan  ko na ring bumangon.
              Ganoon ba ok puedeng pick up kita after ng isang oras. Para sa lakad natin today. Saka palang naalala ni Angeline may usapan pala sila ni Eric na mamasyal. Hindi alam ni Angeline nasa labas na si Eric at nag iintay sa kanya. Dahil sa pag iisip noong nakaraang gabi di agad nakatulog kaya eto  tanghali na tulog pa siya. Nakakahiya naman nakalimutan niya ang lakad nila ni Eric. Kaya dali dali siyang bumangon at naligo pumili siya ng damit na maganda medyo daring pero di bastusin tignan. Napakaganda at bagay na bagay sa kanya ang damit na kanyang napili. Kahit sino ang makakakita nito mapapa inlove sa kanya. Litaw na litaw ang kanyang kaseksihan sa kanyang kasuutan.  Ang kaputian niya bagay na bagay ang kulay pula lalu lumututang ang kanyang kagandahan.
              Habang hinihintay ni Eric si Angeline di niya maiwasan isipin ang  dalaga. Balak  niyang dalhin si Angeline sa lupang kanyang binili noon pa. balak niyang patayuan ito ng isang bahay bakasyunan.  Noong makita niya ang lupang ito na inlove na agad siya. Pag nasa tuktok ka ng burol tanaw mo ang kalawakan ng tagaytay. Ito ang balak niyang ipakita kay Angeline. Sana magustuhan niya ito. Kung sakali siya ang mag mamay ari ng bahay bakasyunan kanyang ipapagawa dito. Buo na ang kanyang loob na si Angeline ang babaeng gusto niyang makasama sa buong buhay niya. Kung sasagutin siya ni Angeline kaagad aayain ko siyang pakasalan. Nasa ganitong  pag iisip si Eric ng lumabasa ng gate si Angeline.
              Nagulat pa si Eric noong makita niya si Angeline na papalapit na sa kanyang car. Kitang kita niya ang kaseksihan nito habang nag lalakad papunta sa kotse. Talagang napakaganda ng kanyang minamahal. Para itong isang diyosa na bumaba sa kalangitan. Bumaba si Eric sa kotse para pagbuksan ng pintuan ang dalaga. Bago sumakay sa car si Angeline kinintalan ng isang halik ni Eric si Angeline. Pag sakay tinanong niya si Eric kung saan sila pupunta ngayon.isang ngiti ang itinugon ni Eric  sa kanya. Mayroon akong ipapakita sa iyo. Sana magustuhan mo.
              Binabaybay nila ang daan papalabas ng kamaynilaan. Saka muling nag tanong si Angeline kung saan nga sila pupunta. Papalabasa na ito ng metro manila. Malapit lang ang pupuntahan natin. Sa tagaytay ang punta natin. Ipapakita ko sa iyo ang isang magandang tanawin doon. Sabagay di naman kalayuan ang tagaytay sa maynila. Hindi nag tagal inihinto ni Eric ang kanang sasakyan. Inilibot ni Angeline ang kanyang pananaw. Nakaharap sila sa isang burol hindi naman kataasan ito. Pero ang ganda ng kapaligiran. Mukhang unti unti na ito denedevelop. May mag puno na nakatanim at nasa tamang lugar ang mga puno. Parang sinadyang itanin doon. Maayos na ang kapaligiran malinis. Kulang na lang dito ay isang bahay bakasyunan ang sabi ni Angeline kay Eric. Tama ka balak kong patayuan ng isang bahay bakasyunan ito. Para kung mag asawa ako mayroon na.
              Itinuro ni Eric ang tuktok ng burol tara akyat tayo doon. Hindi makakibo si Angeline kasi ba naman na suot niyang sapatos.pansin ni Eric na parang atubili si Angeline na umakyat sa tuktok ng burol. Pero di alam ni Angeline nakahanda sa ganoon si Eric. Umikot ito sa likuran ng kanyang car at may kinuha. Isang pares na sandal na puedeng puede niyang isuot paakyat sa burol. Habang papaakyat sila sa burol nag haharutan silang dalawa. Hanggang sa mag habulan sila. Nag pahabol si Angeline kay  Eric. Ano ang premyo ko pa inabutan kita? Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni Angeline.
              Noong abutan siya ni Eric niyakap siya at sinabayan ng buhat. Inikot siya sa ere na parang sa mga pilikula lang nakikita ni Angeline. Ngayon siya ang babae buhat buhat ng lalaki at umiikot sa ere. Kay sarap pala ng pakiramdam. Sa pag baba kinintalan siya ng halik ni Eric sa kanyang mga labi. Sa una marahang halik at habang tumatagal nagiging maalab ang mga halik ni Eric. Na siyang tumutupok sa kanyang katauhan. Noong mag hiwalay ang kanilang mga labi halos mapugto na ang kanilang mga hininga. Pag katapos ng kanilang pag hahalikan saka ibinulong ni Eric ang salitang kanyang iniintay sabihin ang I LOVE YOU Angeline. Handa kitang pakasalan kahit anong oras at araw mo gustuhin.
              Sabay dukot sa kanyang bulsa binili pa niya ito noong nasa Hong kong pa siya. Isang kahita na nag lalaman ng isang singsing. Sa pag kakataon ito nag papahayag na  nang pag ibig si Eric at the same time nag aaya ng kasal. Hindi makapaniwala si Angeline sa bilis ng pang yayari sa buhay niya. Kung di mo pa kayang ibigay sa akin ang kasagutan ok lang . handa akong mag intay kung kailan ka nakahandang akong pakasalan. Pero itong sing sing tanggapin mo kung mahal mo ako. Na katunayang tinatanggap mo ang aking pag ibig. Inabot ni Eric ang kamay ni Angeline at isinuot niya ang ring sa daliri nito. Hindi tumangi si Angeline.
              Sa pag tahimik ni Angeline tinatanggap niya ang pag ibig ni Eric. Pag kasuot ng ring niyakap muli ni Eric si Angeline at muli nag lapat ang kanilang mga labi. Sa pag kakataong ito nawalan ng balance si Angeline at nabuwal siya sa damuhan. Kasama niyang nabuwal si Eric na di siya binibitawan sa pag kakayakap sa kanya. Hanggang nag pagulong gulong sila sa damuhan na mag kayakap. Nang huminto sila sa pag gulong mag kalapat parin ang kanilang mga labi.
              Ito na pinakamaligayang araw  sa buhay ni Angeline. Ganoon din si Eric. Sa pag tanggap ni Angeline sa kanyang pag ibig at ng alay niyang ring dito para na siyang nanalo sa lotto.ipinapangako ni Eric hinding hindi mag sisisi si  Angeline  sa pag bibigay sa kanya ng pag kakataong mahalin niya ito. Noong bumalik sila sa maynila walang mapag siglan ng kasiyahan ang puso ng dalawang nag mamahalan.
              Sila na nga kaya ang mag kakatuluyan? Sa kasalan na nga kaya sila hahantong? Sa maigsing panahon natuklasan nila na mahal nila ang isat isa. Wala na kayang magiging problema? Sa pag kakataong ito matuloy matuloy na kaya?
 ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 1/24/12
             

Monday, January 23, 2012

BUHAY AT PAG IBIG SA DISYIERTO!

BUHAY AT PAG IBIG SA DISYIERTO
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Lumisan sa bansang kanyang sinilangan
Para sa kanilang pamilya at  kinabukasan
Walang hinangad makalayo sa kahirapan
Mahal sa buhay gustong bigyan kasaganaan

Kanyang tiniis init at lamig  sa disyierto
Mapag aral ang mga anak kaya lumayo
Sa mga hirap na dinadanas hindi sumusuko
Pag susumikap sa buhay hindi humihinto

Pangungulila sa mga mahal na iniwan
Walang pinaghahawakan ang pag mamahalan
Iniisip lang kaligayahan at panga ngailangan
Pag sariling kapighatian di niya mapigilan

Homesick nararamdaman di mapigilan
Dumating sandali hindi niya naiwasan
Natukso habang malayo kinasasabikan
Sandaling kaligayahan kanyang naranasan

Dahil nangungulila pansandaling ligaya pinatulan
Pangsariling kaligayahan kanyang kinasasabikan
Dahil dito sa pamilya siya nagkasala ng tuluyan
Sa pag lisan sa pamilya naging isang makasalanan

Pang sandaling kaligayahan pamilya nakalimutan
Nalunod sa makasalanan kaligayahan naramdaman
Homesick kanyang nakalimutan pati kinabukasan
Paano na ngayon ang mga mahal sa buhay na iniwan

Tukso ng maling pag ibig sadyang mapanghalina
Kung hindi matibay ang pinaghahawakan mag hihina
Ang pangangaliwa ginawa hindi niya ina akala
Kaya minsan siya napapa isip at siya napapatulala

Bakit siya naging makasalanan ng di inaasahan
Dahil sa pangungulila ito’y kanyang naranasan
Ayaw man niya maging marupok ng tuluyan
Isipin mga anak at kanilang kinabukasan

Maling pag ibig  sa maling pag kakataon
Sinusubok ang tatag ng loob sa maling relasyon
Dumarating ang pag ibig sa maling panahon
Ayaw mang sa kasalanan siya mabaon
Ni Rhea Hernandez 1/23/12

KASUYO

KASUYO
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Sa pag sapit ng bukang liwayway
Mag kasama natin itong hinihintay
Habang haring araw sa atin nakatunghay
Mag kahawak kamay tayo’y nag lalakbay

Pero ngayon ayoko umaga sumapit
Pag dilat ng mata mukhang kaakit akit
Sa puso at isipan ikaw ang sinasambit
Kailan darating muli na ikaw makakamit

Walang ina asam kundi muling makapiling
Aking laging hinahanap yapos at lambing
Mahal kailan muling babalik sa aking piling
Sana’y dingin mo ang puso kong dumadaing

Ang buhay nawalan ng sigla noong lumisan
Kailan kaya muli sisigla at mararamdaman
Ako’y maghihitay sa magandang kinabukasan
Saan ako mag hihintay sa silangan o kanluran

Sa aking mga gunita lagi kang dumadalaw
Mga halakhak mo’y sa akin umaalingawngaw
Itong puso sa pag mamahal mo’y nauuhaw
Kailan mararamdaman puso ko natitighaw

Hindi ko maipaliwanag aking nararamdaman
Ayoko ng ganitong sobra ang katahimikan
Pag gising sa umaga hanap kaligayahan
Sa araw tayo’y magkaulayaw kinasasabikan

Kay sarap gunitain ang pag mamahalan
Laging na aalala ang ating nakaraan
Pag gising sa umaga kaw pinagsisilbihan
Noon lubos lubos ang ating kaligayahan

Ito masasayang araw na nagdaan
Di na maibabalik kahapon kailan man
Sa iyo mahal ako wala ng karapatan
Kaya Poong Maykapal siyang daingan.

Hindi ko na hinahangad magkabalikan
Tama na minsang ikaw pinag ukulan
Dapat ng harapin ang karuwagan
Kalimutan ka harapin ang kinabukasan
Ni Rhea Hernandez 1/23/12

LOVE STORY "ANGELINE" chapter 10

LOVE STORY “ ANGELINE” chapter 10
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Sa pag babalik ni Angeline galing sa bakasyon halos di siya nakilala ng mga kasamahan niya sa opisina. Pati si Teddy di siya makapaniwala na ganoon kaganda ang dati niyang kasintahan na muntik na niyang maging asawa. Na dapat ngayon sana asawa na niya sa mga sandaling ito at siya ang nag papasasa sa magandang katawan nito. Sayang bakit di ko nakita ang itinatagong ganda ni Angeline noong kami pa. Ang bulong ni Teddy sa kanyang sarili.
              Isang araw nag  kasalubong sila ni Teddy. Taas ang kanyang noo sa pag lalakad. Sino ba ang nawalan? Akala niya ngayon umurong siya sa aming kasal mag mumukmok na lang ako sa isang sulok. Iiyakan ko siya at mag hihinayang ako sa  kanyang pag ibig na alang tibay na maaasahan. Hindi niya alam nag papasalamat pa ako at di natuloy ang aming kasal. Ang bulong ni Angeline sa kanyang sarili. Pag katapos niyang makasalubong si Teddy na halos di maalis ang tingin sa kanya.
              Hindi makapaniwala si Teddy na ganoon kaganda si Angeline. Kung alam ko lang na ganoong kaganda di sin sana di ko na siya pinakawalan pa. kahit nga noon di sya ganoong kaganda minahal ko siya. Di lalu na ngayon ganyan siya kaganda. Daig pa niya ang mga nag gagandahang mutya ng Pilipinas. Sana kung alam ko lang na di kami nag katuluyan sana noon pa lang umiskor na ako sa kanya. Para masabi ko man lang na ako ang naka una sa kanya. Pero laking pag hihinayang ni Teddy sapagkat sa totoo lang ni halik di niya nagawa. Ni ang kanyang mga magagandang labi di ko natikman man lamang. Masyado ko siyang iginalang noon iyon pala di kami mag kakatuluyan.
              Kung alam ko lang na mumurahing babae ang kanyang ina. Sana di ko na lang iginalang ang kanyang pag kababae. Kung alam ko lang na di kami mag kakatuluyan sana natikman ko man lang siya. Sayang talaga kung alam ko lang na di dapat idambana ang isang katulad niya . Akala ko kay busilak ng kanyang pag katao yon pala produkto siya ng isang galing sa putikan. Hanggang ngayon kay sama pa rin ang tingin  ni Teddy sa kanyang pag katao. Ang walanghiyang lalaki akala mo kung sinong kay linis. Kung di ko pa alam na maganda nga ang kanilang pamilya sa labas at kay linis tignan. Pero pag pinasok mo ang kalooban daig pa nito ang nabubulok at umaalingasaw sa baho.
              Hindi matangap ni Teddy na isang ginto ang kanyang inayawan. Kaya naman nilunod niya ang kanyang sarili sa alak. Ngayon niya napatunayan sa kanyang sarili na talagang mahal niya si Angeline. Ang mga kapintasan nito na pilit lang niyang ginagawa para makumbinsi niya ang kanyang sarili na di karapat dapat para sa kanya si Angeline. Pero ang totoo nag sisi siya kung bakit niya sinunod ang kagustuhan ng kanyang ina.  Kung bubuksan talaga ni Angeline ang aking puso siya lang ang nasa loob nito.
              Habang tumatagal lalu nagiging masakit ang kanilang pag hihiwalay. Lalu na ngayon makita niya si Angeline na lalung kaibig ibig. At lalung sumidhi ang kanyang pag nanasa niya dito. Halos napapabayaan na niya ang kanyang trabaho sa pag iisip kay Angeline. Halos gabi gabi nilulunod niya ang kanyang sarili sa pag inom. Kaya sa pag pasok niya sa trabaho amoy alak pa siya kahit naligo na. At di lang iyon  dahil kulang sa tulog at maraming naiinom na alak pati pag iisip ay dina tama. Napapabayaan na ang trabaho at naging bugnutin at minsan wala na sa katwiran. Kaya napapansin na ito ng kanyang supervisor. Hanggang makatangap na siya ng memo. Buhat noong mag work siya 1st time niyang makatangap at ngayon din lang siya naging pabaya sa kanyang trabaho.
              Dahit sa palaging lasing pati ang dating kay gandang manamit at neat tignan. Nawala na rin. Kaya minsan dina siya tamang mag isip. Isang araw nakita niya si Angeline pinipilit niyang kausapin siya. Ayaw ni Angeline kasi mukhang nakainom na ito.Kailan ka pa naging lasengo mukhang wala ka na sarili mong katinuan. Iyong sungab ni Teddy kay Angeline at tangkang araruhin ng halik.nag pupumiglas si Angeline para makawala sa pag kakayapos ni Teddy. Galit nag alit si Angeline sa ginagawa ni Teddy.
              Bakit ayaw mo akong pag bigyan wala ka namang ipag mamalaki. Bakit nag mamalinis ka pa isa ka naman anak ng isang puta. Sa narinig ni Angeline lalu siyang nagalit kay Teddy. Lalu lumiit ang tingin niya sa lalaki. Kay kitid ng iyong pag iisip. Ano ang kasalanan ko, kung ang aking ina ay isang hostess. Kahit hostess ang aking ina ibig sabihin hostess na rin ako. Nag mamalinis ka pa di ba kahit kailan ang santol di mamumunga ng mangga. Pinag sasampal ni Angeline si Teddy sa ginawa niya bumitiw ito at doon nag umpisang umiyak. Saka niya inamin na mahal na mahal niya ito. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Hindi niya kayang kung wala siya sa buhay niya.
              Napilitan lang akong sumunod sa akin ina. Kaya umurong ako sa ating kasal. Sapagkat ito ang kanilang kagustuhan. Bilang isang mabait na anak kailangan ko silang sundin kahit labag sa aking kalooban. Sumama ka na sa akin mag tanan tayo. Ituloy na natin ang ating kasal. Ngayon napatunayan ko sa aking sarili na di ko kayang wala ka sa buhay ko. Pero Teddy ako naman dahil sa pag ayaw mo saka ko napatunayan sa aking sarili na di pala kita tunay na mahal.  Mag papakasal lang ako sa iyo sapagkat ikaw ang mag kakapag bigay sa akin na matagal ko ng pinapangarap na isang buong pamilya na may magandang background na isang huwarang pamilya na ala ako buhat noong akong isilang sa mundo.
              Ang buong akala ko isa maka Diyos ang pamilya mo maiintindihan ninyo ang aking katayuan. Pero di ko akalain kayo pa ang unang huhusga sa aking pag katao. Parang di mo ako kilala na isang matuwid at malinis na babae. Na kay tagal mo akong kakilala at sa ating mga pinagsamahan di mo nakita kung gaano kabusilak ang aking kalooban. Noong malaman mo na isang hostess ang aking ina hinusgahan mo na agad ako na isa din maruming babae. Ang buo kong akala mahal mo ako kaya mo ako handang pakasalan. Di mo pala ako mahal dahil lang sa isang  pangit na kahapon ng aking ina biglang kang umurong sa ating kasal.
              Sa mga sinambit ni Angeline parang binuhusan ng malamig na tubig si Teddy. Natulos sa kanyang kinatatayuan. Iyon ang iniintay ni Angeline para iwanan na ang lalaki malayo layo na rin ang nalalakad ni Angeline  ng mapasalampak sa semento si Teddy. Sising alipin siya. Ngayon lang niya nabatid na mahal na mahal niya si Angeline. Parang ayaw na niyang mabuhay kung mawawla ito sa kanya. Saka niya napapatunayang isang matatag na babae si Angeline. Sa nakikita niyang tatag nito sa pag harap sa malaking pag subok niya sa buhay. Napapahiya siya. Maturingan isa siyang lalaki pero wala siyang paninindigan. Siya ang nag papakita ng kahinaan .
              Dahil sa pag uusap nila ni Angeline parang natauhan si Teddy. Gusto niyang buuin uli nag kanyang sarili. Nag file siya ng leave sa kanyang trabaho. Pipilitin niyang makalimot at makabalik sa dating katauhan. Iiwasan na niya ang palaging pag inom gabi gabi. Gusto niya ipakita kay Angeline na isa na siyang matatag at may sariling paninindigan. Hindi isang sunud sunuran sa kanyang ina. Kahit mali pikit matang sinusunod ang kagustuhan nito. Kailangan na niyang mag move on. Tama si Angeline kailangan matuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa.
              Para sa pag dating ng araw na muli akong umibig kaya ko na siyang ipag tangol sa aking mga magulang. Sa susunod na muli akong umibig hindi ko na hahayaan sila na pakialaman pa ang tinitibok ng aking puso. Sa mga isipan ni Teddy buo na ang kanyang pasya. Kahit ikagalit na ng kanyang mga magulang bubukod na siya sa mga ito para maharap niya ang kanyang pag babago. Salamat kay Angeline at inimulat niya ang aking mga mata sa katotohanan. Sana dumating ang araw na tuluyan ko siyang makalimutan. Ang kanyang nararamdamang pag mamahal kay Angeline para masabing tuluyan na siyang nakapag move on.
              Naging matatag ang pag tangi ni Angeline kay Teddy na makipag balikan. Alam niya kung bakit  hindi na si Teddy ang kanyang iniisip kundi si Eric. Mahal na nag yata niya ito. At isa  pa hindi hadlang ang mama nito kung saka sakali. Pero bakit ganoon? Buhat noong mag dinner kami sa bahay nila dina  muling nag pakita sa kanya. Oo nga panay ang padala niya ng mga bulaklak. Aanhin ko naman ang mga bulaklak kung wala naman ang nag papadala. Bakit ganito ang aking nararamdaman sa lalaking iyon. Hinahanap hanap ko na siya ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong feeling. Kahit noon kay Ruffy hindi ako nanabik ng ganito sa kanya.
              Anu na ang nag yari kay Eric ? bakit dina siya nag pakita buhat  halikan niya ito noong ihatid? Sina sadya kaya ni Eric ? silang dalawa kaya ang mag kakatuluyan? Mahal nga kaya ni Eric si Angeline? ABANGAN!! Copyright by rhea Hernandez 1/23/12
          

Thursday, January 19, 2012

BAKIT MAHAL!!

BAKIT MAHAL!!
NI Rhea Hernandez
Pinoy poems

Buhat noong makilala
Buhay napuno ng pag asa
Paligid naging masaya
Ang puso sa iyo nahalina

Dahil sa iyo buhay nagbago
Ikaw naging pag asa ng buhay ko
Ang dating derekyon magulo
Dahil sa iyo biglang tumino

Ikaw aking minahal at sinuyo
Ikaw ako nag mahalan ng totoo
Puso natin naging sigurado
Sa pagsusuyuan nakuntento

Noong  tugunin ang pag suyo
Ako pinakamaligaya sa mundo
Dahil sa pag ibig nakuha magbago
Kinabukasan natin lagi sa isip ko

Tayo nag sunpaan habang buhay
Pag ibig  ko sa iyo naka agapay
Tamis ng ligaya sa iyo iaalay
Kahit sa pag tulog nakatunghay

Ako’y umalis ikaw iniwan
Para sa kinabukasan paghandaan
Para malunasan ang kahirapan
Ang katapatan mo siyang aasahan

Bakit bigla kang nag bago
Ang lungkot sa disyerto
Aking tiniis na todong todo
Bakit ito ang napala ko

Noong wala nag mahal ka ng iba
Ito ba ang aking gantimpala
Sa pag susumikap ito napala
Lokohin mo ipag palit sa iba

Akala ko mahal mo ako
Di maaasahan ang pag suyo mo
Bakit naging malikot ang puso
Mga pangarap biglang gumuho

Bumaligtad ang mundo ko
Parang gusto kong mag laho
 Dito sa ibabaw ng mundo
Ang kinabukasan gumuho

Kay hirap lumayo sa kasuyo
Nag babago tibok ng puso
Ang isip ko natutuliro syo
Ang puso sa iba narahuyo
1/19/12

Wednesday, January 18, 2012

LOVE STORY " ANGELINE" chapter 8

LOVE STORY “ANGELINE” chapter 8
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Di maamin ni Eric sa kanyang sarili na in love na siya kay Angeline. Kasi ba naman ngayon lang nag yari sa kanya na mag alala siya sa isang babae na ngayon lang niya nakilala. Marami din mga babae na sila pa ang nag paparamdam pero di nila pinapansin at di man lang niya pinag uukulan ng panahon. Pero itong si Angeline  binabalisa siya ng husto.  Lagi siyang nag alala kung ano na ang nag yayari sa kanya habang nasa malayo siya at di siya kasama.
              Ito na kaya ang tinatawag nilang pag ibig ? inabot kasi niya ang ganitong edad na di siya nanliligaw at lagi siya ang nililigawan ng mga babae.kaya naman  ala pa siyang naging GF. Gusto kasi niya siya ang manunuyo at man liligaw sa babae. Ayaw niya ang sobrang moderna sa pag dating sa pag ibig pero ayaw din niya na masyado na tulad ni angeline na halos itago ang kanyang personality. Halos di nakatulog ng mag damag si Eric sa pag iisip kay Angeline bakit siya nag kaka ganito.
              Si Angeline di rin  sya makatulog habang nasa kanyang room. Panay biling niya sa kanyang higaan at si Eric ang nasa kanyang  isipan. Bakit siya inaabala ng lalaking ito sa kanyang pag tulog. Di rin lang siya makatulog lalabas na lang siya ng kanyang room kung gising pa si Eric makikipag kuwentuhan na lang siya hanggang antukin siya. Siguro dala lang nag mahaba niyang pag tulog kanina kaya ayaw siyang dalawin ng antok. Mag kukunwari siyang kukuha ng tubig para di masyadong halata kaya siya lumabas ay para lang makipag wentuhan sa kanya.
              Ganoon nga ang kanyang ginawa lumabas siya dumeretcho sa kusina at kumuha ng tubig at uminom. At nag lagay na rin siya uli ng tubig sa baso na kanyang dadalhin sa kanyang room. Nang biglang mag salita si Eric sa kanyang likuran. Na muntik na niya ikalundag sa gulat. Di niya akalain na sundan siya ni Eric doon. Nauuhaw ka ba kaya di ka makatulog. Medyo nauhaw ako nakalimutan ko kasing mag dala ng tubig kanina. Napaka sexy mo talaga pag nakasuot ka ng pantulog mo. Saka palang naalala uli ni Angeline na di siya nakapag suot ng robe noong lumabas siya ng kanyang room.
               Baka isipin ni Eric na sinasadya niya ito. Baka isipin niya na inaakit ko siya. Sa isipan itinatanong ni Angeline. O bakit di kana sumagot dyan sabi ni Eric nanamalikmata ka nanaman sa ka guapuhan ko ano. Saka palang parang natauhan si Angeline. Salamat naman at di masyadong daring ang suot niyang pantulog ngayon di katulad noong una niyang makita ito. Sinadya niya kasing mas simple lang ang isuot niya ngayon. Kasi alam niya nasa labas lang si Eric.
              Puede mag kuwentuhan muna tayo kung di ka pa inaantok ako kasi di makatulog ehh! Ang sabi ni Eric, ok lang total ang haba ng tulog ko kanina kaya siguro di ako makatulog. Tara doon sa sofa doon tayo mag usap di tayo nakatayo ng ganito. Saka palang nila napansin na kanina pa sila nakatayo sa kusina sa harap ng refrigerator. Hawak hawak pa niya ang basong may lamang tubig. Iginiya siya ni Eric paupo sa sofa akala mo may sakit siya na inaalalayan pa ni Eric sa pag lalakad. Bakit ganito sunod sunuran siya kay Eric. Ngayon lang nag yari sa kanya ito . kay Teddy siya ang nasusunod lagi siyang naka ayaw. Pero ngayon daig pa niya ang robot  na sumusunod sa kanyang mga command. Nakakapag taka talaga ang mga nagyayari sa kanya ngayon kung bakit di niya alam ang kasagutan. Kung alam man niya ayaw niyang alamin pa kung bakit ganito siya sa lalaking ito baka masaktan lang siya tulad nagyari sa kanila ni Teddy.
              Masayang kausap si Eric kaya di nila namalayan na madaling araw na. napipikit na ang kanyang mga mata di niya namalayan nakatulog pala siya habang nakasandal sa sofa. Pinag mamasdan siya ni Eric hindi mapigil ni Eric na di siya kintalan ng halik sa kanyang pisngi. Sa himbing ng pag kakatulog ni Angeline di niya naramdaman ang panakaw na halik ni Eric sa kanya. Binuhat ni Eric si Angeline at dinala niya ito sa kanyang kama. Dumilat si Angeline habang buhat buhat siya ni Eric. Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Eric para sa di mahirapan ito sa pag buhat sa kanya.
              Nangiti lang si Eric sa ginawang reaction ni Angeline. Akala niya magagalit ito at binuhat niya. Pero eto para pa niya niyakap si Eric sa pag lalagay niya ng kanyang kamay sa leeg nito. Noong ibaba siya sa kama nag pasalamat pa si Angeline salamat sa pag bubuhat kahit mabigat ako sana ginising mo na lang ako para lumipat sa room. Di hindi kita nabuhat at di mo ako niyakap habang buhat buhat kita. Ganoon iniisahan mo na  ako niyan nag katawanan nanaman sila. Sa pag kagising ni Angeline habang nakahiga siya at si Eric nakaupo sa gilid ng kama.tinuloy nila ang pag kukuwentuhan.
              Sige ituloy mo na ang iyong pag tulog at ako lalabas na. Isang halik sa noo ang ibinigay ni Eric kay Angeline para sa goodnight kiss.ipinikit lang ni Angeline ang kanyang mga mata na parang natutulog. Pinag salikop ni Eric ang kanyang dalawang palad sa mukha ni Angeline at ibinulong na ang ganda ganda mo talaga. Akala ni Angeline hahalikan siya nito sa kanyang mga labi pero walang halik na dumapo sa kanyang mga labi. Bagkus narinig niya ang pag sara ng pintuan ng kanyang kuarto. Doon humahanga si Angeline kay Eric. Marunong rumespeto sa isang tao. Di marunong mag samantala sa isang pag kakataon.
              Nangingiti si Eric sa kanyang sarili. Anu itong nag yayari sa kanya. Para siyang isang teenager na kinikilig sa isang halik sa noo sa isang babae. Kung iba siguro si Angeline sa tagpo kanina sa room niya baka kung saan na sila nakarating. Pero kay Angeline di niya magawa. Iginagalang niya ang pag ka babae nito. Malaki ang kanyang respeto sa babaeng ito na siya niyang ipinag tataka. Ganito nga yata ang pag ibig. Marunong  mag intay ng tamang pagkakataon. Makakapag intay sa tamang panahon at kailangan ipadama mo ang iyong pag mamahal bago ang lust na iyong nararamdaman.
              Kailangan niyang matulog kahit iglip lang para sa sa mahaba niyang araw. Marami siyang dapat ayusin at kausapin kinabukasan. Di pala mamaya na iyon. Pinikit n alang ni Eric ang kanyang mag mata para sa pag iglip ng ilang oras. Kaya di rin niya namalayan nakatulog na siya na may ngiti sa  kanyang mga labi. Sa kabilang room mahimbing na rin ang pag kakatulog ni Angeline. Payapa ang kanyang kalooban habang natutulog. Parang sa pag uusap nila ni Eric malaki ang iginaang ng kanyang isipan at damdamin.
              Hindi akalain ni Angeline na maikuwento niya lahat ang mga hinaing niya sa buhay kay Eric. Ang  kanyang pagiging anak ng isang dayuhan na di niya nakilala kung sino.  Hanggang sa pag ayaw ni Teddy  na ituloy ang kasal nila. Kung kaya siya nandito sa lugar na ito. Hindi niya akalain na ang mga kuwento ng buhay niya na gusto niyang itago at ng di siya husgahan sa kanyang pag katao ay kanyang ikuwento lahat kay Eric kanina. Di niya maintindihan kung bakit niya naikuwento ang lahat ng ito sa kanya. Ano mayroon siya para ikuwento niya ang mga gusto niyang itago.
              Dahil kaya sa  nakikita niya na di siya nito hinuhusgahan. Kung ano ang kanyang kahapon bale wala sa kanya kung ano ito.lagi niyang sinasabi  ang mahalaga ang ngayon hindi ang iyong kahapon. Ang mahalaga kung ano ka ngayon hindi yong kung ano ka noon at kung sino ang iyong mga magulang. Hindi mo pinili kung sino ang iyong mga magulang. Saka mabait naman ang kanyang ina at mahal na mahal siya nito.anu pa daw ang hinahanap ko. Ang mahalaga daw ang aking pag susumikap na maiahon na ang aming mga sarili sa di magandang kinasadlakan ng buhay naming noon. Ang mahalaga kung ano kami ngayon.
              Dito niya hinahangaan si Eric . Hindi siya humuhusga sa nakaraan ng isang tao. Kundi ang tinitignan niya ang kasalukuyan. Kakaiba siya sa mga lalaking kanyang nakilala. Sa mga isipin ito nakatulugan ni Angeline at sa pag gising niya. Wala na si Eric nag iwan na lang ng note kasama ng kanyang almusal. Di na daw siya ginising alam niya na puyat siya. Mayroon lang siyang kailangan na asikasuhin at pag natapos siya ng maaga muli silang mamasyal sa kanyang pag babalik. Sana daw intayin siya nito sa kanyang pag babalik. Sabay daw silang kakain ng dinner.
              Pag kakain nag shower lang siya at nag bihis.gusto niyang makita ang market dito baka mayroon siyang magustuhan bilhin para pasalubong sa kanyang ina.at para na rin sa kanya. Nag libot libot siya ang ganda talaga ang lugar na ito. Ang daming magagandang pang pasalubong sa kanyang ina. Nawili siya sa pamimili at sa pag lilibot sa mga tindahan kahit di siya bibili inuusisa niya ang mga paninda .puno ang dalawa niyang kamay sa mga napamili niya para sa kanyang ina. Siguradong matutuwa siya sa mga pinamili ko. Ang bulong ni Angeline sa kanyang sarili.
              Dahil sa pag lilibot niya at sa pamimili nagutom siya . kumain na siya bago pa man siya bumalik sa kanyang room. Dahil sa pagod at sa puyat noong nag daang gabi nag pahinga siya at siya nakatulog. Sa pag gising niya nandoon na si Eric.  Nakaupo sa living room at nanonood ng TV. Noong makita niya na gising na si Angeline pinatay ang TV at hinarap si Angeline. Nakapag pahinga ka bang  mabuti sa iyong pag tulog?  Kanina ka pa ba diyan? Ang balik na tanong ni Angeline kay Eric. Kadarating ko lang noong makita kitang tulog dina kita inistorbo alam ko late kana natulog kagabi.
              Mukhang lumabas ka kanina?  Namili ng mga pasalubong sa pag uwi mo! Hanggang kailan ka ba dito? Ang tanong ni Eric. Pang 3 days ko na ngayon mayroon pa akong 2 days para umuwi. Ahh! Oo nga pala nasa tickets ang araw ng balik mo. At iyon na din ang gagamitin ko sa pag balik sa Maynila para sabay na tayo sa eroplano. Dapat balik na ako bukas kasi tapos na ang mga inaayos ko dito. Ayaw ko naman na iwanan kang mag isa dito. Saka bayad ko na yong tickets diba? Sayang naman kung di ko gagamitin. Alam ni Angeline palusot lang iyon kay Eric ang totoo gusto lang niya makasama  kahit 2days man lang si Angeline.
              Totoo ang iniisip ni Angeline gusto lang makasama niya ito. At gusto din niya ilibot sa magagandang tanawin. Ngayon ala na siyang inaasikaso  puede na niyang ibigay kay Angeline ang kanyang buong gabi at bukas buong mag hapon. Bago sila bumalik sa maynila. Gusto niyang maging memorable ang kanyang pag stay dito yong di niya makakalimutan kahit bumalik na siya sa maynila ang bulong ni Eric sa kanyang isipan. Gusto ni Eric na makasama pa niya ng matagal si Angeline. Kung puede nga huwag na siyang bumalik sa Maynila dito na lang muna sila ni Angeline. Kaso ang daming trabahong nag iintay sa kanya.
              Ang dami niyang aasikasuhin sa pag dating niya sa Maynila. Yong mga transaction ginawa niya dito ay siya niyang isasakatuparan sa Maynila. Kung ilang araw din siyang magiging punong abala. At wala siyang panahon para mag kalapit sila muli  ni Angeline pag dating sa Maynila. Kaya lulubusin na niya at isusulit ang mga sandaling mag kasama sila ngayon. Ipaparamdam na niya kay Angeline na mahalaga ito sa kanya. Sana naman maramdaman ito ni Angeline na itinatangi siya ng aking puso. Kahit sa maikling panahon na mag kakilala kami inibig na siya ng aking puso. Siya na ang laman nito pati na kanyang isipan. Kaya lang paaano niya sasabihin ito kay Angeline.  Kasalukuyan pa lang nag papagaling ng kanyang sugatang puso. Ayaw ni Eric na samantalahin ang kanyang kahinaan sa ngayon.
              Gusto niya kung mamahalin siya ni Angeline yong ala na sa puso niya ang pag kabigo sa pag ibig niya kay Teddy. Pero sa pag dating ng panahong iyon nandiyan lang siya sa tabi ni Angeline. Hindi na niya ito papakawalan pa. minsan lang siya mag mahal dina  niya ito papakawalan pa. talagang masama ang tama ni Eric kay Angeline. Sana ganon din si Angeline mahalin din niya ako ng pareho ng pag mamahal ko sa kanya. Ang piping hiling ni Eric sa kanyang munting kahilingan.
              Sa pamamasyal nila ni Angeline  di pinasuot ni Eric ang damit niya. Mayroon nanaman dalang damit si Eric para isuot niya sa kanilang pamamasyal. Ok lang naman si Angeline sa mga damit na gustong ipasuot sa kanya. Siya man itong klaseng pananamit ang gusto niya. Pilit din sa kanyang kalooban ang pag susuot ng mga damit na halos kamukha ng mga gayak ni Miss Tapia. Pareho silang masaya sa pamamasyal. Walang dull moment  pag sila mag kasama. Akala nga sa hotel na tinutuluyan nila na  mag asawa nga sila. Sabi nga noong isa  bagay daw silang dalawa isang maganda mestisa at isang guapo at simpatico.
              Pag pinupuri sila ng ganoon isang ngiti lang ang tinutugon nila sa mga ito. Sila lang ang nakakaalam kung ano talaga ang tunay nilang relasyon sa isa’t isa. Dumating na ang oras na pag babalik nila sa Maynila. Nalulungkot si Angeline tapos na ang kanilang masasayang mga sandali. Naging masaya siya sa mga oras na mag kasama sila. Hinding hindi niya makakalimutan ang mga oras na mag kasama sila ni Eric. Inaamin ni Angeline na ngayon lang siya sumaya ng ganito habang kasama niya si Eric. Pero tapos na ang kanilang pag papangap na mag asawa sa tingin ng mga tao. Babalik na sila sa kanilang mga sarili.
              Sa kanilang pag hihiwalay sa airport nag kamay pa sila tanda ng pag papasalamat at di sila nabuking sa kanilang pag papangap bilang mag asawa. Sa pag labas ng airport di na alam pa ni Angeline kung mag kikita pa ba ulit sila ni Eric o anu pa. Kasi ba naman bakit di niya nahingi ang phone number man lang nito. At bakit di man lang hiningi ni Eric ang kanyang kontak number. Talagang hanggang doon na lang sila. Sa pag hihiwalay nila dito sa airport ito na ang kanilang huling pag kikita. Nag hihinayang siAngeline kung bakit di niya nakuha man lang ang cell number nito.
              Ang masasaya nilang araw sa boracay ay doon din  matatapos ang mga alaala nila. Nakakapag hinayang talaga. Ang sambit ni Angeline sa kanyang sarili. Kung puede lang dugtungan pa  ang kanilang pagiging mag kaibigan. Sana mag kita uli sila dito sa Maynila at ituloy ang kanilang naumpisahan sa Boracay. Pero mag hinayang man siya wala na siyang magagawa. Di niya alam kung totoo o tunay niyang panaglan ang binigay sa kanya ni Eric. Baka wala din balak na siya na mag karoon kami ng ugnayan dito sa Maynila. Baka may asawa na siya kaya di man lang nag bigay ng kontak number. Wala siyang matandaan na puedeng ikonekta kay Eric. Hindi ito nag kuwento ng tungkol s akanyang buhay noong mag akkasama pa sila.
              Naalala ni Angeline puro siya ang nag kukuwento sa buhay niya. Kung saan siya nag tra trabaho at lahat na tungkkol sa kanyang buhay. Halos nga yata ng kuwento ng buhay niya naikuwento niya dito.masyado kasi siyang naging interesado sa buhay ko. Pero ngayon lang niya naalala ni minsan di nag kuwento si Eric tungkol sa kanyang sarili. Pilit niniwawaglit ni Angeline sa kanayang isipan ang mag alala nila ni Eric. Mas mahihirapan pa yata siyang limutin ito kesa sa kanyang pag kabigo kay Teddy.   Si Eric na ang laman ng kanyang isipan at pati na ang kanyang puso naakit na yata ni Eric.
              Anu na ang mag yayari kay Angeline? Nakalimutan na nga niya si Teddy pero ano naman ito na mas nasasaktan siya sa pag hihiwalay nila ni Eric. Sadya bang malas sa pag ibig si Angeline? Di ba sabi ni Eric mahal na niya si Angeline bakit di siya nag iwan kahit phone number dito? Ano ang secreto ni Eric? Bakit dinA  muli nag pakita ito kay Angeline? ABANGAN !!  copyright by Rhea Hernandez  1/18/12