LOVE FIGHTS
by Fuji Ko on Saturday, October 1, 2011 at 7:05am
WALA NG HAHANAPIN PA SA KATAYUAN ANG ISANG STEPHANIE,
SA KABILA NG PANGUNGUTYA NG BUONG BARIO NILA NGAYON AT HANGGANG NOON NUNG SYA AY MUSMUS PA LAMANG SA URI NG TRABAHO NG KANYANG INA.
ISA ITONG HOSTESS SA NIGHT CLUB.
WALANG HIGIT NA IINTINDI SA KANYANG INA KUNDI SYA LAMANG.
AFTER ALLl,..SA MURANG EDAD NYA NOON NA ANG BAWAT GABING WALA SA TABI NYA ANG INA AY NANGANGAHULUGAN NG KINABUKASAN NYA.
NAGSIKAP ANG INA NITO NA PATAPUSIN SYA SA KURSONG NURSING.
AT KHT NGAYONG GANAP NA SYANG DALAGA,
KAAKIBAT NITO ANG PUTIK NA IDINIDIKIT SA BUONG PAGKATAO NILANG MAG INA,....
MALIBAN KAY DAVE.
SI DAVE NA HIGH SCHOOL FRIEND NYA
SI DAVE ANG IYAKAN NYA SA TUWING PAKIRAMDAM NYA AY KINUKUTYA SYA AT ANG INA NG MUNDO
SI DAVE ANG KAKAMPI NYA SA LAHAT NG ORAS.
SI DAVE NA BEST FRIEND NYA
SI DAVE,...NA LIHIM NYANG MINAMAHAL,......
PAPAANO NYA TATAWIRIN ANG ISANG PAGMAMAHAL NA HINDI SYA SIGURADONG GANON DIN SI DAVE SA KANYA?
AT KUNG SAKALING MAHAL DIN SYA NI DAVE
KAKAYANIN NGA BA NYA ANG LAHAT GAYONG ANG PAMILYA NG LALAKE AY HINDI SANG AYON NA MAPALAPIT SYA DITO?
CHAPTER 1
KNOCK! KN0CK! KNOCK!
Katok iyon na nagmumula sa labas ng pintuan ng bahay ni STEPHANIE..
Sa bawat dampi ng kamao ng sin0 mang nasa likod ng pintuan na iyon ay para bang nagmamadali na mapagbuksan SYA.
Nagmamadaling tinungo ni STEPHANIE ang pintuan..
Wala sa isip nya na nasa ganoon syang ayos,..
Nakatapis ng twalya at tumatagaktak pa ang ilang tubig na nagmumula sa kanyang buhok..
''Sandali lang!andyan na ako...'' Pasigaw habang patakbo itong papunta sa pintuan..
Habang pinipihit nya ang seradura...
At unti unti itong binuksan..
Bumulaga sa kanya ang kanyang BESTFRIEND,..si DAVE..
''Tagal mo naman buksan!''
''Ang init sa labas!'' reklamo ni DAVE
''Sira ka pala eh,nakita mo ba ayos ko?''
''nasa banyo ako..''
''kala ko kung sino na ang kumakatok'' Paliwanag ni Stephanie
''Bakit ba gan0n ka kumatok?''
''Para kang hinahabol ng dinosaur.'' biro ni sTEPHANIE
''Hahaha!''
''Hindi dinosaur BEST ang humahabol sakin...DRAGON NA BUMUBUGA NG APOY!'' natatawang sabi ni DaVE.
Napangiti si STEPHANIE,alam nya ang DRAGON NA tinutukoy ng lalake..
Matagal na panahon na magkaibigan sila nito..
Ang dragon na tinutukoy nya ay ang mga girls na galit sa kanya dahil sa pagiging palikero nito..
''hAy naku!''
''Aakyat na ko sa taas,magbibihis muna ako'' Sabi ni Stephanie
''Okay cge!nakakarimarim nakikita k0ng ay0s m0 eh.'' biro ni dave dito.
Natawa si stephanie sa sinabi ni Dave..
Akt0ng tutungo na paakyat si sTEPHANIE ng biglang pinigilan sya ni DAVE..
Their eyes meet...
Parang huminto ang takbo ng oras para kay STEPHANIE..
Idinampi ni dAVE ANG labi nito sa noo ni STEPHANIE
lihim na natuwa ang puso ni stephanie,
dahil hindi lang bilang mgkaibigan ang nais nya para sa kanila..
Lihim nya it0ng minamahal...
At lihim din syang nasasaktan sa tuwing my ibang babae itong pinapakilala sa kanya..
At lihim din syang natutuwa sa pagkakataong...Di nagwo work out ang mga ito kay DAVE.
In a m0ment,para bang may hinihintay itong sabihin ni DAVE
''best?'' bungad ni dave sa kanya..
''Po?'' Kinakabahang sagot nito
''Hmmmm..bilisan mo magbihis...gutom na kasi ako..'' Nakangiting sabi ni dave
Nagdikit ang kilay ni stephanie.
Lihim na naiinis.
''Hmf!kala ko dis is it na!'' Himutok nito sa sarili..
Mahinang hinampas nito ang lalake..
''Adik ka!''
''Pumunta ka sa kitchen and serve yourself'' sabi nito kay DAVE na kunwari ay nakatawa.
''Hahaha! di na kasi ako kumain sa bahay''
''Nagtatalak na kasi si mommy''
''Alam nya pupunta ako dito'' Paliwanag ni dave.
''Hmm..ganun ba?''
''Ok,i make it quick.''
''Sabay tayo mag lunch.''
Napangiti si STEPHANIE
YUN ANG ISA SA DAHILAN KUNG BAKIT MINAHAL NYA SI DAVE
Sa kabila ng pagpigil ng pamilya nito na maging kaibigan sya..
Hindi yun dahilan para layuan nya ito..
Minsan,di maiwasan mag assume sya na marahil mahal din sya ng lalake..
Pero mahirap sumugal.
At mahirap na sa kanya magmula ang move
Kung mutual nga ang nararamdaman nila,
Hihintayin nya ang takdang panahon para sa kanilang dalawa..
''O sya..akyat na ko.. '' Sabi ni stephanie
''ok...punta na ko sa kusina..'' sbi naman ni dave..
CHAPTER 2.
Nagtungo si Stephanie sa kanyang kwarto,
Nais nyang madaliin ang pag aayos nya sa sarili.Ayaw nyang paghintayin si Dave ng matagal.
Ganon lagi ang routine ng magkaibgan,
Sa tuwing day off nila....they never missed a single moment to bond.
Nagtungo ito sa closet nya,upang pumili ng maayos na damit.
Gusto nyang maging maganda sa lalakeng lihim nyang iniingatan.
Kahit pa marahil kaibigan lang ang kayang isukli sa kanya ng lalake,magkakasya na ito sa ganong set up,after all,nakakasama nya ito..sapat na yun.
Samantala,..
Sa kusina kung saan naroon si Dave upang ayusin ang table para sa lunch nila ni Stephanie ng biglang bumnukas ang pinto.
''Ay nakung bata ka,..nanjan ka pala!'' gulat na sabi ng nanay ni Stephanie
Kung titingnan ang itsura nito,di mo iisiping nsa 49 age na ang nanay ni Stephanie
Maganda ito gaya ng anak nya.
Maputi,matangkad,mahaba ang maitim at bagsak na buhok.at katamtaman ang katawan.
Parang pinabata pigura ni Stephanie.
''Tita,pasensya na po..ako na po nag aayos ng mesa para sa pananghalian kasi po nasa taas pa si Steph'' paliwanag ni Dave habang kakamot kamot ng ulo.
''Hmm..maigi naman kung ganon.FEEL at home iho.Parang anak na din naman turing ko sayo'' nakangiting sabi ng babae dito.
''Ma,gising ka na pala.'' bati ni Stephanie sa ina nito sabay halik nito sa noo ng mahal na ina.
''Yup,may lakad kasi kami ng tita Lourdes mo'' sabi nito sa anak
''Napangiti nga ako pagpasok ko dito sa kusina,nakita ko ang gwapong mamanugangin ko'' biro nito sa dalawa
''Nag blush si Sephanie,ibubuking ba sya ng sarili nyang ina?''
Agad nyang lihim na tiningnan si Dave.
Tama ba ang nakita nya? tanong nito sa sarili.
Namamalikmata ba sya?
Seryoso ang lalakeng nakatitig sa kanya.
Waring nangungusap ang mata nito.
Di sya sigurado sa nababasa nya mula sa mga mata nito.
Kinikilig din ba si Dave?
Pilit niyang sinusuway ang nasa isip.
''Ma,kung ano ano sinasabi mo,tara na at kumain na tayo bago kayo mag lakwatsa ni tita'' pag iiba sa usapan ni Stephanie.
Masayang kumain ang tatlo.
Maya maya lang at nagpaalam na ang ina ni Stephanie.
''Hmmm..Best,wala ka ba balak mamasyal ngayon?'' tanong ni Stephanie kay Dave
''Actually,tinatamad ako.''
''Watching a movie will good enough diba?''
''May dala akong dvd'' nakangiting sabi nito kay Stephanie
''Hahaha! Mukang di mo pinaghandaan noh?'' natatawang turan nito sa lalake
''Hehe,di naman masyado...'' sabi nito kay Stephanie sabay kindat sa dalaga
''Gosh!Wag ka masyado magpa kyut baka malimutan kong magkaibigan tayo..'' sigaw ng puso ni Stepanie
Magkasama nila inenjoy ang movie.
They even share 2 bottles of wine.
Masarap nga naman manood ng movie ng ganuon.
And just a glimpse,
Parang ang magic came into both of them.
There eyes meet,parang biglang nagkaron ng sariling pag iisip ang mga mata nila.
No words..
Until they lips both longing to each other.
So deep,so passionate.
Napapikit si Stephanie.ayaw ng isip nya sa nagyayari.
Pero umaalma ang puso nya!
Mahal nya ang lalake na ngayon ay humahalik sa kanya.
Itutulak nya ba ito palayo and say stop while she knew it was all she ever waited?
''Huh!Bahala na! Mahal ko sya at ipaparamdam ko sa kanya kung gaano.'' sabi nito sa sarili
She did kissing.
And now..desidido na sya,magpapaubaya sya sa taong mahal na mahal nya...
CHAPTER 3:
Parang ang bilis ng pangyayari.
At di pa din sya makapaniwala na katabi nya ang lalakeng mahal na mahal nya noon pa man.
Dahan dahan nitong hinaplos ang muka ng noon ay natutulog ng si Dave,
Matagal na panahon din nyang hinintay ang ganito.
Matagal na panahon din nyang itinago ang matinding pagmamahal nito para sa lalake.
Ito na nga ba ang umpisa ng pangarap nyang lovestory?
Ito na nga ba ang senyales na mahal din sya nito?
Pero bakit ganon?
Walang nabanggit na kahit anong salita si Dave habang mainit nila pinagsasaluhan ang bawat minuto ng gabing iyon?
Bigla ay parang kinorot sya sa katotohanang iyon.
Pano nga kung ang gabing iyon ay isang ordinaryong gabi ni Dave gaya ng sa mga babae nya.
Paano na?...
Di nya namalayan na napaluha na pala sya..at di kalaunan....nakatulog sya na yakap yakap ang lalake.
Nalingat si Dave,..at nakita nya si Stephanie na akap akap sya.
Tama ba ang nakikita nya? naisip isip na tanong ni Dave sa sarili.
Mali ito.
Nakalimot sya.
Napapailing si Dave.
Dahan dahan nyang inalis ang braso ni Stephanie na noon ay nakaakap sa kanya.
Mahina itong tumayo mula sa kama.
Ayaw nya na makagawa ng alinmang tunog na maaring ikagising ng dalaga.
Isa isa nyang pinulot ang mga damit.
At dahan dahan itong nagtungo palabas....palayo sa dalaga.
Tanghali na ng magising si Stephanie,
Napasarap ang tulog nito.
Agad hinagilap ng kanyang mga kamay ang pwesto ng lalakeng katabi nya...
Subalit hindi nya un nakita,..
''Nasaan kaya sya?'' tanong nito sa sarili habang palinga linga .
Dahan dahan nyang inilapag ang paa nya upang bumaba mula sa kanyang kama.
Pupunta sya sa baba.
''Baka naroon lamang si Dave at naghahanda ng makakain.'' pangungumbinsi nito sa sarili
Nanlumo sya ng mapagtantong wala na sa bahay si Dave.
''Hindi man lang ito nagpaalam''. May himig tampo na nasabi nito
Hihintayin ko na lang ang tawag nya.
Siguro ay nagmamadali lamang ito kayat nakaligtaan nitong magpaalam.. nasabi nito sa sarili
Napatingin sya sa orasan.
Alas dos y medya na wala pa ang ina.
Kahapon pa ito wala.
Kaya minabuti nyang tawagan na ito.
Kring--------- kring---
''Ma musta na kayo ni tita jan?'' tanong nito sa ina na noon ay nasa kabilang linya
''Ayos lang anak,maya maya din ay ba byahe na kami pabalik jan,...ikaw?kumusta?'' balik tanong ng kanyang ina
Bigla sya napahinto.
Buti na lang at wala sa harap nya ang ina kung nagkataon ay di nya maitatago ang lungkot na bumabalot sa kanya ngayon.
''O-okay lang po ako'' nag aalinlangan na sagot ni Stephanie
''Sure?'' paninigurado ng ina nito
''O-opo'' matipid na sagot nito sa ina.
''Di ka ba papasok sa trabaho mo?'' tanong muli ng kanyang ina
''Papasok po ma, alas kwatro po ang duty ko ngayon ma'' sabi nito
''Ahh okay,..wag kalimutang wag kumain ha'' paalala ng kanyang ina.
''Opo...ingat ka din ha'' sagot nito.
CHAPTER 4
Bago ang takdang oras,nasa General Hospital na ito.
Doon sya nagtatrabaho.
Ginugol nya ang oras nya sa trabaho upang panandaliang mawaglit sa isip nya ang biglang paglaho ni Dave.
Tatawag din yun. sabi nito sa sarili.
''Walang araw na lumagpas na di sya tinatawagan n lalake.'' pagtatanggol ng isip nito.
Lumipas ang buong duty nya,subalit walang Dave na tumawag sa kanya.
Lumong lumo sya
.
Nag uumpisa na syang kaawaan an sarili.
Ito na ba an hudyat ng paglayo sa kanya ng lalake?
Ito ba ang sukli ng isang gabing masaya sya sa piling nito?
Napaluha sya.
Isang masaganang luha ang dumaloy mula sa mga mata nya.
Gusto nyang sumigaw.
Gusto nya magalit sa katangahang ginawa nya.
Bakit sya nagpatalo sa damdamin nya mula rito'
Ang pag iwas nito sa kanya ay nangangahulugan na hindi katulad ng nararamdamn nya sa lalake ang nararamdaman ng lalake para sa kanya.
At ang katotohang iyon ang mistulang sibat na paulit ulit humahampas sa puso nya.
Gusto nyang tawagan ang lalake.
Pero para saan?
Ano ang sasabihin nya sa binata?
Gulong gulo isip nya.
Halos dalawang linggo na ang mabilis na lumipas.
Pero wala na syang Dave na nakita.
Maging ang telepono ng lalake ay un-attended na.
Masakit man sa kanya ang lahat ng nangyari..ngunit wala syang ibang choice.
''Stephanie''... mahinang tawag ng ina nito
''Po'' matamlay na sagot nito sa tawag ng ina nya
''May sakit ka ba anak? tanong nito
''Wala po ma'' sagot nito
''Ilang araw ko na kasi napapansin anak na matamlay ka" bungad ng ina nya habang dahan dahan nitong hinagod an likod ng anak.
''Ayos lang po ako ma,madami lang po work sa ospital.Saka po pang gabi na po duty ko ngayon.'' mahabang paliwang ni Stephanie.
''Ganon ba?'' banaag sa mukha ng ina na di sang ayon sa sagot ng anak nya
''Asan na nga pala si Dave?'' malumanay na tanong nito sa anak
Napahinto si Stephanie.
Sasabihin ba nya sa nanay nya ang nangyari?
Malamang ay magalit pa ito sa kanya.
Malaki aang tiwala ng ina nya sa kanya.
At manlulumo an ina nito kung sasabihin nya na matapos an gabing iyon.....nawala ng parang bula ang lalakeng buong akala nya ay kilala na nya.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga sa Stephanie.
''Ma,busy lang po si Dave.Katatwag lang po nya sakin kanina,nangungumusta.'' pagsisinungaling nito sa ina.
''Ahh kaya pala madalang na sya pumasyal dito.'' sambit ng ina nya
Nakahinga ng malalim si Stephanie,dahil sa pakiramdam nya hindi nahalata ng mahal nyang ina ang kasinungalingan na hinahabi nya sa ina.
''Opo'' maikling sagot nito
Maya maya lamang ay biglang nakaramdam si Stephanie ng pa ikot ng sikmura nya.
Dali dali itong tumakbo papunta sa lababo.
Doon ay malaya itong dumuwal.
Makaraan ng ilang minuto ay nakaramdam sya n ginhawa.
''Ma,ayoko po ng amoy ng bawang.'' sambit nito sa ina na noon ay nasa harapan nya lamang.
Walang kahit na ano sa mukha ng ina ang mababanaag.
Ilang saglit laman ay dahan dahan ito lumapit kay Stephanie.
Unti unti inangat ang palad nito uang iparamdam sa anak na handa sya makinig sa kung ano man ang nais nitong sabihin sa kanya.
''Anak?'' mahinang tawa nito sa dalaga.
''Po'' sagot nito
''Buntis ka ba? tanong ng ina nito sa kanya.
CHAPTER 5
Parang binuhusan na malamig na tubig si Stephanie.
Nawala sa isip nya ang monhly date period nya.
Kelanman ay hindi sya na delay na datnan ng buwanan dalaw.
''Napakatanga ko talaga!'' paninisi nito sa sarili
Naging abala kasi ito sa pag iisip kay Dave.
''Anak,ano man ang bumabagabag sayo ngayon,wag mo sanang kalimutang ibahagi iyon sa akin.'' malumanay na bigkas ng ina ni Stephanie.
Sa narinig na iyon ng dalaga,nais na nyang magpakawala ng masaganang luha.
Pero hindi pwede.
Di pa naman sigurado kung tama ang hinala ng ina.
Marahil ay delay lang sya sa labis na pag iisip.
Mabilis itong tumalikod sa ina upang ikubli ang nagbabadyang luha.
''Ma,wag ka pong mag alala,okay lang po ako.'' sabi nito sa ina na noon ay nakatalikod na
''Pinalaki kita ng punong puno ng pagmamahal anak,kasabay non na sa musmus mong edad ay minulat na kita sa kalakaran ng mundo.Alam kong di ako nagkulang.Ang personal na problema mo ay nakatitiyak akong kaya mo.''
sabi ng ina nito.
Dahan dahan itong lumapit sa anak at tinapik ang balikat.
''Anak,pag kailangan mo ng kausap,andito lang ako. yun lang at humakbang na paakyat ang nanay nito para magpahinga.
Doon parang nakahinga sya.
Malaya na nyang mapakakawalan ang kanina nya pa pinipigilang mga luha.
Ramdam nya na ano man ang kinakaharap nyang unos,nakaantabay lang ang butihin nyang ina.
Hostess..
Puta,..
Malandi..
Bayaring babae..
Anot ano pa man ang idikit sa pagkatao ng kanyang ina, hinding hindi nya ipagpapalit iyon sa kahit na sino.
Mahal na mahal nya ito,
At walang duda,mahal sya ng nanay nya.
KINABUKASAN,..maagang tinungo ni Stephanie ang clinic nila.
Hindi nya pa duty,
Maaga lamang sya dahil gusto nya malaman ano nga ba kalagayan nya.
Madami sya hinihiling habang binabagtas nya ang daan patungo sa clinic na yaon.
'Sana hindi totoo ang hinala ni mama''
''Sana mali sya''
''Sana negative''
''God Please help'' taimtim na dasal nito
''Stephanie,tawag ka na ni Doc'' turan iyon ng ka work nya.
Di mapagkakaila na nininerbyos sya.
Napansin iyo ng nurse na ka work nya.
''Steph,your so pail.''
''Everything will turn out right..'' pagbibigay lakas nito sa dalagang halos wala na atang kulay na mabanaag mula sa mukha.
At ngayon,..
Heto na sya sa harap ng doktor.
Dahan dahan sinusuri ang katawan nya.
Ang bawat karayom na tumatarak sa katawan nya ay napapaluha sya.
''Step,parang di ka nurse nyan ah'' kantyaw ng doktor
Mistulang bingi ito sa tinuran ng Doktor.
Walang makakaintindi na kahit sino sa nararamdaman nya.
Sa takot na bumabalot sa katawan nya
Sa agam agam kung magpositibo sya sa test
Ilan oras ang mabilis na lumipas.
Heto sya at hinihintay ang resulta.
'Maya maya ay nabanaag na nya ang paparating na Doktor mula sa labaratory.
At sa wakas,
Magkaharap na ito at ang doktor,..
Parang huminto ang oras.
'Steph..congrats,.....ur in 2weeks pregnant.'' bati ng doktor sa kanya.
CHAPTER 6:
Parang nanlamig ang buong katawan nya.
Nakaramdam sya ng bahagyang panginginig ng katawan.
Hindi nya malaman kung matutuwa ba sya sa resulta ng pregnancy test.
Positive sya.Napakalinaw pa iyon sa pandinig nya.
''Hey Steph,are you okay?'' tanong na may bahid pag aalala ng doktor sa kanya.
''Opo, '' tipid na sabi na lamang nito
''Dok,mauna na po muma ako,'' pamamaalam ni Steph.
''Do mind if ihatid kita iha? pag aalok ng doktor sa dalaga.
''No need doc,kaya ko po'' sabi ni Steph sabay nagpakawala ng isang ngiti.
Habang binabagtas ni Stephanie ang daan pauwi,.pakiramdam nya nag lalakad sya sa hangin
Hindi ba ginusto nya naman ang naganap nsa kanila ng binata?
Hindi bat yun naman ang pangarap nya?
Ang mabigyan ng isang anghel ang lalakeng ahal nya nun pa man
Kung ang ina nya mismo ay binigyan sya ng dahilan para mabuhay sa mundo?..
Anong karapatan nyang tanggalin ito sa sarili nyang anak.
Kung wala man nang isang Dave sa buhay nya,....hindi nangangahulugan na susuko sya.
Napaluha sya sa katotohanag wala na marahil si DAVE.
Pero di kalaunan ay napangiti na sya,
Marahil wala na nga c Dave,
Pero may plano ang Panginoon ,hindi man plano ng ayon sa kagustuhan nya,pero ayon sa plano ng Panginoon para sa kanya.
Ngayon ay nasa harapan na sya ng bahay nila.
Sumandaling huminto muna sya sa may bungad ng pinto at duon bumuntong hininga.
Nais nya na makaipon ng lakas ng loob para masabi nya sa mahal na ina ang sitwasyon nya ngyon.
''Sana ay maunawaan aq ni inay,'' dasal nito habang pinipihit nya ang seradura.
''Anak,balisa ka nanaman.'' puna iyon ng ina nito habang nanonood ng t.v
''Ma?'' malambing na sabi nto
Unti unti itong yumakap ng buong higpit sa nanay nya.
''Ano bang nangyayri sayo?''
''Labis na ako nag aalaa Stephanie'' sabi iyon ng nanay ng dalaga.
''Hindi na napigilan ni Stephanie ang humagulgul sa balikat ng kanyang ina''
''Okay yan anak,''
''Iiyak mo lahat sa akin''
''Paag nawala na ang anumang bumabagabag sayo,hwag mo kalimutan,....si Mommy ay Best friend mo din'' sabi iyon ng inay nya
Makaraan ang ilang minuto ng pag iyak nya,
Tumingin sya sa ina nito
''Ma,------ buntis po ako.
Mababakas sa ina nito ang pagkakabigla.
''Sino ama nyan anak?
punong puno sa boses ng ina nito ang pang unawa
''ma,si Dave po'' sagot ni Stephanie
''Asan sya ngayon?''' tanong uli nito sa dalaga
''Hindi ko po alam ma..'' kasabay ng salittang iyon ay napaluha syang muli.
Wari'y naintindihan ng nanay nya ang luha na iyon mula sa kanyang mga mats.
Niyakap nya ng mahigpit ang anak,.
''Tahan na anak,..nandito ako.''
''Mas kailangan mo maging matatag para sa pagdating ng magiging anak mo.'' sabi ng ina nito
Yun lang at sapat na pala para ngumiti uli sya,after all..kasama nya ang ina.
''Salamat ma.'' mahinang sabi nito sa butihing ina sabay para syang bsta na humilig sa balikat ng mama nya.
CHAPTER 7
Mag iisang buwan na ang batang dinadala nya sa sinapupunan.
Hindi din nagkulang ang ina nito na syang nagsilbing katuwang at sandalan nya.
Hinding hindi na sya umasa na magpapakita pa ang lalakeng akala nya ay mamahalin sya.
Ngunit sa maliit na parte ng puso nya,...naroon ang pag aasam na nawa ay umayon sa kanya ang hangin at dalhin si Dave sa kanya upang makita ng lalake ang papausbong na munting buhay sa sinapupunan nya.
Hindi maiwasan ni Stephanie ang lihim na umiyak sa tuwing naiisip nya ang lalake.
Pilit nya ikinukubli ang sandaling kinakapitan sya ng kahinaan alang alang sa kanyang ina.,at sa magiging anak nya.
Heto sya ngayon at malayang pinagmamasdan ang dagat.
Heto sya ngayon sa madalas nilang upuan ng lalake.
Heto sya ngayon na nagmimistulang baliw sa paghaplos ng upuan na iyon.
Ang lihim na saksi sa kaligayahan nya sa tuwing kasama nya si Dave.
Ang lilim na iyon na pumoprotekta sa upang kinalalagyan niyon.
Ito ang nagsisilbing panabgga nilang dalawa noon sa sikat ng araw.
Mistulang parang noon...
Ang pagkakaibigan nila ang naging shield ng bawat isa sa kabila ng mahigpit na pagbawal ng ina ng lalake na maging kaibigan sya.
Tingin ng mommy nito ay madumi din sya dahil sa trabaho ng nanay nya.
Wala syang ibang sandalan...
Maliban kay Dave..
Minsan nais nyang pagsisihan ang sandaling nakalimot sila.
Kung sana hindi sya nagpadala sa bugso ng pagmamahal nya para sa lalake,maaring andito pa rin ito katabi sa upuang kinauupuan nya na ngayon ng... mag isa.
Sa isiping iyon,malayang umagos ang masaganang luha sa mga mata nya,.
Ngunit hindi sapat ang bawat agos ng luha na iyon sa paghihirap na nilalabanan nya.
Nais nya sumigaw ng ubod lakas upang mawala ang lahat ng mabigat na dalahin nya kahit sandali lang.
Isang hagulgol ang walang pag aalinlangan nyang pinakawalan.
Ano kung may makapansin sa kanya?
Ano kung pagtawanan sya?
Wala na syang nais na mangyari ngayon bukod sa mapakawalan ang sakit na iyon.
Walang sino man ang higit na makakaunawa ng bigat na iyon maliban sya.
''Dave-------'' yun lang ang tanging nasambit nya habang patuloy ang pag iyak nya.
''Steph?'' tinig iyon mula sa likuran nya.
Pamilyar iyon,
Hindi nya iniangat ang ulo nya upang tanawin ang nagmamay ari ng boses.
Natatakot sya na isa nanaman itong pakikipaglaro ng guni guni nya.
'Steph,..stop crying'' malumanay na sabi ng tinig na iyon..
Narinig na lamang ni Stephanie ang mabagal at mahinang hakbang na papalapit sa harapan nya.
Dahan dahan ang taong iyon na umupo sa tabi nya.
Parang hindi na makahinga si Stephanie.
Tama ang hinala nya.
Si Dave ang ngayon ay katabi nya.
Hindi nya alam ang gagawin,..
Dapat ba syang magalit dito?
Awayin sa biglang pagkawala?
Pero hindi iyon ang nais nya gawin sa binata,.
Gusto nya ito yakapin.
Mataimtim nyang pinamasdan ang binata .
Halatang hindi din ito nakakatulog.
Malaki ang ibingsak ng katawan nito.
Napaluha sya.
Hindi na nya napigilan ang yakapin ang binata.
Sa nakita nyang ayos ng lalake,alam nyang parte sya ng dahilan niyon
Tumugon ng yakap si Dave,at banayad nyang hinalikan si Stephanie.
Kapag daka ay dahan dahan nyang iniangat ang mukha ng dalaga upang pawiin ang bahid ng luha,
''Steph,i got the news since 2weeks from now.''
''Natakot ako,..oo!inaamin ko''
''Dami ko naging hesitation after that night.''
''Pakiramdam ko napakasalbahe ko para mag take advantage sa friendship natin''
''Nagpakalayo layo ako,pinilit ko mamuhay ng wala ka..pero ibang iba pala.''
''Hindi ako kaylanman nkadama na msaya ako na wala ka''
''Sinubukan ko lumapit,.pero what the hell is with me,natakot ako eh...ewan ko ba.''
''pero ng malaman kong buntis ka,..alam ko..akin yan at dapat lang na panagutan ko yan'' naluluhang sabi ni Dave.
Sapat na ang paliwanag na iyon ni Dave para maging malinaw kay Sephanie ang mga tanong na noon ay di nya alam ang dahilan.
Sapat na ang paliwanag ni Dave para mapanatag sya at ngumiti sa harapan ng lalakeng mahal na mahal nya.
''Tama na,andito ka na.yun ang mahalaga.'' sambit ni Stehanie habang marahan nyang kinuha ang kamay ng binata papunta sa sinapupunan nya.
''Soon,your going to be a dad.'' malambing na sabi ni Stephanie
''I know.but one more thing i dont wanna missed to say sa harapan mo ngyon Steph.'' sabi ng binata
''Ano iyon?'' tanong ni Stephanie
'' ------------------------------- mahal kita'' halos pabulong na sabi nito sa dalaga.
CHAPTER 8:
Wala nang mapagsidlan ng ligaya si Steph sa narinig nyang iyon mula ky Dave.
Muli ay lumuluha sya,ngunit hindi ito katulad ng nagdaang mga luha nya.
Nakakasisisguro syang ang bawat luha na mabilis na dumadaloy sa mga pisngi nya ngayon...ay luha ng kaligayahan.
Uwi na tayo. yaya ni Dave habang malambing nitong inakbayan si Steph.
Gumagabi na,.. patuloy ng binata
Saan tayo uuwi? nalilitong tanong ng dalaga sa binata.
Saan pa edi sa bahay namin,..;pero dadaan muna tayo sa bahay ninyo para maayos kong maipagpaalam kay tita na sa bahay na namin uuwi ang asawa ko,..sana lang maintindihan nya yun BABE... nakangiting sa bi ni Dave.
Parang kiniliti ang puso ni Stephanie,.
Ngayon lang kasi nito tinawag ni Dave ng BABE...
Madami ng nagdaang babae sa buhay ni Dave,hindi iyon lingid sa kaalaman nya.
Ang iba ay lantarang pinaasa lamangg binata.
Ang iba ay pinaluha lang nya.
Wala syang matandaang sineryoso ng binata.
Nabansagan pa nga ito noon na chikboy dahil halos buwan buwan ay iba ang kasama nyang babae.
At ngayon,..tinatawag sya nitong Babe?
Bigla sya natakot...
Pano kung ganon din ang gawin ni Dave sa kanya?
Pano kung next month mag bago sya.?
Sa di malamang dahilan ,parang nabasa ni Dave ang nasa isip ni Stephanie
Dahan dahan na inangat ng lalake ang pisngi ni Stephanie at ingat na ingat itong humalik sa labi ng dalaga.
''Mahal kita..noon pa''
''Natakot lang siguro ako na isugal ang pagkakaibigan natin,pero ngayon handa ko ng ipasigawan sa mundo...Si Stephanie ang babaeng gusto ko na makasama sa pagtanda ko..'' nakangiting sabi nito sa dalaga
''Kaya halika na,..umuwi na tayo...namiss kita,..at magbabayad ako ng utang sayo eh..'' pilyong biro ni Dave kay Stephanie.
----SA BAHAY NINA STEPHANIE--
So ganun na lang ba yun Steph? himig tampo sa tanong ng ina nito kay Stephanie.
Ilang gabi ka umiiyak dahil sa biglang pagkawala nya di ba? naiinis na tanong ng ina nito sa kanya
Tita alam ko po malaki po ang pagkakamali ko sa nangyari.
Madami po ako pinag isipan at masiguro bago ako humarap kay Steph at sainyo...ibigay nyo po sana uli ang tiwala nyo at makakaasa po kayo na this time, iingatan ko anak nyo.....-----ang magiging asawa ko.'' pagpapakumbabang sabi ni Dave sa ina ni Steph.
Pano ang mga magulang mo?
Alam ko na di nila gusto si Steph na maging kaibigan mo dahil sa estado ng pamumuhay namin.
Hindi lingid sa akin ang pandidiri ng nanay mo sa uri ng pinangbuhay ko sa anak ko? matapang na sabi ng nanay ng dalaga sa kausap nyang si Dave
''Tita,..ako po ang pakikisamahan ni Steph.''
''Inaamin ko po na ganon nga si mommy,..pero umaasa ako na matatanggap nya din ang lahat,..nayon pa na magkaka apo na sya. paliwanag ni Dave
''Anong desisyon mo anak'' baling na tanong ng nanay nito sa kanya
Walang gustong lumabas na letra sa bibig ng dalaga.
Ayaw nya iwan ang ina nya na naging sandalan nya at buong pagmamahal na umintindi bsa kanya habang wala si Dave.
Pero gusto nyang sumama sa magoiging asawa nya.
Gusto nyang wag na ito muling mawala pa.
Kailangan sya ng aanak nya.
Hindi nya naranasan ang magkaroon ng ama,.at ayaw nyang ganun din ang magiging anak nya.
Para syang iniipit sa dalawang malalaking bato.
''Anak,wag mo isipin na mag iisa ako.''
''Kya ko pa ang sarili ko,..isipin mo ang makakabuti sayo'' naiiyak na sabi ng nanay nito
''Ma----'' napapaiyak na ding sabi ni Stephanie sa ina nito
''Anak,kaya mo ba harapin ang buhay mo sa ibang bahay kasama ang asawa mo? tanong nito
''Ma--'' halos naninikip na sambit ng dalaga
''Anak oo o hindi lang ang isagot mo...ano't ano man ang isagot mo,..makakasa kang nasa likod mo lang ako..---walang mababago dun anak pa din kita,at nanay mo pa din ako'' sabi ng nanay nito
Sapat na ang narinig nya sa kanyang ina para mapanatag sya.
''Nag aantay ako ng isasagot mo anak'' muling tanon ng ina nito sa kanya.
Hinawakan ni Dave ang palad ng dalaga,.hudyat iyon na maging ang lalake ay handang irespeto ang anu mang magiging desisyon nya,.
''opo ma'' maikling sagot ng dalaga.
''Ngumiti ang nanay nito..pigil man ang ngiti nito subalit mababanaag sa mga mata nito na naiintindihan nya ang anak
''Okay..''
''Dave....ingatan mo anak ko at magiging apo ko ha'' bilin nito sa binata
''Opo tia'' sagot ng binata
''mama na din itawag mo sakin,...lahat ng makakapagpasaya sa anak ko,..wala akong gagawin na ikalulungkot nya,..wag lang syang papaiyakin at sasaktan Dave,..----prinsesa ko yan eh. napapaluhang sabi nito sa lalake
''opo---ma''
Yun lang at niyakap na ng dalawa ang ina.
CHAPTER 9:
Sa bahay nina Dave ang diretso nila matapos nilang mag paalam sa mama ni Stephanie.
Di na nagulat si Stephanie sa reaksyon ng mommy ng binata.
''Whats wrong with you Dave?''
''Pinag aral kita,...i even let you play around the girls kasi i trust you na alam mo ang ginagawa mo''
''And of all people iho,bat ang babaeng yan pa ang inanakan mo!'' galit na sambit ng ina ni Dave sa anak
Halos mawalan si Stephanie ng hininga sa lantarang di pagkakagusto ng ina ng lalake sa kanya.
Parang gusto na nya ihakbang ang mga paa nya palayo sa mag ina na noon ay nagtatalo sa harapan nya.
''Ma,why cant you accept it,magkakaapo ka na''' sabi ni Dave sa ina
''Apo?...kanino?..sa babaeng yan na kung san lupalop nanggaling.? mataray na sabi ng ina ng lalake habang tiim bagang na tinitigan si Stephanie.
Hindi kaya ni Stephanie na harapin ang maalab na mata ng magiging byenan nya.
Kaya minarapat na lamang nitong yumuko.at umiyak ng tahimik
Dahan dahan na lumapit ang galit na ina ni Dave sa dalagang magiging ina na.
''Hoy babae,..sigurado ka bang sa anak ko ang pinagbubuntis mo? deretsang tanong nito kay Stephanie
''Ma! '' pasigaw na singit ni Dave sa sinabi nito kay Stephanie
''Kelan ka pa natutong sigawan ako Dave?''tanong ng ina nito sa kanya
''Ma,please lang po..kung mahal nyo ako,tatanggapin nyo ang magiging asawa ko at ang magiging anak ko na maging parte ng pamilyang to...dahil kung di mo kaya,..kahit mahirap man..nanaisin kong umalis dito'' may bantang pananakot ni Dave sa ina nito.
Yun lang ay sapat na para kay Stephanie na wag bumitiw sa lalake.
Alam nito kung gano kamahal ni Dave ang ina ..at sa narinig nya mula sa lalake ay labis ng nagbigay sa kanya ng saya.
''Kaya mo ako iwan dahil sa babaeng ito Dave? may himig tampo na sabi ng ina nito sa binata.
''Ma,..mahal kita you know that,..pero mahal ko din si Stephanie. sabi ni Dave sa ina
''Please ma,accept her'' halos nagmamakaawang sabi ni Dave dito
Inangat ni Stephanie ang mukha nito at napadako ang tingin nito sa ina ng lalake.
May kung anong ngisi syang nakita sa likod ng ngiti ng ina ni Dave.
Sya namang lapit ng ina nito sa kanya na wari ay maamong tupa.
''Ano pa nga ba magagawa ko,tao lang ako iha at nabigla ako sa balita nyong dalawa.''
''Madami pa ako pangarap para sa anak ko,pero nangyai na ang nangyari.''
''Kesa mawala at ilayo mo ang anak ko sa akin..mapapakumbaba ako at tatanggapin ka sa pamliya namin'' mahabang sabi nito kay Stephanie
Sabay dahan dahan na niyakap ang dalaga.
Idinikit nito ang bibig sa earlobe ni Stephanie at pasimpleng bumulong sa dalaga.
''I dont like you bitch,i will make your staying here as a hell..tandaan mo yan'' sabay ngiti nito ng ubod tamis sa dalaga
Tinayuan ng balahibo si Stephanie,..parang isang mangkukulam ang biglang nagbalat kayo.
Maaninag na nya ang kahihinatnan ng buhay nya kasama sa iisang bubong ang nanay ng lalakeng mahal nya.
''Your the best talaga ma'' natutuwang sabi ng binata.
'' I do everything sayo iho,ngayn na magiging ama ka na,nakahanda ako umalalay sainyo..'' nakangitig sabi nito sa anak.
LUMIPAS NG MABILIS ANG PANAHON..
Ngayon ay halos nasa apat na buwan na ang nasa sinapupunan nya.
Nasa katamtamang laki na ang tiyan nya.
Hindi naging madali kay Stephanie ang pagtira nya sa bahay ng nanay ng asawa nya.
Sa tuwing nasa bahay si Dave,isang buthing ina ang maskara ng nanay nito.
Pero kung aalis na ang asawa nito..katumbas ng isang impyerno ang bahay na iyon sa kanya.
Nagiging langit lang iyon dahil naroon ang asawa nya.
Wala syang lakas ng loob na sabihin sa nanay nito ang nangyayari sa kanya sa bahay ni Dave.
Nakatitiyak kasi sya na mag aalala ang ina nito.
At kilala nya ang nanay nya,pag nalaman nito ang pang aapi sa kanya ng nanay ni Dave,baka sumugod iyon at awayin ang nanay ng lalake,at pag minalas,..baka iuwi na sya nito sa kanila at tuluyan ng ilayo sa lalake.
Hanggang nayon kasi ay nagtatanong pa din ang ina nito bakit hindi pa inaayos ang kasal nila ni Dave?
Kung ano ano na nga ang idinahilan nya sa ina para lang wag na itong mangulit.
Naiintindihan naman nya ang ina sa pangungulit nito kung kelan ba sya pakakasalan ng lalake,..
Pero ayaw nya kasi bigyan ng pressure at isipin si Dave.
At isa pa,gusto nyang magkusa ang lalake na alukin sya ng kasal.
Minsan aaminin nya talaga sa sarili na napapaiyak na sya minsan sa sama ng loob.
Dahil kahit pakunwari o biro tungkol sa kasal ay di ginawa ng lalake.
Pero sa tuwing naglalambing si Dave,.
Nararamdaman nyang mahal sya ng lalake
At kung may bagay na di nya marahil marinig sa lalake sa ngayon,..
Handa sya mag hintay,..after all hindi naman batayan ang papel para magbago ang labis nyang pagmamahal sa asawa.
''---- Stepahanie!!!!!'' malakas na tawag iyon ng nanay ni Dave