ANG BESTFRIEND KO ,BOYFRIEND KO NGAYON!!!
Ni :rhea Hernandez
Pinoy poems
ang na padala ng kasaysayan mula sa Kuwait siya kasalukuyang namamasukan,
may isa akong kababata kay tagal naging mag kaibigan lumaon nag kaibigan,
siya ang aking kanlungan ng mga problema noon laging kasama saan man lakaran
kahit saan kami ang mag kasundo sya ang besfriend ko lagi akong inaalalayan.
Kay sarap ng aming samahan di mo ito matatawaran di ko akalain mauwi sa pag ibig,
Pag kasama ko sya ala akong pag siglan ng aking kaligayahan di ko maipaliwanag.
Sa iyo aking mahal kaya tumatakbo ang buhay ko ikaw ang nagsisilbing kalasag,
Wala akong di kakayanin basta nasa tabi kita maligaya sa piling mo di maipaliwanag.
Lalagi ka lang dito sa aking piling ako’y kuntento na habang tayo nag mamahalan,
Sa piling mo lang ako nakakaramdam ng ganito sa buo kong katauhan at isipan.
Buhat noong ating pagsaluhan ang ating pagmamahalan anong ligaya ko sinta!!
Dito ko ipinangako na ikaw lang ang aking mamahalin habang nandiyan ka!!
Habang nabubuhay ikaw aking pag lilingkuran at paninindigan umasa ka !!
Anong ligaya ko ng mga sandaling yaon di ko ito malilimutan di magsasawa!!
Iyo sanang tandaan itong aking mundo sa iyo lang umiikot sana’y pahalagahan.
Pero noong mag kaibigan tayo anong ligaya ko na ayaw ko nga ikaw iwanan.
Pero buhat noong maging tayo’y naging isa at sukdulan ang aking kaligayahan.
Aking naaalala noong nasa pinas pa tayo naging matalik na mag kaibigan,
Kung kailan tayo nag kalayo saka tayo naging magkasintahan di nalilimutan,
Buhat noong tayo mag usap ng masinsinan at inamin sa isa’t isa nararamdaman,
Yon pala mahal mo rin ako tulad ng pag mamahal ko sa iyo di matatawaran..
Isang taon na lang ang ating ipag hihintay tayo’y mag papakasal na mag sasama.
Malulubos ang ating kaligayahan sa pag sapit ng pinaka iintay sa ating pag iisa.
Bubuo tayo ng sariling pamilya at mag katulong nating itatayo tayo lipos ng ligaya,
Wala akong pinapangarap ang makasama sa habang buhay kundi ikaw lang sinta!!
Aking dalangin sana’y ang ating mga magulang di humadlang sa ating pag mamahalan,
Ang kanilang pag tutol ang aking kinakatakutan paano ang ating gagawin pag tinutulan,
Sa pag harap sa dambana sana’y wag nilang tutulan ito ang aking dalangin at aasahan.
Ating mga magulang alam kong tayo’y kanilang maunawaan at kanilang maiintindihan.
Ating pag mamahalan sana’y di mag bago sa mga darating na panahon kahit matanda na.
Manatili ang ating sumpaan at dalangin sa poong maykapal sana’y ito tadhana.
Sa lahat ng ating mga pinapanagrap mag karoon ng katuparan aking sinisinta,
Ito lang aking iniintay at pinanabikan sumapit ang araw na pagiging nating isa.
Sa ngayon mag kasya na lang muna tayo sa tawagan at paminsan minsan pagkikita.
Naiintindihan ko kailangan natin tapusin ang kontrata para na rin sa atin tadhana.
Kailangan mag sumikap at mag ipon para sa ating hinaharap na kinabukasan, sinta!
Ito ay para rin sa ating magiging mga anak sa darating na panahon tayo mag sasama.
Sa ating bukas na hinaharap tayo nag susumikap para sa magandang kinabukasan,
Sabi mo nga ako ang bulaklakng iyong buhay na nagbibigay ng iyong kaligayahan,
Parang hangin pag nawala malalgutan ng hininga at mawawalan ng kabuluhan!!
Parang tubig sa batis di kayang sangkaan ng kahit ninoman ganyan ang pagmamahalan.
Wag kang bibitiw hangang sa ating kamatayan ito ang aking dalangin landas tinatahak.
Ating malampasan kung anumang problemang dumating malusutan ang mga pag subok.
Sa tuksong darating wag sana patatangay sabay nating lulusutan at wag maging marupok.
Ni rhea Hernandez October 31 2011