Unang pag kikita ang sabi ko sa aking sarili ikaw na nga,
Aking pang natatandaan high school pa tayo unang magkita,
Buhat noon hangang ngayon di na tayo naghiwalay sa tuwi na,
Bawat sandali at pag kakataaon tayo’y laging magkasama.
Kahit noong pumasok sa kolehiyo di tayo nagkawalay,
Sa pag pasok at pag uwi sa school lagi tayong magkasabay,
Tulad din ng kanin at ulam laging magkapareha sa ating buhay.
Kaya naman noong nakatapos sa pag aaral humarap na sa dambana,
Noong ipagbuntis ang ating panganay kaligayahan aking nadama,
Laking pasasalamat sa Poong Maykapal sa magandang biyaya,
Parang ala ng katapusan ang kaligayahang sa puso nadarama.
Kahit di sagana sa material na bagay sapat na tayo’y nagmamahalan,
Napaka suerte ko at ikaw ang aking asawa katuwang sa ligaya at kalungkutan,
Walang reklamo kahit kung minsan kinakapos sa mga pangangailangan,
Lagi mong sinasabi basta tayo’y magkasama wala ng iba pang kailangan.
Buhat ng ating natuklasan na ikaw ay may karamdaman,
Sabi ng mga dalubhasa ito’y wala ng kalunasan,
Ano ang aking gagawin nalalapit na ang iyong katapusan,
Sa ganitong pagkakataon ang Panginoon ang aking naging sandigan.
Di ko na yata kayang panoorin ang unti unti pag bagsak ng iyong pangangatawan,
Parang kinukurot ang aking puso pag ikaw aking pinagmamasdan,
Isang taon at kalahati na lang ako’y iyong lilisanin ng tuluyan,
Ang aking puso parang tinurakan ng punyal at ito’y duguan.
Lagi kong dinadasal na huwag mo akong lisanin,
Kahit ibuhos ang lahat para lang ikaw ay pagalingin,
Lagi kong tanong bingi ba ang Diyos sa aking mga dalangin,
Sa iyong nalalabi mo pang mga araw lahat ay aking gagawin.
Sa iyong mga huling sandal ibig ko ikaw aking mapaglingkuran,
Ngayon dumating na aking mahal ! Ang araw ng iyong paglisan,
Baon baon mo sa iyong libingan ang ating pag mamahalan,
Kay hirap tangapin ang katapusan ng ating pag iibigan.
Ngayon ikaw lumisan kapag nag iisa ikaw lagi naalala,
Alam mo buhat ng tayo’y ikinasal ikaw lang ang lagi kong kasama,
Lagi kong binabalikan ang mga matatamis mong pag tawa,
Ang iyong pag aasikaso at pag aaruga ay laging lalagi sa aking gunita.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment