Wednesday, October 19, 2011

MAHAL KONG KAPATID ITO TUGON KO

by: Rhea Hernandez

Totoo nga !! Puedeng akong sumama , kahit wala akong pera?
Sa retreat ni Sarah tiyak na Masaya, Sino sino ba ang sasama?
Mahal kong kapatid, anong oras tayo lalarga?
Agahan ang alis , Masikip ang kalsada kapag tanghali na!!!

Kung gusto mo ng family bonding tara tayo’y mag samasama,
Sige gawin natin palagi itong ating paglalakwatsa,
Sabi mo nga wag mag alala kaw ang sagot sa pag gasta,
Di ba nakakahiya kung kaw ang laging Bangka at nag aaya !

Kay sarap naman kung tayo’y laging mag kasama,
Ilang taon na nga ba di nag kikita kita?
Mag labing isang taon na pala ng iwanan kita.
Kaya pala gusto ko ng umuwi at makapiling ka.

Sana’y dumating na ang panahon na tayo’y mag kita kita.
Anong ligaya ko sana kung lagi kitang kasama,
Siguro si amang laging Masaya at masigla!!!
ako noong nasa pinas pa , kay sarap balikan ang masasayang ala ala!!!
BY RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment