ni: Rhea Hernandez
pinanganak kang ang mukhang parang anghel sa kagandahan,
Anak ka daw isang puting dayuhan nakatagpo sa bahay aliwan,
Putok sa buho yang laging itinutukso sa iyo ng mga kabataan,
Pero ito noon di mo pansin kasi ang ibig sabihin di mo naintindihan.
Noong pumasok sa eskuwela lagi kang nangunguna sa paaralan,
Ang daming naiingit sa iyong katalinuhan at kakayahan,
Nag tapos ka hinakot mong lahat ang medalya at karangalan,
Pero di ka Masaya kasi naging tampulan ka ng chismisan.
Noong tumuntong sa mataas na paaralan lumutang iyong kagandahan,
Kaya naman maraming kababaihan na iingit sa iyong katangian,
Paano ba naman mga kalalakihan nakatutuk syo kaya kinaiinisan,
Ang mga ito’y di mo pansin nais mong makatapos ina alisin sa putikan.
Bago nagtapos mayroon isang lalaki nag patibok ng puso kayo’y nagsumpaan,
Pero ang mga magulang nito ikaw ay inayawan anak ka daw ng makasalanan,
Buhat noon ipinangako sa sarili babaguhin ang iyong kapalaran,
Tinapos mo ang inyong pag mamahalan at ikaw’y nangibang bayan.
Lumuwas sa maynila at dito binago mo ang lahat sa iyong katauhan ,
Ang iyong magulong buhay sa subic pilit mong tinalikuran,
Di naging madali ang iyong pakikipagsapalaran sa kamaynilaan,
Lahat ng klaseng trabaho iyong pinasukan para lang sa kinabukasan.
Kahit anong hirap ipinagpatuloy mo ang pag aaral sa makakayanan,
Kahit saan mapadpad ang mga kalalakihan hangad ang iyong kagandahan,
Ito ang laging kinaiinisan kaya inisip mong baguhin ang kagayakan,
Ginaya mo si miss tapia para lang di ka mapansin ng mga kalalakihan.
Nakatapos ka sa pag aaral at nakakuha ng magandang mapapasukan,
Ngayon ang pangarap mo’y inaasam asam nagkaroon ng katuparan,
Ang gusto ngayon mag karoon ng desenteng pamilyang naturingan,
Yong may ama, ina at anak na matatawag mong isang buong tahanan.
Mayroon kayang lalaking mag mamahal sa iyo walang alinlangan,
Ang kanyang dalangin matangap kung saan ang kanyang pinangalingan,
Ito kaya matagpuan mo at mahaling ka ng lubusan na alang katanungan,
Na magsasama kayo ng habang buhay at magdadamayan magpakailanman.
Ang iyong ina binalikan para iahon sa kinasasadlakang putikan,
Ang pangarap mong magandang kinabukasan iyong napagtagumpayan,
Kaya naman di hadlang kahit ikaw ipinanganak sa lugar ng makasalanan,
Nasa tao kung gustuhin niyang umahon sa kanyang kinalalagyan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment