Thursday, October 20, 2011

ANG BUHAY MAY ASAWA

ni: Rhea Hernandez


Ang buong akala ko buhay may asawa ay laging puno ng pagmamahalan,
Walang humpay na kaligayahan at walang kalungkutan,
Ngayon ako’y may asawa na aking napatunayang ito’y walang katotohanan,
Habang nagtatagal ang pag sasama sinusubok ang inyong katatagan.

Kaya kung minsan naitatanong ko wala naba itong katapusan,
Ang mga dumadating na pagsubok na aking pinagdadaanan,
Kaya kung minsan kay hirap isipin ang mga pangyayari at kaganapan,
May mga sandali dumating sa puntong ibig bumigay katawan at isipan.

Sa mag asawa kung tunay ang pagmamahalan mga problema kay daling lusutan,
Kailangan lang na pagtutulungan , ito ang tamang solusyon kinakailangan,
At dapat mag karoon ng pananalig sa Panginoong Diyos at ito’y maging sandigan,
Kahit minsan di mo na mapigilan ang iyong sarili na tumangis ang kalooban,

Basta ang ating Panginoon Diyos ang lagi nating kaagapay sa mga kalungkutan,
Kung dumating ang mabigat na problema kakaharapin si Lord ang maging sumbungan,
Sa buhay mag asawa lahat ng ito’y iyong mararanasan at pagdadaanan,
Kahit tunay at wagas ang inyong pagmamahalan mga ito’y di maiiwasan.

Dumadating ang panahon na di mo inaasahan sinusubok ang ating samahan,
Pag katapos lambungan ang buhay , babalik ang tamis ng pag mamahalan,
Pagkalipas ng mga kalungkutan babalik ang inaasam mong kaligayahan,
Kahit ano ang mangyari lahat kakayanin basta ang pag ibig ang nakapagitan.

May pagkakataon ang iyong asawa tumitikim ng ibang kandungan,
Pag ganito na ang pagsubok ang iyong puso’y mawiwindang ito’y paniwalaan.
At kung minsan naman isa sa mahal sa buhay nagkaroon ng malubhang karamdaman,
Ito’y mga halimbawa mabigat na pagdadaanan mo sa inyong pag sasamahan.

Kaya naman pag ito ang naging sitwasyon mo iyong paghandaan,
Maging handa sa anumang pagsubok sa buhay mo’y dadaan,
Sa buhay mag asawa ang mga ito’y di mo maiiwasan kung minsan,
Kaya naman ihanda ang sarili na di ka bibigay pag ito’y sa iyo naranasan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment