Buo pa sa akin isipan ang mga alaala,
Noong ako’y bata pa doon sa bukid nakatira,
Buhay sa bukid ay kay saya at kaiga igaya,
Ang hangin kay lamig at sariwa.
Tuwing umaga katulong ako ni ama,
Sa pag gagatas sa kalabaw kay daming nakukuha,
Kay sarap ng gatas ito’y sariwang sariwa pa,
Walang nasasayang kesong puti sa gatas na tira.
Kung tag ulan kay sarap mag laro sa ulanan,
Madalas kaming nahuhuli at nakakagalitan,
Ang mag tampisaw sa ulanan di mapigilan,
Noong aking kabataan kay sarap balik balikan.
Kami’y nag lalaro tuwing kabilugan ng buwan,
Madalas kaming mag laro ng patintero at taguan,
Doong lang kami sa loob ng bakuran,
Ito’y ang aking kamusmusan na kay sarap balikan.
Kung tag araw kay saya anihan na naman,
Ang uhay ng mga palay kay gandang pag masdan,
Parang mga ginto sa gitna ng kaparangan,
Si ama noon tandang tanda ko pa ang kanyang palukso,
Kay daming isda kanyang nahuhuli dito,
Pag oras ng pag pandaw galak na galak ang puso ko,
Marami naman akong huling isda para sa nanay ko.
Ang sa ilog kay linaw at kay linis,
Kay sarap magtampisaw sa alon na kay lakas,
Ganito ang aming ilog noon , panahon lumipas,
Ang tubig sa ilog di na puedeng paliguan pollution kay taas.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment