Una tayong nag kita na muntik mo na akong masagasaan,
Bigla bigla kasi akong tumawid na di tumitingin sa dinadaanan,
Di nagawang mag salita sapagkat nanginginig ang aking buong katawan.
Di lang sa pag kabigla ang aking pagkatunganga nag lalaro sa aking isipan,
Kundi ang kanyang kaguwapuhan na mala adonis na kanyang katauhan,
Makikita mo sa kanyang gamit na sasakyan at sa marangya niyang kasuutan,
Di ko siya kilala sigurado akong di sya taga rito sa aming lugar isa syang dayuhan.
Kung hindi walanghiya ang aking ama di sanay nasa eskuwelahan ako ngayon,
Di tulad ngayon lagi sa kalsada laging kasama ang paninda sa mag hapon,
Pag nakikita niya ang mga dating kaeskuwela nagdaramdam pa rin ngayon,
Nalalanghap ang usok ng tambutso ng sasakyan sa kalsadasa buong mag hapon.
Nakakapagod ang buhay ng isang dukha pero kayang kaya pag tiisan,
Wala siyang pakialam at di nya pansin ang mga sinasabi ng karamihan,
Di daw bagay sa isang katulad niya ang maging isang vendor lang sa langsangan,
Madalas siyang lapitan ng kanilang kapitbahay na isang mamasang sa aliwan.
Pero malakas ang kanyang paniniwala ang pag ginhawa di nakukuha sa madalian,
Kilangan lang niyang mag tiyaga at mag sumikap para umangat ang kabuhayan,
Alam niya di habang buhay magiging isang tindera di ito ang kanyang kasasadlakan,
Mataas ang kanyang pangarap ibig nya pag nakaharap ang ama di ganito ang kalagayan.
Napilit niya ang ina na mag maynila sila doon hanapin ang magandang kinabukasan,
Subalit bago sila makaluwas ng maynila ang ina nag karoon ng karamdaman,
Di niya malaman kung saan siya kukuha ng malaking halaga para sa gamutan,
Siya mong pag dating sa buhay at di mo kami pinabayaan sa gastusin tinulugan.
Ang lalaking muntik na ako’y masagasaan muli ng cruz ang aming kapalaran,
Sya ang tumulong sa pag papagamot ng aking inang nag karoon ng karamdaman,
Ang buo kong pag aakala ang katulad ko alang puwang sa mga mayayaman,
Di ko akalain ang isang katulad mo bigyang halaga ang aking dukhang kalagayan.
Unti unti mo binago ang aking paniniwala sa buhay at katayuan kinagisnan,
Binigyan mo ng buhay at liwanag ang nalalambungan kong kinabukasan,
Ikaw ang naging daan upang muling magarap ng magandang kapalaran,
Ang isang adonis at ubod ng yaman umibig sa tulad kong yagit sa langsangan.
Ang buo kong pag aakala sa mga komiks lang ang mga ganitong kasaysayan,
Ang isang lalaking mayaman iibigin sa isang mahirap na babae naman,
Sa pamamagitan mo ipinakita ang kagandahan ng mundong ginagalawan,
Di pala hadlang ang kahirapan upang masumpungan mo ang kaligayahan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment