Thursday, October 20, 2011

JS BATCH 79

ni: Rhea Hernandez


Pag katapos ng 32yrs ating napag usapan,
Ang JS prom natin noon di ko na matandaan,
Ang sabi mo sana’y maisayaw mo uli ako ng malapitan!
Kasi ba naman”puedeng dumaan ang kalabaw sa atin pagitan”.

Natatawa ako kasi buong buo pa ang nakaraan sa iyong ala ala,
Sabi mo ‘kasayaw kong matigas ang bewang isang dancer pala”
Nang ito’y iyong ikinuwento sa akin di ko mapigil ang mapatawa,
Kay saya ko pag pinag uusapan natin ang karanasang maganda.

Sabi mo nga ang iyong buong katawan nanlalamig di mo nalaman,
Pag katapos mo akong isayaw, ikaw ay kinilig ito ang naramdaman,
Habang tayo’y nag uusap ako’y napapasaya mo habang pinapakingan,
Ni sa hinagap di ko akalain ganito ang ating nakaraan, masayang balikan.

Ang sabi mo nga noong high school tayo isa kang torpe at mahiyain,
Kaya di magawang ipagtapat na crush mo ako noon nahihiya ka sa akin,
Ako’y nagagalak at ngayon may lakas kang ng loob para aminin,
Nakakatuwa lang noong iyong sambitin na ikaw ay nanligaw tingin.

Ang iyong ligaw tingin sa akin na di ko nabatid ito iyong inilihim,
Ako’y nagagalak ngayon iyo ng nasasabi na di ka na mahiyain,
Mga lumipas na mga taon pinatatag ka ng mga karanasan mo rin,
Ang mga kahapon kay sarap pag usapan at balikan ating gunitain.

Sabi mo nga noong tayo’y nag sasayaw anong ligaya mo sa iyong isipan,
Para kang nakalutang sa alapaap noong tayong nagkakasayahan,
Ang JS prom batch 79 di mo makakalimutan kay sarap balik balikan,
Tayo’y mag bata pa noon mga wala pang muwang sa kinabukasan.

Ngayon muli tayo nag katagpo sa pamamagitan ng facebook nagkakabalitaan,
Kahit na tayo’y mag kakalayo ay nag kakausap at nag kakaugnayan,
Sana’y di lang tayo ang mag kakuwentuhan ang iba pa makipag talastasan,
Sa pamamagitan ng facebook ang mga naputol na ugnayan ating balikan.

Sana’y ito na ang simula ng pag bubuklod ng batch 79 tayo magkatalastasan,
Sa pamamagitan ng facebook ituloy ang ating kalokohan at pagkakaibigan,
Na pinutol ng napakahabang panahon di nag kakabalitaan alang ugnayan,
Mga classmate sa batch 79 sana ito maging daan ng atin balikan ang nakaraan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment