Mahal kong kapatid di ako magaling sa talastasan,
Sa tulang bigkasan, Ako’y isa pa ring aralan,
Ang gusto ko lang mag karoon sa iyo ng konmuni kasyon,
Kasi nga kay layo ng iyong kinalalagyan.
Ako’y sadyang nalilibang at nasissiyahan,
Na ikaw makadaupang palad sa ganitong larangan,
Magandang mahasa sa ganitong talastasan.
Natutuwa ako’t matalas ang iyong isipan,
Itong ating lahi magaling di paiiwan,
Mana kay Gorio sa talumpatian,
Nag sasabi lang ako ng katotohanan.
Tinatangap ko ang iyong hamon,
Di kita uurungan , kahit anong paraan,
Alam mong di bahag ang aking buntot noon mag pahangan ngayon,
Ako’y lagging sumusugod at lumalaban.
Kilala mo ako mahal kong kapatid,ako’y lagging palaban,
Di ako umuurong kahit anong labanan,
Lalung laluna pag ako’y nasa katwiran,
Di ba lagging habilin ni amang, ito’y aking natatandaan.
Pag alam mong tama ka ipag laban,
Lalu na di to sa aking kinaroroonan,
Nasabi ko lang para sa iyong kaalaman.
Nawa’y dumating ang panahon,
Itong ating pinag uusapan,
Di lang sa talastasan,
Sana’y mang yari uli sa harapan.
Kung alam mo lang ang aking nararamdaman,
Ito lang ang aking libangan,
Pag binuksan mo ang aking puso kayo ang laman,
Di ito isang biro o kasinungalingan.
Totoo ang aking sinasabi ,
Ibig ko nang umuwi,
Sa mga lakwastahan gusto kong sumali ,
Kakaingit kayo diyan ,
Ibig kong makipag sabayan,
Sa inyong mga usapan,
Pag nag bakasyon di ko kayo titigilan.
Humanda ka sa lakaran,
Lahat ng pinuntahan iyong babalikan
At ako’y iyong sasamahan
Sa malalayong pasyalan.
Ang mga sinabi mo noon iyong balikan,
Ako’y iyong ililibot kung saan saan ,
Yan ang mga pangako mong binitiwan,
Kaya ikaw aking pag bibigyan.
BY RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment