ni: Rhea Hernandez
Huling taong ko na sa mataas na paaralan,
Ikaw aking nakasumpungan,
Habang nakapila sa palistahan,
Di ko alam ako’y iyong pinagmamasdan.
Hindi ka nakatiis ako’y iyong nilapitan,
At iyong tinuran handa akong tulungan,
Sa aking pag kakatayo sa mahabang pilahan,
Sa isang kondisyon makuha ang aking pangalan.
Ako’y sumangayon sa iyong tunuran,
Sapagkat ibig ko nang umalis sa aking kinalalagyan,
Sa napakahabang at nakababagot na pilahan,
Nakuha ko ang aking kailangan sa madaling paraan.
Iyon ang simula ng ating magandang samahan,
Sa simula tayo’y naging mag kaibigan,
Di nag tagal ikaw nagtapat ng iyong nararamdaman,
Sinabi ko sa iyo ito’y di ko kayang tugunan.
Ikaw naging mapilit sa iyong adhikain,
Na ako’y iyong paamuin at paibigin,
Ang iyong pag sintang nagsusumamo inaahin,
Ano ang aking magagawa puso ko’y ayaw kang tugunin.
Ang aking isipan gusto kang pagbigyan,
Ang aking damdamin di makapa ang katugunan,
Ang tanging hiling sana’y ako iyong maunawaan,
Ang pag ibig iyong dinudulog walang kakahinatnan.
Sa iyong mga kaibigan ako’y iyong pinakilala,
Kahit na nga sa iyong opesyales ako’y ibinandera,
Sa iyong magulang ako iyong dinala,
Bakit ganoon isipan gusto ka na.
Puso ko ayaw kang kilalanin,dahil puno ng kalungkutan,
Sa laking dinanas sa mga nagdaang kabiguan,
Ang busilak kong puso dalawang beses ng nasaktan,
Kaya naman ang iyong pag susumamo ayaw ng pakingan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment