Wednesday, October 19, 2011

LALAKING TORPE AT MAHIYAIN

ni: Rhea Hernandez


Hoy... lalaking torpe iyo nang sambi...tin
sabihin mo na kahit lang sa palipad-hangin,
ang dalagang pilipina huwag mo nang bitinin,
sa pag-ibig na iyong kinikimkim.

Ang dalagang pilipina ay tunay na mahinhin,
laman ng puso.. kung harapan di kayang sabihin,
huwag mag- alala ikaw ay kanyang mahal din,
kaya ang puso mong umiibig huwag nang ipitin.

Huwag magpatumpik-tumpik sa pagpapahiwatig,
baka ikaw ay magsisi kapag panahon ay sumapit,
sa kahihintay ang dalaga ay tuluyang mainip,
baka siya ay maghanap ng iba kahit na pangit.

Sa mahabang panahon na iyong pinalipas,
ang init ng pagmamahal ay baka kumupas,
baka masayang ang iyong pag-ibig na wagas,
kapag dalaga ay nainip at kusa ng umatras.

Datapwa’t ang dalagang pilipina ay matiisin,
at laging handang maghintay na siya ay suyuin,
hindi magawang pag-ibig niya’y kusang sabihin,
sa lalaking torpe na kanyang iniibig din
 By: Rhea Hernandez

No comments:

Post a Comment