Thursday, October 20, 2011

ANG AKING UNA’T HULING PAG IBIG

ni: Rhea Hernandez


Kay agang tumibok ang aking puso sa lalaking pinag ukulan ng pag ibig,
Kay gandang lalaki kasi kaya naman ang abang puso ko sa kanya umibig,
Noong mag hayag nag pag mamahal sa akin nawindang ang aking daigdig,
Alam ko siya ang aking makakatuluyan ito ang sigaw ng pusong pumipintig

Pag nagkakasama kaming mag kakabarkada lagi sya ang aming bukang bibig,
Ewan ko ba pag siya ang nakikita di ako mapakali at lagi nalang akong ligalig,
Sa pag uwi di mapakali kung di nasilayan sa mag hapon boses gusto marinig,
Sadya bang ganito ang umiibig kahit oras na ng pahinga dimakali di makatulog.

Pag sapit sa umaga ikaw ang nasa isipan at ang masilayan ka ang aking pinanabikan,
Kailan mo kaya ako mapapasin at kahit kaunting pagtingin at iyong pag ukulan,
Di ko nakakalimutan na isama ka sa aking mga dalangin na sana’y iyong lapitan,
Sana naman mahalin mo rin ako tulad ng pag mamahal na pinagkakaingat ingatan.

Sa wakas ako’y iyong nilapitan di ko akalain ikaw ay may pagtingin din sa akin,
Anong ligaya ko ng ikaw mag tapat ng pag ibig sa akin para akong kikiligin,
Ganito pala ang umibig ang buong paligid nakikisama sa iyong damdamin,
Totoo pala ang sabi ng marami pag ikaw daw ay in love kay ganda ng tanawin.

Ganito pala ang umibig mayroon kang pinapangarap at oras oras may kakulitan,
Kay sarap ng iyong pakiramdam pag ikaw ay inlove mayroon kang lanbingan,
Pero di nawawala ang magkaroon tayo ng mga sandali na nagkaka tampuhan ,
Pero di nag tatagal lagi mo kasi ako sinusuyo sabi mo nga wagas ang pag mamahalan.

Lagi mong sinasabi ang syota kong matampuhin nagiging cute pag nakasimangot,
Pag ganito na tayo lalu akong naglalambing ikaw aking sa tagiliran laging kinukurot,
Pag ganito na tayo anong ligaya ko sasabayan pag himas buhok ko na bagong gupit,
Iyong sasambitin ang girlfriend kong mahal ay laging demanding ay kay kulit kulit.

Ang ating pag mamahalan sana’y wala lang katapusan kaligayahan kailan man,
Ang aking mundo sa iyo lang umiikot sa ngayon at ito’y iyong pagkakaingatan,
Bawat sandali ng ating pagkikita anong ligaya aking nadara kay tamis ng pag iibigan,
Sana’y ang nadarama wala ng katapusan dalhil natin hanggang kamatayan.

Pag sapit natin sa tamang panahon tayo’y mag pakasal magsasama magpakailanman,
Bubuo tayo ng isang masaya at maligayang pamilya pupunuin nating ng pagmamahalan,
Wala kahit sinomang puedeng mamagitan para tayong paghiwalayin sa pag iibigan,
Saksi nating ang Panginoong Diyos sa ating wagas na pag mamahalan ng lubusan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment