Thursday, October 20, 2011

SANA TAYO PA RIN .!

ni: Rhea Hernandez


Kasaysayan ng buhay ng isang OFW sa Kuwait sanay magustuhan mo kung paano ko sya isinalin patula ang iyong buhay at pag ibig ...

Kay sarap balikan ang kahapon noon tayo’y nagmamahalan at maligaya,
Nag pasya noong pakasal para bumuo ng isang masayang pamilya,
Sa ating buhay may asawa nag karoon ng mga supling bunga ng pag sasama,
Akala ko noon ala ng katapusan ang ating masasayang araw anong ligaya.

Pero ang pag mamahalan natin binagyo ng sangkaterbang problema,
Dito nag umpisa ang mga pasakit sa ating buhay di na tayo Masaya,
Walang araw na di tayo nag aaway sabi mo nga masyado akong bungangera,
Kasi ba naman kahit maliit na bagay di mo pinalalampas lagi mo pinupuna.

Ang ating mainit na pag mamahalan ay nalambungan ng kalungkutan,
Akala ko noong una ay simpleng tampuhan lang ang di pag kakaunawaan,
Bakit ganito wala ng katapusang sumbatan at ang ating pag mamahalan,
Lagi kong hinahanap ang dating asawa na isang malambing at maaasahan.

Unti unti kang nag bago ang mabait at mapag mahal na asawa nasaan na?
Alam ko ako din ay nag bago naging mapaghanap sa bagay na di mo kaya!
Dito nag umpisa ang pagiging malamig at pag aaway natin sa isat’ isa ,
Di natin kagustuhan na mauwi sa ganito ang ating buhay may asawa.

Pero huli na para ating ayusin pa nag kasundo na tayong mag hiwalay na.
Ating pinag usapan at napagkasunduan na mabuti bigyan ang sarili ng laya,
Para mag karoon ng pag kakataong ang bawat isa na mag isip pang samantala,
Sabi mo nga tayo’y mag hiwalay para ikaw ay makahinga sa ating pagsasama.

Sabi mo panga ikaw ay sakal na sakal na sa buhay natin bilang mag asawa,
Kaya naman pati mga anak pinaghatian ito napagkasunduan nating dalawa,
Ang dahilan mo sa akin para maiwasan ang madalas na pag aawayan sa tuwina,
Bakit ganito nababalitaan di pa nag tatagal ng tayo’y mag hiwalay may kinakasama .

Ang aking tanong ngayon sa sarili ako na lang ba ang umaasam na magkakabalikan?
Wala na bang pag asa ako’y iyong balikan talaga dito na lang ang pag mamahalan?
Kaya naman ako’y lumisan nag trabaho sa ibang bansa para kaw makalimutan,
Gusto kong hanapin ang aking sarili at para ikaw kalimutan din ng lubusan.

Ngayon pinipilit kong limutin ang dati kong asawa na mayroon ng kinakasama,
Sana’y matagpuan ko rin ang tunay na pag ibig magmamahal sa akin ng tama,
Ang aking panahon iuukol ko na lang sa aking anak at kalimutan ang nadarama.
Ang dasal ko sa Diyos sanay mag karoon ako ng katahimikan sa tuwi tuwina.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment