Thursday, October 20, 2011

FACEBOOK BESTFRIEND

ni: Rhea Hernandez


Marami ang nagsasabi di ako kaguapuhan pero ako’y isang simpatico!
Mayroon akong ” BF” bestfriend sa facebook ako’y kanyang nababago!
Sa di pagyayabang mataas ang aking posisyon sa aking trabaho,
Ako ay kanilang iginagalang at sa lahat ay karespe respeto dito.

Classmate ko sya sa high school, matagal na siya kakilala,
Pero nitong nagdaang mga buwan ng dahil sa FB siya nagpakilala,
Mula noon nagpapalitan na kami ng mga msg. dito masasabi sya'y kakaiba,
Sa dalas naming pag uusap natatanong sa aking sarili bakit ganito ang nadarama.

Sa totoo lang pag siya na ang kausap di na maintindihan ang sarili ko,
Sa oras na magpadala siya ng message sa akin di malaman ang gagawin ko,
Kung mag kaminsan sa kasabikan nagkakandahulog ang cellphone ko,
Kahit nasaan pag siya na ang nag msg . sa akin ako’y natuturilo.

Madalas kong itanong sa sarili ! Ano ba itong aking nadarama?
Para akong bumabalik sa pagiging teenager, sino ba ang mag aakala?
Pag siya na aking kausap ang pakiramdam ay parang bumabata,
Ngayon lang nagkaroon ng BF na ganito hinahanap pagdilat sa umaga.

Pag ang BF nagpadala ng msg. kahit nag drive di puede di sagutin,
Tuwing magkakausap kami gustong gusto syang kulitin,
Walang araw na di siya sinasabihan ang BF kong matampuhin,
Pag kung minsan natatagalan ang aking pag reply madalas niya akong apurahin.

Ang BF kong napakaigsi ang pasensya pagkat sya mainipin,
Ang kanyang mga katangian ganito ay aking gusto rin,
Palagi akong napapatawa pagkat siya’y may pagka selosa rin,
Pag ganito na ang aming usapan ng BF ako ay parang kikiligin.

Ang talagang gusto sa kanyang katangian ako’y kanyang naiintindihan,
Pag nagsasabi ng aking problema sa buhay ako’y kanyang nauunawaan,
Siya ang aking napagsasabihan mga hinaing sa buhay laging nandiyan.
Sa aking mga kahinaan siya nagbibigay ng lakas at di ako hinuhusgahan.

Ang aking BF siya ang nagbibigay ng lakas sa aking sariling kahinaan,
Siya rin ang nagbibigay ligaya sa aking mga kalungkutan,
Sa totoo lang ako’y nalilito sa aking sarli kung ano ang aking nararamdaman?
Siya ang aking facebook bestfriend na aking masasabing tunay kong kaibigan….
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment