Wednesday, October 19, 2011

ANG ASAWA KONG BATUGAN BABAERO

by: Rhea Hernandez

Napilitan akong mag trabaho sa ibang bansa dahil sa alang wentang asawa ,
Kasi ba naman alang ginawa ang aking magaling na asawa kundi umasa,
Laging walang inaabangan kung ano ang ibibigay sa kanyang biyaya,
Mahilig pang makipag inuman sa kanyang mga kaibigan at barkada.

Ang asawa kong di marunong tumayo sa saliring mga paa,
Walang ginawa makipag inuman at mag barkada talaga,
Wag ka di lang iyan mahilig din mangbabae sa tuwina,
Kaya naman di ako nakatiis ako’y nagtrabaho sa ibang bansa.

Bago ako nakaalis nag karoon na sya ng 3x GF nagpangap na sya binata,
Dahil magandang lalaki kaya naman marami pang nalolokong dalaga,
Nag sawa na ako sa kanyang mga kalokohan kaya iniwan ko na siya,
Noon ako napilitan mag hanap ng ikakabuhay napadpad sa ibang bansa.

Kailangan kong buhayin ang aming tatlong anak at sila’y pag aralin,
Kaya naman kahit mahirap ang mapalayo sa mga anak dapat kayanin,
Aking mga biyanan ang may sala kasi kinukunsinti ang maling gawain,
Lagi nilang pinagtatakpan ang aking asawa ito aking naging suliranin.

Kung noon di pa ako umaalis pa syota syota lang ang ginagawa niya,
Subalit noong nasa abroad na ako inuwi mismo sa bahay ang babae niya,
Kahit alam kong babaero ang aking asawa iba pala yong iuwi niya,
Napakasakit ang inabot kong karanasan sa piling ng malanghiya kong asawa.

Kaya naman noon mag bakasyon ako balak mga anak inilipat ng tirahan
Tuluyan na akong nakipag hiwalay sa kanya di na kaya tagalan,
Ewan ko ba pag eto ka na humihingi ng tawad bakit di matangihan,
Mag uusap tayo bubuo uli ng mga plano yon pala balak mo rin iwanan.

Bakit ganito ako buo na ang plano kong iwanan ka pero eto pa rin ako,
Parang sirang plaka paulit ulit lang ang takbo ng buhay natin paano?
Mag kakasala ka hihingi ng tawad eto naman ako laging sa iyo tuliro,
Anong klaseng gayuma ba ang ginamit mo sa akin di ako makalayo.

Di ko alam kung ano mayroon ka di kita maiwan iwanan ng tuluyan,
Ni hindi ka marunong mag hanapbuhay kumita ng pera wala sa isipan,
Sabi nga ng aking mga magulang si juan tamad ang pinagmanahan,
Pero eto pa rin ako laging nasa iyong harapan di ka makalimutan.

Ang mas masaklap pa nito di na tulad ng dati ngayon mag kakaanak na kayo,
Akala ko sanay na akong ikaw ay babaero bakit nasasaktan pa rin ako,
Ang masaklap pa nito ipinapakita mo pa sa ating mga anak ang pagluluko,
Wala ka bang pakialam kahit sa mga anak ang babata pa nila lalu na si bunso.

Lagi kong tanong sa aking sarili hangang kailan ako mag papakatanga?
Ayoko na ng ganito bugbo na ang aking puso at isipan sa kasawian,
Pero ano ang aking gagawin pag eto na siya humihingi ng kapatawaran,
Ako nagiging malalay sa aking mag pangangatwiran ito aking kahinaan.

Ang aking pag trabaho sa ibang bansa ang nakatulong para ikaw limutin,
Ngayon matagal na ako dito natitiis ko ng di ka isipin sa sistema alisin,
Sa ngayon unti unti na iwawaksi sa aking mga alaala para di nahanapin,
Malaking tulong ang aking pag layo para sikilin ang aking damdamin.

Kasaysayan ng isang OFW , Ayaw pabangit kung anong bansa sya narooon isa siyang mananahi.
BY:rhea Hernandez October 4,2011


No comments:

Post a Comment