Wednesday, October 19, 2011

ANG KAPATID KONG DONYA LABANDERA

ni: Rhea Hernandez

Pag ganyan naman ang donya ayoko na,
ikaw na lang mag-isa,
gusto ko na lang maging senyorita,
para hindi maging labandera.

Ikaw ang maysala
kung bakit ika’y naging labandera,
bakit di kumuha ng sa iyo’y maglalaba,
aanhin mo ang sandamakmak mong pera?

Bakit ka magtitiis sa batya at palu-palo,
hindi na uso yan bili ka ng aparato,
kaydaming klase, bili na kahit dyan sa kanto,
bakit di ka sumunod sa uso?

Mahal kong kapatid masyado kang matiisin,
hayaan mo maghintay iyang labahin,
buksan ang computer ako’y iyong chikahin,
ikaw ay aking papasayahin.

Huwag mag-alala sagot kita kay bayaw,
hindi naman matatapos itong araw,
may bukas pa para gumalaw,
kapag di na kaya ika’y sumigaw.

Iyang mga gawain ay maghihintay,
huwag apurahin baka bumigay
katawang lupa di yan matibay
kailangan mong tawagin si inday.

Ang Japan ginagawa mo lang pasyalan,
iyan ba ang sabi mong labanderang naturingan,
ayaw mo lang yata ikaw ay mautangan,
sa lakaran laging hindi papaiwan.

Malaysia at Singapore kailan lang ika’y pumaroon
wala kang ginawa kundi pose dito pose doon,
kayong mag-asawa nagpasarap buhay doon,
yan ba ang sinasabi mong donyang labandera ngayon?

Kailan lang sa Hongkong ikaw ay nagpunta,
Macao, China, ang buong Asia nalibot mo na,
pasyal dito pasyal doon ang iyong ginawa,
kapag di ka pa niyan nagsawa, ewan ko na.

Ang gusto ko sana’y ako ang iyong pasyalan,
siguro kaysarap ng ating chikahan,
kailan mo kaya ako pagbibigyan,
sa aking munting kahilingan?
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment