Thursday, October 20, 2011

PAALAM NA AKING MAHAL

ni: Rhea Hernandez


Isang araw ako’y kinausap at ikaw ay nag paalam na ako’y iyong iiwanan,
Wala akong maisip kung bakit mahal ako’y iyong lalayuan,
Kahit anong pilit ayaw mong magpaliwanag kung ano dahilan,
Kaya naman gusto kang unawain pero puso di ka maintindihan.

Akin sinta kahit anong gawin di ka mawala sa isipan,
Aking giliw di ko maisip bakit mo ako iniwan,
Halos ako’y mabaliw sa kaiisip di ka maunawaan,
Aking mahal di ko maintindihan bakit ako’y iyong sinaktan.

Isang araw sa piling ng magulang iyong binalikan,
Di ako makapaniwala sa akin nabalitaan,
Na ikaw ay nakaratay sa banig ng karamdaman,
Ano ang nagyari aking mahal ikaw ay nagkaganyan.

Kaya naman sa araw din iyon gusto kitang bisitahin,
Ang masaklap pa nito ayaw mo akong harapin
Ang sabi mo ala ka ng dahilan para ako’y kausapin,
Iyong pinaabot wala kang dapat ipaliwanag sa akin.

Sa iyong mga tinuran mundo ko gumuho,
Kahit kay tagal mong nawala pag ibig ko’y di nag laho,
Ikaw pa rin ang minamahal nitong aking puso,
Nag pumilit akong ikaw masilip nakita mga mata namumugto.

Doon ko nabatid na ako’y di nawaglit sa iyong puso’t isipan,
Pinilit mong lumayo para ikaw ay aking malimutan,
Sapagkat nalalapit na ang iyong kamatayan,
Buhat iyong natuklasan na ikaw may malubhang karamdaman.

Sa aking pagtitiyaga sa mga pakiusap ako’y pinagbigyan,
Sa paghaharap di mapigilan luhang pumatak sa iyong harapan,
Doon ko nalaman nalalapit na ang iyong kamatayan,
Bilang na ang iyong mga sandali na ilalagi at ako’y muli iiwan.

Sa huling pagkakataon ang hiling mo’y ikaw aking yakapin at halikan,
Sa aking mga bisig ng ikaw malagutan ng hininga ng di ko mapaniwalaan,
Kay tagal kitang inintay ngayon ako’y iyong muling iniwan,
Kay saklap naman nitong ating naging kapalaran.

Noong ihatid ka naming sa huling hantungan ito na ang katapusan,
Doon ko nasambit ang aking huling paalam di kita malilimutan,
Lagi kang manantili sa aking puso at gunita mag pakailanman,
Lalagi ka sa aking alaala giliw kahit ngayonako’y iyong nilisan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment