Thursday, October 20, 2011

KAIBIGAN KA NGA BA?

ni: Rhea Hernandez


Ito’y kuwento ng isang nangungulila sa Middle east. Sanay nagustuhan mo kung paano ko isinalin ang iyong lihim na pag ibig sa isang kaibigan.
KAIBIGAN KA NGA BA ?
Pag ibig ko sa iyo kasing linis ng tubig sa batis maniwala ka,
Ibig kong patunayan sa iyo subalit papaano ko ito ipapadama,
Wala akong karapatan ako’ynakatali may pananagutan sa anak at asawa,
Bakit noong kitang matagpuan di na ako malaya wala ng magagawa pa.

Sapat na sa aking tanawin ka sa malayo makitang masaya ka,
Ako’y kuntento na kahit di ka makapiling sa tuwi tuwina,
Pag aking nababalitaan ikaw ay mayroong problema dinadala,
Ibig kong ikaw ay lapitan aluin at damayan sa iyong pighati sana!!

Dapat mong malaman pag ibig ko sa iyo dalisay walang halong pagnanasa,
Sapat na ituring mong isang kaibigan handang makinig sa iyong problema,
Kahit di mo alam ang laman ng aking puso ko na mahal na mahal kita,
Kuntento na ako na isang bestfriend ang turing mo sa akin doon masaya na.

Bakit kasi huli ka na dumating sa buhay ko ngayon wala ng kalayaan,
Ako’y nagpapasalamat tinangap mo bilang isang kaibigan pinapakingan,
Sa iyo ko din lang nasasabi ang aking mga hinaing sa buhay at kakulangan,
Sanay tulad mo sya maunawain at laging akong naiintindihan sa kahinaan.

Dasal ko maramdaman mo rin kung gaano kita itinatangi dito sa aking damdamin,
Ito’y aking napatunayan noong ako’y lumayo at nag trabaho sa malayong lupain,
Bakit ganoon mas kinaiinipan ko ang ikaw aking masilayan at aking lingapin,
Ikaw ang laging hinahanap nitong aking pusong nagungulila sa iyong pag tingin.

Alam kong mali ang aking nararamdaman pero ito’y di ko mapigilan,
Ikaw ang isinisigaw ng aking damdamin sumisidhi habang pinipigilan,
Ano ang aking gagawin alam kong ito’y mali wala akong kalayaan,
Ikaw aking iniiwasan para di ka masaktan tulad ng aking nararamdaman.

Wala akong dasal sana’y pagiging mag kaibigan wag mong putulin,
Ito na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin upang ito’y kayanin,
Ang tangi kong panalangin sana’y lagi kang nandiyan ako’y intindihin,
Sapat ng alam mo mahal kita bilang kaibigan pero iba dito sa damdamin.

Ang pag ibig ko sa iyo nadarama aking babaunin hanggang sa aking kamatayan,
Ito’y itatago sa kaibuturan ng aking puso habang buhay aking pagkakaingatan,
Sapat na sa aking ikaw minamahal at ako’y itinuturing mong iyong kaibigan,
Ito’y ang aking lihim na di mo dapat pang mababatid magpakailan man.

Mahal kong kaibigan ikaw ang itinitibok nitong aking puso nararamdaman,
Kasing busilak ng mga ulap sa kalangitan aking pag ibig na pinagkakaingatan,
Kahit alam kong di ito mag kakaroon ng katugunan ako’y nasisiyahan,
Sapagkat kahit anong oras nandiyan ka bilang isang matalik na kaibigan.

Ito’y sapat na sa akin di na naghahangad ng kung anu pa man ,
Ang palagi kang makausap ay isa ng malaking kasiyahan,
Di mo alam kung gaano mo ako pinaliligaya sa simpleng usapan,
Ikaw aking pahahalagahan habang ako’y nabubuhay dito sangkatauhan.

Mahal kong kaibigan sana’y wag kang mag sasawa sa isang katulad ko,
Alam kong di mo ako maiintindihan sa aking nararamdaman para sa iyo,
Kaya naman pilit kong itinatago para di ka mawala at lumayo sa piling ko,
Ikaw na lang ang nag bibigay ng lakas sa aking mga problema sa mundo.

Maraming salamat mahal kong kaibigan ako’y iyong nauunawaan,
Kahit di mo batid ang tunay na damdamin alam kong di papababayaan,
Ang iyong itinuturing na tunay na kaibigan ay nag mamahal ng lubusan,
Salamat sa lagi mo akong dinadamayan sa aking mga kalungkutan.

Lagi mong pinagagaang ang aking kalooban tuwing tayong nagkakabalitaan,
Ikaw ang nag bibigay ng lakas pag ako’y nalulumbay sa aking pinagdadaanan,
Kahit di mo batid na ang pag ibig ko wagas at walang kapantay dito sa kalooban,
kaibigan wag kang mawawala sa aking piling di ko kakayanin kaw aking iingatan.
by : RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment