Thursday, October 20, 2011

KASUMPA SUMPA

ni: Rhea Hernandez


Ito’y mga kahapon di kayang ilarawan,
Mga karanasang di magandang balikan,
Ito’y mga bangungot ng isang nakaraan,
Hangang ngayon nakabaon sa iyong kaibuturan.

Noong ikaw bata mayroon kang karanasan di malilimutan,
Di kayang sikmurain ng taong may matinong kaisipan,
Sa iyong mundong ginagalawan , kay hirap paniwalaan,
Tanging Diyos lamang ang iyong naging sumbungan.

Sa iyong murang isipan di mo maarok ang katotohanan,
Kay sakit ng iyong dinanas ang kahinaan pinagsamantalahan,
Ito’y ang isang lihim ng iyong pagkatao na pinagkakaingatan,
Di mo alam kung kanino sasabihin,sino ang mapagkakatiwalaan.

Ang iyong buhay punong puno ng pighati at kasawian,
Ang pagkakamali sinarili mo, ang mga bagay sa iyong isipan,
Huli na matuklasan ng iyong ina ang mga pinagdadaanan,
Mga pangyayari sa iyong buhay tumimo sa iyong katauhan.

Noong ikaw mag dalaga ang kahapon pilit mong tinatalikuran,
Kaya naman ikaw nalibang pangsamantala ito’y nakalimutan,
Pero para itong mga anino laging nakasunod sa iyong likuran,
Ang lagi mong tanong makalaya pa kaya sa pag aalinlangan.

Di ka naman bobo sa katunayan lagi kang nangunguna sa eskwela,
Kaya pag ito’y sumasagi sa iyong isipan ikaw ay napapatulala,
Nitatanong mo kung minsan sa Diyos kung ano ang iyong nagawa?
Bakit niya pinahintulutan gawin ito sa iyo ngayon ikaw nagdurusa?

Isa sa kapatid mo ang bumaboy sa iyong pag katao,
Tuwing ito’y iyong naiisip gumuguho ang iyong mundo,
Sadyang bang ang pag kakataon ay mapaglaro, ikaw nanlulumo,
Sa pangyayari ito pag iyong naiisip luha tumutulo mata namumugto,

Hangang kailan mo kaya kayang tangapin ang kabiguan?
Mga kasawian at pighati kaya mo pa kayang matagalan?
Lagi mong tanong habang buhay ba itong pagdurusa?
Lagi mong dasal sa Panginoon bigat na dalahin mapaglabanan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment