Thursday, October 20, 2011

HINAING NG PUSONG UMIIBIG

ni: Rhea Hernandez


Mahal ang iyong kagandahan pag aking tinitigan parang mga bulaklak sa hardin,
Kung pagmamasdan mo para kang nagninining sa kalangitan na parang bituin,
At kung minsan ikaw ay nalalambungan ng mga ulap sa langit na madilim,
Kay sarap mong pag masdan kagandahan kumukutitap kutitap sa aking paningin.

Ang pag ibig ko’y kasing init ng lava ng vulcang mayon sana’y iyong maramdaman,
Sana naman iyong pahalagahan ang tunay kong damdamin ito’y pagkaingatan,
Wala akong pinapangarap kungdi yakapin ka sa buong magdamag sanay pagbigyan,
Ikaw ang aking idadambana dito sa aking kaibuturan iyo sanang pagkatandaan.

Bigyan mo ako ng pagkakataong ipadama tunay kong nararamdaman,
Ang aking pag susumamo aking nililiyag sana’y iyong pakingan ,
Kung kita’y kaharap puso anong sigla di malaman paano patutunayan,
Lagi kong dalangin sa maykapal aking nadarama mag karoon ng katugunan.

Kailan mo kaya bibigyan ng katuparan ang aking pusong mag susumamo sinta,
Huwag kang mag alinlangan sa aking pag ibig di kita lolokohin sa piling liligaya,
Pag ako’y iyong inibig sa dambana ikaw aking ihahatid habang buhay mag sasama,
Aking mga pangako babaunin ko hangang sa aking kamatayan aking sinisinta.

Kahit kailan di pagsasawaan suyuin habang ako’y nabubuhay sa daigdig ,
Aking mahal paniwalaan ang aking inihahayag ito ng aking pusong umiibig,
Iyo sanang paniwalaan di papabayaan ikaw aking aalagaan wag maligalig,
Kailan mo kaya tutugunin hinaing ng pusong umiibig sana’y iyong marinig.

Itong aking mga pagsusumamo sana’y mahal iyong laging pakingan,
Handa akong mag intay gaano mang katagal iyo sanang pagkakatandaan,
Ang pag ibig na alay sana’y wag isantabi mo lang at ito’y iyong pahalagahan,
Lahat ng sandali ako’y iyong maaasahan handang ikaw aking paglingkuran.

Ang alay kong pag ibig pag iyong tugunin di mo pag sisisihan kahit kailan,
Handa akong paligayahin ka habang ako’y nabubuhay ito’y papanindigan,
Iyan ang pangako ng pag ibig ko sa iyo di ko kakalimutan magpakailan man,
Kaya irog ko ang aking pag susumamo iyong biyang ng magandang katugunan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment