Tuesday, October 25, 2011

ANG TOTOONG AKO

ANG TOTOONG AKO
Ni rhea Hernandez
Pinoy poem

Puro lalaki ang aking kapatid kaya naman ako’y kung turingan isang tomboy.
Kaya noong makatapos sa pag aaral kailangan mag bago ng kilos di pasaway.
Ang aking ina sya kong katulong sa pagbabagong anyo lagi syang nakaalalay.
Di naman nasayang ang aming pag papagod sa pagbabago anyo ay tagumpay.

Pag hahanap ng trabaho nag tago sa bagong katauhan lumitaw ang kagandahan.
Sa aking pag papalit ng kagayakan ang mga kapatid na lalaki nagsipag sipulan.
Di nila akalain ang bunso nilang kapatid may itinatagong angking kaseksihan.
Kahit sa pag bebestida di kagustuhan alang magagawa kailangan sa papasukan.

Kahit iyong sarili di mo mapigil di humanga sa nakikita sa salamin ako ba ito?
Sa di pag yayabang ako’y may aking talino taglay sabi nga may laman ang ulo.
Kaya naman nakakasiguro kong makukuha ang ina aplayang trabaho sigurado.
Malakas ang tiwala ko sa aking sarili paano naman lumaki puro kasama ay barako.

Sa aking angking talino kaya di na  ako nahirapan ito aking napatunayan.
Ang lahat na dapat na kailangan ay aking nadanan at napag tagumpayan.
Isa na lang ang kailangan ang final interview pag ito ang aking nalusutan.
Di mo akalain ang magiging boss halos kaidaran may angking kaguapuhan.

Ang unang kita mo pa lang dito ang iyong puso tumibok sabi ito ang kapalaran.
Kaya ang iyong pagbabagong anyo iyo ng pangangatawanan na ng tuluyan.
Ipinangako ko sa aking sarili di ako titigil hangang di kita mapagtatagumpayan.
Ngayon k nasabi sana lalaki na lang ako para maipapahayag nararamdaman.

Bakit ganoon di patas ang karapatan ng isang lalaki at babae sa oras ng ligawan              Ang aking boss syang nililiyag mayroon ding pag tingin lingid sa aking kaalaman.
Ito ay kanyang pinipigilan sapagkat ayaw nito sa isang babae na puno ng kaartehan.
Ang tipo niyang babae yong makakasabay sa kanyang hilig sa mga kinahihiligan.

Nag karoon ng outing sa buong company doon kay daming mga paligsahan.
Di sumasali at puro  mga pag papacute na sport ka bumibilang sa kagustuhan.
Kahit kaunti tapunan ka ng atensyon at dalangin ko na  mag iba ang kapalaran.
Subalit matatapos na di parin pinapansin biglang may dumating may kagandahan.

Dito na nadismaya ala nag kapagkapag asa mayroon na palang ibang minamahal.
Kaya ang puso nadurog di paman isa ng talunan kaya kailangan ko nang tumigil,
Kaya naisip ko bakit kailangan pang mag pa sexy siguro kailanga marahil ito itigil.
Para ilabas ang sama ng loob ginawa  ko tumakbo ng tumakbo ayaw kong papigil.

Di ko namamalayan inilalabas ko lahat ang bilis ko sa takbuhan pinagpatuloy.
Dahil sa aking ginagawa di ko napansin may dalawang mata sa akin nakatunghay
Kung kailan ako nag pakatotoo sa aking sarili saka ko nabihag ang aking iniintay
Di ko inaasahan ang puso niya aking mapagtagumpayan sa paglabas akong na tunay .

Kaya kung minsan di nakailangan pa na mag kunwari ka para lang mapansin,
Ipakita mo lang ang tunay na ikaw makikita mo doon ka niya mamahalin.
Yon ang kanyang hinahanap sa isang babae yong makakasama mga gawain.
Makakatuwang sa negosyo pati na sa kanyang libangan kanyang dadalhin 

Dito nag umpisa ang wagas naming pag mamahalan at pag tutulungan.
Di niya akalain mauwi sa tunay napag iibigan at sila’y mag mamahalan.
Napatunayan na di lahat ng lalaki sa kaseksihan kanilang pinagbabasehan.
Mas gusto nila yong makakaunawa sa kanila at makakasabay sa kinahihiligan
By rhea hernandez.October 25 2011

No comments:

Post a Comment