Thursday, October 20, 2011

WAGAS NA PAG IBIG PERO BAWAL .!

ni: Rhea Hernandez


Tita sana’y nagustuhan mo kung paano ko isinalin ang iyong wagas na pag ibig kahit
ito’y bawal ...

Noong iyong nasilayan ang aking angking kagandahan ikaw ay nabighani ,
Ako’y iyong nilapitan tinanong ang aking pangalan di pansin sa isip iniwaksi,
Kung puede mo akong ligawan at tayong mag kita kahit lang sandali,
Di mo sya pinansin sa unang pag kakataon kahit ikaw ay kinikilig sa sinabi

Siya’y may mataas na katungkulan sa bayan para sa kanya kay hirap ng paraan,
Kung paano kayo mag kikita ng walang nakakaalam ng di kayo pag uusapan,
Isinusuong niya ang kanyang buhay at kaligtasan makita ka at masilayan,
Ang marubdob niyang pag mamahal inuukol sa iyo ay kanyang mapatunayan.

Sa araw araw isinusuong niya ang buhay para lang ikaw ay maihatid at sundo ,
Sa iyong pinupuntahan di bale na lang kung sya mag amoy malansa sa piling mo,
Para lang patunayang ikaw ay idinadambana sa kanyang isipan at sa kanyang puso,
Para ipadama sa iyo ang kanyang nadarama mahabang panahon ikaw ay kanyang sinuyo.

Dahil ang iyong puso ay busilak at di naman bato kaya sya iyong pinagbigyan ,
Pumayag sa hiling niyang ikaw makasama kahit isang magdamag na kaligayahan,
Noon nag umpisa ang inyong dalisay na pag mamahalan hangang kamatayan,
Di mo akalain sya pala’y isang romantiko malambing at ikaw ay pinagkakaingatan.

Doon mo napatunayan lahat ay kanyang gagawin upang ikaw ay kanyang mapaglingkuran,
Marami ang nag sasabi na kayaman niya lang ang iyong minahal pero sa kaibuturan,
Siya ay iyong sinamba at idinambana sa iyong puso at katauhan kanyang iningatan,
Kayo’y nag mahalan kahit ito’y bawal sa mata ng tao at sa diyos Kayo’y nag sumpaan.

Kahit ano ang iyong marinig di mo pansin basta ang alam mo ikaw ay kanyang iniibig,
Ikaw ay ganoon lahat ginagawa para siya’y mapaligaya walang kalungkutan sa piling,
Lahat na yata mga salitang iyong sinambit gustong ng isang babae marinig ,
Ganyan mo siya pinahahalagahan sinasamba kung maaari ang tibok ng puso iparinig .

Iyo pang naalala noong una ka niyang idate masyado siyang mabilis di mo akalain,
Pero kalaunan ipinakita mo di lang pala iyong katawang ang kanyang ninanais angkinin,
Pinalasap mo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pag ibig at damdamin,
Ito’y iyong naramdaman sa piling niya na ikaw kanyang pinanabikan at hanap hanapin.

Di mo na matandaan kung gaano katagal ng kayo’y nag mahalan at nag ibigan,
Dahil nga ito’y bawal pinilit ang iyong sarili na siya ay layuan at nangibang bayan,
kayo’y nag kalayo pilit ka pa rin niyang sinusundan kahit paminsan minsan,
kayo’y nag kikita at ikaw’y kanyang dinadalaw kahit nandito sa banyagang bayan.

Noong siya mag kasakit ibig mong siyang alagaan subalit ano ang iyong karapatan,
Alam mong pangalan mo ang kanyang sinasambit sambit kahit sa kanyang paglisan,
Ang matatamis na ala ala ng inyong pag mamahalan iyong babaunin sa libingan,
Kahit ngayon wala na sya ikaw ay siya paring napapangarap di na waglit sa isipan.

Alam mo ang inyong pag mamahalan ay bawal subalit alam mo rin ito’y busilak,
Kung nasaan man siya naroroon ngayon sana’y kanyang kaluluwa matahimik,
Ang inyong pag iibigan mananatili sa iyong damdamin at sa iyong isipan ibalik,
Kahit noon ang inaalay mong pag mamahal sa kanya marami ang sumusukat.

Ngayon pag iyong binabalikan ang inyong masasayang pag sasamahan,
Bakit di kayo naging malaya di mo maiwasan mapaluha at di makalimutan,
Sayang ang iyong wagas na pag mamahalan di nag tagal walang kalayaan,
Siguro sa inyong pangalawang buhay ito’y magkakaroon ng katuparan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment