Wednesday, October 19, 2011

ANG KAPATID KONG DONYA

by: Rhea Hernandez


Pag ganyan naman ang donya ayoko na,
Kaw na lang, mag isa,
Gusto ko na lang maging senyorita,
Para di maging labandera.

Kaw ang may sala
Kung bakit naging labandera,
Ba’t di kumuha sa iyo’y mag lalaba?
Aanhin mo ang sandamakmak mong pera?

Bakit ka mag titiis sa batya at palo palo,
Di na uso yan , bili ka ng aparato,
Kay daming klase, bili na kahit dyan sa kanto,
Bakit di ka sumunod sa uso.

Mahal kong kapatid ! masyado kang matiisin,
Hayaan mo mag intay yang labahin,
Buksan ang computer ako’y iyong chakahin,
Kaw ay aking papasayahin.

Wag mag alala sagot kita kay bayaw,
Di naman matatapos tong araw,
May bukas pa para gumalaw,
Pag di na kaya kaw sumigaw.

Yang mga gawain mag iintay,
Wag apurahin , baka bumigay
Katawang lupa di yan matibay
Kailangan mong tawagin si inday.
BY RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment