Thursday, October 20, 2011

ANG BF KONG NANLAMIG

ni: Rhea Hernandez


Ito’y kuwento ng pag ibig ng isang OFW sa Brunei na PM lang sa akin para isalin sa tula ang kanyang kasaysayan

Noon nasa pinas pa ako balak mo na akong pakasalan,
Pero di ito nagkaroon ng katuparan ako’y nangibang bayan,
Nag aply maging DH ,sabi ko saka na ikaw aking babalikan,
Buhat noon napansin ko ikaw ay nanlamig ako’y iniiwasan.
                
Hindi ako nag papigil at tumuloy bilang OFW nakipagsapalaran,
Pero kay laki ng kapalit buhat noon ako’y iyong nilayuan,
Naging malamig ang pakikitungo mo sa ating pag mamahalan,
Sa mga text di mo sinasagot laging alang load ang iyong dahilan.

Ang lagi kong iniisip lilipas din ang iyong pag daramdan sa kalooban,
Sabi ko babalik din ang init tulad ng dati ating pagmamahalan,
Subalit bakit ganito parang mali ang aking inaasahan,
Ang mga pagsagot sa msg dumalang hanggang nawala ng lubusan.

Pag kalipas ng isang taon ako’y nagbakasyon ikaw ay aking binalikan,
Dumeretso sa Bikol para makaharap subalit ako’y nabigo di ka nasilayan,
Ikaw daw lumuwas ng maynila at doon na nagtrabaho at naninirahan,
Kaya naman ako’y nagmamadaling lumuwas para ikaw aking mapaliwanagan.

Ano itong aking dinatnan ang dati kong syota na mapagmahal nag bago,
Ang dating kay init na pagmamahal kay lamig na! bakit kaya naging ganito?
Ang mga tanong ko bakit di sinasagot mga msg at text di ka kumikibo,
Ang mga dahilan mo sa akin ay kaw babaw busy ka sa iyong trabaho.

Natapos ang aking bakasyon na di tayo nagkaintindihan ng ako lumisan,
Bumalik ako sa Brunei na mabigat ang pakiramdam kasi di nagkaunawaan
Sa facebook laging akong nag msg di mo sinasagot parang lumaki atin alitan,
Sa ating relasyon ano ang kakauwian ngayon ako nalang yata ang lumalaban.

Isang araw sinagot mo mga msg ko pero ano ito laking disgrasya,
Di ko akalain ito na yata ang pinakamasakit na msg na aking nabasa!
Ang sabi mo ako’y nakakagulo sa buhay mo ibig mo ng maging Malaya!
Ang aking hiling sa iyo di mo maibigay konting pagtingin at pag unawa!

Bakit ganoon tinatapos mo na ang lahat sa ating pag mamahalan!
Pero eto pa ako umaasam na pag dating ng araw tayo’y magkakabalikan.
Hanggang kailan kaya ako aasa at magiging martir sa aking pag iibigan,
Sana’y iyong pag tuunan ng pansin na umaasa pa ako na iyong babalikan.

Hindi ko alam kung hangang kailan ako mag papakabaliw sa akin pag ibig,
Sana sa pagbabalik mo sa akin nandito pa ako at nag mamahal puso pumipintig,
Ito’y malaking katanungan kung ikaw babalik pa sa akin kung tunay ang pag ibig?
Sana kung maisip mo na ang mga ginagawa mali at ang puso mo maligalig.

Di na pala dapat umasa mayroon kang ibang minamahal dapat nang kalimutan,
Akala ko kaya ka nanlalamig ikaw ay nagtatampo sa aking paglisan,
Yong pala ikaw ay nag taksil sa ating sumpaan na dating iyong binitiwan,
Di ko alam kung hanggang kailan kita mamahalin ano ang aking kasalanan?
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment