Wednesday, October 19, 2011

ANG PAG UUSAP NG DALAWANG PUSO

by: Rhea Hernandez


Minsan ang ating puso nakakalimot kung  di ito ipapaalala,
Nandito ako handang  punan anuman ang kakulangan sa puso mo sinta,
Kay sarap pakingan ang mga tinuran subalit dapat bang paniwalaan ka?
Di maiaalis sa iyong puso at isipan ang mga pag aalinlangan aking mutya.

Sa aking mga tinuran ay sadyang katotohanan nag mumula sa aking puso,
Kay tamis ng iyong mga sinambit sana’y ito’y may katotohanan di biro!
Alam kong di ka naniniwala na ikaw ang ipinipintig at laman ng puso ko,
Hindi ko mapaniwalaan ang iyong tinuran sapagkat  madalas akong maloko.

Inaantok man ang aking isipan subalit ang aking puso gising at nagsusumamo,
Ang iyong mga salitang binitawan na ako’y iyong mahal dyan sa iyon puso?
Parang kay hirap paniwalaan di ba kailan lang nakilala ngayon mahal mo ako?
Siyang tunay ang isinisigaw ng puso ko I love you sinasambit ng puso ko syo!!

Sa taong nagmamahal di sya nangangambang ipabatid ang laman ng damdamin.
Ang aking tinuran ay sadyang ito nagpapahirap sa aking kalooban sana’y intindihin.
Ang tunay na pag mamahal sa kanyang nililiyag di natatakot ipabatid ang saloobin.
Ang mga tinuran ang tumpak subalit ito’y di dapat sapagkat bawal kang ibigin.

Alam kong subalit ano ang aking magagawa ang puso ko ang nagdidigta  ikaw mahalin.
Di ko mapigilan ang aking puso sapagkat ikaw ang kanyang minamahal gustong yakapin.
Ano ang aking magagawa ang puso ko ang nagsasabi at  ikaw ang itinuturo  ibigin.
Sa aking pag tulog hayaan mong ikaw ay aking makapiling sana iyong marapatin.

Kung ako’y  iyong pagbibigyan sana’y sa aking pag tulog makamtam ko ang katugunan.
Bakit ba ikaw nag mamadaling makamtam ang aking kasagutan  ito’y aking pag aaralan.
Ang ganitong ay pinag iisipang mabuti upang sa bandang huli di ko ito  pag sisihan .
Huwag mag alala ako’y handang mag intay  kung kailan ka handa ito’y aantabayanan.

Basta wag kakalimutan aking puso nanambitan na makamtam matamis na kasagutan. Aking puso ikaw ang nais iyo sana pagbigyan huwag  mag alala ikaw aking iingatan.
Di ko alam pinana ni cupido yaring aking puso kaya di ko sya makaya mapigilan.
Ang mga tinuran di kaya bulaklak ng dila at binubulag ka ng iyong buong kaisipan.

Kahit ano ang iyong dahilan ang alam ko lang ikaw ang iniirog ko at sasanbahin.
Huwag mo sanang isipin ang mga aking tinuran ay isang bulaklak ng dila mandin.
Kahit gabi gabi ako’y mag puyat mapakita mo lang ang tunay kong saloobin.
Ikaw ang bahala ikaw ang hari ng iyong kalooban di ko inaalis kung anuman saloobin

Ano ang aking magagawa ikaw ang may hawak ng aking  puso at kalooban isipan.
Sa totoo lang di ako dalawin ng antok   di mapakali pabiling biling sa higaan.
Aking itinatanong sa sarili bakit ako napupuyat ka iisip syo ano itong kalokohan.
Kagaguhan nga ba ang ikaw ibigin mahalin sambahin bakit di ko ito mapigilan.

Sa mga darating na mga araw mapapatunayan mo rin sa iyong sarili na ikaw iniibig.
Ikaw aking paglilingkuran hangang sa aking makakayanan lahat sa dibdib  maririnig.
Sanay wag mabagot kung lagi kung sasambitin na ikaw ay aking minumutya iniibig.
Itong aking puso’t damdamin di mapakali kundi ka nakakausap iyong tinig ikaw madinig.

Gaano kaya katagal bago kita makapiling sa pag gising kayakap na mahigpit tuwina.
Idadalangin ko sa Poongmaykapal na antigin ang iyong puso para tumibok ako lumigaya!
Huwag mag madali di ito nakukuha basta basta ito’y kusang darating at aking madarama.
Ang pag ibig daw na hinog sa  pilit pag iyong nilasap ito’y mapait wag mag makaawa.

Kung gusto mo ng magandang kasagutan mag intay ka at wag kainipan.
Ang tunay na umiibig di mainipin marunong umunawa at umintindi sa katayuan.
Ipinapangako ko sa iyo ako’y di mag sasawa at lagi lang nandito sa katugunan.
Kahit ito pa isang daan taon pag hihintay lalagi lang ang pagsuyo ko kailanman.
By: RHEA HERNANDEZ  October 16 2011




.





No comments:

Post a Comment