Mayroon akong kakilala isang matalino di guapo pero simpatico,
Lagi nya sinasabi mga magulang nya magaling na kusinero,
Mataas ang kanyang pangarap gagawin ang lahat di gumuho ito,
Madalas niyang tanong bakit lagi silang salat sa yaman sa mundo.
Noon sabi niya kay raming babae ang sa kanya nagpapasin,
Pero ang kanyang isipan nakatuon lang sa kanyang aralin,
Kaya naman wala syang hinangad kundi ang pag aaral ay tapusin,
Iniiwasan nya na mag mahal at sa kadalagahan wag mapatingin.
Kahit na graduation ay dumating di makuhang maging maligaya,
Di na daw sya makakapag aral sa kolehiyo sabi ng kanyang ina,
Dala ng kanilang kahirapan di na daw kaya sya pag aralin pa,
Kaya naman kahit may natangap syang medalya di sya Masaya.
Di na sya makakapag aral anong saklap naman nitong kapalaran,
Mawawalan ng katuparan ang kangyang pangarap dahil sa kahirapan,
Kahit ano ang mangyari di sya makakapayag masira ang kinabukasan,
Ipinangako nya gagawin ang lahat kahit sila salat sa kayamanan.
Sa kanyang pagpupunyagi muli syang nakatuntong sa paaralan,
Di sya makakapayag ang mga pangarap mawalan ng katuparan,
Dito masusukat ang kanyang kakayahan ng kanyang katauhan.
Ma ituloy lang ang pag aaral di biro ang kanyang pinagdaanan,
Trabaho sa araw at aral sa gabi kanyang tiniyaga at pinagsikapan,
Makamit lang ang pag aaral na kanyang pinapangarap mapagtagumpayan,
Kay hirap palang abutin ang magandang hinahangad na kapalaran .
Kahit paunti unti pilit niyang iginapang ang kanyang mga aralin,
Kay daming nag tatawa masyado mataas ang kanyang gustong abutin,
Na ipangako nya sa sarili kahit ano mangyari tatapusin kahit paalipin,
Lagi sa Panginoong Diyos ang dalangin sanay siya’y dingin.
Pag kalipas ng mga mahahabang taon ,pagsubok kanyang nakayanan,
Ang kursong kanyang pinangarap sa wakas kanyang napagtagumpayan,
Sa tulong ng mga dasal at pag susumikap gumanda ang kanyang kinabukasan,
Ngayon kanyang napatunayan ang kahirapan di hadlang sa magandang kapalaran.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment