Wednesday, October 26, 2011

BAKIT GANITO ANG PAG IBIG!!

BAKIT GANITO ANG PAG IBIG!!
Ni: rhea Hernandez
Pinoy poems
www.tulawento.blogspot.com


Nag lakas loob akong magpadala ng aking kuwento kahit di OFW ako.
Kasi ba naman halos lahat yata tungkol sa kanila ang mga sinusulat mo.
Kakaiba ang aking kasaysayan kaya gusto kong ibahagi sa kanila ito.
Ako’y 25 taong ng kasal sa aking asawa buhay at kasaysayan ikukuwento.

Masaya kaming nag sasama kasama mga anak naming anong ligaya ko.
Kahit ang aking asawa walang trabaho ako ang nagpapatakbo ng negosyo.
Ito ang aming napag kasunduan sya titingin sa mga bata ako sa nogosyo.
Maganda ang aming kabuhayan at pamumuhay at kami ay kuntento.

Nag simula ang aming problema noong siya ay nagkasakit ng malubha.
Dito unti unti bumigat ang aking mga dinadala halos di na makaya pa.
Lahat sa aking mga balikat nakaatang ang mga resposibilidad ng pamilya.
Sabagay ala naman pinagbago maliban sa malaking gastusin di na kaya.

Ang buong pag aakala naming simpleng sakit lamang ang dumapo sa kanya.
Subalit di inaasahan  kinailangan sya ay operahin noon una ayaw pumayag niya.
Saan kukunin ang mapakalaking halaga napag paliwanagan sya na ako ang bahala.
Lingid sa kanyang kaalaman sa tagal na niyang nag papagamot ako sumayad na.

Salamat sa poong maykapal kinasihan kaming suerte sya ay gumaling nakaligtas.
Nalusutan naming ang malaking problema pero may dumating isa pang hinagpis.
Ang aking negosyo di ko na masagip sapagkat ginamit lahat ng pera para sya iligtas.
Saan ako ngayon kukuha para buhayin ang pamilya ko puro na lang paghihinagpis.

Ang aming kabuhayan nalugmok sa kahirapan ano aking gagawin para bumangon?
Nakapa laking katanungan na kay hirap bigyan ng kasagutan ng mga panahong iyon!
Lahat ng ito sa aking mga balikat naka atang ano ang aking gagawin sa ngayon?
Halos di na makaahon sa pag kakabaon halos maubusan na ako ng panahon.

Nag disisyon kami na pumisan muli sa mag biyanan ito ang aking pag kakamali.
Sa lahat na naging desisyon ko ito na yata ang aking pinag sisihan ng masidhi.
Habang ang asawa at pamilya niya nag sasaya ako kumakayod araw at gabi.
Nag susumikap akong ibangong muli ang aming kabuhayan sya naman nasatabi.

Kaya naman ang pakiramdam ko para akong nag iisa sa buhay na nangungulila.
Pakiramdam ko asawa ako para bigyan sya ng maalwang buhay para lumigaya.
Noon ok lang sa akin ala syang trabaho alaga naman niya ako mga anak talaga.
Pero ngayon parang saling pusa na lang ako sa buhay niya ito maikukumpara.

Di ako nakatiis kinausap ko siya na kami bumukod na muli at harapin ang bukas.
Ano ito aking nakamit asawa ayaw ng umalis sa piling ng magulang laki hinagpis.
Nag puputok ang aking kalooban ano ang aking maling ginawa bakit ako tinikis.
Dito unti unti nag tanim ako ng hinanakit sa aking asawa sa aking paghihinagpis.

Dito napansin ng boss ko ang aking dinadala minsan tinanong ano pinopoblema.
Dito nag umpisa ang palagi naming pag uusap naging hingahan ng nadarama.
Ang di ko masabi sa asawa ko sa kanya ko nasasabi ang lahat ng pangamba.
Naging malapit sa isa’t isa hanggang mahulog ang aking kalooban sa kanya.

Isang araw kinausap ako ng aking asawa napapansin niya na nag bago ako.
Masisi mo ba ako kung mag hanap ako ng kakalinga sa akin para sumaya ako.
May asawa nga ako ala naman sa akin ang atensyon at lagi ba ako bubuhay syo.
Noon ko pa sinabi magsarili uli tayo ayaw mo silang iwan kaya ako na lang lalayo.

Wag kang mag alala ala ka pang sunong na tae sa ulo yan mapapatunayan.
Di ako papatol kahit kanino habang tayo nag sasama iyan pangangatawanan .
Saka nakiusap kung puede pa nating ayusin ang ating pagsasama ang tahanan.
Wala sa aking ang deperensya nangako kang mag babago harapin kinabukasan.

Kaya noong lumipat ng tirahan sumama ka at muling inumpisahan ang kinabukasan.
Bakit ganoon ang aking nararamdaman ang init ng pag mamahalan di na matagpuan.
Di ko na maibalik ang kaligayahan aking nalasap noon di mo pa ako napapabayaan.
Nag bago na ba sa pag tibok ng puso para sa iyo ako ba’y nagbago ng nararamdaman.

Parang gusto ko nag maniwala ang pag ibig tulad ng halaman kailangan alagaan,
Diligin , mahalin bigyan ng atensyon at panahon di manguluntoy pangalagaan,
Eto ngayon ang aking problema paano ko ibabalik ang kumupas na pagmamahalan.
May pag asa pa kayang yumabong muli ang aming pag iibigan sa kasalukuyan.

Bakit ngayon nakikita na dapat sya ang bumubuhay sa amin sya  lalaki di ako.
Bakit noon ok lang sa akin ito ngayon kay dami ko ng hinakanap di matanto.
Di ko pansin noon kasi sobra ko syang mahal  ang pag ibig sadyang mapaglaro.
Minsan di mo maunawaan di mo maintindihan ang mag mahal nakakatuliro.
By: rhea Hernandez October 26,2011

No comments:

Post a Comment