ni: Rhea Hernandez
Ako’y lumisan sa bayang sinilangan upang humanap ng bagong kapalaran,
Dito ako pinadpad sa middle east para mabigyan ng magandang kinabukasan,
Ang aking mga mahal sa buhay ang aking asawa at anak ang pinaglalaanan,
Nagtitiis malayo upang mga anak mabigyan ng kaiga igayang kalagayan.
Sulit naman ang aking pag titiis ang mapalayo sa mga mahal sa buhay, Aking asawa at mga anak aking nabibigyan ng maalwang pamumuhay,
Sapat na sa akin na makita sila mayroong natitirhan na magarang bahay,
Lahat ng ito’y kaya kong tiisin mabigyan ng mariwasa buhay kahit mapawalay.
Kahit sa kanilang pag laki di nila ako nakakasama alam kong ako’y naintindihan,
Makita ko lang na natutupad ang mga pangarap sa buhay ako’y nasisiyahan,
Handa akong mapawalay sa kanila para lang sa kanilang hinaharap na kinabukasan,
Makita ko lang na sila’y masaya kaya kong mangulila at tiisin ang kalungkutan.
Salamat sa aking may bahay nagagampanan niya ang tungkulin ng isang ina at tatay,
Sa aming mga supling lumalaking maayos at may takot sa Diyos kahit sa akin nawalay,
Pag nakikita ko ang bunga ng aking pag susumikap sa puso ko naiibsan ang aking lumbay,
Kahit na ang mahahalagang okasyon sa buhay di ninyo ako nakakasama at nakakaagapay.
Ang aking asawa ako’y kanyang pinahahanga kanyang nagagampanan at napapaliwanagan,
Ang aming mga supling kung bakit kailangan kong sila’y lisanin at iwanan mangibang bayan,
Nag papasalamat ako siya nanatiling tapat sa aming pag sasama at pag iibigan at laging nandiyan,
Alam kong dahil sa kanya ang aming mga anak di naghahanap kung bakit ako lumisan.
Para sa inyo aking mga mahal aking pinapangako ang aking trabaho aking pag bubutihan.
Sa pag dating ng panahon muli tayong magkakapiling pag nakatapos di na muli iiwan,
Ako’y napilitan mag trabaho sa malayo para nabigyan ng magandang kinabukasan,
Ito’y dala ng ating pangangailangan sa buhay at alam din naman ninyo di ito kagustuhan.
Kung bayan sinilangan mayroon magandang pagkakakitaan sanay di nakipagsapalaran!
Kailan pa kaya darating na di na kailangan mangibang bayan para sa kinabukasan?
Mag kakaroon pa kaya ng magandang pag kakataon ang mga Pilipino sa sariling bayan?
Ito’y mag karoon ng katuparan pag dating ng panahon di na lumayo ang mga kababayan.
Lumayo sa mahal na pamilya para lang sa kumita marami ang katulad ko napipilitan,
Sana sa susunod na generation may pag babago na sa ating pinagmulan bayan,
Pasa sa mga anak o kahit sa mga apo na lang di na nila danasin ang makipagsapalaran,
Sa banyagan bayan na aking pinaglilikuran sa kasalukuyan sana’y gumising ang inang bayan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment