ni: Rhea Hernandez
Ka klase ko sya ng high school di ko na nga sya matandaan,
Kay haba na ng panahong nag daan ng huling nag kabalitaan,
Salamat sa facebook kami muling nagkatalastasan,
Ilang taon na nga ba ang lumipas 32 taon na ang nagdaan.
May kanya kanya na kaming familia na pinaglalaanan,
Tulad ko siya nasa ibang bansa naghahanap ng magandang kapalaran,
Para sa kanyang mga anak mabigyan ng magandang kinabukasan,
Nagtitiis mapalayo sa kanyang mga mahal sa buhay ito ang kailangan.
Habang kami naguusap naikuwento nya ang kanyang mga pinagdaanan,
Kay dami niyang mga pagsubok sa buhay ang kanyang naranasan,
Ang sabi nya habang siya’y nabubuhay di niya makakalimutan,
May masasaya kaganapan at marami din dinanas na kalungkutan.
Sabi nga niya suerte sya sa kanyang mga anak ang mga ito magtatapos na,
Kung di man naging matagumpay ang buhay may asawa sa anak suerte siya,
Ang kanyang mga anak ang nagdudulot ng sigla at walang humpay na saya,
Suerte sya biniyayaan siya ng mababait na anak na di nag bibigay problema.
Nagtitiis mawalay sa mga mahal sa buhay para ihanda ang kinabukasan,
Wala siyang di gagawin basta lang mabigyan ang mga ito magandang kapalaran,
Kahit mahirap ang mapalayo sa mga mahal sa buhay kung ito ang kailangan,
Di niya masabi kung hangang kailan siya mag titiis sa ganitong kalagayan.
Kung di man siya naging matagumpay sa unang asawa naging kabiguan,
Ngayon naghahanap siya na magmamahal sa kanya ng lubusan,
At ituturing na tunay na mga anak ang kanyang mga supling na alang katanungan,
Ngayon siya’y maingat na sa pagpili para di na muling lumasap ng kabiguan.
Sabi nga niya Masaya naman siya sa piling ng mga anak at kaibigan,
Di na niya iniisip ang nakaraan niyang kabiguan na kanyang naranasan,
Sayang di pa kami nagkakausap ng matagal para maikuwento lahat na kaganapan,
Kung anuman ang kanyang masasaya at malungkot na pangyayari sa buhay ating abangan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment