Kay tagal kong nakaupo di ko alam kung paano ko ito uumpisahan,
Ang
Nag dadalawang isip ako kung dapat bang isulat ang kanyang karanasan,
Pero eto pa rin ako hawak ang lapis at papel aking gagawin ang makakayanan.
Isa syang magandang dalaga at kaakit akit noong sya nasa kolehiyo,
Kay daming kalalakihan sa kanya nahahalina at siya sinusuyo,
Di niya pinapansin ang mga ito sapagkat may lihim ang kanyang pag katao,
Ang mga anino ng kahapon ang sa kanyang isipan pilit syang ginugulo.
Mayroon siyang nakilala naging malapit sa kanya at naging matalik na kaibigan,
Tulad din niya isa itong nangunguna sa klase pero salat sa yaman,
Dumating ang sandali mga secreto niya nasabi lahat ng di namamalayan,
Kaya noon matuklasn nagsimula ang kanilang magandang pagsasamahan.
Noong umpisa naawa lang siya dito pareho ang kanilang kapalaran,
Ito daw ay ulila ng lubusan at nakikitira sa kamag anak at api apihan,
Kaya siya’y nahulog ng lubusan sa kanyang matalik na kaibigan,
Di niya inaasahan lumalalim ang kanilang ugnayan di namamalayan.
Di niya napapansin naging parausan siya ng kaibigan ng init ng katawan,
Ang sabi niya di niya ito tunay na mahal pero di niya ito matangihan,
Ang mga namamagitan lang sa kanila mga pagnanasa ng kamunduhan,
Alam niyang
Di nag laon dinala niya ang kanilang unang supling sa sinapupunan,
Dahil sa bata nag pasya silang itama ang
Ngayon kasal na sila tinuruan niya ang sarili na mahalin ang asawa ng tuluyan,
Di naman sya nahirapan natutunan niyang mahalin ang asawa ng lubusan.
Talaga yata ang pagkakataon mapagbiro lagi siyang sinusubukan….
Di pa nagtatagal ng matutunan niyang mahalin ang asawa may natuklasan….
Ang kanyang mahal na asawa kanyang nalaman may ibang kinalolokohan…
AT ngayon naman ang kanyang damdamin napuno ng pang aalinlangan.
Ang kanyang puso ngayon manhid na sa pag mamahal lukob na ng kalungkutan,
Ipinapaubaya na niya sa Panginoong Diyos ang kanyang buhay at katauhan,
Lagi nyang sinasabi baka sa kabilang buhay masumpungan niya ang kaligayahan,
Nabubuhay na lang daw sya para sa mga anak ito na lang daw ang kanyang dahilan.
Sa ngayon di niya alam ang tunay na kahulugan ng isang wagas na kaligayahan!
Lagi niyang tanong sa kanyang sarili kung hangang kailan niya makakayanan?
Hangang kailan siya mabubuhay sa kanyang kahapon na puno ng karimlan?
Kaya lagi kong dasal sa aking kaibigan ang lahat ng pagsubok kanyang makayanan!!!!
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment