Marami ang nag sasabi suerte daw ako at ikaw ang aking pinakasalan!
Pero di nila alam kung gaano kabigat ang cruz na aking pinapasan!
Kasi di nila nakikita kung ano ang nagaganap sa loob ng ating tahanan!
Nag iintay ako ng matibay na ebidensya sa iyong mga kawalanghiyaan!
Parang gusto kong ipag sigawan sa buong mundo ang hinaing ko sa buhay!
Sa mga nadarama kong pasakit mag wawakas kaya kung ako’y mamatay?
Sana’y dinalang ikaw ang aking minahal di ganitong lagi tayong nag aaway!
Paano ko malilimutan mga kasawian sa piling mo dala dala ko habangbuhay!
Wala kang ginawa kundi mag sugal at mambabae laging kasama mo barkada,
Tuwing ikaw ay malalasing ala kang alam kundi saktan ako kahit saan tumatama,
Paano ko matitiis ang ganito araw at gabi panay tulo ng aking luha!
Bakit ikaw pa ang aking minahal di sana’y di ako ngayon nagdurusa?
Sa loob ng anim na taong ating pagsasama wala akong matandaan naging maligaya,
Nag iisa ka pagdating sa katamaran ala kang ginawa kundi mag abang ng biyaya,
Pasalamat mabait ang iyong mga magulang at tita lagi may bigay na grasya,
Pag dating sa pagiging batugan ang pag uusapan sa mundong ito nag iisa ka.
Inaamin ko nabulag ako sa mga pangako noong ako’y iyong nililigawan,
Sa dami mong ipinangako naging tanga ako naniwala at ikaw pinakasalan,
Di ko akalain habang tayo’y nagsasama ikaw magbabago at magkakaganyan,
Di lang isang iresponsableng lalaki lagi mo pa akong sinasaktan.
Kaya naman ang aking pag mamahal sa asawa nauwi sa isang pag kamuhi,
Wala akong maalala sa loob ng anim na taong pag sasama, ano ba pagkakamali?
Lagi kong tanong sa Poongmaykapal bakit puno ang buhay ko ng pighati?
Ang aking buhay pag aasawa punong puno ng pagsisi,
Salamat sa Panginoong Diyos itinuro niya sa akin ang dapat kong gawin,
Ngayon mag kahiwalay na kami pero puso’t isipan kanya pa rin alipin!
Gustuhin ko man di ako makawala sa aking kahapon ito ang suliranin,
Paano kaya ako makakabangon sana’y may dumating ako’y gulantangin.
Sa aming paghihiwalay may tatlong supling na nadamay ang kinabukasan,
Ang walanghiya kong asawa may iba ng kinakasama buhat ng siya’y hiwalayan,
Ako kaya makasumpong pa kaya ng tunay na kaligayahan kahit may nakaraan?
Wala akong dasal sa Diyos makalimutan ko ang aking masaklap na pinagdaanan!
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment