Monday, October 24, 2011

ISANG KAHAPON

ISANG KAHAPON
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems

ilang decada na nga ba ang nag daan sa isang kahapon di malimutan.
Sa aking pagka alala ito 3dekada na ang nakakalipas sa aking kasawian.
Akala ko ito’y isang mapait na kapalaran pero di pala isang karanasan.
Na nagturo sa akin ng magandang aral sa buhay sa ngalan pag iibigan.

Kay tagal kong iniwasan pag usapan kung ano talaga ang katotohanan.
Sa di sadyang pag kakataon ang aking unang  pag ibig na uwi sa kasawian.
Inaamin ko ito’y nagdulot ng lungkot at lumbay sa aking nararamdaman.
Paano ba naman unang lalaking aking minahal akala ko ako’y. pinaglaruan

Nag dulot ng masakit na aral na di dapat mag tiwala sa mga kalalakihan.
Susuyuin ka tapos yon pala di ka nag iisa sa inyong pag mamahalan.
Bigla mong malalaman dalawa kayo sa kanyang puso pinag uukulan.
Paano ka naman di mawiwindang sa ganitong nalaman na katotohanan.

Pero ngayon isa na lang magandang kuwento ng aking buhay at kasaysayan.
Na ibabahagi sa magiging mga apo at may magandang pag kukuwentuhan.
Pag nag usina kung paano nag karoon ng unang pag ibig pinagdaanan.
Ngayon masasabi kong di lang pala ako ang nakaramdan at nasaktan.

Unang pag ibig at sya ring unang kasawian kung iyong iisipin kay hirap balikan.
Kaya naman noon kay tagal nakaahon sa kalungkutan pinagsikapan kalimutan.
Naalala ko pa ang sabi ni ina lahat daw ng kaldero may kalapat tatakipan.
Kaya alam ko di kami para sa isa’t isa kaya ito aking napatunayan noon pa man.

Nong isang araw kami ng una kong kasintahan nag ka usap akala ko di ko kaya.
Pero mali pala ako sadyang nabura na pala sya sa aking sistema  matagal na .
Nag papasalamat pa nga ako dahil doon natuto ako sa buhay at naging masaya.
Natutunan ko kung paano mag mahal at kilalanin ang tunay na lalaki makakasama.

Ang buong akala ko ako lang ang nag mahal  noon at nahirapan.
Salamat ito’y muling napag usapan aking nalaman sya din nasaktan
Nakawala sa gintong hawla ang aking kahapong masaklap na kasaysayan.
Kay sarap pala ng pakiramdan na ito’y muling pag usapan may kagalakan.

Akala ko di ko kayang makipag usap sa kanya na ito ang pag uusapan.
Ngayon napatunayan ko sa aking sarili sadyang wala na ang kasawian.
Isan na lang magandang karanasan na nag daan sa aking kasaysayan.
Ngayon ito akin na lang tinatawanan nangingiti na kapag napag uusapan.

Isipin mo noon nag puputok ang aking kalooban at ako ay kanyang niloko.
Yon pala ito ang mag sisilbing magandang aral sa aking buhay na totoo.
Kaya ito di ko malilimutan sa tanan buhay isang magandang karanasan ko.
Ang unang pag ibig na naranasan isang madamdaming kaganapan sa buhay ko.

Kaya naman di ako nag sisi kung ito ay aking naranasan maganda lang balikan.
Di dapat matakot mag mahal at mabigo sapagkat dito nakabase ang kinabukasan.
Ang dapat lang ituring natin na maganda ang idudulot nito sa ating kasalukuyan.
Sa mga pangit na pangyayari sa buhay doon natin mapupulot ang kagandahan.

Dapat lang nating matutunan ang aral na dulot ng bawat kabiguan naranasan.
Ang minsang pag kakamali wag nag uuliting muli para makamtam katiwasayan.
Sa muling pag tibok ng puso alam na kung ano ang mali at tama  iyong kailangan.
At higit sa lahat wag ibilango ang sarili sa kahapon dina  kayang balik balikan.

Dapat harapin nakangiti ang magandang bukas na nag hihintay sa iyong kapalaran.
Pag ito ang iyong matutunan makakamtam mo ang tunay at dakilang pag mamahalan.
Ito aking nasasabi kasi base sa aking kasaysayan sa larangan ng pag iibigan totoo yan.
Ito’y isang katotohanan na nagyari sa aking buhay pag ibig na aking kasaysayan.

Kung naging matigas man ako noon ito’y aking pinasasalamatan napagtagumpayan.
Sapagkat dahil sa kanya natagpuan ko ang tunay na pag iibigan sa kasalukuyan.
Sa piling ng aking kabiyak  na nag bibigay sa akin ng kaligayahan katiwasayan.
Kasama ng aming mga anak sa kasalukuyan  pag mamahalan at kinabukasan.
By rhea Hernandez  October 24 20011

No comments:

Post a Comment