ni: Rhea Hernandez
Sya aking kamag aral noong sa paralan,
Lagi pag oras ng klase sya aking kaasaran,
Kaya naman lagi ko syang kinaiinisan,
Pero sya rin aking kinagigiliwan.
Lagi nya akong kinakampihan,
Lalu na pag ako’y api apihan,
Sa aming mga kaibigan,
Sya lagi ang aking kanlungan.
Ako ang laging nyang centro sa kalokohan,
Di buo araw nya pag di nya ako nasisilayan,
Kasi daw wala siyang kapikunan,
Kay sarap ko daw pag laruan.
Natapos ang pag aaral sa mababang paaralan,
Dumating oras ng paalaman,
Araw ng graduation bigla nya akong hinalikan,
Kaya naman sya’y aking pinagtulakan.
Iyon ang aming huling pagsasamahan,
Sapagkat lupipat kami ng tirahan,
Aming pag laki di na niya nasilayan ,
Nag karoon kami ng iba’t ibang kaibigan
Lumipas ang mga taon di nagkakabalitaan,
Isang araw may nagsabi sya’y nangibang bayan,
OFW sya niyang pinasukan,
Ako din hinanap at nakipag sapalaran .
May kanya kanya na kaming kapalaran,
Muling nag cruz ang landas kailan,
Facebook ang naging paraan,
Ngayon araw araw kaming nag talastasan.
Naputol na ugnayan aming dinugtungan,
Ngayon kami’y matalik na mag kaibigan,
Masayang pinag kukuwentuhan,
Ang masasayang nakaraan.
Salamat sa facebook ngayon ako’y may kakulitan,
Tulad ng dati sya’y aking sumbungan,
Bumalik ang aming samahan,
Parang di naputol ang aming pag kakaibigan.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment