Thursday, October 20, 2011

ANG ASAWA KONG TAKSIL

ni: Rhea Hernandez


Ito’y tula ng buhay ng isang OFW. Sana’y magustuhan mo kung paano ko isinalin sa tula ang iyong kasaysayan ...

Napilitan lumayo para sa inyong kinabukasan,kasaganaan,
Nag tiis malayo para sa mga anak mabigyan magandang kapalaran,
Akala ko’y masissiraan ako ng bait ng kayo’y aking iwanan,
Pero lahat ng ito’y aking titiisin para sa inyong kapakanan.

Lahat ay aking gagawin para lang sa ating pamilya,
Sapagkat kayo aking mag anak ang buhay at ligaya,
Wag mag alala lahat ng ito’y para sa inyo kaya ko ginagawa,
Ang makaahon sa kahirapan kaya magtiis di magkasama.

Natatandaan ko pa noong araw ng aking pag lisan,
Kay dami mong mga habilin sa akin di ko nalilimutan,
Habang tayo’y magkayakap di kita mabitaw bitawan,
Panay ang bilin ko mga anak natin wag pababayaan.

Ang ating pangarap ay makaahon sa kahirapan,
Kaya naman lagi mo akong pinapadalhan ng text tinatawagan,
Sa tuwina di ka nag kukulang ng mga kuwento sa inyong kalagayan,
Kahit ako’y nahihirapan sa mga kuwento mo ako’y masisiyahan,

Kay hirap ng ganito nagkalayo tayo dahil lang sa kahirapan,
Subalit ala pang isang taon buhat noong ako’y lumisan,
Bakit ganito dumadalang ang iyong pakikipagtalastasan,
Pag aasikaso sa ating mga anak ang lagi mong dinadahilan,

Kaya naman ikaw ay aking nauunawaan at naiintindihan.
Isang araw ang sabi mo sa akin sa pag aalaga ikaw ay nahihirapan,
Kaya kung maaari kukuha ka ng isang kasambahay ikaw naunawaan,
Bakit ganito ang aking nababalitaan ikaw daw may kinahuhumalingan,

Iyong palang kasambahay ginawa mong maybahay kay saklap na kapalaran.
Kaya naman dali dali kitang tinawagan kinausap pero di mo ito inamin,
Ang sabi mo pa nga kay dami ang naiingit kaya ikaw sinisiraan sa akin
Pero eto pa rin ako pinaniniwalaan ang lahat ng iyong sabihin,
Ganyan kita kamahal alam ko ng niloloko mo na naniniwala pa rin.

Isang araw ang anak na panganay tumawag sinabi ang katotohanan,
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking natuklasan,
Iba pala ang pakiramdam mo pag sarili mong anak nag sabi ng kabulukan,
Ang dating kong asawa na mapagmahal ako’y kanyang pinagtaksilan.

Lagi kong tanong sa aking sarili ano ang aking naging kasalanan,
Bakit ito’y aking sinapit ngayon pusong sugatan at ako’y nahihirapan,
Wala naman akong naging hangad kundi ang mapabuti ang kanilang kinabukasan,
Bakit ganito ang kapalit ng aking pag susumikap sa mabigyan sila ng kaginhawahan.

Wala akong dasal sa Panginoong Diyos sanay ito’y aking makayanan,
Sana’y lagi nya akong gabayan para di ako masiran ng katinuan ,
Sana sa pag uwi ko mag karoon ako ng lakas ng loob harapin ang katotohanan,
Wala akong magawa sa ngayon kundi mag tiis at tangapin ang naging kapalaran.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment