Wednesday, October 19, 2011

MY SISTER EULA

ni: Rhea Hernandez


Wag pag aksayahang isipin,
Wala akong ibig sabihin,
Alam kong ikaw palaban din,
Mga sinasabi wag totohanin.

Mga tinuran mga bulaklak ng dila lang din,
Ang damakmak mong pera gastahin,
Sa mga lugar na ating lilibutin,
Di ba’y ang sabi mo ako’y iyong papaligayahin.

Sa lahing pinag mulan iisa lang din,
Kaya di ako nag tataka kung iisa ugali natin,
Turo ni ama’t ina ating tutupdin,
Sa buhay at kamatayan tayo’y sangang dikit din.

Kahit anong laban di kita kayang patakbuhin,
Ganyan tayo pinalaki ng ating mga magulang, masunurin.
Lahat ng klaseng problema kayang harapin,
Higit sa lahat tayo’y mapag mahal din.

Masyado yata lumalalim ang ating usapan,
Pag may kailangan kaw lang aking lalapitan ,
Alam ko di mo ako pag dadamutan,
Kahit kailan di rin kita tatalikuran.

Lagi kong dasal ang iyong kaligayahan,
Ang kabaitan di pagsasamantalahan,
Iyan ang iyong pag katatandaan,
Iyan di bola puro katotohanan.
by: RHEA HERNANDEZ

No comments:

Post a Comment