INA KAHIT IKAW NA LANG!!
BY rrhea Hernandez
Pinoy poems
www.rulawento.blogspot.com
Hi ate Rhea sana’y isulat mo ang aking buhay , pag ibig at kasawian.
Dito ko sisimulan ang kewento ng aking masalimuot sa kasaysayan.
Dapat ngayon araw ng aking kasal pero di ito natuloy sa kadahilanan,
Umatras ang lalaking mahal aking sana makakasama at papakasalan.
Natuklasan kasi ng kanyang pamilya na ako ay isang putok sa buho.
Anak ng aking ina sa isang lalaking kanyang minahal pero sya niloko.
Alam kong kasalanan ko sapagkat ito ay aking ikinahihiya at tinago.
Sa di inasahan pag kakataon ito ay nabunyag isang araw ng kasal ko.
Kinansila ang kasal naming ng kanyang mga magulang di daw bagay,
Sa kanilang magandang pamilya na kanilang ini ingatang tagumpay.
Kung titignan mo nga naman ang pamilya nila isang itong matiwasay.
Ginagalang sa lipunan mag sisilbi lang daw akong putik sila madadamay.
Sa totoo lang di ako gaanong nasaktan sapagkat ganoon din ako ,
Pinangarap ko kasi mag karoon ng isang matinong pamilya totoo.
Pumayag akong pakasal sa kanya sapagkat sya ang tutupad at bubuo
Pangarap kong matinong pamilya na di ko naranasan sa talang buhay ko.
Subalit ang inaakala kong matino at kapitagpitagang pamilya bulok pala.
Hinusgahan nila ako dahil pagkakamali ang aking ina nag mahal na malaya.
Matuturing bang kasalanan na ipinanganak ako sa pagkadalaga ni ina?
Bakit ganito ang lipunan hinuhusgahan ka kung ano ang kahapon nakita?
Nag sumikap ako sa aking buhay para makatapos ng pag aaral para sa bukas.
Sa pag dating ng araw mawala sa aking katauhan ang bansag na ito nakakainis.
Buhat sa pag kabata dala dala ko ang minsan pag kakamali ni ina pag katapos.
Tapos ngayon sa aking pag asawa ito pa rin ang naging hadlang nakapaghihinagpis.
Talaga ba ganito ang ating lipunan kinabibilangan masyadong mapanghusga!!
Laging ang iyong pangit na karanasan ang kanilang nakikta di ang ikaw talaga!!
Ito ang aking di maunawaan di ba napapansin ang mga magaganda kong nagawa?
Nag sumikap ako para makaahon sa katayuan namin ni ina bakit wala na talaga?
Bakit di ako ipinag laban ng aking mapapangasawa sadya bang di niya ako mahal?
Wala ba siyang sariling pag iisip di ako ipinag laban di ba sapat ang pagmamahal?
Kay daming katanungan ang nag lalaro sa aking isipan tama ba sila ang humatol?
Ang dalangin ko na lang ngayon matagpuan ang lalaking mamahalin bilang ako.
Yong mamahalin kahit anak lang ako sa pagkadalaga kaya tangapin ang pag katao.
Kasalanan bang matatawag na pinanganak ako ng ganito gusto walang pagbabalatkayo.
Ito na lang ang aking hinihiling ngayon masumpungan ang katahimikan sinasamo.
Ang aking ipinagpapasalamat sa poong maykapal kahit di nagtagumpay sa pag ibig.
Lagi naman nandito si ina na laging nakaagapay sa aking natamong kalungkutan.
Basta lagi lang sya sa aking tabi lahat ng pagsubok dumating aking makakayanan.
Kahit lumaki akong alang ama busog naman ako sa pagmamahal ni ina kaya naman,
Nadurog man aking puso aking nakayanan dahil lagi sya sa aking tabi dinadamayan.
Kung nag kataon wala si ina baka di ko ito malalampasan salamat sa tulong mo ina.
Mawala na ang lahat wag lang ikaw lahat aking kakayanin basta dyan ka lang ina.
Kahit lahat sila ikaw ay hinuhusgahan sa akin ikaw ang pinaka dakila aking nakilala.
Wala hihigit pa sa iyo ina kahit di ako mag asawa basta nandiyan ka alang pangamba.
By rhea Hernandez October 25,20011
.
No comments:
Post a Comment