Thursday, October 27, 2011

PARA SA KINABUKASAN!!

PARA SA KINABUKASAN!!
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems
www.tulawento.blogspot .com


Ako’y  isang sa mga Pilipino na nangarap mag trabaho abroad at pinalad naman.
Ilang taon na nga ba akong pabalik balik dito para lang mabigyan kinabukasan,
Mga mahal sa buhay ay mag karoon ng magandang kinabukasan at kapalaran
Tinitiis ang mawalay sa anak at asawa para lang guminhawa ang kabuhayan.

Di ko alintana ang init ng desiyerto alu na kung naiisip ang kapakanan ng pamilya.
Pag ako’y na  hohomesick  akin lang iniisip para ito sa kanila ako’y sumasaya,
Sana’y ito pahalagahan ng aking mga mahal sa buhay at sana ay sila makasama.
Ang mga mahahalagang okasyon di nila ako nakakasama minsan hinahanap na.

Lumalaki ang mga bata na di ko nasusubaybayan dalangin ko lumaking maayos.
Salamat sa aking may bahay nagagampanan ang tungkulin ng kumpleto ng lubos.
Ang aking kalooban nag tatalo kung bakit kailangan kong dito ako ay mag tiis.
Kung mayroon lang akong pag pipilian di ako dadanas ng ganito puro hinagpis.

Aking lang pinagpapasalamat kahit papaano nakakaahon kami sa kahirapan.
Pag ito na ang aking naiisip gumiginhawa ang aking pakiramdam at kalooban.
Makitang ok sila ako ay naliligayahan na kahit malayo ang aking kinaroroonan.
Ang malayo sa mga mahal sa buhay ay di birong sakripisyo at paninindigan.

Ang makatapos sa pag aaral ang mga anak ay sulit ng maturingan sa sakripisyo.
Mahabang panahon mawalay sa mahal kong asawa aking hinahanap ang pag suyo.
Ang pag aalaga niya at pag aasikaso sa aking ay sya kong pinanabikan minuminuto.
Ano ang aking magagawa ayaw kong gumuho ang mga pangarap sa dito sa mundo.

Tuwing aking naiisip bubunuin ko nanaman ang  2 taong singkad di sila kasama.
Parang ayoko ko ng umalis iwanan muli ang pinaka mamahal kong anak at asawa.
Isipin lang na matatagalan nanaman ang aking pag uwi ako’y nalulumbay talaga.
Sabi nga ng marami kaya malaki ang bayad grabe talaga ang lungkot na madarama

Sa wakas ang aking anak na panagnay mag tatapos na sa colehiyo anong ligaya .
Ngayon kanilang ibinalita ang aking pag hihirap ay sulit nakakaalis ng pagod talaga.
Subalit anong lungkot ko di ko masisilayan ang kanyang pag tatapos dapat kasama.
Alam kong itoy inaasam asam ng aking anak na ako ang magsabit sa kanya medalya.

Ano ang aking magagawa nakatali ako sa aking kontrata puso kong nag pupumiglas.
Wala akong magawa gustuhin ko man di ko magawa ang damdamin nag hihinagpis.
Ang makasama ko sila sa ganitong kahalagang okasyon sa buhay nila ay napakatamis.
Subalit di ako makakauwi kaya ang aking kalooban ay punong puno ng pag kainis.

Kaya sabi ko sa kanila mag aral na mabuti at kung makatapos na silang lahat iyon na.
Ang aming iniintay para ako’y tumigil  na sa pag lisan ang silay magraoon ng ginhawa.
Malapit na natatanawan na ang munting liwanag maakakapiling muli ang anak at asawa.
Di biro ang dinanas na pighati at kalung kutan upang makatapos lang sa pag aaral sila.

Kung mayroon lang magandang pag kakakitaan  sa bayang sinilangan sana di lumisan,
Kailan kaya mag kakaroon ng magandang pag kakataon ang kapwa Pilipino sa bayan.
Di na ba ito mababago kabulukan ng bayang sinilangan lahat para umasenso lilisan.
Para mabigyan ng magandang bukas ang mga anak kailangan kang mangibang bayan.

Pipilitin ko umasenso sa susunod na mga panahon di ko kailangan makipagsapalaran.
Hirap makipag sapalaran sa ibang bayan para lang sa kinabukasan may patutunguhan.
Siguro kung ang mga opisyal ng bayan di nila pinagsasamantalahan ang inang bayan,
Siguro alang katulad ko ang mag titiis na mapawalay sa mga mahal buhay kailan man.
Ni rhea Hernandez October 27 2011


No comments:

Post a Comment