Ako’y may nakilala isa syang dayuhan sa lupain sinilangan,
Ako’y nag tataka kung bakit kay daming niyang katanungan!
Noong umpisa gusto ko sanang siya’y iwasan wag pagkatiwalaan.
Ito ay nag umpisa nag may natangap na mensahe sa stranghero,
Pero sa aking isipan may narinig nagsasabi ito ay basahin ko,
Ang mensahe isang pagpapakilala at pakikipagkaibigan mo,
Bakit tinangap ko ang iyong paanyaya inihahandog galing syo.
Dahil dito ako ay umani ng isang matatawag na tunay kaibigan,
Isang masugid na kaibigan laging kinakamusta aking kalagayan.
Akala ko noong una tulad ng karamihan gusto makipagtalastasan.
Subalit di nag tagal nagpahayag ng marubdob na saloobin naman.
Kung may pag kakataon ka nagpapadala ng mensahe lagi sa akin.
Araw at gabi mayroon akong natatangap para ikaw pansinin.
Mga pag uusap sabi mo nagbibigay ng kilig sa iyong damdamin.
Isang araw iyong nabangit ikaw nabihag ko sa puso mo alipin.
Sadyang ikaw nag hahanap ng makakapiling pang habang buhay.
Sa internet ikaw nag halughog upang makita ang babaeng kaagapay.
Di mo sinasadya sa kaydami daming babae sa aking naakit na tunay.
Sabi mo pa nga kay dami mo ng nabasa at tinunghayang ako ang bigay.
Unang sulyap mo palang ikaw ay nabighani sa aking angking kagandahan .
Alang inaksayang oras ikaw gumawa ng kalatas para sa talastasan.
Kaya naman di nag dalawang isip ikaw nag paramdam ng kagustuhan.
Sabi mo pa nga gusto mo na akong pakasalan kahit ngayon na nga.
Hindi mo rin maintindihan ang iyong sarili kung bakit nagmamadali ka.
Basta ang alam mo ako ang babae na gusto mong makasama tuwina.
Ang daming mong sinasabi at handa mong ihandog ang lahat sa akin.
Gusto makasiguro na di ako mawawala sa piling ikaw aking tangapin.
Natatakot ka baka mayroong ibang lalaki na aking puso ay pasukin.
Lagi mong sinasabi na sanay dumating ang panahon ako’y yakapin.
Sa mga inihahandog mo ito’y aking tinangihan di mo inaasahan.
Ang sabi ko ang pag aasawa di nakukuha sa madaliang paraan.
Ito’y pinag iisipan at pinaghahandaan di lang yon dapat nag iibigan. Ang pinaka importante sa pag lagay sa tahimik ay ang pagmamahalan.
Siguro nga iba iyong kultura sa aming mga pilipino sa ngalan ng pag ibig.
Ako naman ay iyong naintindihan sa mga aking tinuran paliwanag.
Kung di tayo mag iingat sa pag pili baka mabiktina ng kamandag,
Ang pag ibig ito dapat suriin at ating limiin kung ito’y matimbang
Sa aking mga tinuran ikaw ay naliwanagan pahinugin sa panahon.
Ang sabi ko sa iyo kung sadyang ibig ng mag asawa ngayon.
Ipag patuloy ang pag hahanap baka sakali may mas makita doon.
Ang sabi mo pa nga kay daming isda sa karagatan ako natatangin doon.
Salamat naman ikaw pumayag ang pag kakaibigan syang pagyamanin.
Baka doon may masumpungan magandang samahan dapat isipin.
Aking ikinalulungkot kundi ko kaya ang alay na pag ibig tugunin.
Aking puso sadya yatang pipi sa inihahandog na pag ibig man din.
Kung ikaw ay handa mag intay ng mahabang panahon di pipigilin.
Wag umasa na ang isinasamong pag ibig hindi ko kayang tugunin.
Pag kakaibigan lang ang kaya kong ihandog sa iyong damdamin.
Humanap ng iba baka masayang ang mga sandali iyong limiin.
by: RHEA HERNANDEZ
No comments:
Post a Comment